Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao-9

Baitang: Courage/ Fidelity Petsa: ___________________

I. Mga Layunin

A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto


1. Pamantayang Pangnilalaman  Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
lipunang pang-ekonomiya.

2. Pamantayan sa Pagganap  Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-


ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o
photo/video journal.

3. Batayang Konsepto  Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat


maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
 Ang mabuting ekonomiya ay iyong
napauunlad ang lahat-walang taong sobrang
mayaman at maraming mahirap.
 Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa
sariling pag-unlad kung hindi sa pag-unlad
ng lahat.

Nilalaman ng Aralin: Modyul I: Lipunang Pang-ekonomiya

Mga Kagamitan: Manila Paper, krayola, pentel pen, meta strips, laptop
at lcd projector

Mga Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa EsP B.9, pahina

K to 12 Gabay sa Pagtuturo ng EsP B.9, pahina 21-28

K to 12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao B.9,


pahina 36-49

B. Mga Kasanayang KP1: Nakikilala ang katangian ng mabuting


Pampagkatuto ekonomiya.
KP2: Nakapgsusuri ng maidudulot ng magandang
ekonomiya.
KP3: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang
lahat-walang taong sobrang mayaman at maraming
mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-
unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
KP4: Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang
barangay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal.
II. Paunang Pagtataya: Sumangguni sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao
B.9 pahina 37-39
III. Plano ng Pagtuturo-
Pagkatuto:
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman Gawain 1. Magsagawa ng isang survey sa mga kapuwa
mag-aaral sa paaralan. (Sumangguni sa Modyul pahina
39 para sa mga tanong.)

Gawain 2: Magsagawa ng kaparehong survey sa mga


magulang. (Sumangguni sa Modyul pahina 39 para sa
mga tanong.)

B. Paglinang ng Kaalaman, Gawain 1: Paggawa ng Bahay. (Pangkatang gawain)


Kakayahan at Pag-unawa

C. Pagpapalalim Mga Posibleng Tanong:


1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas? Ipaliwanag.
2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng
yaman ng bayan kaysa sa pantay na pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay?
Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ito.
4. Ano ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-
aari? Ipaliwanag.
5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at
pag-unlad ng bayan.
6. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng
Lipunang Pang-ekonomiya?

(Gumamit ng graphic organizer para sa paghinuha ng


batayang konsepto)

Pagganap Gawain 1: Magsagawa ng extemporaneous speech


tungkol sa magagawa ng isang kabataan sa pagkamit
ng mabuting ekonomiya. (Ibigay ang gawaing ito bago
magsimula ang aralin).

IV. Pagtataya Sumangguni muli sa Modyul sa Edukasyon sa


Pagpapakatao B.9 pahina 37-39
V. Kasunduan Gawin ang mga gawain para sa pagninilay bilang takda
sa Modyul ng EsP B.9 pahina 47.

Inihanda ni:

JIMMY M. ROMASANTA
Secondary School Teacher III
Ilaya National High School

You might also like