Bartimeo

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bartimeo/

Konsepto ni: Raymond Stamatalaky Guinto

Marcos 10:46-52.

Nakakita ang Bulag


46
Sila ay dumating sa Jerico. Habang si Jesus na kasama ang kaniyang mga alagad at ang
napakaraming tao ay papalabas sa Jerico, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay
nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.47Nang marinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ang
naroon, nagsimula siyang sumigaw. Sinabi niya: O anak ni David, Jesus, mahabag ka sa akin.

48
Sinaway siya ng napakaraming tao upang tumahimik. Ngunit lalo siyang sumigaw: Anak ni
David, mahabag ka sa akin.

49
Huminto si Jesus at ipinatawag siya.
Tinawag nila ang bulag na sinasabi: Lakasan mo ang iyong loob, tumindig ka, tinatawag ka ni
Jesus. 50Itinapon niya ang kaniyang balabal, tumindig at lumapit kay Jesus.

51
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ano ang nais mong gawin ko sa iyo?
Sumagot ang bulag at sinabi: Guro, nais kong matanggap ang aking paningin.

52
Sinabi ni Jesus: Humayo ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Kaagad tinanggap ng
bulag ang kaniyang paningin. Siya ay sumunod kay Jesus sa daan.

Si Bartimeo ay isang bulag na pinagaling ni Hesus. Natatangi si Bartimeo sapagkat bibihira sa


Biblia ang pagbanggit ng pangalan ng mga taong pinagaling ni Hesus. Sumasalamin si Bartimeo
sa ating paghahanap sa tunay na Liwanag ang kanyang pagsigaw at pagtawag ay pagpapakita ng
masidhing pananalig at pagtitiwala sa kakayanan ni Hesus na siya ay mapagaling. Ang pagtapon
niya ng kanyang balabal ay pagpapakita ng handa niyang iwan ang lahat para kay Hesus.

Tayo’y mga makabagong Bartimeo… nagahahanap ng liwanag at katotohanan sa mundong


punong puno ng kadiliman. Nawa’y sa ating paghahanap ay makita natin ang tunay na liwanag
na si Hesus lamang ang tunay na makapagbibigay.
Hesus ikaw ang Tunay na Liwanag ng aming buhay!

Prologue

Tagpo: Sa Simbahan, Nag sisimba si Simang kasama ang kanyang anak taimtim na nanalangin.
Nakaluhod at nakapikit.

Simang: panginoon, salamat po sa lahat ng binibigay nyo sa aking swerte…, salamat po at nag
bayad na si Berto sa kanyang utang… ang lokong yun inabot ng siang linggo eh 500 lang naman
di pa mabayaran eh ang baba na nga ng tubo eh grabe talaga… ayun tuloy napabarangay ko buti
nga sa kanya… sana po manalo na ako sa lotto, loteng, ending, jueteng, sa tong its namin
mamaya ng mga amiga ko… bukas naman po may sakla sa kanto kahit makapuro lang po ayus
na. sana po mabili ko na ‘yung bagong celpon na may blutut para makapag download na ako ng
mga peboret ko na mga emphetri ni chares at lady gaga… at may biglang papasok sa isip nya…
ay gusto ko rin yung plat scriin na tebe para maganda ung panunuod ko ng mara clara… at hwag
na nga po nakakahiya… ah uhm ay sige na nga rin kung pwede po ay dumaan sana si kumpare
mamaya sa bahay… kilig…

Sa di kalayuan…

Manang1: pabulong na pasigaw: NAKU! Sister tignan mo yan si Simang oh pasimba samba pa…
eh wala naman mangyayari dyan ke mesirable ng buhay… ang anak adik ang asawa pusher may
kaya nga eh galing naman sa kalokohan ang pera kung magpa phayb sikz eh ang laki-laki ng tubo
daig pa si Johnny..

Manang2: Sssshhh hwag ka nga maingay may utang pa ko dyan baka marinig ka… dito nga tayo
at baka makita ako … lalayo silang dalawa

Anak: Nay uwi na tayo nagugutom na ko eh… sige na nay please?!

Simang: Naku! Ikaw talaga nakita mo ng nag darasal pa ako eh … mag kukruss ay sige na nga po
salamat next time po ulit.. Amen… Halika na uwi na tayo ang kulit mo talaga…

Anak: Yehey!!!

Lalakad sila palabas… may makakalubong na mga bata mang lilimos…

Bata1: Ate… pahingi naman po ng kaunting barya… pang kain lang TeH… sige na Ate

Bata2: dinudukutan si Simang habang nililito ni bata1…

Mahuhuli ni Simang… makakatakbo ang mga bata…

Simang: Hoy!!! Ung bag ko ibalik mo…!!! Punyemas talaga!!! Tulungan nyo ko!!!
Black Out…

Scene 1

“Nabulag”

Buhay ni Simang

Balik sa Prologue

Scene2

“Nagbubulag-bulagan”

Buhay ni Manang2

Balik sa Prologue

Scene3

“Binulag”

Buhay ng mga Bata

Epilogue

Magkikita kita muli sila sa simbahan masaya nagsisimba mas maayos ang buhay nakita ang
tunay na liwanag… Wakas

You might also like