Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TAPUSANG PAGSUSULIT SA PAGSUSULIT `10

S.Y. 2017-2018

Pangalan : _____________________________ Petsa: ____________________


Baitang at Pangkat : _____________________ Marka: ___________________
Pangkalahatang Panuto:
 Huwag pabago-bago ang sagot, dahil sa exam yung sagot mo na tama na pala , pinalitan mo pa.
Parang sa pag-ibig, na sayo na nga pinakawalan mo pa.
 Ang pagkuha ng exama y isang malaking desisyon, dapat lagi kang handa, kahit mahirap, go lang! At minsan kahit
ibinuhos mon a ang lahat bumabagsak ka pa din. Kaya dapat lagig handa. Masasabi mo na lang na, “I did my best,
but my best wasn’t good enough”. Mag-move on.
 Bawal na bawal tumingin sa sagot ng iba dahil ito ay pag-aari niya. Tandaan, ito ay pag-aari na niya! Huwag mo ng
pag-interesan pa!
 Maging honest! Ok? Maging honest! Dahil hindi lahat ng pagkakamali, sorry ang katapat! Hindi naman April Fools
huwag kang manloloko!
 Ang test paper ay dapat sineseryoso, sagutan mo ng maayos, huwag mo itong paglaruan, dahil wala naman siyang
hinangad na panget para sa iyo, tandaan! Wala siyang ginawang mali sayo!
 Lastly, kapag hindi mon a alam ang sagot, ipasa mo na, kaysa titingin at magtatanong ka pa sa sagot ng iba. Uulitin
ko, IPASA MO NA, huwag mon ang ipaglaban dahil sa huli, MASASAKTAN KA LANG ! Let it go!
Halaw sa Kwentong Maligayang Pasko Kabanata VIII ng El Filibusterismo

“Ayon sa matatanda, ang Pasko sa Pilipinas ay araw ng mga bata. Ngunit para sa mga bata, itoy kanilang kinatatakutan.
Sa araw na iyon, sila ay ginigisingin ng maaga at binibihisan ng magagandang damit. Isisimba sila sa misa mayor na tumatagal
ng halos isang oras. Pinagtitiis sila sa init at iba’t ibang amoy ng mga taong pawisan. Kung hindi ka naman pagdadasalin ng
rosaryo, kailangan ay hindi ka na lang kumibo hanggang ikaw ay nayamot at antukin. Kurot o bulyaw ang tinatanggap ng
kalikutang nakapagpaparumi ng damit kaya mas gusto pa nilang suotin ang kanilang pangaraw-araw na damit.”

30. Ayon sa mga nakatatanda, ang pasko ay para sa mga bata. Bakit hindi sa mga bata ang nasa kabanata?
a. Dahil nagagawa ng mga bata ang kanilang gusting gawin sa araw ng pasko
b. Dahil sila ay binibihisan ng magagandang damit at binibigyan ng mga regalo sa araw ng pasko
c. Dahil labag sa kagustuhan ng mga bata ang kanilang natatamasa sa sa araw ng pasko
d. Dahil itoy tradisyon ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng pasko
31. Bakit pinamagatan ni Rizal na Maligayang Pasko ang kabanata. Ano ang kanyang layunin o ipinapahiwatig dito?
a. Masasaya ang mga tauhan sa kwento sa panahon ng pasko
b. Dahil dama ng mga tauhan sa kwento ang totoong diwa ng pasko
c. Dahil taliwas ito sa totong diwa ng pasko ang nararanasan ng mga tauhan sa kwento
d. Wala sa na banggit
32. Anong damdamin ang namayani sa mga tauhan sa kwento?
a. Pagkainis at takot ng mga bata sa kanilang mga magulang
b. Pagpapasalamat sa araw ng kapaskuhan
c. Pagmamahalan sa bawat isa bilang isang pamilya
d. Kasiyahang walang humpay ng mga kabataan
33. Ang pamagat ng kwento ay Maligayang Pasko. Totoo bang maligaya ang pasko ng mga bata?
a. Oo, dahil nagagawa ng mga bata ang kanilang gustong gawin sa araw ng pasko
b. Oo, dahil dama ng mga bata ang diwa ng pasko
c. Hindi dahil wala silang natangap na aginaldo
d. Hindi dahil pagkainis at takot ng mga bata sa kanilang mga magulang
34. Sa kasalukuyang panahon, Ganito rin ba ang nararanasan ng mga kabataan sa panahon ng kapaskuhan sa kanilang mga
magulang?
a. Oo, patuloy parin ang nararanasan ng mga bata sa kwento
b. Oo, nauulit lamang ito hanggang sa kasalukuyang panahon
c. Hindi sapagkat binigyan na ngayon ng importansiya ng mga magulang ang kanilang mga anak na maipadama sa
kanila ang tunay na diwa ng pasko
d. Wala sa nabanggit

