Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Maikling kwento

1. Banghay Ng Kwento

PAMAGAT: Aso ni Virgilio Blones


Paliwanag; ipinapakita ng awtor na aso ang naging pamagat ng kwento dahil ipinapakita
niya ito na ang aso ay may silbi sa buhay ng tao at lahat sila ay bigyang ng pagmamahal
dahil sila ay nakakatulong sa ating paligid .

Aso
Lumutang sa katahimikan ng hatinggabi ang tangungoy ng isang aso. Nagliklik sa
kakahuyan at inihatid ng panggabing simoy sa loob ng nag-iisang maliit na kubo sa kaingin.
Naalimpungatan si Nana Sebya. Gulilat na napahawak sa kalamnan ng bisig ng
nahihimbing na asawa at dalas-dalas na inalog iyon. “O, Pento, ayan na naman!”
Bumalikwas si Tata Pento at naupo sa sahig. Tinalasan niya ang kanyang tainga.
Muling umagaw-aw ang tangungoy. Sa kanilang pandinig, ang tangungoy ay tila
daing ng isang kaluluwang naghihirap at nagmamakaawa.
“Ano’ng sabi ko sa’yo Pento?” nangangatal na tinig ni Nana Sebya.
“Ang dinaanan ng ‘sang katerbang lintik!” bulalas ni Tata Pento. “Talaga ‘atang
nanggagalit, a!”
“Natatakot ako Pento,” at nagbangon na rin si Nana Sebya, umisod at naupo sa tabi
ng asawa, at kumapit sa bisig ni Tata Pento na tila madadala ng malakas na agos sa ilog.
“Kow!” malakas na sagot ni Tata Pento. “Anong ikakatakot mo?”
“Me pamahiin, Pento,” pahli ni Nanay Sebya na paanas rin, “na ang ibig sabihin ng
tangungoy ng aso sa hatinggabi, e may mamamatay! Wala tayong kapitbahay rito!”
“O. ..”
“Baka. . .Baka. . . Huwag nawang ipahintulot ng Diyos!” nagkurus si Nana Sebya at
inusal na pabulong at mabilis ang isang maikling dalangin.
“Kaukulan!” mariing sabi ng Tata Pento. “Natatandaan mo ba nang tumangungoy isang
hatinggabi ang aso ni Kapitan Kulas? O, e ano? Namatay ba si Kapitan Kulas?”

1
“Hangga ngayo’y malakas pa sa samulag si Kapitan Kulas, a! Ba, di ba’t nilagadlad
niya ng taga ang kanyang aso dahil nga sa pamahiing ‘yan? O. di ang aso ang namatay.
Hale, magsabi ka!” Humalakhak si Tata Pento.
Napahinto siya ng paghalakhak nang muling manuot sa kanilang pandinig ang
tangungoy mula sa kalayuan. Napaantada na naman si Nana Sebya.
“Mabuti ‘ata,” nangangatal ang dalawang kamay na hawak sa bisig ni Tata Pento, “e
pasa-bayan na muna ako. Baka mamatay ako rito. Me nerb’yos na ‘ata ako,” at wari’y
pinakiramdaman ng babae ang sariling katawan.
“Ang babaing ‘to,” sabi ni Tata Pento sa malakas na tinig. “ikaw lang ang gumagawa
ng multo e! Makakaano kaya ang tangungoy?”
“KInikilabutan akong palagi. . .”
“Dumito ka na’t magsasawa rin sa katataghoy ang asong ‘yon!”
“Ilang gabi na ba, Pento, na nananaghoy ‘yon?”
“Maski sanlibong gabi!”
“Tatlong gabi na ‘ata! Kung nagsasawa ‘yon e tumigil na sana,” umipod si Nana
Sebya nang dikit sa asawa. “Ikaw ‘tong nagsawa sa kahahanap e! Nalibot mo na ‘ka mo
ang buong kaingin e hindi mo matagpu-tagpuan. . . Wala na ‘ka mo, pero pagdating ng
gabi e. . .”
Umulit ang tangungoy.
“O, ayan na naman!”
“Nakapagtataka. . .!” sabi ni Tata Pento. “Hindi malaman kung nasaan ang lintik!
Tuwing tatangungoy e papanaugan mo, pero hindi pa sumasayad ang paa mo sa lupa, e
biglang hihinto, at tatahimik ang buong kaingin. Paramg may h’wisyo ang tinamaan ng
bagkat!”
Hindi umimik si Nana Sebya.
“Sisigidahan mo ng hanap e ayaw tumangungoy,” dugtong ni Tata Pento na waring
sa sarili nakikipag-usap. “Pero pagdating mo ng bahay, pag napatay na ang ilaw at nakahiga
kana, e saka biglang tataghoy! Parang nananadya! Sa araw naman e wala akong inaatupag
kundi hanapin, pero wala ka naming marinig ni ungol, ni ano!”
“Baka maligno!” nahihintakutang hula ni Nana Sebya.

2
“Ang sinabakan ng ‘sang kaskong lintik!” biglang nagngitngit si Tata Penton. “Ke
maligno, ke impakto, pag di ko tinadtad. . .!”
“Nagtindig si Tata Penton. Lumapit sa sulok at at kinapa ang takyarang nakasabit
sa isang nakausling pako sa haligi. Madaling isinukbit niya iyon sa baywang. Makailan
munang pinakagat sa kuko ng hinlalaki ang pisaw, bago isinuksok iyon sa takyaran.
“Makitang-makita ko lamang!”
Napatindig na rin si Nana Sebya. “Mananaog ka ba!”
“Nasa imp’yerno man ang damuhong asong ‘yon, e hindi ko lulubayan nagyon ng
hanap! Baka umagahin ako,” paalaala mi Tata Pento, “e huwag mo akong hintayin.
Papasukin ko ang kakahuyan sa kabila ng kaingin natin!”
“Kinakabahan ako.”
“Kow, akin na nga ang posporo’t sisindihan ko ‘tong ilawan,” sabi ni Tata Pento at inalog
ang ilawan kung may nalalabing gas.
“Bukas na ng umaga, Pento. Pabukas ka na.”
“Huwag kang mag-alala, Sebya. Hindi ako maaano. Akina ang posporo.”
Ngunit ayaw pumayag si Nana Sebya. Ayaw niyang paiwan. Hindi niya iniabot ang
posporo sa asawa.
“Akin na sabi ang posporo’t nang matodas na ang lintik na ‘yon,” pamimilit ni Tata
Pento.
“Kung talaga bang aso ‘yon, e di nakita mo na?”
“Dumali ka na naman!”
“Basta’t uuwi ako sa bayan,” ani Nana Sebya. “Baka kung ano na ‘yon. . .”
Inilapag ni Tata Pento ang perko sa palababahan. Nagngingitngit ang dilim sa kubo.
Lumapit siya sa kinatatayuan ng asawa.
“Alam mo naman, Sebya, na kailangan kita rito, sabi ni Tata Pento na bumaba ang
tinig. “mahirap sa akin ang mawalan ng kasama rito. Sino ang makakatulong ko sa
pagkakaingin? Sino ang magluluto? Sino ang maglalaba?”
“Magbalik na kaya tayo sa kabayanan. . .” mungkahi ni Nana Sebya. “Baka kung ano ang
sapitin natin dito. . .”
“Magbalik? Aba, at dahil lamang sa tangungoy ng isang aso?”

