Aralin 3 Ang Sistemang Kolonyal NG Mga E

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Aralin 3 Ang Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas

MAHAHALAGANG PAG-UNAWA
1. May tungkulin at responsebilidad ang bawat opisyal.
2. May mga patakaran (checks and balances) ang isang organisasyon upang maiwasan ang
pang-aabuso ng kanilang mga opisyal at paglaganap ng katiwalian.
3. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pondo sa pagpapatakbo ng isang organisasyon.
4. 4. Walang idinudulot na mabuti ang pagiging makasarili.

TALASAYSAYAN
• boleta – tiket o papel na nagbibigay ng karapatan sa nagmamay-ari nito na magkaroon ng
bahagi o silid sa Manila Galleon na paglalagakan ng mga kargamento
• cacique – may-ari ng malawak na lupain
• cumplase – kapangyarihan ng gobernardor heneral na ipagpaliban o huwag ipatupad ang
batas ng Spain o dekreto ng hari dahil hindi ito praktikal o hindi kayang isagawa sa
panahong iyon
• encomienda – pagkakatiwala ng mga lupain at ang mga nakatira rito sa ilang mga opisyal
na Espanyol kung saan tutulong sila sa pagpapakalat ng kulturang Espanyol,
pagpapalaganap ng Katolisismo, at pagbibigay-proteksiyon at pagsingil ng tributo sa
mga katutubo
• Patronato Real – kasunduan ng hari ng Spain at ng Santo Papa sa Rome na palaganapin
ang Katolisismo sa mga lupaing sakop ng Spain; dito ay hinirang ang hari bilang Real
Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya
• polista – isang manggagawa na naglilingkod sa polo
• polos y servicios – tinawag ding prestation personal; pagtatrabaho para sa komunidad ng
mga lalaking may edad 16 hanggang 60 taon ayon sa itinatakda ng pamahalaan sa loob
ng 40 araw sa bawat taon
• principales – mga nangungunang mama- mayan sa mga antas ng lipunang kinabibilangan
ng mga dating datu ng mga sinaunang barangay
• reduccion – sapilitang pagtitipon sa mga katutubo sa iisang pook upang madali silang
mapamahalaan ng mga Espanyol
• residencia – imbestigasyon tungkol sa mga natupad na tungkulin ng papaalis na
gobernador heneral o opisyal ng pamahalaang kolonyal
• Vice Real Patron – titulo rin ng gobernador heneral bilang pinakamataas na kinatawan ng
hari ng Spain
• Viceroy – itinalagang mamuno sa isang bansa, lalawigan, o kolonya bilang kinatawan ng
pinuno na tulad ng hari
• visitador – opisyal ng pamahalaan ng Spain na ipinadadala sa kolonya upang siyasatin ang
paraan ng pamamahala rito

