My Success Stor1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MY SUCCESS STORY

“Huwag mong subukan maging matagumpay, subukan mong maging


,mapagpahalaga” – Albert Einstein.

Isang simpleng maybahay na may pitong anak, walang permanenteng


trabaho at tanging ang pagiging gabay at ilaw ng tahanan ang
pinaggugugulan ko ng panahon.ang aking kabiyak ay isang simpleng
magsasaka noon at sa kasalukuyan ay isang drayber ng motorsiklo Sapat at
payak an gaming pamumuhay, may kaunting lupaing sinasaka nang sa
lumaon ay naisanla dahil sa kakulangang pinansyal na pansuporta sa pag-
aaral ng aking mga anak. Hindi ko na inisip kung magtatagumpay ba ako sa
pagsugal ko, pero sabi nga ni Albert Einstein mas matutong magpahalaga,
imbes na isipin ang tagumpay, isipin natin ang pagpapahalaga. Gaya na
lamang sa edukasyon ng aking mga anak na pinaglaanan ko ng
pagpapahalaga.

Taong 2012 nang ako at aking bunsong anak pati ang aking apo ay
mapasama sa programa ng ating pamahalaan na 4Ps o Pamilyang Pilipino
Pantawid Program, hindi ko ito inaasahan sapagkat alam kong mas maraming
mag- anak ang nangangailangan nito, ngunit talagang malaki ang naitutulong
kung marunong kang magpahalaga, hindi ko binalewala ang programang ito,
hindi ko rin inasahan ang maitutulong nito, basta’t sinuunod ko kung ano ang
hinihingi nito.

Natalaga ako bilang isang PL o Parent Leader, sa pagiging isang PL may


kaakibat itong responsibilidad, sabi nga ni Superman, “Great power comes
with great responsibility.” Muli hindi ko tiningnan kung ako ba ay magiging
matagumpay na pinuno kundi pianhalagahan ko ang tiwalang ibinigay sa akin
ng aking ML o Municipal Link, ang tiwala na maging mabuting pinuno sa
kapwa o mga miyembro ng 4Ps at benipisyaryo.

Sa kalasalukuyan, ang ako at ang aking apo na lamang ang kasapi sa $Ps,
sapagkat ang aking bunsong anak ay nakapagtapos nang highschool at
ngayon ay kolehiyo na, naktaulong ng malaki ang suporta mula sa
programang ito sa kanyang pag- aaral, ang salaping natatanggap naming ay
kanyang nagagamit bilang pandagdag sa kanyang baon at ilang
pangangailanagan sa paaralan, para naman sa aking apo na ngayon ay nasa
ikaanim na baitang na sa elementarya, malaking tulong din, sapagkat
naibibigay nito ang kanyang mga pangangailangan sa paaralan, natutustusan
ang kanyang mga bayari sa paaralan at natutukan ang kanyang kalusugan.

Sa programang ito ng pamahalaan, hindi lamang tulong pinansiyal ang aking


nakamatan, dahil a pagkakaroon ng mga FDS, natututo rin kami kung
paanong magungbisang mapanagutang mamamayan sa isip, sa salita at sa
gawa. Hinuhubog nito ang bawat isang magulang na maging huwaran sa
kanilang mga anak at kapwa magulang.

Sa kasalukuyan, aktibo pa rin akong miyembro ng 4Ps, pinipili kong


pahalagahan ang bawat ibinibigay nito sa akin hindi lamang bilang
benepisyaryo kundi bilang isang mapanagutang mamamayan.

Dahil din dito, nahubog ang kakayahan kong maging isang pinuno, naitalga
ako bilang Pangulo ng Samahan ng mga Magulang sa Mababang Paaralan
ng Santiago, mula taong 2018 hanggang sa kasalukuyan, dahil nakikita ko
ang pangangailangan ng paaralan naging daan ito upang magpursigi ako na
maging matagumpay ang proyektong hinihingi ng paaralan, ang seguridad ng
bawat mag- aaral ay mahalaga kaya naman sa tulong ng kapawa ko mga
magulang nakapagpagawa kami ng isang disenteng gate para sa paaralan.

Ito rin ang naging daan para maging aktibong miyembro din ako ng
Pansangay na Samahan ng mga Magulang sa bayan ng Aliaga, naitalaga ako
bilang PIO.

Naging aktibo rin ako sa Zumba ng barangay na nilalahukan ng mga


kababaihan, para mapanatili ang kalusugan at ako ay nagsisilbi sa barangay
bilang isa sa mga BHW o Barangay Health Worker.

Isang tagumpay par sa aking buhay ang dulot nitong tulong sa aking pamilya.

Gaya nga ng sabi sa una, kailangang matutong magpahalaga, wala pa man


ang programang ito natuto na akong magpahalaga na naipasa ko sa aking
mga abnak na katuwang ko na ngayon. Apat na sa kanila ang nakatapos ng
pag- aaral at may kanya- kanya ng pamilya at trabaho.

Isang tagumpay sa sambayanang Pilipino ang 4Ps o Pantawid Pamilyang


Pilipino Program. Nawa ay marami pang pamilya ang matulungan nito.

Ako si Elisa R. Mariano, Parent Leader ng Santiago, One Voice One Group,
responsableng magulang, responsableng mamamayan.

You might also like