Ang Alamat Ni Mariang Makiling

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat Ni Mariang

Makiling
SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong
nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay
tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay
may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa
talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga
tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang
Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong
Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang
Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang


mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang
kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin
tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk) na may borda
(embroidered ) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong
(talón, heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha ( pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang
mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang
mga tao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta,
bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at
ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping
mats), at sutla (seda, silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili
at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng pamilihan” nuon, at lahat sa nayon ay nasa
talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang
kanilang mga “paninda.” Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat
Dula sa “pagtawad” sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang
kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay
ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa
malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang
maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang
Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa
bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at
humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao
samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2 magka-
ibang nilalang.

You might also like