Nagsimula ang pananakop ng Spain sa Pilipinas noong 1565 na tumagal hanggang 1898.
Sumaklaw ito ng 333 taon sa kasaysayan ng Pilipinas. Gayunman, noong 1571 lamang
naging pormal na kolonya ng Spain ang Pilipinas nang italaga si Legazpi bilang gobernador
heneral o kinatawan ng hari sa pamahalaang kolonya.
Mula 1565 hanggang 1821, hindi direktang pinamahalaan ng Spain ang kapuluan dahil
ang pamamahala ay dumaraan muna sa viceroy ng Nueva Espana (Mexico sa kasalukuyan).
Bilang isang kolonya ng Spain, nanaig ang interes ng mga Espanyol sa pamamahala sa
kapuluan ng Pilipinas. Nagpataw ng buwis ang mga administrador ng Espanyol sa mga
katutubo at nagdaos sila ng mga gawain para sa pansarili nilang kapakinabangan at sa
kapakanan ng kanilang bansa.
Samantala, bukod sa pamamahalang sibil, may kapangyarihang panrelihiyon din ang
Spain dahil sa Patronato Real. Ayon sa kasunduan ng hari ng Spain at Santo Papa ng
Simbahang Katoliko Romano, palalaganapin ng Spain ang relihiyong Katolisismo sa iba't
ibang lugar sa daigdig. Nasa kapangyarihan din ng hari ng Spain ang pagpili ng mga obispo
sa lugar na kolonya nito. Dahil sa Patronato Real,nagkaroon ng pagsasanib ang estado at
simbahan kaya maging ang mga misyonerong Katoliko ay may kapangyarihang politikal
din. Sa Pilipinas, ang mga misyonero ay hindi lamang mga kinatawan ng simbahan kundi ng
estado.
Ang Pamamahala sa Pilipinas
Maraming naganap na pagbabago sa Pilipinas nang sakupin ito ng mga Espanyol. Isa na
rito ang sistema ng pamamahala. Ngunit bago dumating ang mga Espanyol, may sari-sarili
nang pamahalaan ang mga katutubo. Bawat pulo ay may mga pinuno na siyang
namamahala sa barangay. Ang pamamahalang ito ay nagsasarili o hindi nasasaklawan ng
datu mula sa iba pang mga barangay. Sa pananakop ng mga Espanyol, nakita nila ang
pangangailangan na magkaroon ng pamahalaang sentral upang mapangasiwaan ang hiwa-
hiwalay na mga barangay na ito. Nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaang sentral ang
mga pamahalaang lokal.
Ang Pamahalaang Sentral
Isinailalim ang pamamahala sa Pilipinas sa kapangyarihan ng isang gobernador heneral.
Siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral ayon sa paghirang sa kaniya ng
hari ng Spain. Kinatawan siya ng hari sa pangangasiwa sa kolonya.
Tumatanggap ang gobernador heneral ng Pilipinas ng mga kautusan mula sa viceroy ng
Mexico. Mula 1565 hanggang 1821 (taon kung kailan lumaya ang Mexico mula sa
pagkakasakop ng Spain), ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng viceroy ng Mexico
sa ngalan ng kapangyarihan ng Spain. Bilang kolonya ng Spain, ang Pilipinas ay nasa ilalim
ng Real y Supremo Consejo de Indias (Royal and Supreme Council of the Indies) o Consejo de
Indias na itinatag ni Haring Carlos I noong 1524. Ang hari ay ang pinakamataas na
tagagawa ng batas at tagapamahala sa lahat ng mga kolonya. Ginagamit niyang gabay sa
pamamahala ang mga batas na tinawag na Recopilacion de los Leyes de Indias (Compilation
of the Laws of the Indies). Noong 1863, binuwag ang Consejo de Indias at pinalitan ito
ngMinisterio de Ultramar (Overseas Ministry).
Dala ng gobernador heneral ang posisyon ng kapitan-heneral ng hukbong sandatahan ng
Spain sa Pilipinas. Siya rin ang pangulo ng Real Audiencia o ang Kataas-taasang Hukuman sa
Pilipinas. Sa kabilang banda, nagsilbi ring tagapayo ng gobernador heneral ang Real
Audiencia.
Ang Real Audiencia ay itinatag noong 1584. Binuo ito ng gobernador heneral bilang
pangulo, apat na oidores o huwes, isang piskal, isang taga- ulat, at iba pang mga opisyal.
Ang Real Audiencia ang pinakamataas na hukuman ng bansa at dito tinatalakay ang mga
kasong kriminal at sibil at mga usaping politikal at pampamahalaan. Ito rin ang tagasiyasat
sa mga gastos ng pamahalaan. Pansamantala itong inalis ni Gobernador Heneral Gomez
Perez Dasmariñas noong 1590 at pinalitan ito ng consejo na may 400 kasapi. Ibinalik ito
noong 1598.
May kapangyarihang panrelihiyon ang gobernador heneral bilang Vice Real
Patron. Humihirang siya ng mga kura-paroko na itinatalaga sa iba't ibang lugar sa
kapuluan. Pinangunahan din niya ang mga gawaing pangmisyonero. May kapangyarihan
din ang gobernador heneral na hindi sundin o ipagpaliban ang pagpapatupad ng mga batas
ng Spain o dekreto ng hari sa kolonya.Tinawag itong cumplase.
Tumatanggap ang gobernador heneral ng mula sa 8 000 sahod bawat taon at
tumataas ito hanggang umabot sa 40 000.
Tinutulungan din ng mga tagapayo mula sa Junta de Autoridades at Consejo de
Administration ang gobernador heneral. Binuo ang Junta de Autoridades noong 1850 at ito
ang naging gabinete ng gobernador heneral. Bukod sa gobernador heneral, kasapi nito ang
admiral ng hukbong pandagat, ang direktor heneral ng administrasyong sibil, ang pangulo
ng Audiencia, at ang isang punong abogado (attorney general).
Samantala, binuo naman ang Consejo de Administration noong 1861. Kasapi nito ang
gobernador, admiral ng hukbong dagat, ang pangulo ng Audiencia, direktor heneral ng
administrasyong sibil, ingat-yaman ng kolonya, mga pinuno ng mga kaparian, pangulo ng
kamarang pangkomersyo, pangulo ng Sociedad Economica del Pais, apat na kinatawan ng
hari, at tatlong kinatawan mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Kung wala ang gobernador heneral sa Pilipinas, pansamantalang humahalili sa kaniyang
tungkulin ang Real Audiencia. Ang pinunong hukom ang siya namang naglilingkod bilang
punong militar. Noong 1765, nagkaroon ng tenyente gobernador na siyang humahalili kung
namatay ang gobernador heneral. Inalis ito nang nilikha ang puwestong general segundo
cabo. Kung walang general segundo cabo, humahalili ang admiral ng hukbong dagat.
Upang maiwasan ang anumang pagma-malabis ng mga gobernador heneral, isinasagawa
noon ang isang imbestigasyon na tinawag na residencia. Hindi lamang ang gobernador
heneral ang naisasalang sa imbestigasyon kundi lahat ng matataas na opisyal na paalis sa
tungkulin. Hindi pinapayagang umalis ng Pilipinas ang mga opisyal habang ginaganap
ang residencia.
Pinangungunahan ng pumalit na gobernador heneral ang residencia. Ipinadadala ang
ulat ng imbestigasyon sa Spain upang bigyan ng aksiyon kung napatunayang nagkaroon ng
katiwalian. Mabuti ang sistema ng residencia ngunit ginamit ito ng mga tiwaling opisyal
upang maghiganti sa mga opisyal na naging tapat sa kanilang tungkulin. Ganito ang
nangyari kay Gobernador Heneral Sebastian Corcuera na nakulong dahil siya ay
pinaghigantihan ng mga tiwaling opisyal na kaniyang pinarusahan. Umiral
ang residencia hanggang 1799.
Bukod sa residencia, nagpadala rin ang Spain ng mga visitador sa kolonya. Hindi lantad
ang kanilang katauhan at nag-uulat sila sa Consejo de Indias sa Madrid tungkol sa mga
nangyayari sa kolonya.
Ang Pamahalaang Lokal
Nabuo ang ilan sa mga bayan, baryo, at purok sa kapuluan sa pamamagitan
ng reduccion. Dahil iilan lamang ang mga opisyal at misyonerong Espanyol, minabuti nilang
tipunin ang mga katutubo sa ilang mga piling pook.
Ang pinakamaliit na pamahalaang lokal ay ang barangay na nasa ilalim ng pamumuno ng
isang cabeza o capitan de barangay. Galing sa mga hanay ng mga dating datu
ang cabeza. Tungkulin niyang mangolekta ng buwis sa kaniyang mga kamag-anak at
kapitbahay. Ibinibigay ang nakolektang buwis sa gobernadorcillo. Tungkulin din
ng cabeza na mangalap ng mga manggagawa o polista para sa pamahalaan at gumanap
bilang tagapamayapa. Ang pinipiling cabeza de barangay ay dapat na may mabuting
katauhan at marunong magsulat sa wikang Espanyol. Walang sahod ang cabeza de
barangay,ngunit kapalit ng kaniyang paglilingkod ay hindi siya pinagbabayad ng tributo at
hindi kailangang magtrabaho bilang polista sa panahon ng kaniyang panunungkulan.
Kmikilala ang mga cabeza bilang bahagi ng mga principalia o mga prominenteng
mamamayan ng bayan.
Ang pinuno naman ng bayan o pueblo ay ang gobernadorcillo. Ang gobernadorcillo ay
galing sa hanay ng mga cacique. Nagsimula lamang kumuha ng
magiging gobernadorcillo mula sa antas ng mga Indio noong dekada 1800. Ang mga
hinirang noon na gobernadorcillo ay yaong mga nakapaglingkod na bilang cabeza de
barangay. Hinalal siya mula sa mga principales. Kabilang sa mga tungkulin
nggobernadorcillo ay ang paghahanda sa rehistro ng mga mamamayan at pagkalap ng
kalalakihan para sa polo o pampublikong paglilingkod at serbisyong militar. Siya rin ang
nagsilbing hukom sa mga kasong sibil na may halagang ^P40 o mas mababa, at siya rin ang
tagapangasiwa ng koreo ng bayan. Tinutulungan ang gobernadorcillo ng ilang mga opisyal
na kinabibilangan ng isang kalihim at ilang mga inspektor—teniente de ganados o opisyal
na may kinalaman sa paghahayupan; teniente de policia o opisyal ng katahimikan; teniente
de justicia o opisyal na may kinalaman sa katarungan; at teniente de sementeras o opisyal na
may kinalaman sa lupain. Bukod sa kura paroko, ang gobernadorcillo ang
pinakamaimpluwensiyang tao sa bayan. Sa simula ng administrasyon ng Spain,
ang gobernadorcillo ay hinahalal ng lahat ng mga pinuno ng mga pamilya sa bayan at isang
taon lamang ang kaniyang panunungkulan. Pagsapit ng ika-19 na dantaon, hinahalal na
ang gobernadorcillo ng isang lupon na binubuo ng paalis na gobernardorcillo at 12 cabeza
de barangay.
Kadalasan ay pinaluluwalan ng mga gobernadorcillo at cabeza de barangay ang mga
kulang sa koleksiyon ng buwis kung ang mga nakatira sa kanilang sakop ay umalis o yumao
na. Kahit na maliit ang sahod ng gobernadorcillo at walang sahod ang cabeza de barangay,
ang mga katungkulang ito ay simbolo ng mataas na antas sa lipunan noon.
Encomienda
Nagsimula bilang mga encomienda ang mga lalawigan sa kapuluan. Ang encomienda ay
isang paraan ng pagbibiyaya o pagbibigay sa mga taong tumulong sa mga Espanyol upang
masakop ang iba't ibang lugar sa kapuluan. Ang salitang encomienda ay mula sa salitang
Espanyol na encomendar na nangangahulugang “ipagkatiwala.” Sa ilalim ng
sistemang encomienda, ipinagkatiwala ng hari sa isang opisyal na tinatawag
na encomendero ang lupaing nasakop at ang mga katutubong nakatira roon. Tungkulin
ng en comendero na ituro ang kulturang Espanyol sa kaniyang nasasakupan, ipaunawa at
ituro ang Katolisismo, at mangolekta ng buwis para sa hari.
Historyador Ka!
Ang reduction ay nanggaling sa salitang reducir na ang ibig sabihin ay “baguhin,
bawasan, limitahan, at bumalik sa dating kaayusan.” Basahin ang mga sumusunod na
dokumento nina Domingo de Salazar, Luis de Jesus, at Diego de Santa Theresa upang
maunawaan nang husto ang patakarang kolonyal na ito. Si Salazar ang pinakaunang Obispo
ng Maynila at ang responsable sa pagtayo ng Katedral ng Maynila. Ipinagtanggol niya ang
mga katutubo laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol. Sa kabilang banda, sina de Jesus at
Santa Theresa ay mga misyonerong Rekoleto.

