Work Immersion

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

STATION 1:

FLIP THE TARP


 Sa aktibidad na ito, ang lahat ng miyembro ng grupo ay
nararapat na nasa loob ng tarpaulin.
 Dapat na mabaligtad ng grupo ang tarpaulin na kanilang
inaapakan nang walang kahit isang miyembrong tumatapak sa
sahig na hindi sakop ng tarpaulin.
ORAS:
Ang larong ito ay kinakailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Ang pagtapak sa labas ng tarpaulin ay mahigpit na
ipinagbabawal.
PUNTOS:
Dalawampu (20) ang kabuuang puntos ng grupo sa simula ng
laro.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 2:
ISINGIT MO!
 Ang lahat ng manlalaro ay kinakailangang bumuo ng isang
pila.
 Ang miyembrong nasa unahan ng pila ang unang susubok ng
aktibidad.
 Siya ay maglalagay ng isang patatas sa pagitan ng kanyang
mga hita at iikot sa upuang nasa kabilang dulo pabalik sa
kanyang pinanggalingan.
 Ipapasa niya ang patatas sa susunod na manlalaro.
 Gagawin muli ng sunod na manlalaro ang ginawa ng unang
sumubok.
 Pagdating sa huling miyembro ng grupo, ilalagay muli ang
patatas sa pagitan ng kanyang mga hita at kailangan niya
itong mai-shoot sa timba na nasa kabilang dulo.
ORAS:
Ang larong ito ay kinakailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Sa larong ito, ang mga kamay ng manlalaro ay maaari lamang
gamitin sa tuwing ilalagay ang patatas sa pagitan ng kanilang
mga hita.
Kapag nalaglag ang patatas sa kalagitnaan ng paglalakad ng
manlalaro, siya ay babalik sa pila at muling isasagawa ang
nasabing proseso ng laro.
PUNTOS:
Ang bilang ng miyembrong makakagawa ng aktibidad ang
magsisilbing puntos ng grupo.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 3:
ROLL THE MARBZ
 Sa larong ito, ang grupo ay bubuo ng isang pila.
 Ang styrofoam ay nakalagay sa unahan ng pila ng grupo, ito ay
mayroong butas sa dulong bahagi nito. Kinakailangang mai-
shoot ng manlalaro ang jolen sa butas ng styrofoam sa
pamamagitan ng pagpitik dito.
 Ang nasa unahan ng pila ang unang susubok ng laro.
 Ang mga manlalaro ay maaari lamang pumitik sa jolen ng isang
beses at kailangang sumunod kaagad ang sunod na manlalaro.
 Ang miyembrong tapos na sumubok ay muling pipila.
 Pagkatapos sumubok ng miyembrong nasa huli ng pila, saka
lamang maaaring sumubok ulit ang mga naunang miyembro.
ORAS:
Ang aktibidad ay maaari lamang isagawa sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Ang jolen ay maaari lamang pagulungin sa pamamagitan ng
pagpitik.
Isang beses lamang puwedeng pumitik ang miyembrong naglalaro.
Siya ay maaari lamang sumubok ulit pagkatapos maglaro ng
huling manlalaro sa naunang pila.
PUNTOS:
Ang dami ng jolen na nai-shoot ang siyang magiging puntos ng
grupo.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 4:
THREEAL AND ERROR
 Pipili lamang ang grupo ng apat na manlalaro para sa
aktibidad na ito.
 Ang apat na manlalaro ay kailangang umakyat/ tumungtong
sa dalwang upuan.
 Dapat igalaw o iipod ang dalawang upuan papunta sa finish
line nang walang nalalaglag sa apat na manlalaro.
ORAS:
Ang aktibidad na ito ay kinakailangang matapos sa loob ng
limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Bawal malaglag o umapak sa sahig ang sino man sa apat na
manlalaro.
Kapag mayroong nalaglag sa mga manlalaro sa kalagitnaan ng
aktibidad, sila ay babalik at magsisimula muli sa starting line.
PUNTOS:
Ang distansyang naabot ng mga manlalaro sa loob ng limang
minuto ay mayroong katumbas na puntos.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 5:
DENTAL CAP
 Sa istasyong ito, ang lahat ng miyembro ng grupo ay
kinakailangang makasubok.
 Ang unang manlalaro ay magsusuot ng sombrero (bullcap).
 Ang cap's bill (unahan ng sombrero) ang magsisilbing midyum
upang mailipat ang sipilyo sa basong nakaposisyon malapit sa
manlalaro.
 Pagkatapos sumubok ng unang manlalaro, ipapasa nito ang
sombrero sa susunod na manlalaro.
 Muling isasagawa ng sunod na manlalaro ang nasabing proseso
hanggang sa maisagawa ito ng huling miyembro.
ORAS:
Ang larong ito ay maaaring isagawa sa loob lamang ng limang
(5) minuto.
PANUNTUNAN:
Ang paggamit ng kamay sa pagkuha ng sipilyo ay
ipinagbabawal.
PUNTOS:
Ang bilang ng sipilyong nailagay sa baso ang magsisilbing puntos
ng grupo.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa
puntos ng grupo.

