Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SCRIPT IN EARTH SCIENCE

Character List
GROUP 1
● Immanuel Kant- Denber
● F.R.Moulton- Patrick
● James Jeans- Lance
● Thomas Chamberlin- Nikolai

GROUP 2
● Researchers 1 to 3

GROUP 3
● Bibokid 1 to 4

GROUP 4
● Audience (pabibo kids)

GROUP 5

Bibokid1:​ Hi! Wag kakalimutang mag-subscribe sa’ming main channel Batang Sineskuwela at
sa second channel na Batang Sineskuwela Vlogs! At para ma-update ka sa'ming every upload,
i-click ang notification bell at subscribe button para bongga na! Ayaw niyo yon? Ayaw ko ren!
Bibokid2​: Sa episode natin ngayon araw, tatalakayin natin ang pinagmulan ng ating solar
system!
Bibokid 3​: Hindi ba kayo nagtataka kung saan galing ang ating planeta? Hindi ba kayo
nagtataka kung saan galing ang pamilya ng ating araw?
Bibokid 2​: Kung hindi, tara! Sakay na!
*​time travel*​
Bibokid 4:​ Hala, saan kaya tayo napunta, mga bata? Hi po, sino po kayo?
Immanuel Kant​: Kumusta sa inyo, ako nga pala si Immanuel, ako’y isang tanyag na Alemang
pilosopo. Mukhang di kayo taga rito mga bata? Kakaiba ang inyong mga suot. Kayo ba’y
naliligaw?
Bibokid1​: Hindi po, mukhang tama po ang aming pinuntahan. Ginoo, ano pong
pinagkakaabalahan nyo?
Kant:​ Ako’y nagsusulat at gumagawa ng teorya tungkol sa pagkabuo ng mga pamilya ng mga
planeta at araw.
Bibokid2​: Sakto pala ang dating natin eh.
Kant: Napagtanto ko na nabuo ito mula sa isang umiikot na malalaking kimpal ng gas.
Bibokid3​: Umiikot?
Kant: Oo at ito’y tuluyang lumamig, lumapot at naging maliliit na pira-pirasong bahagi.
Bibokid4​: Yung mga maliliit na pira-pirasong bahaging tinutukoy nyo po ba ay mga bituin at
planeta?
Kant:​ Tama ka bata. Sa paglipas ng panahon, nabuo ang maliliit na bahagi at ito’y naging mga
planeta at satelyt.
Bibokid1​: Ganun po pala ang teorya ninyo. Astig! Ang galing!
Kant:​ Kaso di ko pa alam kung ano ang dapat kong ipangalan sa aking teorya.
Bibokid2​: Maaari nyo po siya isunod sa inyong pangalan sapagkat kayo naman ang umisip at
gumawa nito.
Kant:​ Magandang ideya, ngunit marami nang teorya ang nakasunod sa aking pangalan.
Bibokid1​: Oo nga saka baka may ka apelyido siya. Di sya kaagad makikilala.
Researcher1​: Iminumungkahi ko pong ipangalan niyo po’y Teoryang Nebular o Nebular
Theory sa wikang ingles. Paniguradong sisikat po sya sa pangalang iyon.
Kant:​ Magandang suhestiyon. Magandang pakinggan. Sa bagay, ang kimpal ng gas na ito ay
nebula. Maraming salamat.
BiboKid4:​ Maraming salamat din po. Mauuna na po kami at marami pa po kaming hahanapin.
Kant:​ Ingat sa inyong paghahanap.
Bibokid3​: Nakilala na natin si G. Kant. Sino naman kaya ang susunod na makikilala natin?
Researcher2​: Nakikilala nyo pa ba ang natatanaw ko?
Researcher3​: Mukhang pamilyar sya sa akin. Kung di ako nagkakamali sya si Thomas
Chrowder Chamberlin, isa din sa mga tanyag na astronomo sa kasaysayan.
*akmang papalapit si Laplace ng mababangga nito ang isang bibokid. Mahuhulog ang mga
hawak nyang mga libro. Tutulungan niyang makatayo ang nabanggang bibokid.
Chamberlin​: Pasensya na iho/iha. *dinampot ang mga libro.
Researcher2:​ Mukhang nagmamadali po kayo Ginoo.
Chamberlin​: Nagmamadali ako sapagkat kailangan kong ikonsulta ang aking natuklasan sa
aking kaibigan na si F.R Moulton.
*​akmang aalis si chamberlin​*
Bibokid3​: sandali lang po! Sino po muna si Moulton!
Chamberlin: ​Siya rin ay isang astronomo katulad ko. Kami’y nagtutulungan upang bigyang
