Professional Documents
Culture Documents
Halimbawa NG Isang Talumpati
Halimbawa NG Isang Talumpati
Marahil hindi na kayo nagtataka, dahil kayo ay nasanay na. Pero ito lang ang lagi
nating tatandaan na tayo ay ginawa ng Diyos upang pangalagaan ang kanyang mga
nilikha. Kaya huwag nating aksayahin at abusuhin ang pagtitiwala na ibinigay ng Diyos
sa atin. Dapat nating unahing pangalagaan ang kanyang mga nilikha para sa ikabubuti
ng lahat.
Gutom, walang makain ang mga anak at hindi makapag-aral dahil sa walang
sapat na pera. Imbes ang pera na mula sa tulong ng ibang bansa ay para sa mahihirap,
binubulsa lamang nila. Bilyon-biyon ang perang tulong para sa ating mahihirap pero
nakarating ba ang lahat ng iyon? Hindi ba wala? Dahil sa mga opisyales na ginagamit
ang puwesto para makalikom ng limpak-limpak na salapi. Hindi man lang nila naisip
kung sino ang magdurusa—tayong mahihirap. Tayong mahihirap na salat sa kahirapan,
tayong mahihirap na walang kalaban-laban.
Ang lahat ng ito ay dahil sa kahirapan. Dahil gusto kong bigyan kaming
mahihirap ng importansiya dahil salat kami sa buhay. Bigyan ng maayos na trabaho at
sapat na suweldo ang mga mahihirap. Bigyan ng maayos na edukasyon ang mga
batang mahihirap, dahil naniniwala ako sa mga katagang binitawan ni Rizal na ang
kabataan ang pag-asa ng bayan. Pinakikinggan ko lamang ang mga opisyales na
mapang-abuso sa kaban ng bayan, wala akong pinatatamaan ang alam ko lang patas
ang laban. Wala akong hihilingin pa kundi maayos na pamamalakad sa ating bansa.
Bigyan ng importansiya at bigyan ng karapatan para makapagsalita ang bawat isa.
Nasaan na? Nasaan na ang pangako ng ating mga pangulo, imbes na tulungan
ang nangangailangan, sila pa ang nangungurakot sa lugmok na pamahalaan. Ang
inyong pangako ay lagi lang napapako! Iniisip lang ninyo ang inyong sarili at katayuan
sa buhay. Samantalang ang bawat Pilipino ay walang makain, tirahan at ang iba ay
nasa lansangan, masamang gawi ang natutunan at walang pakialam sa kinabukasan.
Bakit ba puro sila salita? Ngunit wala naman sa gawa. Sa halip na pagtuunan ng
pansin ng pamahalaan ang mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay para maibsan
ang kahirapan. Ngunit ano? Walang ginawa ang pamahalaan kundi lalo pang ilugmok
ang ating bansa. Kaya hanggang ngayon lalong naghihirap ang bansa. Ano? Ano ba
ang dapat gawin?