Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tundra

Sa pisikal na heograpiya, ang tundra isang biyoma (biome) kung saan temperatura at
maikling panahon ng paglago. Isa itong rehiyong hindi na tinutubuan ng punongkahoy.
Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga rehiyong artiko.[1]
Nagmula ang katawagang tundra mula sa Kildin Saming tūndâr, nangangahulugang
"tuyo na kapatagan, walang kahoy na kasukatan ng bundok."[2] May dalawang uri ng
tundra: Artikong tundra (na mayroon din sa Antartika) at pang-Alpes na tundra

Savana

Ang isang sabana (sa Ingles: savanna o savannah) ay magkahalong kakahuyan at


damuhan na ekosistema na karaniwang may mga puno na may mga sapat na puwang para
ang canopy (o mga korona ng mga puno) ay hindi magsasara. Pinahihintulot ang bukas
na canopy na magkaroon ng sapat na ilaw na aabot sa lupa upang makatulong sa paglago
ng damo

Rainforest
Ang rainforest ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang
pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78
pulgada). Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa mundo ay katutubo sa mga maulang
gubat. Ang lupa dito ay kaagad tinutubuan ng mga makapal na mga baging, palumpong,
at maliliit na mga punong matatawag bilang isang kasukalan sa Ingles. May dalawang uri
ng maulang gubat ang tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

Ang salitang prairie ay mula sa wikang Latin na "pratum" na ang ibig sabihin ay
meadow. Ang katumbas ng salitang prairie sa tagalog ay ang tinatawag na kaparangan.
Ang kaparangan ay isang pantay na lupain na natatakpan ng mga damo. Ang mga prairie
ay lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply – rooted tall grasses.
Ang prairie ay bahagi ng uri ng vegetation cover.

Ang steppe /is·tep/ (hango sa Russian: степь, "steppe") sa heograpiyang pisikal ay isang
ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at
subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang
malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito,
maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at
lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng
damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng
kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay
tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

Ang taiga ay nangangahulugang "kagubatan" sa salitang Ruso. Ang taiga ay coniferous


ang mga kagubatan bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa
anyong yelo o ulan. Ang taiga ay isang rocky mountanuos terrain. Ang taiga ay bahagi ng
uri ng vegetation cover.

You might also like