Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Unang Markahan

Ikaanim na Linggo
Unang Araw Ika–17 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Natutukoy ang banghay ng kuwento (PB1Bc).
b. Nakagagawa ng banghay ayon sa tekstong narinig (PN1Ba).

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Kagamitan
 Kopya ng akdang “Alamat ni Tungkung Langit”
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
 Laptop at Speaker para sa Recording (“Alamat ni Tungkung Langit”)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper na
naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan sa kuwento.
Pahuhulaan sa mga mag – aaral, gamit ang konteksto ng pangungusap,
ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos ng bawat
bilang, hihingi sa mga mag – aaral ng mga pangungusap na ginagamit
ang mga talasalitaan.

1. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririning ang aking


tinig.
2. Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw
na tubig habang sinusuklay ang mabangong buhok.
3. At ang pag – iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.
4. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang
paroroonan.
5. Naghunos ng mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya.

B. Introduksyon
Babanggiting muli ang kuwentong binasa nila noong nakaraang lingo
(“Kung Bakit Umuulan”). Pabubuuin ng simpleng banghay ng kuwento
ang mga mag – aaral. Magpapakita ang guro ng isang flowchart na
naglalaman ng banghay ng kuwento upang makatulong sa gagawing
talakayan.
Kung Bakit Umuulan

Daloy ng mga
Tauhan Tagpuan
Pangyayari

Simula

Suliranin

Kasukdulan

Wakas

Pagkatapos, ipakikilala ang akda para sa araw na ito. Sasabihin na isa


itong muling pagsasalaysay ng kuwento ni Alunsina at Tungkung Langit.
Hihingin sa mga mag – aaral na pansinin ang mga pagkakaiba at
pagkakatulad ng dalawang akda habang nakikinig sila sa kuwento.

C. Presentasyon
Pagpaparining ng isang recording tungkol sa “Alamat ni Tungkung
Langit”. Matapos marinig ang kuwento, bubuo ng simpleng banghay ang
mga mag – aaral.

D. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Mula sa napakinggang kuwento, ilarawan si Tungkung
Langit. Anong klase siyang asawa? Ilahad ito sa pamamagitan ng
masining na pagkukuwento.
PANGKAT II: Mula sa napakinggang kuwento, ilarawan si Alunsina.
Anong klase siyang asawa? Ilahad ito sa pamamagitan ng sabayang
pagbigkas.
PANGKAT III: Sa pamamagitan ng flip-top, sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
 Bakit nagkaroon ng hinanakit si Alunsina kay Tungkung Langit?
 Tama bang maghinanakit si Alunsina kay Tungkung Langit?
PANGKAT IV: Pagkumparahin ang banghay ng kuwento noong
nakaraang lingo at kuwento natin ngayon. May pinagkaiba ba ang
daloy ng dalawang kuwento. Ilahad ito sa pamamagitan ng pag –
uulat tulad ng sa 24 Oras.
2. Pag – uulat ng pangkat
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro
B. Sintesis
Sa inyong palagay, sa dalawang magkasunod na kuwentong ating
natalakay (“Kung Bakit Umuulan” at “Alamat ni Tungkung Langit”), anong
bersiyon ang mas naibigan ninyo? Ipaliwanag.

IV. Takdang Aralin


1. Paghambingin ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina sa
dalawang bersiyon ng alamat.
Ikaanim na Linggo
Ikalawang Araw Ika–18 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakapaghahambing at nakapagtutulad ng mga katangian ng mga tauhan sa
kuwento (PB1Bd).
b. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng bawat tauhan sa
kuwento (PB1Bc)

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Balik – Aral


Sa pamamagitan ng “Question and Answer Portion” ng tulad ng sa isang
“Beauty Contest”, pipili ang mga mag – aaral ng mga tanong na nakasulat sa
papel na may kaugnayan sa mga natalakay kahapon. Babasahin ang tanong at
pagkatapos ay sasagutin ito.

III. Pagpapayaman
Bawat mag – aaral ay gagawa ng isang Venn Diagram upang paghambingin
ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina sa dalawang bersiyon ng
alamat.