3
Sa labas ay bumagsak ang malaks na ulan, ngunit naulinigan na naman nila ang
alingawngaw ng taghoy ng aso kung saan.
Sa pamamanaag pa lamang ng araw kinabukasn ay nagbalot agad si Nana Sebya. Titingin-
tingin lamang si Tata Pento.
“Sabi ko na naman sa’yo, Sebya, na dumito ka’t ako ang bahala,” ani Tata Pento na
nakaupo sa pinakataas na baitang ng hagdan. “Ngayon ka lang natakot nang naririto ako!”
Hindi kumibo si nana Sebya. Patuloy siya sa pagbabalot ng damit.
“Ke-tagal na nating nagkakaingin, e hindi ka natakot. Ngayon e, natakot ka sa tangungoy
lamang?”
“Talagang hindi na ako pagagabi rito, Pento.”
“Dumito ka’t hindi ko lulubayan ng hanap ang asong iyon,” sabi ni Tata Pento.
“Hamu’t iuuwi ko sa iyo nang walang ulo!”
“Hindi mo naman makikita. . .”
Napabuntong hininga si Tata Pento.
“Pagnakita mo na, saka mo ako sunduin sa bayan. . .”
Ang pagkakauwi ni Nana Sebya ay lubos na dinamdam ni Tata Pento. Para siyang
nawalan ng isang kamay. Napagbalingan niya ang asong iyon. Nadama niyang sumulak
ang kanyang dugo.
“Pag hindi ko tinadtad. . .!”
Binunot niya sa takyaran ang pisaw at muli niyang inihasa. Ipinasiya niyang huwag nang
tigilan ang paghanap sa aso. Humigop siya ng isang tasang salabat, at tuloy-tuloy nang
nanaog.
Masama ang panahon. Kasinsama ng loob ni Tata Pento.
Pinasok niya ang kasukalan. Parang ibinudbod ang mga limatik sa mga dahon, sa nag-
usling mga ugat, sa balat ng mga punungkahoy, at sa naghalihaw na mga baging. Hindi
siya makaagad sa mga limatik at nangag-uunahan sa singit ng kanyang mga daliri sa kamay
at paa.
Nanakit ang kanyang mga bisig at sumawa ang talim ng kanyang pisaw sa
paghahawan ng landas, ngunit nagdaragdag pang lalo ang init ng kanyang loob. Bumagsak
ang malakas na ulan bitin na kanina pa nagbabanta. Nagkahalo ang pawis at ulan sa

4
kanyang buong katawan. Ngunit hindi siya nanlamig bahagya man sa paghahanap sa
mahiwagang aso.
Sa tuwing magugunita niya ang pagkakauwi ni Nana Sebya, ay lalong tumitindi ang
pagkapoot sa aso. Kinakailangang mawala ang pinangangambahan ng asawa niya.
“Tatadtarin ko!” bulalas niya na sinabayan ng isang mariing taga sa isang nakalawit na
baging.
Yumuko siya upang makalusot sa isang malapad na sangang tumubo nang
pabalantok. Ngunit hindi pa siya nakalulusot, ay ginulat siya ng isang mahinang ungol.
Napaurong si Tata Pento. Tumingala siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa
puluhan ng pisaw. Naroon, sa ibabaw ng malapad na sangang tila arko ang kanyang hanap.
Nag-ukyabit si Tata Pento at sa isang iglap ay nakapaibabaw siya sa palapad na sanga.
Natubigan siya sa nakita. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa pisaw.
Naroon ang hinahanap niyang aso, nakahig, nakapatong ang dalawang paa sa dibdib
ng isang patay na mangitim-ngitim na at ginagapangan ng hantik ang buong katawan. Sa
ulunan ng bangkay ay naroon ang luray na ulo ng isang sawang nakasabit ang mahabang
katawan sa sangang hinahantik na rin. Sa paningin ni Tata Pento ay nahulaan niya agad na
ang ulo ng sawa ay niluray ng mga ngipin ng asong iyon. At nakita niya sa bibig ng aso
ang bakas ng natuyong dugo.
Nakita niya sa baywang ng patay na lalaki ang ilang ibong nilalanggam na rin.
Nahinuha niyang isang mamamaril iyon na nahagip ng sawa at tinangkang lingkisin ngunit
ipinagtanggol ng asong ngayon ay nakahiga sa dibdib niya.
Umungol nang bahagya ang aso at wari’y may isip na tumingin kay Tata Pento.
Parang napapaawa ang aso sa pagkakadapa sa dibdib ng bangkay.
Isinuksok ni Tata Pento ang pisaw na takyaran. Saglit na inalis ang kanyang malapad
na sambalilo bilang paggalang sa bangkay sa kanyang harap.
Ang napapauwing landas ay umikli sa nagmamadaling si Tata Pento.
Nang nagbalik si Tata Pento sa masukal na kakahuyan ay kasama niya ang ilang pulis
buhat sa bayan. Inilulan ang bangkay sa isang duyan at pisan ng mga pulis. Parang sanggol
na kinilik ni Tata Pento ang lupaypay at halos hindi makagalaw na aso. Nawari niya kung
bakit hindi siya tinahulan man lang ng aso nang kanyang matagpuan.

5
Itinali ni Tata Pento sa puno ng hagdan ng kubo ang aso. Ang bangkay ay itinuloy sa
munisipyo sa kabayanan. Binigyan ni Tata Pento ng pagkain ang aso, ngunit hindi man
lamang inamuyan nito ang kanyang ibinigay.
Naisaloob ni Tata Pento na naninibago lamang ang aso. Ipinalagay niyang kakain din
iyon sa hatinggabi, o makaalis lamang siya sa puno ng hagdan.

Maluwat niyang pinagmasdan ang aso. Nakasandal sa pagkakatayo sa puno ng


hagdan. Nangangaligkis sa lamig ng ulang bumagsak kagabi at kangina. Bahag ang buntot,
ngunit sa kanya nakatingin. Walang kailaw-ilaw ang paningin ng aso.
Inilapit ni Tata Pento ng paa ang baong may sinabawang kanin. Inilapit niya sa bibig
ng aso, bago siya nanhik at naglatag ng banig.
Kinaumagahan ay lubid lang ang nagisnan ni Tata Pento sa puno ng hagdan.
Nakawala ang aso.
Muli niyang ginalugad ang buong kaingin. Nagbalik siya sa kinatagpuan niya sa aso
nang nakaraang araw, ngunit wala roon.
Nawalan na ng pag-asa si Tata Pento na muling makita ang aso. Naisip niyang sunduin
si Nana Sebya.
Tinalaktak niya ang landas na patungo sa bayan.
Nagdaan siya sa munisipyo upang makibalita. Sa pintuan ng gusaling bayan ay inabot
niya si Bastiang pulis.
“Tagasaan ba, Bastian, ang. . .” Napaudlot si tata Pento. Hindi natuloy ang kanyang
sasabihin. Naroon pa ang bangkay.
At sa ibabaw ng bangkay ay naroon ang asong kanyang hinahanap.
Inangat ni Tata Pento ang asong nakayukayok sa dibdib ng bangkay. Nakagat niya
ang kanyang labi.
Patay na rin ang aso.
“Taga-Malabang ho ‘ata, Tata,” sagot ng pulis. “Tila kamag-anak po ‘ata ni Kapitan
Kulas. Mam’ya raw ho parirituhan!”
Malayo na sa munisipyo si Tata Pento, ay kagat pa rin ang kanyang labi. Mariing-
mariin. Madalang na madalang ang paghakbang niya. Sa balintataw niya’y naroon ang

6
buhay na larawan na namatay na aso, ngunit hindi niya ikinangiti ang katotohanang wala
nang tatangungoy sa kaingin kung sumapit ang hatinggabi.

