Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

!

FILIPINO'3'' WORKSHEET'
PAGBASA!–!PAGTUKOY!NG!ELEMENTO!NG!AKDA!
' '

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Alamat ng Damong Maria

Si Aling Maria ay isang matandang naninirahan mag-isa sa tuktok ng bundok. Sa edad na 60 taon ay malakas
na malakas pa rin siya. Nakabababa at nakaaakyat pa siya ng bundok nang ubod ng bilis. Araw araw ay
nagpupunta siya sa palengke sa bayan upang magtinda ng kanyang mga pananim na gulay. Kayang-kaya niyang
buhatin ang mabibigat na basket ng gulay pababa ng bundok.

Matipid si Aling Maria. Minsan lamang siya kung bumili ng damit at mga kagamitan sa bahay. Hindi rin siya
masyadong bumibili ng gamot sa tindahan. Kung mayroong kaunting karamdaman ang matanda ay ginagamot na
lamang niya ang sarili gamit ang mga halamang gamot. Marami siyang tanim na halamang gamot tulad ng
katakataka, bawang, lagundi, at iba pa.

Minsan ay mag-amang mangangasong naligaw sa bundok. Gumagabi na ay hindi pa rin nila mahanap ang daan
pababa. Napadpad sila sa kubo ni Aling Maria. Tinawag sila ng matanda upang patuluyin sa kanyang kubo. Agad
na napansin ni Aling Maria na mukhang masama ang pakiramdan ng nakababatang mangangaso. Ito ay
nilalagnat. Masakit din daw ang kanyang tiyan at ulo.

Nataranta ang ama dahil wala silang dalang gamot. Hindi niya alam ang gagawin dahil wala naming botika sa
tuktok ng bundok. Agad na nagwika si Aling Maria, “Huwag kang mag-alala. Marami akong gamot dito.” Mabilis
na kumuha ng mga ugat ng mangga at dahon ng lagundi ang matanda. Ibinabad niya ang mga ito sa langis.
“Gamot po ba iyan?” ang buong pag-aalalang tanong ng tatay. Palibhasa ay sanay sa mga nabibiling gamot ay
lalong kinabahan ang tatay para sa kanyang anak. “Mabisa ang mga ito,” ang marahang wika ni Aling Maria
habang tinatapalan ng mga dahon ang noo ng bata. Hinilot din niya ang tiyan ng bata gamit ang ugat na may
langis. Matapos ang ilang minuto ay nagsimula nang bumuti ang pakiramdam ng bata.

Kinabukasan ay umuwi na ang mag-ama. Nangako silang bibisitahin muli si Aling Maria. Nagpabalik-balik ang
mag-amang mangangaso sa bundok. Palagi nilang binibisita ang matanda at dinadalhan ng mga gamit mula sa
bayan. Ngunit, isang araw ay hindi na nila nakita ang matanda. Hinanap nila ito sa paligid ng bahay ngunit wala
doon ang matanda. Naghintay sila ng matagal ngunit hindi na bumalik si Aling Maria. Nang sila ay pauwi na,
napansin nila ang isang halaman na tumutubo sa may hagdan ng bahay. Kumuha sila ng ilang dahon mula sa
halaman. Nang muling makaramdam ng sakit ang bata ay sinubukan nilang itapal ang mga dahon na kanilang
iniuwi. Agad na bumuti ang pakiramdam ng bata. Ipinamalita ng mag-ama ang galing ng halamang nakita nila.
Tinawag ng lahat ang halaman na “Damong Maria” bilang pasasalamat at pag-alaala kay Aling Maria.

1.)! Sino ang tatlong tauhan sa kwento?

____________________! ! ____________________! ! ____________________!

2.)! Saan naganap ang kwento (tagpuan)?

____________________

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
!
!
FILIPINO'3'' WORKSHEET'
PAGBASA!–!PAGTUKOY!NG!ELEMENTO!NG!AKDA!
' '

3.)! Pagsunud-sunurin ang mga pangyayare ayon sa kwento. Isulat ang 1-5 sa patlang.

______ Naligaw ang mag-amang mangangaso sa tuktok ng bundok.

______ Tinawag nilang Damong Maria ang halaman na mabisang magpagaling ng sakit.

______ Ginamot ni Aling Maria ang bata gamit ang mga halamang gamot galing sa kanyang hardin.

______ Nilagnat ang anak at sumakit ang kanyang tiyan at ulo.

______ Hindi na nakita pa ng mag-ama si Aling Maria. Sa halip ay napansin nila ang kakaibang halaman na tumubo sa
may hagdan ng bahay nito.
4.)! Anu-ano ang mga aral na makukuha sa kwento? Bilugan ang mga titik ng tamang sagot.
a.! Mainam ang mamuhay nang simple at matipid
b.! Huwag iinom ng gamot kapag ikaw ay may sakit.
c.! Ang mga halamang gamot ay mabisa ring magpagaling ng sakit.
d.! Hindi maaasahan ang mga matatanda dahil sila ay mahina na.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
!

You might also like