...the Indians are thinly scattered, and are settled amid rivers and marshes
where they are found with much difficulty. Hence it is very desirable that the
encomenderos do as they are here commanded, and not wait for the religious or
ecclesiastics, who cannot do it with the same facility as can the encomenderos.
Moreover, since the removal of the Indians from their former homes is a
thing very odious to them, and they change their homes very unwillingly and
with much hardship, it would be better that they be vexed with the
encomendero than with the minister—who has to teach them, and through
whom they have to learn love, and who in all things strives for their good.
Sanggunian: de Salazar, Domingo. “Affairs in the Philippine Islands.” In The Philippine
Islands, Vol. 5, edited by E. Blair and J. Robertson, 236.
Glosari:
• ecclesiastics – hinggil sa mga pari, ministro, pastor
• marsh – latian
• odious – nakamumuhi, nakagagalit, nakasusuklam, nakapopoot
• vexed – ginulo; inabala

...For ...we must assume that the king assigns one missionary to each five
hundred tributes or families. But our districts, especially those of the islands of
Luzon, Calamianes, and Mindoro, although each does not exceed three hundred
tributes; need each one or two religious in order that they may be looked after as
is necessary for the preaching and for the [spiritual] food of the holy sacraments.
This arises from the fact that each mission is extended over a distance of twenty
or thirty leguas, without its being possible to make any other arrangement. For
although the reduction into large settlements has been attempted, for the more
suitable administration it has been impossible to attain that. On the contrary,
whenever it has been attempted, Christianity has decreased.
Sanggunian: Jesus, Luis, and Diego de Santa Theresa. “Recollect Missions, 1646–1660.”
In The Philippine Islands, Vol. 36, edited by E. Blair and J. Robertson, 181.

Ang Iyong Misyon


1. Batay sa mga salaysay na nabanggit, ano ang iyong mahihinuha ukol sa proseso
ng reduction?
2. Bakit kailangang ipatupad ng mga Espanyol ang reduction?
3. Paano ito ipinatupad?
4. Paano nakatulong ang reduccion sa pagpapatatag ng kapangyarihang kolonyal ng mga
Espanyol?
5. Ano ang papel ng Simbahang Katoliko sa pagpapatupad ng reduction?

