Itong Dagling ito ay ginawa ng aming butihing guro sa Asignaturang Filipino. Magamit nawa ninyo ito sa pag-gawa ng mga Banghay Aralin at bilang teksto sa klase.

“Magsasama sa hirap at ginhawa, ligaya at kalungkutan,
kayamanan at karukhaan hanggangsa kamatayan.”
Matagal na panahon ang lumipas bago niya tuluyang
nakalimutan ang kaniyang nakaraan.
“Hindi na ako muling magmamahal,” ang naibulalas niya
sa kaniyang sarili. Ito ang kaniyang bukambibig. Tila panaginip ang lahat nang isang araw ay lumaya ang pusong nakagapos sa mahabang panahon.
Isang telegrama ang kaniyang natanggap noong
sandaling iyon. Dumating ang araw na kaniyang pinakahihintay. Tila ang nakahimlay na pag-ibig ay muling nabuhay. Hindi naging minsan ang kanilang pagkikita. Nasundan ito hanggang sa naging paulit-ulit.
Dumating ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.
Magarbong seremonya ang kanilang inihanda. Ilang segundo, minuto, at oras ang lumipas, subalit tila isang bangungot nang kahapon ang nagpagunita sa kaniyang tulirong isipan. Hindi niya maipaliwanag ang lamig na gumagapang sa kaniyang buong katawan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tanging ang tunog ng kampana mula sa simbahan ang kaniyang narinig. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata sa kawalan. Buong husay nitong iniligid ang paningin sa kaniyang kinaroroonan. Tumambad na lamang sa kaniyang harapan ang dalawang taong magkahawak ng kamay sa labas ng simbahan na sinasabuyan ng bulaklak. Laking pagtataka sa kaniyang nasaksihan.
“Sa hirap at ginhawa, paghiwalayin man ng
kamatayan…” ang tanging nasamabit niya sa mga sandaling iyon