MAY AKDA/AWTOR

Sa seryeng “Aklat ng Rosas” na lumalabas sa United Superstories Komiks ng


Affiliated Publication noong early 80’s unang nakita at nabasa ang mga obra ni Virgilio
Blones. Kasalitan niya dito noon si Carlo J. Caparas. Naging editor din ng Atlas Publication
at Affiliated Publication si Virgilio Blones, pero mas nakilala siya sa kanyang mga
kuwento at nobelang prosa sa Liwayway Magazine kung saan minsan din niya itong
pinamatnugutan. Noong 1955, nagkamit ng ikatlong gantimpala sa Palanca Award bilang
Best Short Story in Filipino ang kanyang akdang “Lumamig na Bakal”. Noong 2001, mas
nakilala si Mr. Blones nang ibalik ng Tiger Publishing ang Bulaklak Magazine

MGA TAUHAN- may pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari
at mga pantulong na tauhan.

Pangunahing Tauhan
Aso – tauhang bilog

Patunay:
At sa ibabaw ng bangkay ay naroon ang asong kanyang hinahanap.
Inangat ni Tata Pento ang asong nakayukayok sa dibdib ng bangkay. Nakagat niya ang
kanyang labi. Patay na rin ang aso.

Paliwanag:
Hindi niya ito kayang talikuran ang kanyang amo at dahil sa ayaw niyang
mapahiwalay sa kanyang amo ay namatay na rin ito

Tata Pento – tauhang bilog


Patunay:
Maluwat niyang pinagmasdan ang aso. Nakasandal sa pagkakatayo sa puno ng

7
hagdan. Nangangaligkis sa lamig ng ulang bumagsak kagabi at kangina. Bahag ang buntot,
ngunit sa kanya nakatingin. Walang kailaw-ilaw ang paningin ng aso.
Inilapit ni Tata Pento ng paa ang baong may sinabawang kanin. Inilapit niya sa bibig ng
aso, bago siya nanhik at naglatag ng banig.

Paliwanag:
Nung una ay sobra ang kanyang galit sa aso na gusto na niya itong patayin pero ng Makita
niya ito ay naawa siya kaya naman kinupkop niya at pinakain ito.

Nana Sebya – tauhang lapad


Patunay:
“Me pamahiin, Pento,” pahli ni Nanay Sebya na paanas rin, “na ang ibig sabihin
ng tangungoy ng aso sa hatinggabi, e may mamamatay! Wala tayong kapitbahay rito!”

Pangalawang Tauhan
Paliwanag:
Hanggang sa huli ay mas pinaniwalaan niya parin ang mga pamahiin.
Kapitan Kulas – tauhang lapad
Patunay:
“Hangga ngayo’y malakas pa sa samulag si Kapitan Kulas, a! Ba, di ba’t nilagadlad
niya ng taga ang kanyang aso dahil nga sa pamahiing ‘yan? O. di ang aso ang namatay.
Hale, magsabi ka!” Humalakhak si Tata Pento.

Paliwanag:
Tulad ni Aling Sebya ay mas pinaniwalaan niya ang mga pamaihin.
TAGPUAN- dinadala ng may akda ang mambabasa sa iba’t-ibang panahon kung saan at
kalian nagaganap ang mga pangyayari.
Sa Kaingan

Panahon: Hatinggabi/ Tag-ulan


Klima: Malamig/ Mainit

8
Patunay:
Lumutang sa katahimikan ng hatinggabi ang tangungoy ng isang aso. Nagliklik sa
kakahuyan at inihatid ng panggabing simoy sa loob ng nag-iisang maliitn kubo
sa kaingin.
Nanakit ang kanyang mga bisig at sumawa ang talim ng kanyang pisaw sa paghahawan ng
landas, ngunit nagdaragdag pang lalo ang init ng kanyang loob. Bumagsak ang malakas na
ulan bitin na kanina pa nagbabanta. Nagkahalo ang pawis at ulan sa kanyang buong
katawan. Ngunit hindi siya nanlamig bahagya man sa paghahanap sa mahiwagang aso.
Paliwanag:
Simula pa lang ng kwento ay nakasaad na kung saang lugar ito nangyari at kung anung
panahon at habang hinahanap ni Tata Selo ang aso ay umuulan kaya naman mas lalo siyang
nag-init dahil sa sobrang pagkainis ditto.

SAGLIT NA KASIGLAHAN

Mga pangyayari na nagpapakilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga


tauhan.

UNANG PANGYAYARI

Lumutang sa katahimikan ng hatinggabi ang tangungoy ng isang aso. Nagliklik sa kakahuyan at


inihatid ng panggabing simoy sa loob ng nag-iisang maliit na kubo sa kaingin.

Paliwanag:

Nagsimula ang lahat ng makarinig si Aling Sebya ng tangungoy ng isang aso kaya nagising ang
mag-asawa sa gitna ng gabi.

PANGALAWANG PANGYAYARI

Muling umagaw-aw ang tangungoy. Sa kanilang pandinig, ang tangungoy ay tila daing ng isang
kaluluwang naghihirap at nagmamakaawa.

Paliwanag:

9
Dahil sa tangungoy ng aso kaya naman naisipan ni Tata Pento na hanapin kung saan naggagaling
ito.

PANAGTLONG PANGYAYARI

Natatakot ako Pento,” at nagbangon na rin si Nana Sebya, umisod at naupo sa tabi ng asawa, at
kumapit sa bisig ni Tata Pento na tila madadala ng malakas na agos sa ilog.

Paliwanag

Dahil sa sobrang takot ni Nana sebya hindi niya na pigilan sumama kay Tata Pento.

SULIRANIN / TUNGGALIAN

Ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing


tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, May apat na uri: tao vs. tao, tao vs.sarili, tao
vs. lipunan, tao vs.kapaligiran/kalikasan.

Tao laban sa sarili

Patunay:

“Alam mo naman, Sebya, na kailangan kita rito, sabi ni Tata Pento na bumaba ang tinig. “mahirap
sa akin ang mawalan ng kasama rito. Sino ang makakatulong ko sa pagkakaingin? Sino ang
magluluto?Sinoangmaglalaba?”
Sa balintataw niya’y naroon ang buhay na larawan na namatay na aso, ngunit hindi niya
ikinangiti ang katotohanang wala nang tatangungoy sa kaingin kung sumapit ang hatinggabi.

Paliwanag:

Dahil sa kagustuhang na may makasama sa kaingan ang kanyang asawa ay napagdiskitahan niya
ang aso kaya naman gusto niya itong makuha pero ng mamatay ito ay naging malungkot siya.

KASUKDULAN

Ang pinakapana-panabik na pangyayari sa kwento

Patunay:
Naroon ang hinahanap niyang aso, nakahig, nakapatong ang dalawang paa sa dibdib ng

10
isang patay na mangitim-ngitim na at ginagapangan ng hantik ang buong katawan. Sa ulunan ng
bangkay ay naroon ang luray na ulo ng isang sawang nakasabit ang mahabang katawan sa sangang
hinahantik na rin. Sa paningin ni Tata Pento ay nahulaan niya agad na ang ulo ng sawa ay niluray
ng mga ngipin ng asong iyon. At nakita niya sa bibig ng aso ang bakas ng natuyong dugo.