Alcaldia at Corregimiento
Nang lumaon, dahil na rin sa madalas na insidente ng pang-aabuso ng
mga encomendero, binuwag ang sistemang encomienda at pinalitan ito ng
mga alcaldia. Ang alcaldia ay pook na payapa at lubusang nasa ilalim na ng mga Espanyol.
Pinamahalaan ito ng alcalde mayor na hinirang ng gobernador heneral. Kabilang sa mga
tungkulin ng alcalde mayor ang mangolekta ng buwis at magpasiya tungkol sa mga kaso sa
kaniyang nasasakupan.
Maliit lamang ang sahod ng alcalde mayor ngunit mayroon siyang pribilehiyong
makapagnegosyo na tinawag na indulto de comercio. Gayunman, naging daan ang
pribilehiyong ito upang maging mapagmalabis sa tungkulin ang mga alcalde. Puwersahan
nilang pinabibili sa kanilang tindahan ang mga mamamayang kanilang nasasakupan at
nagpapautang din sila ng salapi na may mataas na interes sa mga sundalo at ibang tao.
Dahil sa pang-aabuso sa pribilehiyong indulto de comercio, inalis ito noong 1884. Ngunit sa
kabila ng pagbubuwag sa indulto de comercio, nagpatuloy pa rin sa pang-aabuso ang
mga alcalde. Dahil dito, ipinag-utos ng hari na maging isa na lamang huwes
ang alcalde. Pagsapit ng 1886, tuluyan nang binuwag ang mga alcaldia at pinalitan ito ng
mga probinsiya.
Ang mga pook naman na hindi lubos na napasailalim sa kontrol ng Spain o yaong mga
estratehikong pook ay tinawag na corregimiento. Ang corregimiento ay pinamahalaan
ng corregidor na isang opisyal ng hukbong sandatahan.
Tanging mga Espanyol lamang ang maaaring mahirang bilang alcalde
mayor at corregidor. Bukod sa pagiging mga huwes at tagakolekta ng buwis, tungkulin din
nilang ipalaganap ang Katolisismo at pamunuan ang militar sa kani-kanilang mga
lalawigan.
Ang Pagpapalaganap ng Katolisismo
Isa sa mga pakay ng Spain sa Pilipinas ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo. Tulad ng
nabanggit na sa unang bahagi ng aralin, nakabatay ito sa kasunduan ng Santo Papa sa Rome
at ng hari ng Spain na ginawang Real Patron ang hari. Dahil dito, kasama lagi ang mga
Kristiyanong misyonero tuwing may bagong lupain na aangkinin ang Spain. Kasa-kasama
ng mga kolonyalistang Espanyol ang ilang orden ng mga Katoliko sa kanilang paglalakbay.
Bagama't isa pa ring tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng
Katolisismo, ang gawaing ito ay masusing ginampanan din ng mga misyonerong Espanyol.
Ang mga Misyonero
Kabilang sa mga kasa-kasama ng mga Espanyol tuwing mananakop ng mga lupain ay ang
mga Agustino, Pransiskano, Heswita, Dominikano, at mga Rekoletos. Ikinalat sa iba't ibang
bahagi ng Pilipinas ang mga misyonero ng mga ordeng ito at ibinigay sa kanila ang
pamamahalang espirituwal sa ilang mga lalawigan.
Sa lahat ng mga misyonerong Espanyol, ang mga Agustino ang mga naunang paring
dumating sa kapuluan. Napunta sa kanila ang mga lalawigan ng Cebu, Panay, Pangasinan,
Ilocos, Bataan, at ilang mga lalawigan ng Luzon at Visayas. Mula taong 1565 hanggang
1898, nakapagtatag ang mga Agustino ng hindi kukulangin sa 385 bayan kasama na ang
mga parokya.
Sumunod namang dumating sa kapuluan ang mga Pransiskano noong 1577.
Ipinagkatiwala sa kanila ang mga mamamayan ng Kabikulan, Tayabas (Quezon ngayon),
Maynila, Laguna, at ang lupain ngayon ng Rizal. Itinatag ng mga Pransiskano ang 233 bayan
sa kanilang sinasakupan.
Ikatlong dumating sa kapuluan ang mga Heswita noong 1581. Sila ay nagpalaganap ng
Katolisismo sa Maynila, Leyte, Bohol, Cebu, Samar, at Mindanao. Nakapagtatag sila ng 93
bayan at pitong kolehiyo. Pinaalis sila sa Pilipinas noong 1768 at pinabalik noong 1859.
Dumating naman ang mga Dominikano sa Maynila noong 1587. Nadestino sila sa mga
lalawigan ng Maynila, Lambak ng Cagayan, Pangasinan, at ibang lalawigan ng Luzon.
Itinatag nila ang Colegio de Nuestra Señora del Santissimo Rosario (ngayon ay Unibersidad
ng Santo Tomas) noong ika-28 ng Abril 1611 na naging pangunahing institusyong pang-
edukasyon noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas. Itinatag din nila ang Colegio de
San Juan de Letran. Maging ang unang palimbagan sa Pilipinas ay itinatag din ng mga
Dominikano. Ang palimbagang ito ang naglathala sa dalawang unang aklat sa bansa,
ang Doctrina Christiana en lengua Española y Tagala at ang Doctrina Christiana en letra y
lengua China. Nakapagtatag ang mga Dominikano ng 90 bayan sa kanilang panunungkulan.
Taong 1606 naman nang dumating ang mga Rekoletos sa Maynila. Nadestino sila sa
Zambales, Bataan, at sa mga pulo ng Mindoro, Burias, Ticao, Palawan, Mindanao, Negros,
Tablas, at Calamianes.
Malaki ang papel ng mga misyonero sa pagkakatatag ng pamamahala ng mga Espanyol
sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay tapat at dalisay sa kanilang hangaring ipalaganap ang
Katolisismo sa bansa. Dahil dito, nahikayat nila ang maraming katutubo na maging
Katoliko. Ipinagtanggol din ng mga misyonero ang mga mamamayan laban sa
pagmamalabis ng ilang mga encomendero at ibang opisyal. Nagtatag din sila ng mga
paaralan, ospital, mga tanggulan, gusali, imbakan ng tubig, mga daan, at tulay. Marami sa
kanila ang gumawa ng plano ng mga bayan o pueblo. Tumulong din sila sa kabuhayan dahil
nagpasok sila ng mga bagong halaman at hayop at nagturo ng bagong paraan ng
pagtatanim. Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, ang mga misyonero ang tanging mga
Espanyol sa kanayunan.
Mga Kolonyal na Imposisyon
Sa panahon ng pamamahala ng mga Espanyol, gumawa ng paraan ang mga
administrador ng kolonya ng Pilipinas upang mabuhay at makakuha ng pagkakakitaan.
Ang mga Buwis
Sa simula pa lamang ng pamamahala ng mga Espanyol ay pinatawan na nila ng buwis
ang mga katutubo. Ang pinakaunang uri ng buwis ay ang tributo. Noong una,
nagkakahalaga ito ng 8 reales (walo at kalahating sentimo) na tumaas kalaunan sa
15 reales. Noong unang bahagi ng pananakop, maaaring bayaran ang tributo ng mga
produktong tulad ng bigas, manok, tela, at ginto.
Mayrooon ding buwis para sa relihiyon tulad ng diezos prediales o “ikapu” o tithe na
binabayaran ng isang real. Mayroon ding buwis na tinawag na sanctorum para sa suporta sa
simbahan. Noong panahon ng pananalasa ng mga Moro mula 1660 hanggang 1851, may
sinisingil na buwis na tawag ay samboangan o donativo de Zamboanga na ang halaga ay
kalahating real. Maaari rin itong bayaran ng katumbas na halaga nito sa bigas. Sa Bulacan at
Pampanga, tinawag namang vinta ang buwis. Ginagamit ang salapi sa buwis na ito sa
pagpapatayo ng mga depensa laban sa mga Moro.
Noon namang ika-17 siglo, ipinatupad ng pamahalaan ang bandala o ang pagtatakda ng
kota ng produktong kailangang ipagbili ng mga mamamayan sa pamahalaan.
Ang bandala ay mula sa salitangmandala na ang ibig sabihin ay “isang tali ng halamang
palay.” Sa Gitnang Luzon, ang karaniwang bandala ay bigas; sa Tayabas at Camarines
naman ito ay langis ng niyog. Kadalasang kulang sa salapi ang pamahalaan kaya mga papel
na may pangakong pagbabayad ang ibinibigay ng mga ito sa mga katutubo bilang kapalit
ng bandala. Binuwag ang bandala noong 1782 dahil sa hinaing ng mga magsasaka.
Noong 1884, ipinatupad naman ng pamahalaang Espanyol ang cedula upang palitan ang
tributo. Ang resibo nito ay naging papel ng pagkakakilanlan. Laman nito ang pangalan ng
nagbayad, kaniyang lahi, at tirahan. Ang mga mamamayan na 18 taon pataas ay kailangang
magbayad ng cedula at kailangan itong dalhin palagi. Maparurusahan noon ang hindi
magdadala ng cedula kaya naman ito ay naging simbolo ng pagkakatali ng mga Pilipino sa
mga Espanyol.
Bukod sa mga buwis na ito, ipinataw rin ng mga Espanyol mula 1712 hanggang 1864
ang rentas estancadas o buwis sa ilang produkto tulad ng alak. Pinagkunan din ng kita ng
pamahalaan ang pagbibigay ng lisensiya sa mga bangka at baril.
Historyador Ka!
Noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang pagpapataw ng pagbabayad ng
tributo ay may dalawang kadahilanan ayon sa perspektibo ng mga dayuhan—bilang
pagkilala sa kapangyarihan ng Spain at bilang kabayaran sa mga serbisyong ibinibigay ng
mga Espanyol sa ating mga ninuno. Suriin ang dokumento sa ibaba at subukang alamin ang
epekto ng imposisyong ito sa buhay ng ating mga ninuno.