TUNGKUNG ALUNSINA
LANGIT

Magkakaroon ng talakayan tungkol sa kanilang ginawang paghahambing.


Tatalakayin ang pagkakaiba ng paglalarawan ng dalawang alamat kay Tungkung
Langit at Alunsina.

IV. Pagpapalawig
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Bakit kaya pinili ng may – akda ng “Alamat ni Tungkung
Langit” na baguhin ang ilang katangian ng mga tauhan? Ilahad ang inyong
sagot sa pamamagitan ng paraang interbyu.
PANGKAT II: Sa pamamagitan ng isang talkshow, ilahad ang inyong sagot
sa tanong na “Ano ang naging epekto ng mga pagbabagong ito sa pagkilala
at pagturing ninyo sa mga tauhang ito?”.
PANGKAT III: Sa parehong akda, makikita ang papel ng kasarian sa ikinilos
ng mga tauhan. Ano – ano ang mga ito. Ilahad ang inyong sagot sa
pamamagitan ng isang dula – dulaan.
PANGKAT IV: Sa pamamagitan ng pagrarap, ilahad ang inyong sagot sa
tanong na “Sa kasalukuyang panahon, may epekto pa rin ba ang kasarian sa
maaaring ikilos ng isang tao?”.
2. Pag – uulat ng pangkat
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro

V. Sintesis
Bawat mag – aaral ay paghahambingin ang inaasahan na mga katangian ng
kanilang kasarian at ang sarili nilang mga katangian.

Mga katangiang inaasahan sa Sarili kong katangian


akin batay sa aking kasarian

VI. Takdang Aralin


1. Magtala ng mga bagay na maaari mong gawin bilang isang babae o
bilang isang lalaki.
Ikaanim na Linggo
Ikatlong Araw Ika–19 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan (PU1Bf).
b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa
mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).
c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba
(PA1Ac/Ad).

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Balik – Aral


Sa pamamagitan ng anyong pag – uulat (tulad ng 24 oras), ibabahagi ang
mga natalakay kahapon.

III. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng larawan ng mga sumisimbolo sa lalaki at babae.
Mula rito, iuugnay ang ginawang takdang aralin tungkol sa mga bagay na maaari
mong gawin bilang isang lalaki o bilang isang babae.
IV. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Sa pamamagitan ng maikling dula – dulaan, ang bawat
PANGKAT II: grupo ay magpapakita ng mga pangyayari sa kanilang buhay na
PANGKAT III: tumatalakay sa paksang “Limitasyon dahil sa kasarian”.
PANGKAT IV:

2. Pag – uulat ng pangkat


3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro

V. Sintesis
Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan sa
masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang buhay o sa
buhay ng iba na pumapaksa tungkol sa limitasyon dahil sa kasarian.

VI. Kasunduan
Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.
Ikaanim na Linggo
Ikaapat na Araw Ika– 22 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan (PU1Bf).
b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa
mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).
c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba
(PA1Ac/Ad).

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Balik – Aral


Magbabahagi ang ilan sa mga mag – aaral tungkol sa kanilang ginawang
talata kahapon. Mula rito papansinin ng bawat grupo ang mga ginamit na
masining na paglalarawan.

III. Pagtataya sa Pagtataya


Pasusulatin ang mga mag – aaral ng isa hanggang tatlong talata na
nagsasaad ng mga pangyayaring nagpapakita ng mga karanasan na maaaring
nangyari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa sa limitasyon dahil
sa kasarian. Ipaaalala ang paggamit ng mga paglalarawan sa masining na
paraan upang makadagdag sa karikitan ng mga talata. Dapat ding tandaan ang
pagsunod sa mga tuntunin at kayarian ng pagsulat ng isang talata.

IV. Rubriks
 Masining na paglalarawan 25%
 Kaisahan ng pangungusap at talata 25%
 Malinaw ang diwang inilalahad 30%
 Wastong gamit ng bantas 20%
Kabuuan 100%

V. Takdang Aralin
1. Magdala ng iba’t ibang uri ng salamin.
2. Isulat sa kuwaderno ang gamit ng bawat uri ng salamin na iyong
dadalhin.

You might also like