Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Filipino Grade-9

(Noli Me Tangere – Aralin 4.2)


Tuklasin

I. Layunin

1. Nakikilala ang mga tauhan ng nobela.


2. Nailalarawan ang mga katangian ng bawat tauhan

II. Nilalaman

Paksa: Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Akdang Pampanitikan : Nobela

Wika : Pagsulat ng Liham Pangkaibigan

Kagamitan: Tulong Panturo

III. Istratehiya sa Pagtuturo/Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pag-alam ng liban sa klase
3. Pangganyak

Pagpapakita ng larawan ng mga sikat na personalidad na may mahalagang kontribusyon sa

lipunan at tukuyin ang mga sinasagisag nito

Kontribusyo
Larawan Sagisag
at

Katangian

B. Pagtataya
Panuto : Hulaan kung sino sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang nagwika ng sumusunod na
pahayag. Gamitin ang clue para madaling maibigay ang sagot.

1. “ Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan”
C __ I __ __ S T __ M __ __ B __ __ R A
2. “ Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda
akong magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay magiging kasawian
ko rin “
E __ I __ S
3. “ Ang karunungan ay para sa lahat ngunit huwag mong lilimuting iya’y natatamo ng mga may
puso lamang.”
G __ R __
4. “ May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- Ang hinaharap ay nabubuksan pa
lamang para sa iyo, Sa akin ay ipinipinid na…”
D __ N R A __ A __ L
5. “ Dapat bigayang-dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa hindi kung patay na.”
P I __ O S __ P __ N __ T A __ Y O

C. Pagbasa sa Lunsarang Teksto


Pagkilala sa mga pangalan at katangian ng mga tauhan ng Noli Me Tangere.

D. Pagpapayaman sa Akda
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng tableau hango sa tunay
na buhay na nagpapakita ng nakalaang pag-uugali. Iprisinta ito sa klase.

Pangkat I – Maginoo

Pangkat II- Mapanuri

Pangkat III- Sunud-sunuran

Pangkat IV- Matiisin

Pangkat V- Mapaghiganti

E. Paglalahad ng Mahahalagang Tanong

A.) May kaugnayan ba ang mga tauhang likha ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere sa
kanyang buhay?
B.) Sino ang sinisimbolo ng mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang akda?Magbigay ng
mga patunay.
Linangin

Layunin:

1. Nailalarawan ang mga katangian ng bawat tauhan at ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela.
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag.

A. Panimulang Gawain:
a.1 Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mga tauhan sa teleseryeng “Ikaw Lamang”
At “ Carmela”. Mula ditto ay pipiliin nila ang mga tauhang sa palagay nila ay may
mahalagang ginagampanang papel sa teleserye. Ipaliwanag kung bakit siya ang napili.

a.2 Aktibiti

Mula sa akdang Noli Me Tangere, Pipili ang mga mag-aaral ng anim na tauhan
na sa tingin nila ay mahalaga. Iranggo ang pagpapahalaga sa pamamagita ng bilang 1
hanggang 6.

B. Presentasyon
b.1 Pagpapayaman sa akda
b.1.1 Pabubuuin ang mga mag-aaral ng isang dayagram kung saan magkakaugnay ang
mga tauhan ( Kolaboratibong Gawain).

Maria

Clara

Tiya
Kapitan
Isabel
Tiyaga

Tiya

Isabel

Input ng Guro:

Ilalahad ng guro ang mga taong kinakatawan ng ilang tauhan sa Noli Me Tangere.

b.1.2 Tutukuyin ng mga mag-aaral kung sino ang tauhan ng nobela ang kumakatawan sa kanya.
Ipaliwanag ang dahilan kung bakit niya napili ito.

b.1.3 Pumili ng tauhan sa Noli Me Tangere at sabihin kung sino ang kinakatawan nito o
sinisimbolo.
b.2 Rubrics / Pamantayan sa Pagganap

Pamantayan sa pagganap sa tauhang ipinapakilala.

Who am I?

