Pokus NG Pandiwa 2 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 9

Lalyn C. Sebusana

I. Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay:

1. Naipapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pandiwang Kaganapang Tagatanggap.


2. Nakikilala kung alin ang Kaganapang Tagatanggap sa pangungusap.
3. Nakayari ng pangungusap gamit ang pandiwang Kaganapang Tagatanggap.

II. Paksa at Nilalaman

Paksa: Kaganapan ng Pandiwa: Kaganapang Tagatanggap

Sanggunian: Diwa ng Wika at Panitikan nina: Alvin Ringgo C. Reyes at Jessie S. Setubal

Kagamitan: Pisara, Projector, larawan at yeso.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating aralin,


magsitayo muna tayo para sa ating
panalangin.

_________ pangunahan mo ang ating


panalangin.

Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po, Binibining Sebusana.

Bago kayo umupo, ayusin ang inyong mga


upuan at pulutin ang mga kalat sa ilalim nito. (Aayusin ang mga upuan at pupulutin ang mga kalat.)

2. Pagtala ng Liban

Sino ang lumiban sa araw na ito? May


lumiban ba? Wala po Maam!

Magaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga


sarili. (Papalakpak.)
3. Balik-Aral

Napag-aralan na natin ang pandiwa.

Ano ang pandiwa? Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng kilos,


aksiyon, o galaw.

Tama! Magaling!

Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng


pandiwa? Nagluto, nagwalis, nagdasal at iba pa.

4. Pagganyak

1. Magpaskil ng larawan sa pisara.


2. Magtanong sa mag-aaral batay sa
larawang nakita.
3. Bumuo ng pangungusap batay sa larawang
nakita.

B. Pagtatalakay

Ang paksa para sa araw na ito ay tungkol sa


Kaganapan ng Pandiwa: Kaganapang
Tagatanggap

Ang kaganapan o komplemento ng pandiwa


ay bahagi ng panaguri na nagbibigay ng
ganap na kahulugan sa pandiwa. Isa sa mga
uri nito ay ang Kaganapang Tagatanggap.

Kaganapang Tagatanggap- bahagi ng


panaguri na nagsasaad ng sinuman o
anuman na makikinabang sa kilos na
isinasaad ng pandiwa. Ang panandang para
sa at para kay ang kalimitang ginagamit dito.
Sumasagot ito sa tanong na “para kanino o
sino ang tatanggap.”

Halimbawa:

 Namili ng ref magnet ang turista para sa


mga ka trabaho niyang humihingi ng
pasalubong.
 Nagbigay ng donasyon ang pamilyang
Santos para sa mga sinalanta ng bagyong
Yolanda.
 Sumulat ng liham si Don Crisostomo para
kay Maria Clara.
C. Pagtataya

Papangkatin ko kayo sa apat na pangkat. Sa


loob ng limang minuto ang bawat pangkat ay
kailangang makabuo ng pangungusap na
gamit ang kaganapang tagatanggap.

D. Paglalahat

1. Saang bahagi ng pangungusap makikita


ang kaganapan ng pandiwa? Makikita ito sa panaguri.

2. Anong kaganapan ng pandiwa ang


sumasagot sa tanong na “para kanino o
sino ang tatanggap?” Ang kaganapang sumasagot sa tanong na para kanino
o sino ang tatanggap ay ang Kaganapang
Tagatanggap.
3. Sino ngayon ang makapagbibigay ng
halimbawa ng pangungusap na
naglalaman ng kaganapang tagatanggap? Bumili si Ivan ng regalo para kay Pia.

May mga tanong ba kayo? Wala po maam.

IV. Ebalwasyon

Panuto: Bilugan ang pandiwang ginagamit sa


pangungusap at salungguhitan ang panaguring
nagsasaad kung sinong nakikinabang sa kilos ng
pandiwa.

1. Bibili ako ng pagkain para sa aking mga


kapatid.
2. Nag-igib ng tubig si Robert para kay Rose.
3. Binuhat ni Camden ang upuan para kay
Laine.
4. Ako ay nag-alay ng awitin para sa kaarawan
ni Andy.
5. Sumulat ng liham si Luke para kay Liza.
6. Ang Gawad Kalinga ay nagbigay ng tulong
para sa mga nasalanta ng bagyong Juan.
7. Si Candice ay nagluto ng pagkain para sa
kanyang kasintahan.
8. Nagtatrabaho ang mga magulang para sa
kanilang mga anak.
9. Ang buong nayon ay naghanda para sa
darating na pista.
10. Naglinis ang mga bata para sa darating na
pasukan.
V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa Kaganapan ng Pandiwa:
Kaganapang Ganapan.

Ayusin nyo ang inyung mga upuan at pulutin ang


mga kalat.

Hanggang sa muli. Paalam sa inyong lahat. Paalam na po Binibining Sebusana.

You might also like