Because it is just and reasonable that the Indians who were pacified and
reduced to our rule and vassalage, should serve us and pay tribute in recognition
of our lordship and service, as our subjects and vassals do. They, however, have
the custom to pay tribute to their native rulers and chiefs. We command that
these Indians be persuaded for this reason to pay us tribute in moderate
quantity of the fruits of the land, as in other times our laws provided. And it is
our voluntary will that the Spaniards, wherever they are, collect these tributes in
compliance with their duties and obligations, except in the capital towns and
ports of war and in the encomiendas and towns which belong to the Royal
Crown.
Sanggunian: “Laws of the Indies, 1523.” In Documentary Sources of Philippine History, Vol. 2,
by Gregorio Zaide, 132. Philippines: National Bookstore, 1990.

Ang Iyong Misyon


1. Bakit kailangang mangolekta ng buwis sa mga katutubo?
2. Sa tingin ba ninyo ay obligasyon ng ating mga ninuno ang pagbabayad ng buwis sa
mga Espanyol? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sa kasalukuyan, kinakailangan pa bang magbayad tayo ng buwis sa pamahalaan?
Bakit?

Ang Sistemang Polos y Servicios


Ipinataw rin ng mga Espanyol ang kautusang maglingkod ang mga katutubo at
mga mestizong Tsino sa pamahalaan. Tinawag itong prestacion personal o polos y
servicios. Ang kalalakihan na may gulang na 16 taon hanggang 60 ay kailangang maglingkod
sa paggawa ng mga gusali, lansangan, at paghakot ng mga troso. Kailangan silang
maglingkod ng 40 araw bawat taon. Noong 1884, binabaan ito ng 15 araw. Samantala, hindi
kailangang magtrabaho ang mga kaangkan ng mga cacique at ang mga may kapansanan.
Bagama't walang suweldo ang polista, mayroong siyang tulong o sustento kasama na ang
pagkain. Maaari rin namang hindi maglingkod ang isang tao kung siya ay magbabayad
ng falla (galing sa salitang Espanyol na falta na ang ibig sabihin ay “pagliban” o
“pagkukulang”). Ang halaga ngfalla ay isa't kalahating real bawat araw sa loob ng 40 araw o
56 na reales.
May masamang epekto ang prestacion personal dahil nag-aabot ang panahon ng
paglilingkod nito sa panahon ng pagtatanim o anihan kaya apektado ang produksiyon ng
pagkain. Kadalasang ipinadadala rin noon ang mga polista sa mga pook na malayo sa
kanilang lalawigan tulad ng mga Bikolano na pinagputol ng puno sa Samar at ng mga
Pampango na nagtrabaho sa astilyero (shipyard) sa Cavite.
Historyador Ka!
A. Ang mga kolonyal na imposisyon tulad ng polo, bandala, at tributo ay nagresulta sa mga
pang- aabuso ng mga Espanyol na nasa kapangyarihan. Ang mga ito ay dinokumento
mismo ng mga Espanyol. Basahin ang mga sumusunod na dokumento at tukuyin ang
uri ng buhay mayroon noon ang ating mga ninuno. Ang unang dokumento ay isinulat ni
Obispo Domingo de Salazar samantalang ang ikalawa ay isang sulat nina Obispo Salazar
at Andres Cervantes at Francisco Morante (mga tagapagsalin ng mga nagrereklamong
Indio) para kay Haring Felipe II ng Spain noong ika-20 ng Hunyo 1582. Tungkol ito sa
mga reklamo ukol sa buwis at polo ng pinuno ng Tondo at iba pang mga lugar sa
Maynila.

First excerpt:
...a great number of Indians went to the mines of Ylocos, where they
remained during the time when they ought to have sowed their grain. Many of
them died there, and those who returned were so fatigued that they needed rest
more than work. As a result, in that year followed a very great scarcity of rice,
and for lack of it a great number of Indians in the said Pampanga died from
hunger.

...the Spaniards employ the Indians, such as setting them to row in the galleys
and fragatas dispatched by the governor and officials on various commissions,
which they are never lacking. At times they go so far away that they are absent
four or six months; and many of those who go die there. Others run away and
hide in the mountains, to escape from the toils imposed upon them. Others the
Spaniards employ in cutting wood in the forests and conveying it to this city, and
other Indians in other labors, so that they do not permit them to rest or to attend
to their fields...”

When a long expedition is to be made, the wrongs which they suffer are
many. One is to despatch for the Indians who are to row in a galley or fragata a
sailor who has neither piety nor Christian feeling. Moreover, it is notorious that,
without inquiring whether an Indian is married or single, or whether his wife is
sick or his children without clothing, he takes them all away.... In other cases,
their wives are abandoned when dying, the husband being compelled to go away
to row. The Indians are put into irons on the galleys, and flogged as if they were
galley-slaves or prisoners. Moreover, the pay that is given them is very small; for
they give each man only four reals a month— and this is so irregularly paid that
most of them never see it....

Sometimes the entire quantity of his rice is taken from a poor Indian, without
leaving him a grain to eat....

They compel the Indians to work at tasks in the service of the Majesty, paying
them but little, and that irregularly and late, and often none at all....

The tribute at which all are commonly rated is the value of eight reals, paid in
gold or in produce which they gather their lands. Some they compel to pay it in
gold, even when do not have it. In regard to the gold likewise, there are great
abuses, because as there are vast differences in gold here, they always make the
natives give the finest. The weight at which they receive the tribute is what he
who collects it wishes, and he never selects the lightest.

They collect tribute from children, old men and slaves, and many remain
unmarried because of the tribute, while others kill their children.
Sanggunian: de Salazar, Domingo. “Affairs in the Philippine Islands, 1583.” In The
Philippine Islands, Vol. 5. edited by E. Blair and J. Robertson, 212, 217, 219,
221, 223, 224.
Glosari:
• flogged – nilatigo; hinagupit
• fragata – uri ng barkong pandigma
• galley – uri ng barkong may layag at sagwan
• levied – ipinataw
• toils – mahirap o mabigat na pagpapatrabaho

Second excerpt:
If they return from an expedition which has lasted a month, they are told
straightaway to prepare for another, being paid nothing whatsoever;
nevertheless in every village assessments are levied upon the natives, for the
payment of those who go on such service. If at any time they are paid, it is very
little, and that very seldom. Because of the many acts of oppression which they
have suffered, many Indians have abandoned Tondo, Capaymisilo, and other
villages near this city of Manila. They have gone to live in other provinces, which
has occasioned much damage and loss to the chiefs. Out of the three hundred
Indians who were there, one hundred have gone away, and the said chiefs are
obliged to pay tribute for those who flee and die, and for their slaves and little
boys. If they do not pay these, they are placed in the stocks and flogged. Others
are tied to posts and kept there until they pay. Moreover, they dig no gold, for
the officials oblige them to pay the fifth. If they do not make a statement of their
gold it is seized as forfeited even when it is old gold; and the gold is not returned
to them until after payment of a heavy fine.. If the natives come to complain of
their grievances to the alcaldes-mayores alone, they are imprisoned and thrown
into the stocks, and are charged with prison-fees. Their afflictions and troubles
are so many that they cannot be endured; and they wish to leave this island....
Sanggunian: de Salazar, Domingo, Andres de Cervantes, and Franciso Morante. (1582)
In The Philippine Islands, Vol. 5. edited by E. Blair at J. Robertson, 190–191.

