Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Negros Island Region


SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
(Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8)

I.Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang
pisikal o cultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa
mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat? (K)
A. imperyo B. kabihasnan C. kalinangan D. lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven
Wonders of the Ancient World” ?
A. Alexandria B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Ziggurat

5. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?


A. Tropikal na klima C. Buong taon na nagyeyelo
B. Maladisyertong init D. Nakararanas ng taglamig sa buong taon
6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa? (P/S)
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa
Panahong Prehistorya? (P/S)
I. agrikultura II. kalakalan III. labis na pagkain IV. pangangaso

A. IV, I, III, II B. II, I, IV, III C. IV, I, II, III D. I, II, III, IV

8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao ?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal

9. Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at
Tsino?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto tungkol sa
pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na
iyon.

A. w at z B. x at y C. y at z D. z at w
11. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? (U)
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

12. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea

13. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng
kanilang mga paniniwala? (U)
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

14. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong
panahong Neolitiko? (U)
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

15. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U)
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

16. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (U)


A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa
daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga
lambak nito.

17. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi
nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?(U)
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

18. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica? (U)
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga- Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya
at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng
kapaligiran sa kanilang buhay

19. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon? (U)
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga
estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
20. “Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa”. Nasa anong
tema ng heograpiya ang pahayag?
A. Lokasyon B. Lugar C. Interaksyon ng tao at kapaligiran D. Paggalaw

21. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
A. Mantle B. Crust C. Core D. Plate

22. Saan matatagpuan ang Prime Meridian?


A. London, England B. Alabama, USA C. Greenwich, England D. Switzerland

23. Ang lupaing saklaw ng Mesoamerica sa kasalukuyan, maliban sa isa.


A. Mexico B. El Salvador C. Costa Rica D. Guatemala

24. Ayon sa Continental Drift Theory “dati magkaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na tinatawag na
A. Bangae B. Pangaea C. Drift D. Super Asia

25. Ang dating Mesopotamia noon.


A. Lebanon B. Iran C. Saudi D. Iraq

II. Ibigay ang mga salitang tinutukoy ng mga sumusunod:

Matandang Kaharian / Ikatlong Dinastiyang Egypt K2

Klima Crust Longitude Mariana Trench

Pharaoh Australopithecine Cuneiform Panahong Neolitiko

Sistemang Caste Satrapy Panahon ng Metal Shah Jahan

Teotihuacan Vedas Panahon Paleolitiko

26. ________ Ang kahanga-hangang pyramid ng Egypt ay itinayo sa panahong ito.


27. ________ Ang sagradong aklat ng mga Aryan sa panahon ng Vedic
28. ________ Ang pinakamahabang yugto ng kasaysayan sa sangkatauhan.
29.________ Ang panahon kung saan nainang ang pagpapanday g kagamitang yari sa tanso.
30. ________Ang panahong nagsimulang mag-alaga ng mga hayop at pananim ang tao.
31. ________ Ang ikalawang pinakamataas na bundok sa mundo.
32. ________ Ang pinakamalalim na bahagi ng Pacific Ocean.
33. ________ Ang tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuturing na isang diyos.
34. ________ Ninuno ng makabagong tao.
35. ________ Ang panahon ng rebolusyong agrikultural.
36. ________ Paraan ng pagsulat ng mga Sumerian
37. ________ Tawag sa lalawigan ng imperyong naitatag ng mga Persian.
38. ________ Ang sistema ng pagpapangkat ng Tao sa lipunan sa panahong Vedic sa India (Kabihasnang Indus)
39. ________ Ang nagpatayo ng Taj Mahal
40. ________ Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit.

III. Hanayin ang Hanay A sa Hanay B. isulat ang titik lamang.

Hanay A Hanay B
41. Kaluluwa ng isang kultura A. Cro-Magnon
42. Lumikha ng sining ng pagpipinta sa kweba B. Wika
43. Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan C. Catal Huyuk
sa kapatagan ng Konya
44. Nile river D. kabihasnan sa Africa
45. Mohenjo-Daro at Harappa E. Dravidian
46. Rubber People F. Iraq
47. Magadha G. Great Wall of China
48. Mesopotamia H. Olmec
49. Shih Huang Ti I. Pataliputra
50. Mesoamerica J. Mexico
K. China

Answer key

1. D
2. D
3. B
4. B
5. A
6. D
7. A
8. B
9. B
10. A
11. C
12. B
13. D
14. D
15. D
16. D
17. A
18. D
19. B
20. C
21. A
22. C
23. C
24. B
25. D
26. Matandang Kaharian / Ikatlong Dinastiyang Egypt
27. Crust
28. Longitude
29. Teotihuacan
30. Klima
31. K2
32. Mariana Trench
33. Pharaoh
34. Australopithecine
35. Panahong Neolitiko
36. Cuneiform
37. Satrapy
38. Sistemang Caste
39. Shah Jahan
40. Mandate of Heaven
41. B
42. A
43. C
44. D
45. E
46. H
47. I
48. F
49. G
50. J

You might also like