kasagutan ang pinagmulan ng araw at mga planeta.
Bibokid4: ​Gumagawa rin po kayo ng ipotesis sa pinagmulan ng ating araw at mga planeta
tulad ni G. Kant?
Chamberlin: ​Oo, pinangalanan namin itong Teoryang Plantesimal.
Bibokid4​: Plantesimal?
Chamberlin​: Oo, pinaniniwalaan namin na nagmula sa progresibong akumulasyon ng malamig
at maliit na butil na tinatawag na planetesimal ang mga planeta at satelyt.
Moulton: ​Ang mga maliliit na butil na ito ay dating umiikot sa paligid ng araw at di naglaon ay
nagkasalpukan at nagkadikit-dikit na siyang naging mga planeta.
Chamberlin: O​h nandito ka na pala!
Moulton: ​Kanina pa kita hinihintay. Kaya’t lumabas muna ako para magpahangin at nakita kita.
Chamberlin: ​Ito ang aking matalik na kaibigang si G. Moulton.
*​bumati ang mga bata*​
Moulton: ​Kinagagalak ko kayong makilala ngunit pasensya na at kailangan na naming umalis.
Paalam!
Chamberlin: ​Paalam!
Bibokids​: Paalam po! Sayang sana mas matagal pa nating nakachikahan si
Bibokid 4:​ Sayang sana mas matagal pa nating nakachikahan si G. Chamberlin. Uy tingnan
niyo yung parating na mama. Parang matalino. Tanungin natin baka may ambag din siya sa
teorya ng araw.
Bibokid 2​: Sino po kayo? Parang mataas ang pinag-aralan ninyo.
James Jeans​: Ako si James Jeans. Kanina lang nakipagpulong ako kasama si Harold Jeffreys.
Sinusubukan naming i-modify ang Planetesemal theory nila Chamberlin at Moulton.
Bibokid 1:​ Ano pong pinagkaiba ng ginagawa ninyo sa kanila Chamberlin?
Jeans​: Bale parang ganire, may pangalawang araw na dumaan sa sarili nating araw. Parang
ganon. May ilang bahagi ng Sun ang nahatak tapos lumamig yung mga ito at naging planeta.
Bibokid3​: Wow! Nakakalula namang pakinggan yung ginawa ninyo.
Bibokid1​: Akala ko noong una Big Bang lang ang pinagmulan ng solar system o pamilya ng
araw. Si Lemaitre lang kasi yung kilala na gumawa ng theory nun.
Bibokid 4​: Ah! Yung galing ang kalawakan sa isang premordial fire ball?
Jeans​: Ay, Oo. Pero sa totoo lang, tulad namin, meron ding ibang scientists ang merong ibang
teorya tungkol sa origin ng pamilya ng araw.
*​tumunog ang camera akmang mamamatay na ang baterya nito​*
Cameraman​: Naku, mukhang tuluyan ng mamamatay ang baterya nitong camera.
Cameraman2​: Wala ka bang extrang dinala dyan? Naisave mo ba ang mga videos?
Cameraman​: Wala eh nakalimutan kong magdala pero naisave ko nang maayos.
Researcher2​: Kakailanganin na nating bumalik sa kasalukuyan, mga bata.
BiboKid1​: Oo, kailangan na nating ibahagi sa ating mga ka skwela ang ating mga natutunan!
*​time travel effect​*
Bibokid1​: Whoo nakakahilo mag-time travel! Ano ba ulit yung nangyari?
Bibokid2​: Noong una, na-meet natin si Immanuel Kant. Sinabi niya sa tin yung tungkol sa
Nebular Theory
Bibokid3​: Sunod, nakita natin si Thomas Chamberlin at sinabi niya sa atin yung Planetesimal
theory nila ni Moulton.
Bibokid4​: Kaso, pagkatapos non, nakita naman natin si James Jeans na nagdagdag ng
kaalaman sa planetesimal theory nina Chamberil.
Bibokid1​: Kasama niya si Harold Jeffreys sa paggawa non diba?
Bibokid2​: Oo! Tapos naalala natin yung tungkol sa Big Bang Theory ni Lemaitre.
Researcher2​: Kayo mga bata, nag enjoy ba kayo sa ating paglalakbay sa nakaraan? Marami
ba kayong bagong natutunan?
Audience: Opo!
Researcher1​: eh tanong? Meron ba kayong mga tanong?
(Q&A portion)
Pabibokid1​: Ako po! Ako po! Gusto ko pong magtanong!

You might also like