Paliwanag:

Nang makita niya ang bangkay at doon niya nakita ang aso na nasa tabi ng mangitim-ngitim na at
ginagapangan ng hantik ang buong katawan.

KAKALASAN

Ang kinalabsan ng pakikipaglaban na sumusunod sa kasukdulan

Patunay:
Itinali ni Tata Pento sa puno ng hagdan ng kubo ang aso. Ang bangkay ay itinuloy sa
munisipyo sa kabayanan. Binigyan ni Tata Pento ng pagkain ang aso, ngunit hindi man lamang
inamuyan nito ang kanyang ibinigay.

Paliwanag:

Dahil sa awa ay naisipan na lang ni Tata Pento na iuwi sa kaingan ang aso para pakainin dahil sa
nakakaawawa nitong kalagayan

WAKAS

– dito nagtatapos ang kwento. Kung minsan ay iniiwan na sa mga mambabasa ang pagbuo
ng wakas

Trahedya

Patunay

Patay na rin ang aso.Malayo na sa munisipyo si Tata Pento, ay kagat pa rin ang kanyang
labi. Mariing-mariin. Madalang na madalang ang paghakbang niya. Sa balintataw niya’y naroon
ang buhay na larawan na namatay na aso, ngunit hindi niya ikinangiti ang katotohanang wala nang
tatangungoy sa kaingin kung sumapit ang hatinggabi.

11
Paliwanag:
Nang mamatay ang aso ay naghinayang si Tata Pento dahil wala ng tatangungoy na minsan
ng nakakatulong sa kanya para magising at na pagtanto niya na may naging silbi din pala sa kanya
ang pagtangungoy ng aso.

KABISAAN AT ARAL

Bisa sa Isip

Nagbago ang aking pananaw tungkol sa pangyayari sa na basa kong kwento sa mga tumangungoy
na aso ay may ipinapahiwatid itong hindi maganda kaya naka importante ang isang aso dahil sila
ay nagbibigay kaligtasan sa paligid.

Bisa sa Damdamin

Mas napansin ko na ang aking pakiramdam tungo sa sensitibong bagay na kagaya ng isang
tumangungoy na aso ito ay kapag nakarinig ka nito maaring may namatay o di kaya may
pangyayari na hindi maganda.

Bisa sa Kaasalan

Hindi nagbago ang aking asal sa kwentong ito dahil kadalasan ko itong naririnig sa mga matatanda
na ang isang aso ay may silbi ito sa buhay ng isang tao.

II. PAGSUSURI AT PAGLALAPAT NG TEORYA

Teoryang Kultural - Pagdulog pampanitikan na nagpapakita ng iba’t ibang kulturang napapaloob


sa kwento o tula.

Patunay:
“Me pamahiin, Pento,” pahli ni Nanay Sebya na paanas rin, “na ang ibig sabihin ng
tangungoy ng aso sa hatinggabi, e may mamamatay! Wala tayong kapitbahay rito!”

Paliwanag:
Dahil sa paniniwala ni Nana Sebya sa mga pamahiin na kapag tumangungoy ang
aso ay may mamamatay kaya dahil sa takot ay nagawa nitong iwanan ang asawa sa kaingan
kaya naman hinanap ito ni Tata Pento.
12
Teoryang Imahismo- ang layunin ng panitikan ay gumamit ng imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may akda na higit na madaling maunawaaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Teoryang Imahismo – ang layunin ng panitikan ay gumamit ng imahen na higit na


maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may akda na higit na madaling maunawaaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Patunay:
Naroon ang hinahanap niyang aso, nakahig, nakapatong ang dalawang paa sa dibdib ng
isang patay na mangitim-ngitim na at ginagapangan ng hantik ang buong katawan. Sa
ulunan ng bangkay ay naroon ang luray na ulo ng isang sawang nakasabit ang mahabang
katawan sa sangang hinahantik na rin. Sa paningin ni Tata Pento ay nahulaan niya agad na
ang ulo ng sawa ay niluray ng mga ngipin ng asong iyon. At nakita niya sa bibig ng aso
ang bakas ng natuyong dugo.
Paliwanag:
Ginamit ng may-akda ang aso para ipakita na mayroon ding silbi ito at
mapapakinabangan na pwede mo itong maging kasama sa buhay.

MALING EDUKASYON SA KOLEHIYO

13
Ni: Jorge Bacobo

Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon ang itinuturo sa kolehiyo

ay maling edukasyon? Ang sagot ko dito ay “oo.” Isa itong kabalintunaan, subalit hindi

maitatatwang katotohanan.. Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad,

kung kaya’t tayo ay nag-aaral sa mga unibersidad. Datapwat, katulad ng mga paraan upang

mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang edukasyon upang magtayo, maggupo, magturo o

manlinlang. Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kalakaran at kaisipan sa loob ng

sampung taon ng paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas. Karamihan sa mga estudyante ay

nakatupad sa inaatas sa kanilang tungkulin sa ilang aspekto ng unibersidad. Subalit malungkot

aminin na ang kilos at pag-iisip ng maraming estudyante ay nagbibigay-daan sa pagkabansot ng

isipan, sa pagkatuyo ng puso at sa pagkitil sa kaluluwa. Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng

maling edukasyon na binabayaran ng mga estudyante ng mataas na matrikula at di-mabilang na

sakripisyo. Una, nariyan ang di rasyunal na pagsamba sa pahina. “Ano ang sinasabi ng aklat?”,

ang pinakamahalagang tanong sa isip ng mga estudyante tuwing kakaharapin nila ang mga

suliranin na kinakailangangn gamitan ng pangangatwiran. Maraming estudyante ang halos

mabaliw sa paghagilap ng impormasyon hanggang sa maging kasintaas ang mga ito ng bundok at

ang isip ay madaganan ng datos. Wala nang ginawa ang estudyante kundi ang mag-isip kung

papaano dadami ang impormasyong hawak nila. 39 Sa gayon, nawawala ang kanilang kakayahang

mag-isip sa mailnaw at makapangyarihang paraan. Nakalulungkot makinig sa kanilang pagtatalo

at talakayan Sapagkat dahop sila sa katutubong sigla ng malinaw na pangangatwiran, puno ang

kanilang talakayan ng walang kawawaang argumento sa halip ng malusog na pangangatwiran at

wastong pag-iisip. Sa gayon, isinusuko ng mga estudyante ang kanilang kakanyahan sa mga aklat

na nagbibigay-daan sa pagkawala ng kanilang iwing karapatan – ang mag-isip para sa kanilang

14
sarili. At kung nagtangka silang gumawa ng sariling pasya, ipinakita nila ang kanilang pagiging

pedantiko. Mananatiling mapanlinlang ang edukasyon hanggang hindi nalilinang ng mga

estudyante ang kakayahan nilang mangatwiran sa isang tama at mapanariling paraan. Ihambing

ang mga estudyanteng mahilig sa pagkutingting sa kaalaman ng mga Juan dela Cruz sa baryo.