STATION 6:
CATERPILLAR
 Sa larong ito, kailangang magdugtong-dugtong ang mga
miyembro sa pamamagitan ng pagkabit ng mga binti sa hita
ng nasa unahan.
 Ang bawat miyembro ay gagalaw gamit ang kanilang mga
puwit.
 Iikot sa upuang nasa kabilang dulo ang mga magkakadugsong
na tao hanggang makarating sa finish line.
ORAS:
Ang aktibidad na ito ay kinakailangang matapos sa loob ng
limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Ang paggamit ng kamay sa larong ito ay mahigpit na
ipinagbabawal.
PUNTOS:
Ang distansyang naabot ng mga manlalaro sa loob ng limang
minuto ang magiging basehan ng kanilang puntos.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.
STATION 7:
SPOON IT
 Ang grupo ay bubuo ng isang malaking bilog.
 Ibibigay ng tagapagbantay ang isang kutsarang mayroong
nakakabit na tali.
 Ang kutsarang iyon ay kinakailangang maipasok ng unang
susubok sa kanyang damit (pang-itaas at pang-ibaba) at
ipapasa sa kanyang katabi.
 Ang katabi niya ang magsisilbing sunod na manlalaro at muli
niyang gagawin ang isinagawa ng naunang miyembro.
 Ito ay isasagawa hanggang sa mailusot ang kutsara sa damit ng
lahat ng miyembro.
ORAS:
Ang aktibidad ay kinakailangang matapos sa loob lamang ng
limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Kailangang iwasan ng mga manlalaro na maputol ang tali ng
kutsara o kaya naman ay kumapos ang haba ng tali sa lahat ng
miyembro ng grupo.
PUNTOS:
Ang bilang ng miyembrong nakagawa ang magsisilbing puntos ng
grupo.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 8:
BRING ME THERE
 Sa istasyong ito, mayroong nakataob na timba sa gitna ng
grupo . Itoay mayroong nakakabit na mga tali na kinakailang
hawakan ng bawat miyembro.
 Ang bawat miyembro ng grupo ay kinakailangang humawak
ng isang tali na nakakabit sa nakataob na timba.
 Mayroong bola na nakapatong sa nakataob na timba. Ang
layunin ng grupo ay mailagay ang bola sa isa pang timba sa
pamamagitan ng pagbabalanse rito.
ORAS:
Ang larong ito ay kinakailangang matapos sa loob lamang ng
limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Kinakailangang lahat ng miyembro ay may hawak na tali.
Ang paggamit ng ibang paraan upang maipasok ang bola sa
timba ay mahigpit na ipinagbabawal.
PUNTOS:
Ang puntos ng grupo ay nakabase sa kung gaano kabilis
matatapos ng grupo ang pagsubok na ito.

STATION 9:
RAISE YOUR BASIN
 Ang grupo ang bubuo ng linyang pahalang.
 Ang mga miyembro ng grupo ay hihiga at itataas kanilang mga
paa.
 Ang kanilang mga paa ang siyang gagamitin upang buhatin
ang palangganang may lamang tubig.
 Kinakailangang maipasa ang palanggana gamit ang mga paa
sa katabi hanggang sa makarating sa huling kalahok nang hindi
nauubos ang laman nitong tubig.
ORAS:
Ang aktibidad na ito ay kinakailangang matapos sa loob ng
limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Ang paggamit ng kamay sa larong ito ay ipinagbabawal.
PUNTOS:
Ang dami/taas ng tubig na matitira sa loob ng palanggana ay
mayroong katumbas na puntos.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.
STATION 10:
KASYA
 Ang tagapagbantay ay mayroong ibibigay na taling nakabuhol
sa nais na laki, ito ay gagamitin upang tantyahin ng grupo kung
ilan ang magkakasya rito.
ORAS:
Ang laro ay maaari lamang gawin sa loob ng limang (5) minuto.
PUNTOS:
Ang bilang ng mga magkakasya sa loob ng tali ay magsisilbing
puntos ng grupo.