Halaw sa Kwentong “Si Basilio” Kabanata VI ng El Filibusterismo


(para sa bilang 6-10)

Si Basilio ay namasukan bilang isang alilang-kanin kay Kapitan Tiago. Iyon bang walang suweldo; pakakainin
lang siya ay sapat na para lamang mabuhay. Nagsikap siyang mabuti para mapuna ang kasipagan. Nagbunga ito nang
payagan siyang mag-aral ni Kapitan Tiago bilang kapalit sa kanyang paglilingkod hanggang sa siya ay magiging
manggagamot. Nagtiis siyang libakin o pagtawanan ng kangyang kapwa mag-aaral at maging ang kanyang mga guro,
dahil sa paraan ng kanyang pananamit at paggamit ng bakya. Tuwing lalabas siya ng klase ay talaga namang di niya
mapigilan ang pagluha kaya, ang ginawa niya ay nagpatuloy at nagtiyaga hanggang sa siya ay nagtagumpay. Palibhasa
ito nga ang pinakatumpak sa kanyang mga ugali.

35. Paano naipagpatuloy ni Basilio ang pag-aaral sa likod ng kanyang kapalaran?


a. Tiniis niya ang hirap at pangungutya ng kanyang kapwa mag-aaral makamit lamang ang kanyang gusto bilang
isang manggagamot.
b. Plano na niyang magpasagasa sa mabilis na takbo ng karwahi para matapos na ang kanyang paghihirap sa buhay
c. Sunudsunuran siya sa kagustuhan ni Kapitan Tiago para maabot ang tagumpay niya sa buhay
d. Wala sa nabanggit
36. Anong kurso ang napagtagumpayan ni Basilio sa kanyang pag-aaral?
a. Pag-aabugasya c. Pag-manggagamot
b. Pag-susundalo d. Pagiging Guro
37. Kung ikaw si Basilio, ano ang iyong gagawin upang mabago ang antas ng iyong buhay?
a. Ipagkibit-balikat at iasa sa kapalaran ang kinabukasan
b. Magsumikap at ipagpatuloy ang pag-aaral para maiangat ang sarili sa maayos na kinabukasan
c. Iasa ang kinabukasan sa kakayahan ng magulang
d. Mag-asawa nang maaga para may katuwang sa pagplano ng kinabukasan
38. Sa kwento ito, Ano ang inilarawan ni Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng karanasan ni Basilio?
a. Pagkawalang gana sa buhay sa likod ng mapapait na karanasan
b. Takasan ang suliranin sa buhay
c. Sipag..Tiyaga…Tagumpay
d. Ipagkibit-balikat at iasa sa kapalaran ang kinabukasan
39. Sa kasalukuyang panahon, hinahayaan pa rin ba ang dinanas ni Basilio sa loob ng paaralan sa kamay ng kanyang
kapwa mag-aaral at mga guro nito?
a. Oo, para magtino ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral
b. Oo, para maging desente ang mga mag-aaral sa pagsuot ng kanilang “uniform”
c. Hindi para makapag-aral ang lahat ng mga kabataan
d. Hindi dahil protektado na ang mga kabataan ngayon ng batas na “Child Protection Policy” sa loob at labas ng
paaralan
40. Siya ay ama ni Kabesang Tales.
a. Tandang Selo b. Basilio c. Isagani d. Kabesang Tales
41. Ang kura ng Tiyani na may pagnanasa kay Juli.
a. Padre Damaso b. Padre Camora c. Padre Irene d. Padre Fernandes
42. Ang Dominikanong vice-rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas.
a. Padre Damaso b. Padre Irene c. Padre Fernandes d. Padre Sibyla
43. Ang Dominikanong vice-rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas.
a. Padre Damaso b. Padre Irene c. Padre Fernandes d. Padre Sibyla
44. Ang tagapagpasya sa usaping Akademya ng Wikang Kastila.
a. Padre Sibyla b. Don Custodio c. Simoun d. Basilio
45. “Naglagalag ako at nagsikap makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layon. Nagbalik upang
ibagsak ang masamang pamahalaan, padaliin ang kanyang pagkasira kahit na dumanak ng maraming dugo.”Sino ang
nagpahayag nito?
a. Basilio b. Isagani c. Simoun d. Placido
46. “Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang doon sa karapat-dapat at hindi sa mga taong marumi ang kalooban at
walang mabuting asal.”Sino ang nagsalaysay nito?
a. Padre Fernandes b. Padre Irene c. Padre Camorra d. Padre Sibyla
47. “Tatalon na muna ako sa dagat o kaya’y manunulisan na muna ako bago bumalik sa unibersidad.” pahayag ni
a. Basilio b. Isagani c. Simoun d. Placido
48. Ang pahayag ni Don Custodio ay
a. “Upang mapaamo ang mga Pilipino, kinakailangan ulitin sa kanila araw-araw na sila’y walang kakayahan.”
b. “Ang hangarin ko lamang ay gamutin ang mga sakit ng aking mga kababayan.
c. “Kung magkakagayon nga sana, ngunit kailan pa, kung ako’y matanda na?”
d. “Maaari ko bang isulat ang tungkol sa bagay na iyan.”
49. Ang pahayag ni Kabesang Andang ay
a. “Kung sa bagay, hindi masama ang panukalang iyan, ngayong hindi na mapag-aaralan ang Latin, ay pag-
aaralan naman ang wikang Kastila. Diyan makikilala na tayo’y lumalakad ng paurong.”
b. “Naipangako ko sa iyong ama na aarugain kita, patuturuang maging ganap na abogado. Ginawa ko ang lahat
upang makapag-aral ka.”
c. “Siya, bumalik na tayo kung ayaw mo. Pabayaan mong barilin si Basilio sa daan at sabihing nagtangkang
tumakas. Kapag patay na ay saka ka magsisi.”
d. “Pinadadalhan tayo ng Diyos ng gayong mga parusa dahil tayo ay makasalanan o may kamag-anak na
makasalanan na dapat sana’y tinuruan natin ng kabanalan subalit hindi natin ginawa.”
50. Nakarinig si Basilio ng alatiit ng natapakang mga tuyong sanga at kaluskos ng dahon. Ano ang kahulugan ng alatiit?

