Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Grade1

Araling Panlipunan

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
 Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling
pamilya at mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng
bawat isa;
2. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
 Buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwentong ng sariling
pamilya at bahaging ginagampanan ng bawat kasapi nito sa
malikhaing pamamaraan; at
3. Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competency)
 naiisa-isa ang mga alintuntunin ng pamilya.

CONTENT: Mga Alintuntunin sa Pamilya


CODE: AP1PAM-IIe-14

II. LEARNING RESOURCES


A. Sanggunian
n.a.(2016). K to 12 Curriculum guide: Araling Panlipunan. Pasig: Deped. p.
9
n.a.(2016). Health grade 1: Teacher’s guide. Pasig: Deped. p. 16-17

B. Mga Kagamitan:
Visual aids, laptop, speaker, cartolina, chalk and board, big book
Values Focus: Cooperation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Drill
 “Baby Pating”
1) Nagustuhan ninyo ba ang energizer natin ngayong araw?
2) Sinu-sino ang mga nabanggit sa awit na ating kinanta?
2. Pagbabalik-aral
 Sinu-sino ang bumubuo sa inyong pamilya?
 Anu-ano ang mga katangian ng inyong pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapakita ako ng mga larawan ng mga iba’t-ibang pamilya.
Tatayo kayo kung ang mga larawan naipapakita ko ay ginagawa ng
inyong pamilya at mananatili naman kayong nakaupo kung ito ay
hindi ginagawa ng inyong pamilya.
Tanong:
1) Anong mga larawan ang nagpapakita ng magandang pamilya?
2) Ano ang mga gawain na ginagawa ng inyong pamilya upang
maging mabuti at masaya ang inyong pamilya?

2. Paglalahad
Ang isang pamilya ay nagiging mabuting pamilya kung ito ay may
sinusunod na alituntunin. Ano nga ba ang alituntunin?

Ang alituntunin ay isang gawi o ugali na ipinapatutupad ng iyong


mga magulang o nakakatandang kasapi.

Ito ang mga sumusunod na halimbawa ng alituntunin ipinapatupad


ng isang pamilyang Pilipino

 Paggalang sa
 Pagsunod sa nakatatanda
 pagpapanatili ng utos ng
kalinisan at kaayusan ng magulang
tahanan

 Pag-aaral nang mabuti  Pagpapanatiling malinis at malusog ng


katawan

Ang mga gawaing ito ay daan sa pagkakaroon ng maayos at


masayang pamumuhay ng pamilya.

Sa inyong mga pamilya mayroon din ba kayong alituntunin na hindi


nabanggit? Maaari ka bang magbigay ng isa.

3. Paglalahat
1) Anong tawag sa gawi o ugali na ipinapatupad ng inyong mga
magulang o nakakatandang kasapi.
2) Magbigay ng mga alituntunin ng ipinapatupad ng inyong
pamilya?

C. Panlinang sa Gawain
1. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Susubukin natin ang inyong galing sa ating aralin ngayong araw.
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
limang grupo. Kinakailangan ng bawat grupo na matapos ang
pangkatang gawain sa loob ng 10 minuto. Ang makakatapos ng
mabilis at walang mali ay makakakuha ng premyo. Ang paggawa ng
hindi kaaya-aya sa pangkatang gawain ay makalip na bawas sa
puntos.

Pangkat 1
Panuto: Kulayan ng pula ang mga larawan nagpapakita ng
alituntuning ipinapatupad sa inyong pamilya at asul sa hindi.

Pangkat 2
Panuto: Punan ang tsart. Idikit ang larawan ng mga alituntunin sa
tapat ng batayan nito.

 Pagsunod sa  Paggalang sa
 pagpapanatili ng utos ng nakatatanda
kalinisan at kaayusan magulang
ng tahanan

 Pag-aaral nang mabuti  Pagpapanatiling malinis at malusog


ng katawan
Pangkat 3
Panuto: Iguhit ang kung nagpapakita ng alituntuning
ipinatutupad sa pamilya at kung
hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

Pangkat 4
Panuto: Bilugan ang mga larawang nagpapakita ng alituntuning
ipinatutupad sa inyong pamilya at X naman kung hindi.
Pangkat 5
Panuto: Pagdugtungin ang mga Hanay A (simbolo o bagay) sa Hanay
B (mga alituntunin na ipinatutupad ng pamilya)
Hanay A Hanay B
1. a.

2. b.

3. c.

4. d.

e.
5.

2. Pagtataya
Panuto: Isulat ang  kung ang mga sumusunod ay halimbawa ng
isang alituntunin na sinusunod ng isang pamilya at  kung hindi.
__________1. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng tahanan.
__________2. Pag-aaral nang mabuti.
__________3. Pagdadabog tuwing inuutusan ng magulang.
__________4. Pagkain ng masustansyang pagkain.
__________5. Paggamit ng ilaw kahit hindi maliwanag na.
3. Kasunduan (Takdang-Araling)
a. Remediation, para sa 3 hanggang pababa:
 Magdikit ng mga larawang nagpapakita ng mga
alintuntunin na sinusunod ng isang pamilya. Magdikit ng 3
hanggang limang larawan.
b. Enrichment, para sa 4 hanggang 5”
 Magsulat ng limang kahalagahan ng pagpapatupad ng
mga alituntunin.

You might also like