Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

National Capital Region

Schools Division Office


CALOOCAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Caloocan City

KASUNDUAN NG PAARALAN, MAGULANG AT MAG-AARAL

Ako si _________________________________ Baitang IV, Pangkat ARMM (14) pinag aaral ni


G. /Gng_______________________________________ at naninirahan
sa_________________________________ _
Brgy _________ ay handing tumupad sa mga sumusunod na alituntunin ng Caloocan Central Elementary
School.
A. KAAYUSAN
1. Papasok sa paaralan sa itinakdang araw at oras ng pagpasok 11:45 at oras ng klase 12:00 -6:10 ng hapon.
2. Papasok sa paaralan na malinis at maayos ang uniporme o angkop na kasuotan na itinakda ng
paaralan.Masusuot ng P.E uniform o angkop na kasuotan sa P.E sa itinakdang araw ng guro.
3. Uuwi sa itinakdang oras ng uwian.Kung ang bata ay kailangang sunduin na wala sa itinakdang oras ng uwian
,kailangang ipagbigay alam at may kasamang kasulatan ng dahilan sa pagsundo sa Guidance Center.
4. Magsusuot ng ID na galling sa paaralan lamang
5. Pananatilihing angkop ang haba ng buhok para sa mga lalaki at maayos na buhok para sa mga babae.Hindi
magpapakulay ng buhok.
6. Hindi magsusuot ng alahas sa loob ng paaralan.
7. Papanatilihing malinis at maayos ang kapaligiran ng paaralan.
8. Pangangalagaan ang mga kagamitan ng paaralan.
9. Pagsusuotin ng angkop na kasuotan ang aking magulang/guardian sa pagpasok sa paaralan.
10. Igagalang ang mga guro at ang pamunuan ng paaralan.
11. Hindi lalabag sa mga alituntunin ng paaralan at silid aralan
12. Hindi mag cu-cutting class,maglilibot sa paaralan sa oras at pagkatapos ng klase.
13. Hindi mag-iistambay sa paaralan pagkatapos ng klase.
14. Hindi mag-iingay na maaaring makaistorbo sa ibang klase.
15. Hindi makikipag-away,magmumura o iba pang di mabuting pag-uugali na napapaloob sa Anti-bullying
Act(R.A 10627)
16. Hindi magdadala ng mga gadgets(e.g cellphone,tablet, radio o CD player)
17. Hindi magdadala ng ipinagbabawal na gamut: Marijuana: sigarilyo, nakalalasing na inumin: malalaswang
babasahin: mga matatalas o matutulis na bagay na hindi kailangan sa pag-aaral.
18. Hindi magpupunta sa paaralan sa araw ng Sabado o Linggo na walang permiso mula sa guro at pamunuan
ng paaralan.
19. Hindi bubuo o sasanib sa pangkat na hindi kilala ng paaralan( fraternity)
B. KARAPATAN NG PAARALAN
1. Magkumpiska ng mga bagay o gamit na maaaring makapaminsala sa mag-aaral o ibang tao sa paaralan
2. Pagpapatawag sa magulang o guardian ng mag-aaral na lumabag sa kasunduan .
3. Pananagutin ang magulang o guardian sa pamamagitan ng pagpapalit o pagbabayad sa anumang bagay o
pinsala na sinadyang gawin ng mag-aaral o magulang sa loob ng paaralan.
4. pagrekomenda o pagpataw ng aksyong pang disiplina ayon sa bigat ng kasalanan o nilabag na panuntunan.
Kusang loob ko po na nilagdaan ang kasunduan bilang pag sang-ayon sa mga itinakdang alituntunin ng
paaralan sa taong pampaaralan 2019-2020.

___________________________ ______________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang/Guradian

Petsa ng Paglagda:______________________

Pinagtibay: MARIZEL S. TUMBIGA


Pangalan at lagda ng GurongTagapayo

CARMENIA C. ABEL, Ed.D


Principal IV

You might also like