a. Ingay ng mga puno


b.Mahinang tunog ng nabaling tuyong kahoy o sanga
c. Humampas na dahon
d. Ingay ng malakas na hagin
51. . "Kapag wala ng busabos at nambubusabos, kapag wala ng alipin at mang-aalipin." Ano ang kahulugan ng busabos?

a. walang malay
b. sadlak sa hirap
c. baon sa kahirapan
d. lubhang mababa ang pakikitungo ng kapwa at tinitingnan bilang alipin
52. "Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayon sa iba, Tsino, ang iba naman,Indiyo." Ano ang
ipinapahayag nito?
a. Hindi mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba.
b. Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw.
c. Hindi alam kung kailan darating ang magnanakaw.
d. Sila lang ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi.

53.. "Hindi ka na mananagot dito. Itatago unti-unti ang mga baril sa bawat bahay." Ano ang damdaming ipinahahayag?

a. naniniguradu c. nagsusumamo
b. nagpapaalaala d. nakikiusap
54. "At sapagkat ang bayan ay tulad nga ng bangkay na wala nang magawa, pinalala ko ang kabulukan, dinagdagan ko ang
lason upang mamatay ang lawin na siyang nanginginain,"
anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag?
a. pagmamalabis c. pagsasatao
b. pagtutulad d. pagwawangis
55 Ano ang ipinahihiwatig ng hapis na mukha ni Simoun ng ito ay patay na?
a. Nahirapan sa sakit
b. Bakas ang kasawian ng isang buhay na walang kabuluhan
c. Ayaw pa sana niyang mamatay
d. May mga plano pa siya na hindi naisakatuparan
56. Nakarinig si Basilio ng alatiit ng natapakang mga tuyong sanga at kaluskos ng dahon. Ano ang kahulugan
ng alatiit?
a. Ingay ng mga puno
b. Mahinang tunog ng nabaling tuyong kahoy o sanga
c. Humampas na dahon
d. Ingay ng malakas na hagin

57. "Kapag wala ng busabos at nambubusabos, kapag wala ng alipin at mang-aalipin." Ano ang
kahulugan ng busabos?
a. walang malay
b. sadlak sa hirap
c. baon sa kahirapan
d. lubhang mababa ang pakikitungo ng kapwa at tinitingnan bilang alipin
58. "Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayon sa iba, Tsino, ang iba
naman, Indiyo." Ano ang ipinapahayag nito?
a. Hindi mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba.
b. Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw.
c. Hindi alam kung kailan darating ang magnanakaw.
d. Sila lang ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi.
59. "Hindi ka na mananagot dito. Itatago unti-unti ang mga baril sa bawat bahay." Ano ang
damdaming ipinahahayag?
a. naniniguradu c. nagsusumamo
b. nagpapaalaala d. nakikiusap
60. Bakit ayaw ni Huli na lumapit kay Padre Camorra?
a. Baka siya alilain ng pari.
b. Batid niyang may masamang tangka ito sa kaniya.
c. Makapangyarihan ang kura
d. Nambubugbog si Padre Camorra.
Pakikinig

You might also like