Banghay Aralin Sa Pagtuturo NG Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 7

Layunin: Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay:

a. Nalalaman ang kahulugan ng kwentong- bayan. (PN).


b. Nakapagbibigay ng sarling pag-unawa hinggil sa nabasang kwentong-bayan..(PB)

c. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa kwentong-bayan.(WG)

Paglalahad:
a. Balik- aral: Larong dompil
Pagganyak: Hatiin ang mag-aaral sa dalawang pangkat. May isang salitang ibibigay ang
guro. Kailangang makakabuo sila ng isang salita ayon sa huling pantig na ibinigay na salita.
b. Panibagong aralin: "4 na larawan- 1 salita"
Panuto: May apat na larawang ipapakita ang guro. Kailangang magbigay ng isang
akmang salitang nababatay sa larawan.
c.Paglalahad (Paglilinanng)
Paglinang: Ipaliwanag ang salita na nakikita sa larawan. At gumawa ng pangungusap
gamit nito.
d. Pagtatalakay sa nilalaman
Pagbasa batay sa estratehiyang pang-teatro. "Kung Bakit Umuulan"
(Itatanong ng guro ang mga katanungang nasa ibaba, upang masukat ang antas ng lebel
sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa nilalaman ng akdang binasa.)
Mga Tanong:
a. Sino- sino ang mga pangunahing tauhan sa binasang akda?
b. Ilarawan ang relasyon ni Tung-langit at Alunsina.
c. Anu- ano ang inaasahan ng bawat tauhan sa kanilang kabiyak?
d.Paano tinugunan ng magkarelasyon ang mga inaasahang ito? Makatarungan ba ang
kanilang pagtugon? Bakit?
e. Sino sa tingin ninyo ang may higit na makatarungang ikinilos? Bakit?
f. Ano ang napulot ninyong aral sa kwento?
e. Ebalwasyon:
Gumawa ng isang sanaysay at ilalahad nila ang kanilang sariling karanasan na kung saan,
may gusto silang gawin ngunit ayaw ipagawa sa kanila ng kanilang magulang, dahil sa kanilang murang
edad.
Rubriks sa pagmamarka:
NIlalaman 20%
Paraan ng Pagkakasulat 15%
Presentasyon 15%
50%

f. Takdang - Aralin:
Gumuhit ng isang simbolo na siyang maiuugnay mo sa karakter ni Tungkol Langit at
Alunsina

You might also like