Kakaunti lamang ang nabasa ni Juan dela Cruz; hindi pinapurol ng di natutunaw ng impormasyon

ang kanyang iwing talino; tiwalag ang kaniyang isip sa katakut-takot at mabibigat na

impormasyong hinakot mula sa aklat. Matalim ang kaniyang pang-unawa, mahusay ang kaniyang

pagpapasya, matalino ang kaniyang mga kuro-kuro. Pasaring na wiwiwkain niya sa matalinongt

pilosospong: ”lumabis ang karunungan mo?” Pangalawa, ginawang pangunahin at panghuling

layunin ng maraming estudyante ang pagiging mahusay at propesyunal. Ipinasya nilang maging

mahusay na abogado, mediko, inhinyero at magsasaka. Hindi na ako titigil pa upang usisain kung

gaano kabigat na sisi ang ilalatag sa pintuan ng unibersidad dahil sa hindi makatwirang emfasis sa

espesyalisasyon. Hindi maitatawang malakas ang kalakarang naturan, subalit 40 hindi man lamang

tayo mag-isip upang tingnan ang kabayaran nito. Isa ang ating paniniwala: naniniwala ako na

walang kabuluhan ang edukasyon kung hindi nito pinalalawak ang pananaw ng tao, pinalalalim

ang kaniyang kakayahang dumamay at pinaghahandog ng gabay tungo sa matalinong pagkukuro

at malalim na damdamin. Ngunit, paano natin maaasahan ang ganitong bunga mula sa kondisyong

kung saan na nagiging hamak na listahan ng batas ang isang estdyante sa abogasya, isang

preskripsyon ang taong magiging manggagamot, isang pormula ang isang inhinyero? Ilan sa mga

estudyante natin sa kolehiyo ang nagbabasa ng panitikan? Hindi nga ba natin tinatanong kung

hindi tunay na kinikitil ng labis na emfasis sa espesyalisasyon nakaaakantig na pang-unawa sa

kagandahan at ang dakilang pagmamahal sa mga maiinam na bagay na taglay ng ating mga

estudyante, at maaari nilang pabungahin sa isang makapangyarihang kakayahan? Winika nga ni

15
Keats: ”panghabambuhay na kaligayahan ang anumang bagay na puno ng kagandahan.” Subalit

batid natin na batay sa panlasa ang kagandahan. Kung hindi natin malilinang ang wastong

pagkilala sa mga kagandahan at kadakilaan, mananatiling payak at nakababagot ang ating

kapaligiran. Maaga tayong gumigising at lumalabas sa umaga subalit winawalang-bahala ng ating

kaluluwa ang umasa ng katahimikan at ang katamisang hatid ng hamog sa madalingaraw. Ating

namamalas ang maraming bituin sa gabi, subalit para lamang silang makintab na bato –hindi

binibigyan ng lunas ng kanilang maamong liwanag ang ating puso; at hindi natin nararanasan ang

nakagugulat at nakaantig ng kaluluwang may paghaang sa dakilang pagkakaisa ng sansinukob.

Tinatamaan tayo ng pinilakang liwanag ng buwan subalit hindi natin nararamdaman ang

katahimikan sa mga sandaling ito. Minamasdan natin ang mga matataas na bundok subalit hindi

tayo naakit sa kanilang tahimik na kapangyarihan. Nakababasa tayo ng walang-kamatayang tula

subalit hindi tayo maantig 41 sa kanilang tinig, at waring isang pangitaing madaling mawala ang

kanilang malalim na kaisipan. Ating sinusuri ang isang estatwa na taglay ang walang lipas na

kagandahan ng guhit at iba pang katangian subalit para sa atin ay isa lamang itong kopyang walang

halaga. Sabihin ninyo sa akin, iyan ba ang uri ng buhay na dadayuhin sa kolehiyo? Subalit ang

labis na espesyalisasyon na hinahabol ng mga estudyante ng buong sigla ay itinakdang

magbubunga ng ganitong uri ng buhay na walang damdamin at sintuyo ng alikabok. Maaari kong

sabihin na mahusay ang edukasyon ng naunang salinlahi. Sinasabi ng mga nakatatanda sa atin, at

sila ay may katwiran, na hindi nalilinang ng bagong edukasyon ang puso, di tulad ng mga naunang

edukasyon. Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesyalisasyon na nakapako sa tagumpay sa

prospesyon sa hinaharap, ang pananw sa buhay. Nangabnganib na maging makitid ang ating

pilosopiya sa buhay sapagkat nasanay na tayong mag-isip ng tungkol sa maalwang buhay na

materyal. Oo nga’t kailangan nating maging praktikal. Hindi natin lubusang masasagot ang

16
katanungan kung hindi natin lilinangin ang wastong saloobin at paniniwala at nang sa gayon ay

maihiwalay natin ang latak sa ginto, ang ipa sa palay ng buhay. Dapat natin isagawa ito hindi

pagkaraan ng pagtatapos kung hindi bago magtapos sa unibersidad; sapagkat kung tapos na ang

lahat, ang suma at ang kakanyahang edukasyon ay ang pormulasyon ng layunin ng buhay, kalakip

ang tanging kasanayan sa isang aspekto ng karunungan upang magkaroon ng katuparan ang

layunin ng buhay sa isang mabisang paraan. Subalit paano natin maihahanay ang mga elemento

ng ating pilosopiya sa buhay kung lahat ng ating sandali ay iniuukol sa paggawa ng takdang- 42

aralin, sa mga pag-eeksperimento sa laboratoryo at kung walang tigil ang ating pagtanggap ng

impormasyon. Muli nararapat magsiupo ang mga estudyante sa paanan ni Juan dela cruz na

kakaunti ang pinag-aralan upang matutuhan nila ang tunay na karunungan. Madalas siyang

tawaging mangmang, subalit siya ang pinakamarunong sa mga pinakamarunong, sapagkat

natuklasan na niya ang kaligayahan ng taong nakababatid ng dahilan kung bakit nabubuhay. Hindi

taglay ni Juan dela Cruz ang kanyang kababaang-loob ang adhika at ang ”ambisyon na labis ang

taas.” Mapapahiya ang maarte at kumplikadong alituntunin at gawi ng mga edukadong babae at

lalaki kung itatabi sa payak at matibay na mga katangian ni Juan dela Cruz. Kulang ang anumang

papuri para sa katatagan ng loob ni Juan dela Cruz sa gitna ng kahirapan. Matibay na batayan ng

isang buhay na lipunan ang pagmamahal niya sa tahanan, kalakip ang walang balatkayong

katapatan. Napatunayan na rin ang kanyang pagmamahal sa bayan. Maaari bang matuto ang ating

edukasyon kay Juan dela Cruz o baka naman hindi sila pinagiging karapat-dapat na maging

estudyante ni Juan dela Cruz ng ating edukasyon? Sa pagwawakas, napansin ko sa mga estudyante

natin ang nakagagambalang babala ng di-wastong edukasyon. Ilan dito ang mga sumusunod:

kakulanagn sa sariling pasya ata pagmamahal sa walang-lamang pilosopiya, dahil na rin naman sa

pagsamba sa pahina at nagmamadaling paghahanap ng mga impormasyon; ang unti-unting pagkitil

17
sa kakayahang maantig na kagandahan at kadakilaan dahil na rin sa espesyalisasyon at ang

pagpapabaya sa tungkuling-bigyang katuturan ang pilosopiya sa buhay na bunga ng labis na

emfasis sa pagsasanay tungo sa pagiging isang propesyunal.

