Genre Theory Review of Related Lit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Genre Theory

Tuwing ating naririnig ang salitang genre naiisip natin ang iba’t-ibang estilo ng mga pelikula

tulad ng comedy, romance, drama at action. Sanay na tayong kilalanin ang mga paraan at estilo ng

iba’t – ibang genre. Ayon kay Miller (1984) ang genre ay isang social construct at social action na

nagbibigay sa manunulat ng isang paraan na kilala ng marami upang maipaalam ang kaniyang mga

intensiyon. Ang Genre Theory ay nagbibigay ng isang paraan ng pagiisip kung paano

nagdedepende ang lengguwahe sa konteksto.

Ang Genre Theory ay nagbibigay ng paraan ng pag-iisip tungkol sa kung paano

nakadepende ang lengguwahe sa konteksto. Halimbawa, ang Internet bilang isang konteksto ay

mayroon nang iba’t – ibang genre sa pagsusulat. Ilang halimbawa ay ang mga email, blog, tweets

and Facebook updates. Isa pang halimbawa ay ang mga pelikula. Maraming genre na nakapaloob

sa mga pelikula tulad ng comedy, action, romance at marami pang iba.

Sa mga website na pinapanoorn ng pelikula, mayroong hiwalay na seksiyon ang mga gay

and lesbian movies. Bakit nga ba kailangang ihiwalay ito? Hindi ba ang isang romance – comedy na

pelikula na tungkol sa isang gay couple ay romance – comedy pa din? Ang mga storya tungkol sa

mga gay at lesbian ay nakakatawag pansin ng mga manonood na gay at lesbian dahil dito nakikita

nila ang sarili nila. Sa mga pelikula sa Hollywood, ang mga gay na karakter ay kadalasang mga

sidekick lamang ng leading lady, samantalang ang mga lesbian naman ay di masyadong

nabibigyang pansin.

Ang pagkakaroon ng sariling seksyon ng mga gay at lesbian ay makatutulong upang mas

mabigyang pansin ang ganitong mga pelikula at upang mapadali ang paghahanap ng mga

manonood sa nais nilang panoorin. Maaari din itong makatulong sa mga taong kinekwestiyon ang

kanilang sekswalidad.

References:

Miller, Carolyn R. (1984). Genre as Social Action. Quarterly Journal of Speech


Patterson, Sara. (2013). LGBT Genre poses new questions. The Temple News

You might also like