STATION 11:
FINDING ITLOG
 Ang grupo ay bubuo ng isang pila.
 Kailangang magsuot ng piring ang lahat ng mga manlalaro, ang
mapipiling lider na siyang magmamando o magbibigay ng
direksyon ay hindi na kailangan ng piring sapagkat siya ang
magsisilbing mata ng grupo.
 Lahat ng manlalaro ay nararapat na ipatong ang kanilang mga
kamay sa balikat ng nasa kanilang unahan.
 Ang lider na nakapuwesto sa dulo ng pila ang siyang
magbibigay ng utos sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat ng
nasa kanyang harapan.
 Ang tapik ay kinakailangang maipasa hanggang sa
miyembrong nasa unahan ng pila.
 Ang manlalarong nasa unahan ng pila ang kakapa at hahanap
ng itlog.
IBIGSABIHIN NG MGA TAPIK
Tapik sa kaliwang balikat - Ang grupo ay hahakbang pakaliwa
Tapik sa kanang balikat - Ang grupo ay hahakbang pakanan
Sabay na pagtapik sa parehas na balikat - Ang grupo ay uupo at
kakapain ng manlalaro sa unahan ng pila kung nasaan ang itlog.
ORAS :
Ang aktibidad ay kinakailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Bawal tanggalin ang piring.
Bawal maputol ang pila ng grupo.
Walang maririnig na ingay na manggagaling sa mga manlalaro,
tanging ang tagapagbantay ang siyang maaaring magsalita.
PUNTOS:
Ang puntos ng grupo ay nakabatay sa kung gaano kabilis
mahahanap ang itlog sa loob ng limang minuto.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 12:
OBSTACLE COURSE
 Ang istasyong ito ay mayroong tatlong bahagi.
 Sa unang bahagi, kailangang makalampas ang bawat
miyembro ng grupo sa apat na gulong sa pamamagitan ng
paghakbang sa mga butas nito.
 Sa pangalawang bahagi, ang bawat miyembro ay lulusot sa
ilalim ng mga tali hanggang sa makalabas sa pamamagitan ng
pag-gapang.
 Sa ikatlong bahagi, dapat makalusot nang nakahiga ang
bawat miyembro sa loob ng tatlong hulahoop hanggang
makarating sa dulo ng istasyon.
ORAS:
Ang istasyon na ito ay kailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PUNTOS:
Ang bilang ng mga manlalarong nakagawa ng pagsubok ang
magsisilbing puntos ng grupo.

STATION 13:
PUTUKIN MO 'KO
 Ang grupo ay pipili ng labinglimang (15) manlalaro para sa
istasyong ito.
 Ang mga napiling manlalaro ay magsusuot ng balloon popper.
 Isa-isang tatalon ang mga manlalarong napili upang putukin
ang lobo (Isa sa bawat oras).
 Kinakailangang maputok ng mga manlalaro ang lahat ng lobo.
ORAS:
Ang mga lobo ay maaaring putukin sa loob ng limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Ang mga lobo ay bawal hawakan habang pinuputok ito.
Ang maaari lamang buhatin ay ang mga SPG Officers (elem)
PUNTOS:
Ang oras kung gaano kabilis mapuputok ang lahat ng lobo ang
magiging basehan ng puntos ng grupo.

STATION 14:
I-CHARADES MO 'TO
 Sa istasyong ito, kinakailangan ng isang miyembro na siyang
magsisilbing manghuhula.
 Ang mga natirang kasapi ay bubunot sa mystery box na
naglalaman ng mga salitang huhulaan.
 Ang bawat mabubunot ay maaaring i-akto o di kaya'y
gumamit ng mga senyas na umaayon sa panuntunan ng larong
CHARADES.
ORAS:
Ang laro ang maaaring gawin sa loob ng limang (5) minuto.
PANUNTUNAN:
Ang pagsasabi ng sagot ay mahigpit na ipinagbabawal.
PUNTOS:
Ang bilang ng salitang mahuhulaan ang siyang magsisilbing puntos
ng grupo.
Ang bawat paglabag sa panuntunan ay may katumbas na tatlong
(3) puntos na ibabawas sa kabuuang puntos ng grupo.

STATION 15:
PUDDLE JUMPER
 Mayroong mga basong nakaayos sa mesa, ang pingpong ball ay
nasa loob ng unang baso.
 Ang unang miyembro ay kinakailangang maglagay ng tubig sa
unang baso upang umangat ang bola.
 Kapag umangat na ang bola ay kinakailangan niyang ilipat
ang bola sa kasunod na baso sa pamamagitang ng pag-ihip
dito.
 Mula sa unang baso, isasalin ng pangalawang manlalaro ang
laman nitong tubig sa susunod na baso upang mailipat ang
bola.
 Ang nasabing proseso ay gagawin ng bawat miyembro ng grupo
hanggang sa mailipat ang bola sa pinakahuling baso.
ORAS:
Ang aktibidad na ito ay kinakailangang matapos sa loob ng
limang (5) minuto.
PUNTOS:
Ang puntos ng grupo ay nakabatay sa kung ilan ang miyembrong
nakapaglipat ng pingpong ball.

