Pcso

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paraan ng paghingi ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay isang ahensya ng gobyerno na naglalayong
makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong medikal. Gayunpaman,
may prosesong kailangang pagdaanan bago makakuha ng tulong mula sa PCSO.

Narito ang detalyadong listahan ng lahat ng mga dokumentong kailangang ipasa sa PCSO kung hihingi ng
tulong, pati na rin ang ilang paalala kung pupunta sa kanilang tanggapan.

Mga dokumentong kailangan para makahingi ng tulong o Guarantee Letter mula sa Philippine Charity
Sweepstakes Office (PCSO)

1. Sulat mula sa pasyente (o mula sa magulang, kapatid o anak ng pasyente na humihingi ng tulong para
rito) na naka-address kay Jose Ferdinand Rojas II, General Manager

a. Kung tiyo, tiya, pinsan, pamangkin o kaya second degree relative ang susulat, kailangan ng:

i. Letter of authority mula sa pasyente na sinasabing puwedeng kunin ng kamag-anak ang tulong para
sa kanya

ii. Kung baldado ang pasyente at di makapipirma, kailangan ng power of attorney

iii. Photocopy ng identification card (ID) ng pasyente at ng kamag-anak

iv. Hindi puwedeng maging representative ang live-in partner ng pasyente

2. Original o photocopied pero certified true copy ng medical abstract

a. Siguraduhing may pirma at license number ito ng attending physician

3. Original copy ng bill, costing ng botika, quotation ng laboratory request—lahat mula sa ospital

a. Siguraduhing may pirma ito ng hospital cashier

4. Kung mahirap o kaya kapos sa pera, dalhin din ang:

a. Original copy o photocopied pero certified true copy ng endorsement letter mula sa social service
office ng ospital

b. Original copy o photocopied pero certified true copy ng idigency certificate mula sa barangay

5. Kung manghihingi ng wheelchair, kailangan din ng 1 whole body picture

6. Kung manghihingi ng hearing aid, magdala ng audiological evaluation mula sa audiologist


Mga dapat gawin para makahingi ng tulong sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

1. Ihanda ang mga dokumentong kailangan.

2. Dalhin ang kumpletong mga dokumento sa PCSO.

3. Pumunta nang maaga. Pumila hanggang sa ma-interview ng social worker. Ibibigay niya ang schedule
kung kailan kukunin ang Guarantee Letter.

4. Balikan ang Guarantee Letter sa date na itinakda. Pagkakuha, ibigay ito sa billing section, laboratory, o
botika ng ospital.

Mga tip para sa mga hihingi ng sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

1. Ihanda ang lahat ng dokumentong kailangan.

2. Siguraduhing kumpleto ang lahat ng mga dokumento

3. Kung may dagdag na tanong, magbasa muna ng impormasyon na nasa www.pcso.gov.ph

4. Pumunta nang maaga sa PCSO Charity Assistance Department, Ground Floor, Lung Center of the
Philippines, Quezon Avenue, Quezon City. Bukas ito mula 7 a.m. hanggang 4 p.m.

a. Para sa mga Provincial Branches, hanapin ang mga address sa PCSO website

b. Ihanda ang sarili na pipila nang buong araw; magdala ng sariling tubig at kaunting pagkain

c. Huwag magsama ng bata

d. Hindi kailangang isama ang pasyente

Source: PCSO, January 2014

You might also like