Akda/Awtor

Si Jorge Bocobo ay isang magaling na manunulat na Pilipino sa wikang ingles.Siya


ay nakasulat ng maraming talumpati,artikulo at mga aklat sa batas,Mahusay siyang sumulat
ng sanaysay .Ang halimbawa ng mga sanaysay sa kanyang nasulat ay A Vision of Beauty ,
Filipino contact with American at college Uneducation.Bukod sa pagiging magaling na
manunulat si Bocobay isa ring iginagalang na educator .Naging pangulo siya ng Universidad
ng Pilipinas at naging miyembro ng gabinete ni Pangulong Manuel L/ Quezon.

BAHAGI NG SANAYSAY
 PANIMULA

Paraang Ginamit:
“PATANONG/PABUOD”
PAGTATANONG: Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
PABUOD: Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Patunay:
Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon, ang itinuturo
sa kolehiyo ay maling edukasyon? Ang sagot ko dito “Oo.” Isa itong
kabalintunaan, subalit hindi maitatatwang isang katotohanan.
Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad, kung kaya
nga’t tayo ay nag-aaral sa mga unibersidad. Datapwat katulad ng mga paraan
upang mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang edukasyon upang magtayo o
maggupo, magturo o manlinlang.

 KATAWAN

Paraang Ginamit:“PAANGGULO”

18
PAANGGULO: Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao
tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang
tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.

Patunay:
Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayaran ng mga
estudyante ng mataas na matrikula at di-mabilang na sakripisyo.
Una, naririyan ang di-rasyunal na pagsamba sa mga pahina. “Ano ang sinasabi
ng aklat?” ang pinakamahalagang tanong sa isip ng mga estudyante tuwing
kahaharapin nila ang mga suliraning kinakailangang gamitan ng
pangangatwiran….
Pangalawa, ginawang pangunahin at panghuling layunin ng maraming estudyante
ang pagiging mahusay na propesyonal.
Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesyalisasyon, na nakapako sa tagumpay sa
propesyon sa hinaharap, ang pananaw sa buhay.
 WAKAS

Paraang ginamit: “PABUOD”


Patunay:
Sa pagwawakas, napansin ko sa mga estudyante natin ang nakagagambalang
babala ng di-wastong edukasyon. Ilan dito ang sumusunod: kakulangan ng
pansariling pasya at pagmamahal sa walang-lamang pilosopiya, dahil na rin
naman sa pagsamba sa pahina at nagmamadaling paghahanap ng mga
impormasyon;
Ang unti-unting pagkitil sa kakayahang maantig ng kagandahan at kadakilaan,
dahil na rin naman sa espesiyalisasyon; at ang pagpapabaya sa tungkuling
bigyang-katuturan ang pilosopiya sa buhay, na bunga ng labis na empasis sa
pagsasanay tungo sa pagiging isang propesyunal.
b. Uri ng sanaysay
Pormal
Paliwanag:
Pormal na sanaysay ang “Ang Maling Edukasyon sa Kolehiyo” dahil ang may akda ay may
sariling basehan sa paggawa ng sanaysay na ito.

Patunay:

19
“ Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kalakaran at kaisipan sa loob
ng sampung taon ng paglialingkod sa universidad ng pilipinas.”
c. SANGKAP
d. Simbolismo
 Aklat

-Ito ay sumisimbolo ng isang hagdanan tungo sa ikauunlad ng kaisipan.


 Juan Dela Cruz

- sumisimbolo sa mga taong matatag ang loob.


- sumasalamin sa mga sinaunanag tao. Mga sinaunang tao na natuklasan ang hiwaga ng buhay
at nagpakita ng katatagan ng loob ng isang tao
 “Pagsamba sa mga pahina”

- nagpapahiwatig na sa libro o aklat lamang umaasa ang mga estudyante sa paghahanap ng


mga impormasyon.
iv. PAGDULOG
Pagdulog Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkapektibo ng kanyang sinulat.

Katangian:
Pagpapahalaga Edukasyon
Patunay:
Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad, kung
kaya’t tayo ay nag-aaral sa mga unibersidad. Datapwat, katulad ng mga paraan
upang mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang edukasyon upang magtayo,
maggupo, magturo o manlinlang.
Paliwanag
Ang isang estudyante ay nararapat na isa-isip at isa-puso ang edukasyon sapagka’t ito
lamang ang paraan patungo sa tagumpay. Sa pamamagitan ng magandang edukasyon, makakamit
mo ang iyong pangarap sa buhay. Walang sinuman ang pwedeng humamak sa iyong pagkatao.

20
Kalagayan ng Edukasyon
Patunay:
Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kalakaran at kaisipan sa loob ng
sampung taon ng paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas.
“Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayaran ng mga
estudyante ng mataas na matrikula at di-mabilang na sakripisyo.”
“Una, nariyan ang di-rasyunal na pagsamba sa mga pahina.”
“Pangalawa, ginawang pangunahin at panghuling layunin ng maraming
estudyante ang pagiging mahusay na propesyonal.”
“Panghuli, pinalabo ng ganitong espesyalisasyon, na nakapako sa tagumpay sa
propesyon sa hinaharap, ang pananaw sa buhay.”
Paliwanag:
Hindi malayong nasaksihan niya ang mga ganung sitwasyon mula pa noong siya’y
estudyante pa lamang hanggang naging pangulo sa unibersidad. Sinabi niyang naging matagumpay
ang ilang estudyante sa pagtupad sa mga iniatas ng mga propesor sa aspeto ng edukasyon sa
unibersidad, subalit hindi sila matagumpay dahil ang kanilang natutunan ay limitado lamang na
ayon sa nakasulat sa mga librong kakailanganing basahin.

Walang sariling paninindigan


Patunay:
Mananatiling mapanlinlang ang edukasyon hanggang hindi nalilinang ng mga
estudyante ang kakayahan nilang mangatwiran sa isang tama at mapanariling
paraan.

Paliwanag
Ang mga estudyante ay nakadepende lamang sa kung ano ang nilalaman ng aklat. Hindi niya
kayang panindigan ang kasagutan na nanggagaling sa kanyang kalooban.

Pagkakaroon ng makitid na isipan


Patunay:
Subalit malungkot aminin na ang kilos at pag-iisip ng maraming estudyante
ay nagbibigay-daan sa pagkabansot ng isipan, sa pagkatuyo ng puso at sa pagkitil
sa kaluluwa.
Paliwanag

21
Maraming matatalinong estudyante sa ngayong panahon subalit nakakalimutan na nila ang
pagiging mabuting tao. Hindi bukas ang kanilang isipan sa opinyon at ideya ng iba. Walang
kababaan ng loob.

Kasipagan sa pag-aaral

Patunay:
Maraming estudyante ang halos mabaliw sa paghagilap ng impormasyon
hanggang sa maging kasintaas ang mga ito ng bundok at ang isip ay madaganan
ng datos. Wala nang ginawa ang estudyante kundi ang mag-isip kung papaano
dadami ang impormasyong hawak nila; Sa ganoon, nawawala ang kanilang
kakayahang mag-isip sa malinaw at makapangyarihang paraan.

Paliwanag
Ang mga estudyante ay mas nanaisin pang magbasa ng libro kaysa sa makaranas ng pisikal
na gawain. Palaging binabatay sa aklat ang kanilang mga sagot at hindi ito ginagamit sa praktikal
na pamamaraan.

