Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Baitang 6

MAGSUSURI MUNA BAGO MAGBIGAY NG DESISYON

ALAMIN MO

Ang pagbibigay ng desisyon bago mapakinggan o masuri ang mga katibayan ay hindi
dapat pairalin nang maiwasan ang pagbibitiw ng maling pasiya na maaaring makasira sa
mabuting relasyon o pagsasamahan ng mga kaibigan o magkakasambahay. Nakasisiguro ka bang
ang lahat mong ginagawa o sinasabi ay tama? Tayo’y tao lamang at maaaring magkamali kung
kaya’t magsuri muna bago magbigay ng pasiya dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Sa modyul na ito ay matututuhan mong isaalang-alang ang pagsusuri muna bago


magkaroon ng pagpapasiya.

PAG-ARALAN MO

Basahin ang kuwento at alamin kung kailan dapat magdesisyon.

Ang Lakbay-Aral ng Buong Klase

Nagtatalo-talo ang buong klase sa ikaanim na baitang ni Bb. Cruz habang namimili ng
magandang lugar na dapat nilang puntahan para sa kanilang lakbay-aral.
“Ma’am sa tahanan na lang po tayo ni Dr. Jose Rizal sa Calamba,” ang tugon ni Carlo.
“Puwede po tayong mag-swimming sa Pansol!” patuloy niyang paliwanag.
“Huwag po doon,” ang sabi ni Riza. “Mainam po siguro sa Luneta na lang. Marami
tayong mapapasyalan doon at malapit pa ito.”
“Mainam po siguro sa National Museum! Marami tayong matututuhan doon,” mungkahi
naman ni Jose.
“O sige, pahiwatig ni Bb. Cruz. Bago tayo magbigay ng desisyon, bibisitahin muna ng
pamunuan ng ating klase at aalamin ang bawat lugar na inyong binanggit. Sa gayong paraan,
magkakaroon tayo ng magandang impormasyon bago tayo magdesisyon kung saan tayo pupunta.
Payag ba kayo?”
“Opo ma’am,” sang-ayon ng lahat.

1
Ano ang gagawin ng buong klase?

Bakit nais ni Riza na sa Luneta sila pumunta?

Tama ba ang pasiya ng klase? Bakit?

Kung ikaw si Bb. Cruz, gayon din ba ang iyong gagawin upang maiwasan ang
pagtatalo-talo at di-kanais-nais na pagpapasiya? Bakit?

ISAISIP MO

Dapat nasusuri muna nang mabuti ang mga bagay-bagay bago magdesisyon o
magbigay ng pasiya.

ISAPUSO MO

Lagyan ng tsek (√) ang kolum na mabuti o masama ayon sa sumusunod na sitwasyon.
Sagutan sa iyong kuwaderno.

Sitwasyon Mabuti Masama


1. Nagkasundo kayong magkaklase na magsaliksik sa
aklatan ngunit sumama kang mamasyal sa Luneta.
2. Kahit pinilit ka ng iyong barkada na sumama sa mall,
tinanggihan mo ang alok dahil may pulong ang klase
ninyo.
3. Pumayag ang buong klase na magbigay ng donasyon
sa pagpapagawa ng palikuran kaya sumang-ayon ka na
rin sa pasiya.
4. Sumang-ayon ka sa pinagkaisahan ng iyong katabi
bagama’t tutol ang nakararaming kaklase.
5. Nakarating ka na sa Children’s Museum subalit
sumama ka pa rin sa iyong kaklase sa pagpunta roon.

2
ISAGAWA MO

Nagbabalak ang inyong mag-anak na magbakasyon sa probinsiya ng tatay mo sa Tarlac.


Itala ang mga dahilan ng may gusto at di-gustong mga kasapi ng mag-anak. Alamin ang naging
huling desisyon at iulat sa klase.

3
4
5
6
7

You might also like