Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Talon-Talon District
MAMPANG ELEMENTARY SCHOOL

Name of the Teacher: JENNYLYN M. LIBRADILLA


Date & Time: June 28, 2019 –8:40am to 9:20am
Subject Area: Araling Panlipunan 4
Grade & Section: IV-Sampaguita
Quarter: 1st Quarter
I. Layunin
A. Layunin  Naiisa-isa ang mga pangunahing anyong lupa ng bansa.
 Natutukoy ang mga pangunahing anyong lupa ng
bansa.
 Napaghahambing ang iba’t ibang anyong lupa ng
bansa.

II. Paksang Aralin Mga Pangunahing Anyong Lupa ng Bansa


Sanggunian Patnubay ng guro pp. 22-27
Kagamitan ng mag-aaral pp. 53-64
Doon po sa Amin Basang Pilipinas p.49-55
Modyul K to 12 Curriculum Guide 2013
AP4AAB-Ig-h-10
Kagamitan Larawan, tsart, video clip, grapic organizer, tv, awit
III. Pamamaraan
1. Pagbati Magandang hapon mga bata? (Magandang hapon po Teacher
Jenny)
Bago natin simulan ang ating leksyon ngayon hapon. Meron
akong incentive chart dito sa harapan. Isa ito hardin na
malalagyan ng mga bulalak kung ang inyong pangkat ay
magiliw na makikilahok sa ating aralin. Ngunit pa gang
pangkat ninyo ang maingay ang mga bulaklak na ito ay
malalanta at mawawala. Naintindihan ba mga bata? (opo)
Ang pangkat na marami bulaklak sa hardin ang mananalo at
mamakanggap ng ballpen mamaya pagkatapos ng
ating klase.
2. Balik-aral Balikan muna natin ang ating nakaraang aralin.Ano-ano ang
mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa? (Temperatura
at dami ng ulan)
Ano ang dalawang hangin na dumarating sa Pilipinas?
(Hanging Amihan at Hanging Habagat)

1. Pagganyak Ngayong hapon, ay may ituturo akong bagong awitin. Itong


awitin na salin sa awiting BABY SHARK. Alam ninyo naman
ang awiting baby shark mga bata? (opo) Aawitin ko muna ito
at pakinggang mabuti. Tapos kayo naman ang aawit.
* Mga Anyong Lupa*
Bubundok, bundok, bundok
Buburol, burol, burol
Talampas, bulkan, lambak, kapatagan (ulitin ng 2 beses)
A. Panlinang na
Gawain
1. Paglalahad Handa na ba ang lahat? (OPO) Kung ganun ipakita nyo nga na
handa na talaga kayo.
May panonoorin kayong Video ngayon. Ang gusto kung gawin
ninyo ay panoorin at intindihin itong mabuti.
Naintindihan n’yo ba ang inyong pinanood?
2. Pagtalakay Ano-ano ang mga pangunahing lupa ng bansa?
Ilan lahat ang anyong lupang matatagpuan sa ating bansa?
Ilarawan ang bulkan? Bundok? Burol? Kapatagan? Talampas?

B. Pagsasanay Maglalaro tayo ng hulaan.Subuking hulaan kung anong


anyong lupa ang tinutukoy ng mga sasabihin ko.

1. Ako’y mga bundok na kabit-kabit. Upang maharangan ang


bagyong papalapit.
Ako’y (BUNDOK)
2. Ako’y mataas na anyong lupa. Nasa tuktok ay may
bunganga. Aking ibinubuga ay mainit na bato at lava.
Ako ay (BULKAN)
3. Nakapaligid sa aki’y mga kabundukan. Ako’y patag at
mainam a pagtaniman.
Ako ay (LAMBAK)
4. Higit na mababa ako kaysa sa bundok. Mainam akong
pastulan ng mga iba’t ibang uri ng hayop.
Ako’y (BUROL)
5. Ako’y malawak at patag na anyong-lupa. Matatagpuan dito
ay malalawak na taniman ng palay at mga gulay.
Ako’y (KAPATAGAN)

C. Paglalahat Ano-ano ang mga pangunahing anyong Lupa ng ating bansa?


Ilarawan ang mga anyong lupa.
Ilang anyong lupa ang ating natalakay?
D. Paglalapat Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain. Ang
bawat pangkat ay bibigyan ko ng tig isang malalaking sobre.
Kalakip nito ang mga dapat ninyong gawin sa inyong pangkat.
Pumili ng inyong lider, tagasulat at tagapag-ulat. Kapag ang
pangkat ay tapos na isigaw ang inyong yell na magsisilbing
senyales na kayo ay tapos na sa inyong Gawain at ipaskil ang
inyong ginawa sa pisara.

a. Pagbabasa ng rubriks para sa pangkatang Gawain.