Ang Iyong Misyon


1. Ano-ano ang mga paghihirap na naranasan ng mga Pilipino mula sa pang-aabuso ng
mga Espanyol?
2. Ano ang nag-udyok sa mga Espanyol na gawin ang mga pang-aabusong ito?
3. Ano-ano ang mga epekto ng pang-aabusong ito sa buhay ng mga Pilipino?
4. Paano mo ilalarawan ang panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
5. Ano ang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga pang-aabusong ginawa sa kanila?
6. Hanggang ngayon ba ay mayroon pa ring mga ganitong pang-aabuso? Patunayan ang
iyong sagot.
7. Ano ang nararapat gawin sa mga mapang-abusong opisyal na ito?
8. Paano nakatulong ang polo y servicios at tributo sa proseso ng kolonisasyon?
9. Ano ang koneksiyon ng Kristiyanisasyon, reduction, polo y servicios, at tributo sa isa't
isa sa pagsakop sa Pilipinas?
B. Ang kaharian ng Spain ay naglabas ng dokumento noong 1609 na may pamagat na
Kautusan na Nag-aayos ng Serbisyo ng mga Pilipino. Suriin ang nilalaman at ang
intensiyon nito.

In case that the repartimiento cannot be entirely avoided, as will be provided,


and if the Chinese and Japanese are either unwilling or unable to satisfy the
actual need of those public works, the governor and captain-general shall take
measures with the Indians so that they may aid in the works freely and
voluntarily.... But, granted that there be a lack of voluntary workers, we permit
that some Indians be forced to work in these occupations, under the following
conditions, but in no other manner.

That this repartimiento shall be made only for necessary and unavoidable
affairs; for in so odious a matter, the greater benefit of our royal treasury, or the
greater convenience of the community, cannot suffice; and all that which is not
necessary for their preservation, weigh less than the liberty of the Indians.

That the Indians in the repartimiento shall be lessened in number as the


voluntary workers shall be introduced, whether the latter be Indians or those of
other nations.

That they shall not be taken from distant districts, and from climates notably
different from that of their own villages....

That the governor [shall] assign the number of hours that they shall work
each day, taking into consideration the lack of strength and weak physical
constitutions.

That they shall be given in full wages that they earn for their work. And that
they shall be paid personally each day, or at the end of the week, as they may
choose.

That the repartimientos be made at a time that does not embarrass or hinder
the sowing and harvesting of land products, or other occasions and periods upon
which the Indians have to attend to the profit and management of their property;
for our intention is that they may not be deprived of it, and that they may be able
to attend to everything. Therefore, we order that the governor that, at the
beginning of the year, he shall take note of the building and other matters of our
service in which the Indians have to be employed; for if the time is chosen, it may
be arranged in such a way that the Indians may receive no considerable injury to
their property or persons.
That, granting the poor arrangement and plan of the caracoas, and that when
remanded to them many Indians generally perish, because of sailing without a
deck, and exposed to the inclemencies of storms, we order that these crafts be
improved and built in such a manner that the Indians may manage the oars
without risks of health and life.

In all the above, and in all that may touch their preservation and increase, we
order the governor to proceed with the care and vigilance that we expect, and
that he punish signally and rigorously the ill-treatment received by the Indians
from their caciques or from the Spaniards—especially should the latter be our
officials, upon whom the penalties must be more rigorously executed. We
request and charge both the secular prelates and the provincials of the orders to
exercise the same attention in the punishment of offenses of this nature,
committed by the ministers of instruction and other ecclesiastical persons....

[Law passed in the reign of Felipe III, and dated Aranjuez, May 26, 1609]
Sanggunian: King Philip III. “Decree Regulating Services of Filipinos, 1609.” In
The Philippine Islands, Vol. 17, edited by H. Blair and J. Robertson, 79–81.
Glosari:
• inclemencies – matindi
• oar – sagwan; gaod

Ang Iyong Misyon


1. Ano ang layunin ng paglalabas ng kautusang ito?
2. Ano-anong mga mahahalagang impormasyon ang binanggit ng dokumento?
3. Sang-ayon ka ba sa mga kautusan tungkol sa kung paano magtatrabaho ang mga
Pilipino?
4. Batay sa dokumento, ano ang iyong mahihinuha tungkol sa paraan ng pagtrato ng
kaharian ng Spain sa mga Pilipino?
C. Basahin ang tugon nina Gobernador Heneral Guido de Lavezaris at iba pang mga opisyal
at encomendero sa mga paratang ng pang-aabuso ni Padre Martin de Rada na ginawa
umano ng encomenderoat alcalde-mayor.

... we came to these districts by his Majesty’s order, and therefore we are
here, obeying his royal mandate....

In regard to the tribute that has been raised, and the amount of tribute in
gold that is collected from Los Ylocos and Los Camarines,... it is a matter clearly
to be understood, that, for the support of those who live in this land, it is quite
necessary that the natives assist with tribute as they do in the other part of the
Indies. They are not considered friends, nor do they have any security, without
first having paid the tribute—which is, in proportion to their condition and
wealth, very little; and which they are willing to give gladly and without
compulsion. In each island, district, and village, the natives give what they
please, for in some places they give provisions, and in others wax, cloth, and
other things which they obtain from their harvests. To them it is little, and
almost nothing, because they have those things abundantly. If gold has been
collected from the Ylocos and Camarines, it is because the land is very rich in
mines, and because they have great quantities of gold....
As regards the excessive tribute which... is said to have been collected from
the natives, to generalize from individual cases is to confuse the whole matter.
We say this because a great part of this country is taxed differently in different
places, and the natives vary in wealth. In some parts they are rich, in others
farmers, in others merchants, in others miners; and, again, in others they live by
robbery and assault....

