Handout 2 Disaster Risk Mitigation

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

Mga Kontemporaryong Isyu


Handout #2

KABANATA 2: MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN


ARALIN 1: ANG DISASTER RISK MITIGATION
Markahan: UNANG MARKAHAN

DISASTER RISK MITIGATION (DISASTER RISK REDUCTION)

 Ay naglalayong mabawasan ang pinsalang bunga ng mga sakuna, lalo na ng mga likas na panganib
(natural hazards) o kalamidad tulad ng lindol, baha at bagyo.

 Ito ay nagsusulong ng tamang paghahanda at wastong pag-iwas sa mga sakuna at kalamidad.

SAKUNA (Disaster)

 Ay madalas na nasusundan ng mga natural na panganib.

 Ang katindihan ng sakuna ay nakadepende at nasusukat sa kung gaano kalaki ang epekto n isang
panganib sa lipunan at sa kapaligiran.

 Ang sukatan naman ng epekto ng sakuna ay nakasalalay sa piniling gawin para sa sarili at para sa
kapaligiran.

 Nakasalalay sa bawat desisyon at pagkilos ng tao ang pagiging mahina (vulnerable) o matatag
(resilient) laban sa mga kalamidad.

KALAMIDAD AT PANGANIB (Hazard)

 Ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian at
kabuhayan ng mga ito na maaaring magbunga ng pagkatigil ng panlipunan (social) at pang-
ekonomiyang gawain ng isang komunidad.

 Hal:bagyo, lindol, baha, flashflood, landslide, pagputok ng bulkan, storm surge, tsunami, sunog, giyera

HAZARD

 Ay maaaring:

1.nag-iisa (gaya ng sunog)

2.magkasunod o dulot ng isa pang hazard (gaya ng lindol at tsunami, lindol at landslide o malakas na ulan at
landslide

3.kumbinasyon (bagyo, malalakas na ulan, at landslide o bagyo, baha at landslide)

MGA NATURAL NA KALAMIDAD

1.BAGYO- ito ay tumutukoy sa malakas na hanging kumikilos nang paikot na madalas ay may kasamang
malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit
malakas naman ang hangin sa eyewall nito .

PUBLIC STORM WARNING SIGNAL (PSWS)

 ay mga babalang inilalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang paparating na
bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang daraanan nito, at
ano-ano ang paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng
pagdaan ng bagyo.
ANG KAHULUGAN NG BAWAT PSWS NUMBER

A. PSWS No.1(TROPICAL DEPRESSION)- Hanging may lakas mula 30-60kph. Inaasahan ang bagyp sa
loob ng 36 na oras.

B. PSWS No.2 (TROPICAL STORM)-Hanging may lakas mula 61-120 kph. Inaaasahan ang bagyo sa
loob ng 24 na oras.

C. PSWS No.3 (SEVERE TROPICAL STORM)-Hanging may lakas mula 121-170 kph. Inaasahan ang
pagdating ng bagyo sa loob ng 18 oras.

D. PSWS No.4 (TYPHOON) – Hanging may lakas mula 171-220 kph. Inaasahan ang pagdating sa loob
ng 12 oras.

E. PSWS No.5(SUPER TYPHOON)- Hanging may lakas na higit pa sa 220 kph.Inaasahan ang pagdating
sa loob ng 12 oras.

2.STORM SURGE AT STORM TIDE

 Storm surge-ay hindi pangkaraniwang o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na kaugnay ng low


pressure weather system gaya ng mga tropical cyclone at malalakas na extratropical cyclone.

Ito ay sanhi ng mga high wind na tumutulak sa ibabaw ng dagat. Ang malakas na hangin ang nagiging
dahilan upang magkumpol ang tubig na mas mataas kaysa sa ordinaryong sea level

 Storm Tide - Ang water level ng dagat ay tumataas dahil kumbinsayon ng storm surge at astronomical
tide. Sa storm surge at storm tide ay parehong maaaring makaranas ng matinding pagbaha sa mga
coastal area, at maging sa karatig na pook, lalo na kung dalawa ay masasabay pa sa normal high tide.

3.BAHA

 Nagkakaroon ng baha kapag tumaas ang tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng
tubig na ang resulta ay ang pag-apaw nito sa lupa.

 Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng malalakas na ulan o
thunderstorm, at tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.

 Ang pagbaha sa kasalukuyan ay tila baga nagiging pangkaraniwan na lamang sa maraming lugar sa
Pilipinas.

4.FLASHFLOOD

 Ito ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahot at iba pa.

 Bagama’t mabilis ang pagdating ng flashflood, mabilis din ang paghupa nito. Ang pangkaraniwang
sanhi nito ay ang malakas na pag-ulan.

5.LANDSLIDE

 Ito ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok.

 Ang pangkaraniwang sanhi nito ay ang malalakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o hindi kaya naman ay
paglindol.

6.EPIDEMYA

 Ito ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit nang mas mabilis kaysa
normal nitong pagkalat sa isang partikular na lugar.

 Hal. Tigdas, dengue, malaria, diarrhea at cholera


7.LINDOL

 Ang malakas na uri nito at ang mga teribleng epekto nito ang isa sa pinaka nakatatakot at mapanirang
pangyayari sa kalikasan.

 Ito ay isang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong
nasa ilalim ng lupa kapag pinakawawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon.

 Sa lindol ay may tinatawag na katindihan (intensity) at kalakasan (magnitude).

 Ang KATINDIHAN ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang lindol.

 KALAKASAN ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos ng mga seismikong tala para
matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol

8.BUHAWI

 Ito ay tinatawag ding alimpuyo, tornado, o ipo-ipo.

 Ito ay isang bayolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad sa


kalatagan ng lupa..

 Ito ay karaniwang nabubuo kasama ng isang thunderstom. Ang malamig na hangin sa himpapawid ay
bababa sa kalupaan samantalang ang mainit na hangin sa ibaba naman ay aakyat nang paikot.

 Ang BUHAWI ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang ang ipo-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw
ng tubig.

 Ang mga buhawi ang sinasabing pinakamapaminsalang bagyo ng kalikasan. Maaaring lumitaw ang
mga ito nang walang babala at maaaring hindi nakikita hanggang sa ang mga alikabok at debris ay
liparin o hanggang sa isang hugis-imbudong ulap ang lumitaw.

9.TSUNAMI

 Kilala rin bilang mga seismic sea wave, ito ay serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa
tubig, gaya halimbawa sa bahagi ng karagatan.

 Ang mga lindol, malaking pagkilos sa tubig , pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim
ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng maliit na bulalakaw, at pagsubok ng mga kagamitang
nukleyar o atomiko sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami.

 Ang tsunami ay maaaring kumilos nang daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at
humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa. Mula sa pinagmulan
ng tsunami ang mga alon ay bumibiyahe sa lahat ng direksyon. Sa sandaling paparating na ito ng
dalampasigan, ito ay tumaas. Magkakaroon ng higit iisang alon at ang susunod ay maaaring mas
malaki sa nauna.

You might also like