Pamantayan 3 puntos 2 puntos 1 puntos


Pakikiisa Lahat ng Isa o Tatlo o higit
kasapi ng dalawang pang kasapi ay
pangkat ay pangkat ay hindi nakiisa sa
nakiisa sa hindi nakiisa gawain.
gawain. sa gawain.

Kagalakang Lahat ng Isa o Tatlo o higit


ipinamalas sa kasapi ng dalawang pang kasapi ay
gawain grupo ay kasapi ng hindi
nagpakita ng pangkat ay nagpamalas ng
kasiyahan sa hindi kagalakan sa
pakikiisa sa nagpakita ng gawain.
gawain kasiyahan sa
gawain.

Sang ayon ba kayo sa rubriks na ito. (opo) Ang lider ang


pupunta upang kunin.

b.Paggawa ng Gawain
Maaari na ninyong simulan ang inyong mga Gawain.

Pangkat 1.
Punan na tamang titik ang mga kahon.
K A P A T A G A N
1. Malawak na lupain na patag at mababa.

B U R O L
2. Isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok.

B U L K A N
3. Katulad ng bundok. Ang pagkakaiba lamang ay ang
bunganga ng tuktok nito.

B U N D O K
4. Ang pinakamataas na anyong lupa.

T A L A M P A S
5. Mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw.
Pangkat 2.Punan ang hinihinging impormasyon.

Anyong Lupa Paglalarawan Halimbawa


Bulkan Mataas na anyong Bulkang Mayon
lupa, bumubuga
ng usok at may
bunganga ang
tuktok.
Bundok Pinakamataas na Bundok Apo.
anyong lupa.
Burol Isang mataas na Chocolate hills.
lupa ngunit mas
mababa sa
bundok.
Lambak Patag na lupa sa Lambak ng
pagitan ng Cagayan.
bundok.

Pangkat 3
Kilalanin ang bawat anyong lupang tinutukoy sa bawat
pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
___1. Patag na lupa sa itaas na bundok a. bundok
___2. Isang bundok na may bunganga b. kapatagan
Sa tuktok at nagbubuga ng mainit na c. Talampas
na putik. D. bulkan
__3. Mataas na anyong lupa subalit e. burol
Higit na mababa kaysa sa bundok. F. lambak
__4. Mataas na anyong lupa.
__5. Malawak at patag na anyong
Lupa.

Pangkat 4
Punan ng tamang ngalan ang sumusunod na larawan.

1_________ 2. _________

3. __________ 4. __________ 5. _________


IV. Pagtataya Panuto:Isulat ang wasto sa patlang kung tama ang
paghahambing sa mga anyong lupa sa bansa. Isulat ang hindi
wasto kung mali ang paghahambing. Isulat sa sagutang papel
ang sagot sa pagwawasto kung kailangan.

________1.Ang burol ay mataas na anyong lupa rin ngunit


mas mababa kaysa sa bundok.
________2.Tulad ng kapatagan, may patag at malawak din
ang talampas kahit ito ay mataas na bahaging lupa.
________3. Ang bundok ay anyong lupa na may bunganga at
pumuputok.
________4. Lambak malawak na lupain na patag at mababa.
________5.Ang bundok ang pinakamataas na anyong lupa.
V. Takdang Aralin Magdala ng mga larawan ng mga anyong lupa at idikit ito sa
bond paper.

Inihanda ni:
JENNYLYN M. LIBRADILLA, T-I
Pangalan ng gurong inobserbahan

Inobserbahan nina:

RENIER G. ACEDO
Master Teacher I

WILMA D.S. SOLDIVILLO


Principal III

You might also like