Di-wastong Edukasyon
Patunay:
Sa pagwawakas, napansin ko sa mga estudyante natin ang nakagagambalang
babala ng di-wastong edukasyon. Ilan dito ang mga sumusunod: kakulangan sa
sariling pasya at pagmamahal sa walang-lamang pilosopiya, dahil na rin naman
sa pagsamba sa pahina at nagmamadaling paghahanap ng mga impormasyon; ang
unti-unting pagkitil sa kakayahang maantig na kagandahan at kadakilaan dahil na
rin sa espesyalisasyon at ang pagpapabaya sa tungkuling-bigyang katuturan ang
pilosopiya sa buhay na bunga ng labis na empasis sa pagsasanay tungo sa pagiging
isang propesyunal.
Paliwanag
Ang maling edukasyon ay nakapagdudulot ng maling katangian sa personalidad ng isang
tao na siya rin namang nagiging batayan ng kanyang natutunan sa pag-aaral.

Ang edukasyon ang siyang nagsisilbing pundasyon ng buhay ng bawat isa sa panahong
kasalukuyan. Ito ang siyang magsasabi kung anong trabaho ang nababagay sayo at kung hanggang
anong estado ka ng pamumuhay. Dahil dito, hindi na namamalayan ang unti-unting paglayo sa
katangian ng isang tunay na may kaalaman.

22
Pagdulog Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.

Tunay na karunungan
Patunay:
Muli, nararapat na magsiupo ang mga estudyante sa paanan ni Juan de la Cruz na
kakaunti ang pinag-aralan upang matutuhan nila ang tunay na karunungan.
Madalas siyang tawaging mangmang, subalit siya ang pinakamarunong sa mga
pinakamarunong, sapagkat natuklasan na niya ang kaligayahan ng taong
nakababatid ng dahilan kung bakit nabubuhay. Hindi taglay ni Juan dela Cruz ang
kanyang kababaang-loob ang adhika at ang “ambisyon na labis ang taas.”
Mapapahiya ang maarte at kumplikadong alituntunin at gawi ng mga edukadong
babae at lalaki kung itatabi sa payak at matibay na mga katangian ni Juan dela
Cruz. Kulang ang anumang papuri para sa katatagan ng loob ni Juan dela Cruz sa
gitna ng kahirapan. Matibay na batayan ng isang buhay na lipunan ang
pagmamahal niya sa tahanan, kalakip ang walang balatkayong katapatan.
Napatunayan na rin ang kanyang pagmamahal sa bayan.

Paliwanag
Sa akda, sinasabi na kung maaari ay tularan ng mga estudyante si Juan de la Cruz. Sapagkat
nasa kanya ang kaligayahan ng taong nakababatid ng dahilan kung bakit nabubuhay. Hindi man
niya taglay ang ambisyon na labis ang taas, taglay naman niya ang isang payak, matibay na
katangian, katatagang-loob, pagmamahal sa tahana’t bayan at ang pagiging matapat.

Teoryang Sosyolohikal

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayang panlipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga
katulad na suliranin.

Kalagayan ng edukasyon
Patunay:

23
“Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayaran ng mga
estudyante ng mataas na matrikula at di-mabilang na sakripisyo.”
“Una, nariyan ang di-rasyunal na pagsamba sa mga pahina.”
“Pangalawa, ginawang pangunahin at panghuling layunin ng maraming
estudyante ang pagiging mahusay na propesyonal.”
“Panghuli, pinalabo ng ganitong espesyalisasyon, na nakapako sa tagumpay sa
propesyon sa hinaharap, ang pananaw sa buhay.”
Paliwanag:
Sa sanaysay na ito, naipakita ng may-akda ang isa sa mga suliranin ng kanyang
kinabibilangang lipunan. Nailahad niya dito ang iba’t ibang kalakaran at kaisipan na may
kaugnayan sa maling edukasyon ng mga estudyanteng nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Tinalakay niya rin dito ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayaran ng mga estudyante
ng may mataas na matrikula at di- mabilang na sakripisyo.

Sa kasalukuyan ay makikita natin na ang mga estudyante ay nakadepende na sa mga aklat


na nagpapakita at nagbibigay agad ng mga impormasyon sa madaling paraan at di gumawa ng
sariling desisyon dahil sa marami ng mga data ang naumpok sa isipan. Di tulad noon na mas
matagal ang proseso ng pagkatuto ay natututunan naman ito sa pamamagitan ng kakayahang
makaantig ng kadakilaan at kagandahan. Na ang mga katanungan ay nasasagot lamang sa sariling
pagsisikap at sariling pagkatuto na di nakadepende sa aklat na nakapaglilito. Sa katunayan, ang
institusyon ang nagbibigay ng liwanag para mabuksan ang isipan ng mga mag-aaral sa wastong
pamamaraan ngunit may mga ilan na taliwas ang kaisipan tungo sa magandang kinabukasan ng
mga estudyante.

Para sa akin, maaaring magsangguni sa mga aklat ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon at
panahon ay palaging nakadepende na lamang ang mga kasagutan sa aklat. Kailangan, may sarili
ring pananaw ang bawat isa upang lumawak ang kaisipan at ideya ng isang estudyante. Kailangang
magkaroon ng paninindigan sa kung ano ang tama at mali. Marunong mangatwiran batay sa
kaniyang pinaniniwalaan, at huli, maging magpakumbaba sa lahat ng pagkakataon.

“Para sa mga guro, walang TAMA o MALI na sagot ng mga estudyante, hanggat ang bawat isa’y
nakapagbibigay ng sarili nilang opinion.

24
TULA

Mga Evacuee
Ni Jose Marte A. Abueg

Takbo, takbo,
itong batang ito,
kung bakit hindi
suungin ang dilim.

Naku bakit mo iniwan


ang sapin mo sa paa.
Ayan, akyat, dali, bilis.

Huwag ka nang magpabuhat, anak,


ang bigat-bigat na nitong si Neneng,
wala ring sapin,walang anumang saplot.

Itong buwig ng saging, ang bigat-bigat din,


baka ito lamang ang bubuhay
sa atin sa kung saan.

Huwag mong itanong kung nasaan


ang tatay mo, hindi ko rin alam.
Umalis. Hindi ko alam.

Ang dilim-dilim, wala akong makita.


Wala akong makita.

Ano ang mga ito,


parang mga tao

25
sa paanan. Takbo,
huwag mong pansinin,
takbo, bilis at baka
diyan tayo matulad.

Umuulan, umuulan nga ba,


bakit umuulan, baka mahulog si Neneng,
baka mabitiwan ko itong pagkain natin.

Doon, hindi ko alam kung saan, doon pa,


matagal pa, huwag mong itanong.

Sandali, sandali, ang bigat-bigat.


Ang dilim-dilim, bakit ang dilim-dilim.

Sige, takbo, takbo nang takbo,


huwag titigil.