STATION 16:
PASS THE PING, SHOOT THE PONG
 Ang grupo ay pipili ng dalawang manlalaro para sa istasyong
ito.
 Magpapasahan ang dalawang manlalaro ng pingpong ball
gamit ang illustration board na hawak nila.
 Papatalbugin ang bola at kailangan nilang mai-shoot ang bola
sa timba na nasa kabilang dulo.
ORAS:
Ang aktibidad ay kailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PUNTOS:
Ang puntos ng laro ay nakabase sa kung gaano karami ang
maipapasok na bola.

STATION 17:
PASS THE SPONGE
 Ang mga miyembro ng grupo ay hahanay at hihiga ng sunod-
sunod.
 Magsisimula ang laro sa miyembrong nasa unahan ng pila, siya
ay kukuha ng tubig sa timba gamit ang sponge at ipapasa ito sa
likod gamit ang kanyang mga paa.
 Sa pagkakataong dumating ang sponge sa miyembrong nasa
hulihan ng pila ay kinakailangan niya itong pigain sa bote.
 Paulit-ulit nagagawin ang nasabing proseso hanggang sa
mapuno ang bote.
ORAS:
Ang aktibidad ay maaaring isagawa sa loob lamang ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Ang paghawak sa sponge ay ipinagbabawal.
Hindi maaaring magligtang ng miyembro upang mapabilis ang
pagpasa ng sponge.
PUNTOS:
Ang puntos ng grupo ay nakabase sa kung gaano karami ang
tubig na maiipon sa bote.
Ang paglabag sa panuntunan ay magsisilbing bawas sa kabuuang
puntos ng grupo.

STATION 18:
HULA-HULA HOOP
 Ang grupong susubok ay bubuo ng isang malaking bilog ng
magkakahawak ang kanilang mga kamay.
 Ang hulahoop ay nasa pagitan ng dalawang manlalaro na
kasali sa nabuong bilog.
 Kinakailangang maipasa ang hulahoop sa katabi ng hindi
nagbibitaw ang kanilang mga kamay.
 Ilulusot ng manlalaro ang kaniyang katawan sa hulahoop
upang maipasa ito sa kanyang katabi hanggang makabalik ito
sa unang sumubok ng laro.
ORAS:
Ang larong ito ay kinakailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Ang pagbitaw sa kamay ng katabing miyembro ng grupo at
mahigpit na ipinagbabawal.
PUNTOS:
Ang bilang ng miyembrong nakagawa ng pagsubok ang
magsisilbing puntos ng grupo.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 19:
IN BETWEEN
 Sa aktibidad na ito, mayroong mga basong may laman na tubig
na nakaposisyon sa sahig.
 Ang lahat ng miyembro ng grupo ay marapat na magdugtong-
dugtong.
 Lahat ng miyembro ay kinakailangang nakapiring bukod sa
napili nilang lider na siyang magsisilbing gabay.
 Ang lider lamang ang maaaring magsalita sa grupo.
 Kailangang makalampas sa mga nakaposisyong baso ang lahat
ng miyembro hanggang sa makarating sa finish line.
ORAS:
Ang larong ito ay kinakailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Tanging ang lider lamang ang maaaring magsalita.
Hindi maaaring maputol ang pilang nabuo ng grupo.
PUNTOS:
Ang bilang ng mga basong hindi nabawasan ang tubig ang
magsisilbing puntos ng grupo.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

STATION 20:
SACK RACE
 Kinakailangang pumasok sa loob ng malaking sako ang limang
miyembro ng grupo.
 Ang layunin ng mga manlalaro ay ang makaikot sa upuan na
nakatindig sa kabilang dulo.
 Sa oras na makabalik ang unang limang manlalaro ay
kailangang pumalit naman ang sunod na limang miyembro ng
grupo.
 Uulitin ang nasabing prosesohanggang sa makatatlong ikot ang
grupo.
ORAS:
Ang aktibidad ay kinakailangang matapos sa loob ng limang (5)
minuto.
PANUNTUNAN:
Hindi maaaring umulit ng manlalaro ang isang grupo.
PUNTOS:
Ang bawat ikot ng grupo ay mayroong katumbas na puntos.
Ang paglabag sa panuntunan ng larong ito ay ibabawas sa puntos
ng grupo.

You might also like