Professional Documents
Culture Documents
LGBT Ap
LGBT Ap
“Boy Abunda”
Ipinanganak noong Oktubre 29,1955. Malaki ang naging
kontribusyon niya sa lipunan, marami-rami ang mga
ito. Isa siyang tanyag na TV Host, Publicist, Talent
Manager at Celebrity Endorser. Marami siyang
napamangha na mga Pilipino pagdating sa usapang
pagmamahal, pamilya at lalo na sa gay rights.
Jose Marie Borja Viceral
“Vice Ganda”
Ipinanganak noong Marso 31,1976. Si Vice Ganda ay
isang tanyag na komedyante. Kahit sinong Pilipino
ang tatanungin mo kung kilala ba nila si Vice Ganda,
paniuradong “Oo” ang kanilang magiging sagot.
Marami siyang napasaya na mga Pilipino, siya’y
nagbigay ngiti sa madlang people at siya rin ay may
mabuting puso. Marami rin siyang natulungan na mga
taong naghihirap sa buhay.
Cariza Yamson Seguerra “Aiza
Seguerra”
Ipinanganak noong Septiyembre 17,1983. Si Aiza ay
isa sa mga pinaka-magaling na mang- aawit at
manunulat sa bansa. Napamangha niya ang mga tao
sa kanyang mga kantang pang muni muni.
Raymund Joseph Teves Laurel “Rajo
Laurel”
Ipinanganak noong Mayo 19,1971. Si Rajo ay isang sikat
na fashion designer mapa-Pilipinas man o mapa buong
mundo. Hindi lang siya ang kilala sa abroad, pati na rin
ang ating bansa. Tunay nga na siya ay isang
world-class designer.
Joel De La Cruz Santos “Joel Cruz”
Ipinanganak noong Hunyo 9.1989. Si Joel ay kilala bilang
may-ari ng isang sikat na brand ng pabango. Sumikat ang
brand na ito sa buong bansa at ipinakita niya sa mga Pilipino
kung ano talaga ang totoong entrepreneurship.
Danton R. Remoto
Si Danton ay isa sa mga pinaka-magaling na Pilipinong
manunulat sa buong bansa. Marami siyang natanggap
na mga malalaking award dito sa Pilipinas pati na din sa
abroad. Siya ay naging lider sa isang organisasiyon kung
saan ipinaglalaban niya ang karapatan ng mga
miyembro ng LGBT.
Monica Anne Esteva Wilson “Monique
Wilson”
Ipinanganak noong Mayo 4,1970. Siya ay isang theater
at film actress at women’s rights activist. Naging
inspirasyon siya sa mga ibang Pilipino dahil sa
ipinakita niyang katapangan. Sa pakikipaglaban niya
sa kanyang sakit na chronic blood cancer, matapang
niyang hinarap ito at siya ay umamin na siya ay
miyembro ng LGBT.
Rustom Cariño Padilla “BB Gandanghari”
Ipinanganak noong Mayo 15,1967. Namangha ang ibang
Pilipino sa kanyang tapang na pinili niyang maging isang
tao kung sino siya talaga habang ang iba naman ay
nagulat.
Ricardo Enriquez Reyes Jr. “Ricky Reyes”
Ipinanganak noong Abril 12,1950. Si Ricky ay isang tanyag na hairdresser.
Siya ay isang pilantropista na marami nang natulungan na mga batang
pilipino. Sa pamamagitan ng kanyang mga organisasiyon, marami siyang
napa-aral at natulungan na mga batang may kanser.
Allan Quilantang “Allan K”
Ipinanganak noong Disiyembre 13,1958. Siya ay nasa noon time show ng
GMA na Eat bulaga. Kahit marami nang mga komediyante na hinay hinay
na sumisikat, isa pa din si Allan sa mga pinaka-magaling na komediyante
sa bansa. Marami rin siyang napasaya na mga Pilipino.