Napakahusay 5 puntos

Mahusay 4 puntos

Katamtaman 3 puntos

Di gaanong mahusay 2 puntos

Lubhang di- mahusay 1 puntos___

KABUUAN 15 Puntos

b.3 Pangkatang Gawain:

Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Bawat pangkat ay magsasagawa ng


pagpapakilala ng bawat tauhan sa istilo na kanilang ninanais . ( Who am I? Acitivity)

B.4 Pagbabahaginan

b.5 Fidbaking

Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng puna hinggil sa isinagawang aktibiti. Magbibigay


din ng pinal na fidbak ang guro.

C. Pagsasanib Gramatika At Retorika

Ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na matatalinhagang pahayag ng mga pangunahing


tauhan sa Noli Me Tangere.

1. “ Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan”

2. “ Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong
magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay magiging kasawian ko rin “

3. “ Ang karunungan ay para sa lahat ngunit huwag mong lilimuting iya’y natatamo ng mga may
puso lamang.”

4. “ May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- Ang hinaharap ay nabubuksan pa
lamang para sa iyo, Sa akin ay ipinipinid na…”

5. “ Dapat bigayang-dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa hindi kung patay na
Pagnilayin at Unawaiin

I Layunin:

1. Nakikilala ang mga tauhan ng nobela batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa.
2. Naiuugnay ang mga katangian ng mga tauhan ng nobela sa tunay na buhay.

II Nilalaman:

A. Paksa : Mga Tauhan ng Noli Me Tangere


B. Akdang Pampanitikan : Noli Me Tangere

III Pamaraan

A. Panimulang Gawain:
Video Clip : Magpapakita ang guro ng mga piling tagpo mula sa teleserye na nagpapakita ng
iba’t-ibang taung na maihahambing / maiuugany sa mga tauhan ng Noli Me Tangere

B. Pagbabalik-Aral:
1. Graphic Organizer:

Makatotohanan ba ang mga tauhang nilikha ni Jose Rizal ?

Oo Hindi

Mga Patunay

Kongklusyon

C. Mahalagang Konsepto:
1. Dugtungan Natin : Dudugtungan ng mga mag-aaral ang pangungusap upang mabuo ang
mahalagang konsepto

Natutunan ko na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay

_________________________________________________________________

2. Pangkatang Gawain:
Pangkat I :
Magsasadula ng isang tagpo mula sa Noli Me Tangere na maiuugnay sa
tunay na buhay.
Pangkat 2 :
Pagbabahagi: Magbabahagi sa klase ang mga myembro ng pangkat ng
mga gawi / ugali ng mga myembro ng kanilang pamilya na sumasalamin sa Noli
Me Tangere.

Pangkat 3 :
Awit: Pipili ang pangkat ng isang kanta na aakma sa kabanatang
tinalakay at aawitin ito.

Magkakaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro sa pagitan ng guro at mga mag-aaral patungkol sa


mga gawaing isinagawa.
ILIPAT

I.Layunin

1. nakasusulat ng isang liham pangkaibigan

2.nakakapagpahayag ng damdamin sa pagsulat ng liham

II. Nilalaman

Paksa: Pagsulat ng Liham Pangkaibigan

Akdang Pampanitikan: Nobela

Kagamitan: papel at panulat

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pag-alam ng liban sa klase
B. Pagganyak
Panonood ng video clip (isang liham)
C. Pagsasagawa ng Produkto
G- Makasulat ng isang liham pangkaibigan na may paghahambing sa isang tauhan ng Noli Me
Tangere

R- Indibidwal na Gawain

A- Guro at Mag-aaral

S- Upang makalikha ang mga mag-aaral ng isang liham na may kaangkupan,lohikal at maayos
at makatotohanan.

P- Pagsulat ng Liham

S- Pamantayan sa Pagpupuntos

1.Kaangkupan 30 %

2.Lohikal at maayos ( pormat at teknikal na aspeto ng pagsulat ng liham 30%

3.Makatotohanan 40%

Kabuuang Puntos 100%

You might also like