Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gender roles sa PiliPinas sa iba’t ibanG Panahon

Pre- Kolonyal
May iba't ibang mahahalagang papel na ginagampanan ang mga kababaihan sa panahong pre kolonyal, batay
ito sa mga komunidad na kanilang kinabibilangan, halimbawa, sa ka-Bisayaan, ang iba'y nagiging Babaylan o
puno ng isang pamayanan, o kaya nama'y Binukot o prinsesa. Ang MGA BABAE sa probinsya at sa mga tribo ay
inaasahan na gumawa lamang ng mga gawaing bahay samantalang MGA LALAKI ang gumagawa ng mga
mabibigat na gawain na kinakailangan ng lakas(tulad ng pagtotroso, pagbubuhat, pagsasaka etc.). Dahil sa
pagbibigay ng lipunan ng importansya sa pamilya, hindi ipinagkakait ng mga babae ang kanilang mga
tungkulin, gusto nila ang kanilangginagawa dahil sineserbisyohan niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Bago tayo sakupin ng mga Espanyol, ang mga babae sa ating lipunan ay nakakaranas ng pantayna pagtrato
tulad ng sa mga lalaki. Ang mga babae ay may karapatan sa mga ari-arian, pakikipagkalakalan at pati narin ang
pakikipag diborsyo sa kanyang asawa. Maari rin silang maginghepe sa kanilang nayon kapag walang lalaking
tagapagmana. Noong mga panahon na iyon, mayroon ngmga kababaihan ay mga mangagamot, pari, at mga
astologo.

Espanyol
Noong panahon ng pananakop ng Espanya, ang ilan sa mga kababaihan ay naging tanyag sa pagtulong sa mga
Katipunero gayun din, kadalasang nagiging silang ingat yaman. Sa pagsakop ng mga Expanol sa Pilipinas noong
1565 hanggang 1898, nagbago na ang tungkulin at importansya ng MGA BABAE sa lipunan. Nagtatag ang mga
Espanyol ng tradisyon na nagpapailalim saestado ng mga babae at makikita ito kadalasan sa
mapagpakumbabang ugali ng mga babae noon. Inaasahan silang mag-alaga sa kanilang mga anak at gumawa
ng mga gawaing bahay lamang. Nagkaroon din sila ng mga tungkulin sa simbahan at sa kumbento. Makikita rin
natin na sa mga panahonna ito, mas ginugusto ng mga pamilya na magkaroon ng lalaking anak kaysa sa babae.
Ngunit sila anginaasahan maging taga-ingat yaman, o ang may kontrol sa pera ng pamilya.

Amerikano
Sa pagdating ng mga Amerikano, kumpara sa panahon ng mga Espanyol, karamihan sa mga kababaihan ay
nagkaroon na ng layang makapag-aral, gayun din, ang ilan sa mga kababaihan ay nakilala sa pagiging modista o
mananahi ng damit. Nakapaghanap buhay na rin ang ilan, at noong panahon ding iyon naging mas maluwang
na at nagkaroon na rin ng laya sa politika ang mga kababaihan. Sa kabila nito, naging aktibo rin ang ilan sa mga
kababaihan sa pagtulong sa mga rebolusyonaryong Filipino. Kalaunan, nagkaroon din ng pagkakataong
makapagturo sa mga paaralan ang mga kababaihan. Sa pagsakop naman ng mga Amerikano, ang BABAE ay
binigyan na ng karapatan na makapag-araldahil sila ay nagpakilala ng libreng sistema ng pampublikong
edukasyon na nagbibigay ng oportunidadsa kahit sinong bata KAHIT ANO PA MAN ANG KASARIAN. Mula noon,
marami ng mga kababaihan ay nagingmga propesyonal na. Masasabi na naging mas liberal na rin ang mga
babae sa mga panahon na ito, dahil natutunan na nilang gamitin ang body language para mag pakita ng interes
sa LALAKI.

Hapones
Noong pagputok ng ikalawang digmaang pandaigdig at panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang ilan sa
mga kababaihan ay naging tanyag sa larangan ng pakikidigma. Ang ilan sa mga ito ay tumulong sa mga tropang
lumalaban sa mga Hapon. Sa kabila naman ng digmaan, ang ilan ay nagpatuloy pa rin sa kanilang kanikaniyang
larangan, tulad ng pagtuturo, abugasya at medisina.

Sa kasalukuyan
Sa kasalukuyan nagkaroon na ng pagkakapantay pantay ang mga kababaihan at kalalakihan. Bukod sa layang
makaboto tuwing halalan, pinasok na rin ng mga kababaihan ang larangan ng politika. Ang ilan ay naging
senador, konsehan, alkalde, maging presidente.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang pinakamabigat na ambag ng mga kababaihan sa lipunan gayun na rin ang
mahalagang papel na kanilang ginagampanan ang pagiging ina sa ating lahat. Sa mga bayaning lumaban para
sa ating kasarinlan.
S
o
u
r
c
e
:

You might also like