Document Talumpati Jeco

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Edukasyon

Talumpati ni Farah Grace Jimena


Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian,
palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.

Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan ating pag-uusapan
ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang
umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan
mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag-unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan
na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na
makagpapadali ng ating pamumuhay, lalung-lalo na ng mga kabataan.

Kahit saang dako ka man ngayon tumingin, marami ng mga internet café ang nagkalat. Iba’t ibang model
na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag-aaral sa pribadong
paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?

Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral. Katulad sa mga pananaliksik.
Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na
datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo, encode mo lang ang topikong hinahanap, mag-antay ka lang
ng ilang segundo, binggo na! Makikita mo na ang hinahanap mo.

Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga panahon ng
kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag-antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap lang ng sulat.
Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo… tanggap kaagad.

Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang makabago. Sa
halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa
halip na magresearch para sa assignment… DOTA, counterstrike, YM at Facebook ang inaatupag.
Mayroon din diyan na pakikipag-textmate ang pinagkakaabalahan.

Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan. Ang siste, nakikipag-textmate sa
kung kanino na lamang. Pagdating sa klase bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos
magpapadala sa mga magagandang quotes, mag-a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa
huwisyo ang kinabukasan, malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga
makabagong teknolohiya. Tsk tsk tsk…

Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging
sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa
nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit
ng kahirapan.

Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t
kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo,
Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga
dayuhang ang piniling mag-asawa ng isang Pilipino nang dahil sa ating kultura.

Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin, at magalang na
lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga
kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag-unlad. Magkakaroon ng
matiwasay na pagsasama. Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.

Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na daan sa
pakikipagkaibigan. Dito nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan. Nahahasa rin dito ang tiyaga ng
mga kabataan sa pagkamit ng tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na
palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa
pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang
emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.

Kayat mahal kong mga tagapakinig, lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag nating antaying
mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama-sama nating yakapin at tanggapin
ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating
kamay ang pag-unlad na inaantay ng ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag-asa ng bayan.

You might also like