Akda/ Awtor
Jose Marte A. Abueg ay isang manunulat. Siya ay kumuha ng kanyang formal
training in writing poetry noong siya’y nasa University of the Philippines of Economics.
Sa kanyang pag-aaral ay hindi man lamang siya makapagbasa ng mga tula, sa
kagustuhan niyang maging isang tanyag na tao ay sinubukan niyang magbasa at magsulat
ng mga tula paunti-unti.
Nanalo sa Gawad Likhaan; The UP Centennial Leterary Award ang kanyang mga
tulang: His Bird Lands, River Nights, at iba pa, na inilathala ng UP Press.
Nanalo rin siya sa Palanca short story award and a Free Press poetry award.
Pagsusuri:
Sukat:
(4-6-5-6)
(8-7-8)

26
(9-11-11)
(13-10-7)
10-10-8)
(13-7)
(7-5-6-6-7-7)
(10-14-14)
(13-10)
(11-12)
(9-5)
Tugma: karaniwang tugma-
Paksa:pumapaksa sa giyera, napapanahong pangyayari.
Himig: natatakot
Damdamin:nag-aalala
Aliw-iw: maindayog sa kabila ng pagkakasulat nito sa kontemporaryo.
Simbolo: dilim- sumisimboloo sa di Makita/ maaninag na pag-asa.

Sa Kasalukuyan

Sa kasalukuyan ay palasak parin ang mga pangyayaring ito dahil sa mga labanan
na nangyayari sa ating bansa, maraming tao ang mga naapektuhan, mga mamamayang
walang laban kundi ang tanging magagawa lamang ay agarang paglikas upang walang
buhay na makuha sa kanila, ang tanging magagawa ay tumakbo na lamang para sa
kaligtasan ng kanilang pamilya. Kamakailan nga lamang ay nangyari ang isang isang
labanang hindi natin inasahan, maraming nagbuwis ng buhay at maraming kinitil na buhay
sa labanan ng sundalo laban sa mga rebelde na kung tawagin ay grupo ng mga Maute. Ang
tanging nagawa lamang ng mga kapatid nating mga Muslim ay madaliang lumikas, ang iba
ay ay lumikas sa mga pasilidad na ligtas sila, at ang iba’y naipit sa giyera na binawian ng
buhay dahil sa gutom at sa bala.

27
Teoryang Sosyolohikal:
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
mga katulad na suliranin.

28
‘’ANG PAGLALAYAG NI ISHAN’’
Sa Panulat ni Norman Ralp Isla

Isang babae ang nag hahanap ng punong makopa at hinahanap nya ang isang babae
na sa puno upang humiling na mabigyan ng anak. Sa kanyang sigaw ay lumabs ang isang
diwata sa punong kahoy ng makopa at sa hiling ng babae binigyan ito ng isang bunga ng
makopa kahit ito ay ipinagbabawal sa kanilang kaharian na lumapit sa diwata na iyon
subalit sa kagustohan ng babae na mag karoon ng anak kahit bawal ito humingi parin sya
ng tulong sa pagkagat niya sa bunga ng makopa ay agad siyang natahimik at may dumating
na isang lalaki .at makalipas ang ilang buwan ang babae ay nabuntis ng dahil sa bunga ng
makopa at naipinanganak na ito na nagngangalang Ishan na ngayon may gulang na labing
siyam sa kanyang paglaki ay subrang pilyo lahat ng mga maling gawa ay pinapasukan niya
ito at isang araw si ishan ay nanaginip at ito ay isinalaysay niya ang napanaginipan na kung
saan ay isang punong makopa na unti-unti ng nalalagas at natatangay ng hangin. Kanyang
pagsasalaysay agad itong tumakbo sa dalampasigan upang madama ang tibok ng kanyang
dibdib kaya ito naging pilyo ay ayaw nya maging isang prinsipe at dahil siya ay malapit
ng mamatay dahil walang lunas ang makakatigil sa pagpatay ni Ishan. At biglang
ipinatawag ng hari si antas na isang manggamot at manghuhula dahil siya lang ang
nakakaalam sa lunas na pagkamatay ni ishan ito ay isang isdang ginto na sabi ni ants na
manghuhula ito ay nasa isala at inangkin ng isang babae at ang tanging makakapunta
lamang sa isla ay si ishan.at pagkatapos manghula ni antas ay agad itong sinimulan ni Ishan
ang kanyang paglalayag sa utos ng mahal na hari uapang mapigilan ang pagkamatay ni
ishan at sa paglalayag nito ginamit niya sa kanyang paglalakbay ang isang vinta at pinag
sabihan siya ng kanyang mga magulang na mag-ingat .sa paglalayag ni ishan ay marami
siyang pagsubok na dinaraan para mahanap lamang ang isdang ginto napadpad si ishan sa
isang isla . Nakita ng isang babae si ishan sa vinta na nakahiga at hinintay niya itong
magising. Sa pagkagising ni shan ay nagualat ito dahil nasa harapnya ang isang babaeng
serena na si luniwa isang serena na maganda. At tinanong ng Serena ‘bakit ka nakarating
sa isla na ito’? May hinahanap akong gintong isda at alam mo Kong saan ito matagpuan?
oo’’ naman at agad tinulungan ni luniwa si ishan na mahna ang gintong isda at nahanap

29
naman ito subalit nabitawan ni ishan dahil may lumapit sa kanila na isang uwak na ayaw
ng itlog .
Muling nakita ng babaeng serena .Ang gintong isda at nakarating na si Ishan sa
kanilang kaharian tagumapay niyang nakuha ang isang gintng isda . hindi pa nakarating si
ishan sa kanilang kahrian ay nasalubbong niya ito si Pantas na may paghihinakit sa kanyang
kalooban at inagawa niya ang isang ginto kay ishan ngunit hindi namn ito nag tagumapay
.si ishan parin ang nag wagi pinsalamat niya ang kanyang mga magulang at humiling si
Ishan sa gintong isda ‘’GINTONG ISDA ANG AKING HILING AY TUPARIN ANG
AKING INA AY MAGKAROON NG BAGONG SUPLING ANG SIYANG
MAMUNO SA DAWA-ALON’’namatay si Ishan sa kamay ng kanyang ina at ang
kanyang hiling ay natupad at ipinanganak na si Imran ang bagong datu ng duwa-alon.

Tauhan-
May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga
pantulong na tauhan

 Ishan- Pinaka pilyong bata at nakakuha ng gintong isda


 Hari – Ama ni Ishan
 Prinsesa Sopia- siya ay humiling kay diwata na mag karoon ng supling at ang
ina ni ishan
 Dama – Ang kanang kamay ng prinsesa
 Pantas-Ang kanang kamay ng prinsesa , magaling manghula ngunit may balik
itong masama kay ishan.
 Luliwa- Isang serena ,napa ibig kay ishan at tumulong para mahanap ang gintong
isda
 Garap Aswad-Isang uwak na gumambala sa paglalayag ni Ishan.

30
Tagpuan

Kaharian – Maraming naganap sa kaharian na ito dito napag alam ng hari na ang
prinsesa ay lumabag sa utos ng hari.

Isla- Dito nahanap ni ishan ang gintong isda .

Pagdulog/teorya:

Teoryang Romantisismo ang mailalapat sa dulang ‘’Ang Paglalayag ni Ishan”


ipinapakita dito na gagawin ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao naipapakita rito ang pag mamahal ng isang ina sa kanyang anak na halos ayaw niya
itong masaktan at mawala.

Sa dulang ito ang pag- ibig ipinamalas na ang isang tao ay may pagmamahal sa
kanyang kapwa at higit sa lahat ang pag mamahalan ni ishan at linuwa na pansamantala
ngunit nagdulot ito ng masayang pagmamahal sa isat-isa.

31
32

You might also like