Act g7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Basahin at Unawain ang mga teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

Ang Katangian ng Klima


Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang
panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin.
Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami
ng mga halaman, at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri
ng klima at panahon. Samantala, ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng
klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit yaong mga nasa
silangan at timogsilangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito, ito ay maaaring magdulot ng parehong
kapakinabangan at kapinsalaan. Ito ay nakakatulong upang mas maging madali ang pagtubo ng mga pananim
sa Timog-silangang Asya ngunit maaari din itong maging dahilan ng pagkasira ng mga ito kapag sumobra na.
Ito rin ay napakahalaga sa mga paglalayag na nagaganap sa rehiyong ito ng Asya kaya't nagkakaroon ng
ugnayan ang iba't ibang bansa sa Asya
1. Bakit ang malaking kontinente ng Asya ay may iba’t ibang uri ng klima? Mas nakabubuti ba ito o mas
nakasasama? Ipaliwanag ang sagot
2. Paano naaapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano? Ipaliwanag ang kasagutan sa konsepto ng salik
kultural (pamumuhay, pananamit, kilos, paniniwala, kaugalian).

Ang Pacific Ring of Fire


Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa
rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang
malawak na sona na kung tawagin ay “Ring
of Fire,” o “Circum-Pacific Seismic Belt”. Ang
lugar na ito ay nagtataglay na maraming
hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga
bulkang Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa.
Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang
nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa
na nagbubunsod naman ng mga pagbabago
sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong
tubig. Tinatayang 81% ng mga
pinakamalakas na lindol sa mundo ay
nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong
lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng, bukod sa paggalaw ng tectonic plates na
nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.
Sa kabila ng nakapipinsalang epekto ng mga pagsabog ng bulkan, may ilang mga produkto ang volcanism na
maaaring makadulot ng mabuti sa tao. Ang pagguho ng mga abo at pyroclastic na materyal mula sa bulkan ay
nakakapagpataba ng lupa at ginagawa itong mainam sa produksyon ng mga pananim tulad ng niyog, abaka, tubo, maguey,
ramie at tabako. Ginagamit sa mga industriya ang mga materyal galing sa bulkan tulad ng perlite, pumice at scoria pati na
rin ang ibang mga mineral tulad ng borax at sulfur.

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa ipinapakita ng mapa, madalas ba ang paglindol sa Silangan at Timog Silangang Asya? Paano mo ito
nasabi?
2. Ano ang kaugnayan ng pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga pisikal na anyo tulad ng bundok, talampas,
ilog, lawa, at dagat?
3. Paano naaapektuhan ng mga pagyanig at pagsabog ng bulkan ang likas na kapaligiran at ang pamumuhay ng
mga tao sa Pilipinas at ilang bahagi ng Silangang Asya? Paano ang naging pagtugon ng mga tao rito?

You might also like