To say, then, that the Indians are so wretched that they live on roots during
part of the year, and in some places are accustomed to support themselves for a
certain part of the year on sweet potatoes, sago bread, and other vegetables they
find, is wrong. It is not so in all districts, but only in some of the Pintados islands;
nor is this through any lack of prosperity, but because they are vicious, and eat
all sorts of food. They are so lazy that they will not go four leagues out of their
villages to buy rice, but spend their time in drunkenness, idolatries, and
feastings... .the natives are so rich, and have so many profits and sources of gain...
They have a great deal of cloth with which to clothe themselves; many silken
fabrics worked with gold, greatly esteemed and of high value; many porcelains
and fine earthenware jars; lances, daggers, bells, and vases; and many
adornments for their persons, of which they make use. They also have great
quantities of provisions, which they gather every year from their irrigated lands;
palm wine, and wine of the nipa palm, which they collect ordinarily every day
during the whole year and many other wines, made from rice or cane—to say
nothing of the great profits they make from wax and gold, which are ordinarily
produced in all the islands. There is a great deal of cotton, which they work and
spin, and make into fine cloths; these are very valuable to the Indians in their
trade.... If some natives in some of the villages decamp in order to avoid paying
the tribute, as is stated in the “Opinion,” it is not on account of any lack of means,
but because the natives are spirited, and make it a point of honor to pay the
tribute only when forced. They like to be compelled to do so. This is not the case
with all of them, but only with some who, after debaucheries and guzzling of
wine, come to the Spaniards, and say that they have nothing wherewith to pay
the tribute....
Sanggunian: de Lavezaris, Guido, Martin de Goiti, Luis de Haya, et al. “Reply to Fray
Rada’s Opinion, c. 1574.” In The Philippine Islands, Vol. 3, edited by E. Blair
and J. Robertson, 265–270.

Glosari:
• compulsion – pamimilit o pag-uudyok
• debaucheries – labis na pagpapasarap o pagpapaluho sa buhay
• decamp – umalis nang biglaan
• guzzling – pagtungga o paglagok

Ang Iyong Misyon


1. Paano tumugon sa mga alegasyon ng pang-aabuso ang mga Espanyol?
2. Paano inilarawan ni Lavezaris ang mga Pilipino upang ipagtanggol ang sarili mula sa
akusasyon ng pang-aabuso?
3. Ano ang saloobin ni Lavezaris tungkol sa mga paratang ng Simbahan ng pang-aabuso
sa mga opisyal na Espanyol?
4. Naniniwala ka ba sa depensa ni Lavezaris na hindi sila umaabuso sa kapangyarihan?
5. Ipagpalagay ang sarili na nakaranas ng pang-aabuso ng mga Espanyol, gumawa ng
isang tugon sa depensa ni Lavezaris.
6. Batay sa mga nagtutunggaling salaysay, sino ang mas kapani-paniwala? Bakit?
7. Gumawa ng isang fish bone diagram na nagpapakita ng epekto ng mga pang-aabuso ng
mga Espanyol sa mga Pilipino.
8. Gumawa ng iyong impresyon ukol sa paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas.

Iba pang Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan


Hindi sapat ang mga nakolektang buwis sa Pilipinas upang tugunan ang mga
pangangailangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Kaya naman, may iba pang
pinagkunan ng kita ang pamahalaan.
Ang Real Situado
Ang real situado ang salaping tinatanggap ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas mula sa
Mexico. Hindi ito tulong o perang binigay galing sa Mexico, bagkus ay bahagi ito ng buwis
mula sa kalakalang galyon. Umaabot sa isang milyong piso ang real situado bawat taon na
tinatanggap ng Pilipinas mula sa kalakalang ito. At dahil sa malaking halaga ng real
situado na dala ng mga galyon, malaking pinsala rin ang idinudulot sa Pilipinas kung may
mga lumulubog o nawawala sa mga ito. Gayunman, nang magsarili ang Mexico noong 1825,
nawala na rin ang real situado na pinagkukunan ng pondo ng Pilipinas. Dahil dito,
kinailangan ng Pilipinas na humanap ng ibang mapagkakakitaan.
Kalakalang Galyon
Ang lokasyon ng Pilipinas na malapit sa China ang naging kayamanan ng bansa. Ang
Maynila ang naging daungan ng mga galyon5 na may mga dalang produkto mula sa iba't
ibang lugar sa Asya tulad ng China, Moluccas, at India. Ipinadadala ito sa Mexico sa
pamamagitan ng mga galyon. Mula sa Acapulco (sa dalampasigan ng Mexico sa Pasipiko),
dinadala ang mga produkto sa Verracruz (sa dalampasigan sa Atlantiko) bago ito dinadala
sa Spain. Pagbalik ng galyon, dala nito ang real situado at mga produktong Espanyol at
Europeo. Lulan ng galyon ang mga opisyal na Espanyol, mga misyonero, at mga liham na
galing Spain. Karamihan ng mga produktong mula sa Asya na ibinibenta sa Acapulco ay
galing sa China, habang may iba rin na galing sa Moluccas, India, Cambodia, Siam, Burma, at
Persia.
Upang makalahok sa kalakalang ito ang isang negosyante, kailangan niyang bumili
ng boleta na nagsisilbing bayad o upa sa isang bahagi ng galyon na paglalagyan niya ng
kaniyang mga produkto na ipagbibili sa Mexico. Malaki ang tinutubo ng mga mangangalakal
sa mga produktong kanilang ipinagbibili sa Mexico.
Ang kalakalang galyon ang naging tagapag- ugnay ng Pilipinas sa Spain at sa mga
kolonya nito sa America. Dahil dito, naipasok ang mga halamang galing sa Timog at Gitnang
America tulad ng abokado, kamatis, pinya, strawberry, mais, kamote, mani, kalabasa, lima
bean, kasuy, singkamas, at kakaw. Dinala rin at pinarami sa bansa ang mga hayop tulad ng
kabayo, baka, tupa, kuneho, at kambing.
Dahil sa kalakalang galyon, naitayo ang ibang mga negosyo sa Pilipinas. Isa sa mga
naitatag ay ang industriya ng pagbabangko.
Samantala, itinatag naman ang Obras Pias upang magbigay ng suportang pinansiyal sa
kalakalang galyon. Ang pondo ng Obras Pias ay galing sa mga donasyon ng mga
mamamayan sa simbahan. Pinahihiram ng simbahan ang pondong ito sa mga negosyante,
opisyal, at mga kasapi ng simbahan na may kaukulang interes o tubo. Mataas ang interes na
idinaragdag dito na maaaring umabot sa 50% ng hiniram na pondo kung gagamitin ito sa
kalakalan sa Acapulco at 20%–30% kung ito ay gagamitin sa Asya. Ang pondo ng Obras
Pias ay naging Banco Espanol Filipino noong 1860. Ito ang kauna-unahang bangko sa
Pilipinas.
May pagkakataon din noon na nahirapan maningil ng utang ang bangko. Sa katunayan,
nakapagtatag sila sa Maynila ng alcaiceria, pamilihan ng mga seda galing China.
Tumatagal nang tatlong buwan ang biyahe ng galyon patungong Mexico at mahigit
dalawang buwan patungong Pilipinas. Mapanganib ang bawat paglalakbay dahil sa mga
bagyo na maaaring maging dahilan ng paglubog ng mga galyon. Sa panahon ng paglalakbay,
maaari ring makaranas ng sakit ang mga lulan ng galyon. Nandoon din ang panganib na
maaaring lusubin ang mga galyon ng mga kaaway ng Spain tulad ng England at
Netherlands. Ngunit kung matagumpay na nakarating ang galyon, ito ay dahilan upang
magdiwang. Kung nawala ang galyon, malaking kahirapan ang nadarama sa Pilipinas dahil
sa pagkawala ng real situado at ng mga kalakal.
Isang larawan ng galyon noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas

Sa kabila ng maunlad na pagpapalitan ng kalakal na idinulot ng kalakalang galyon,


tanging mga negosyanteng Espanyol lamang ang lubos na nakinabang dito. Napabayaan
ang mga lalawigan dahil nagdagsaan ang mga Espanyol sa Maynila upang makilahok sa
kalakalan. Hindi rin napaunlad ang paggawa ng mga produktong Pilipino dahil halos lahat
ng kinakalakal ng galyon ay mga gawang China tulad ng seda at porselana.
Hindi rin gaanong nakinabang ang pamahalaan ng Spain sa kalakalan dahil ang salapi
nito ay napupunta sa mga mangangalakal na Tsino. Dahil dito, naging salapi ng kalakal sa
Pasipiko at China angMexican silver peso na gawa sa Mexico at Peru. Kaya upang
mahadlangan ang labis na pagpasok ng pilak sa China, ipinag-utos ni Haring Carlos III na
palakasin ang kalakal na nagmumula sa Spain. Itinatag niya ang Real Compania de
Filipinas ngunit hindi rin ito naging matagumpay dahil sa pagkalugi nito kalaunan.
Maging ang mga Pilipinong tagatustos ng pagkain at mga kagamitan ay karaniwang
binabarat o hindi agad nababayaran. Naghirap din ang mga polista dahil pinilit silang
magtrabaho sa labas ng kanilang lalawigan at minsan ay lumalabis pa sa 40 araw na
itinakda ng mga Espanyol. Ang mga katutubo naman na kasama sa galyon ay kadalasang
pinagmamalabisan kaya marami sa kanila ang tumakas pagdating sa Mexico.
Tumagal ang kalakalang galyon mula 1565 hanggang 1815. Nabuwag ito dahil sa
kompetisyon mula sa pagpasok ng kalakalan sa ibang bansa.
Pagpapalaki ng Kita ng Pamahalaang Kolonyal
Dahil kulang ang kita ng pamahalaang kolonyal, itinatag nito ang iba't ibang monopolyo.
Kabilang dito ang mga monopolyo ng nganga (betel nut), noong 1764; tabako, noong 1782–
1882; ng pulbura at eksplosibo, noong 1805–1864; ng opyo, noong 1847. Naningil din sila
ng espesyal na buwis sa mga Tsino na dumarating sa Pilipinas at nangolekta rin sila ng
buwis sa mga lisensiyadong pahititan ng opyo (opium dens).
Isa ring paraan ng pagpapalaki ng kita ay ang pagtatanim ng mga halamang maaaring
iluwas. Sa panahon ng pamamahala ni Gobernador Heneral Sebastian de Corcuera, ipinag-
utos niya ang pagtatanim ng niyog sa iba't ibang panig ng kapuluan. Noong 1787,
pinasimulan naman ni Jose Basco y Vargas ang pagpapatanim ng mga rekado, bulak, at
tabako. Nagsimula rin ang industriya ng seda sa Bicol at mga monopolyo ng tabako sa
Ilocos at Lambak ng Cagayan. Nagkaroon din ng mga pabrika ng tabako na iniluluwas sa
ibang bansa.
Bagama't ipinagbawal din noon ng hari ng Spain ang anumang ugnayan sa mga kolonya
ng ibang bansa lalo na sa mga bansang kalaban nito, nakipagkalakalan pa rin ang Pilipinas
sa India at Malacca na mga kolonya noon ng England at Portugal. Nakipagkalakalan din ang
Pilipinas sa mga Pranses at mga Amerikano. Karaniwang binibili ng mga dayuhan ay asukal,
bigas, at indigo. Nabalewala ang kautusan ng hari dahil na rin sa malaking kinikita ng mga
negosyante sa pakikipagkalakalan sa mga naturang lugar. Noong 1834, opisyal na binuksan
ang Maynila sa kalakalang pandaigdig at sinundan ito ng Iloilo at Zamboanga.
Ang Lipunan ng Pilipinas sa Ilalim ng mga Espanyol
Noong panahon ng mga Espanyol, nahati ang lipunan sa Pilipinas sa mga sumusunod:
mga peninsulares, creole o criollo, insulares, mestizo, indio, at sangley.
Binubuo ng peninsulares ang mga Espanyol na ipinanganak sa Spain. Kasama rito ang
gobernador heneral, arsobispo ng Maynila, at iba pang mataas na opisyal ng pamahalaang
kolonyal at simbahan. Ang creole o criollo naman ay mga Espanyol na ipinanganak sa mga
kolonya ng Spain. Kasama rito ang mga opisyal na ipinanganak sa Peru, Mexico, at Puerto
Rico. Tinawag namang mga insulares Filipino o Filipino ang mga Espanyol na ipinanganak sa
Pilipinas.
Indio ang itinawag sa mga katutubo at sangley naman sa mga Tsino. Ang mga anak
naman ng mga Espanyol at indio ay tinawag na mga mestizong Espanyol at ang mga naging
anak naman ng mga Tsino at indio ay tinawag na mga mestizong sangley.
Kung tutuusin, kaunti lamang ang bilang ng mga Espanyol kumpara sa mga katutubo.
Ayon kay Jean Mallat, isang manunulat na Pranses, sa kabuuang populasyon ng Pilipinas na
3.5 milyon noong 1846, 1 500 lamang dito ang bilang ng mga peninsulares habang 3 500
naman ang mga insulares at criollo. Ngunit sa kabila ng kakaunti nilang bilang, hawak ng
mga peninsulares ang matataas na puwesto sa pamahalaan at simbahan. Hawak din ng mga
Espanyol kasama na ng mga criollo at insulares ang mga lalawigan.
Samantala, tulad ng nabanggit sa mga naunang bahagi ng aralin, pinahintulutan naman
ng mga Espanyol ang mga principales (mga dating datu at maharlika) na maging
mga gobernadorcillo at cabeza de barangay at mamahala sa pueblo o barangay. Nakuha ng
mga Espanyol ang katapatan ng mga principales at ng kanilang mga angkan sa
pamamagitan ng hindi pagsingil sa mga ito ng tributo gayundin ang hindi pagpapatrabaho
sa polo. Bukod pa sa pagiging lokal na opisyal, hinihirang din ang mga principales bilang
mga maestre de campo, capitan de infanteria, at sargento mayor sa kanilang mga teritoryo.
Sakali namang may mga katutubo noon na nag-aalsa laban sa mga Espanyol, nilalabanan
ang mga ito ng kapuwa katutubo na tapat sa mga Espanyol. Kung mga principales naman
ang sangkot sa pag-aalsa, binibitay sila at sinasamsam ang kanilang ari-arian.
Tulad din ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, bukod sa pag-aabono ng buwis ng
kanilang sakop (nangyayari kapag may pumanaw sa kaniyang nasasakupan o kaya ay
nanirahan na sa ibang lugar), kailangan ding magbayad ng mga principales ng media
anata upang manatili ang kanilang mga pribilehiyo. Kalaunan, marami sa kanila ang
naghirap dahil naipagbili ang kanilang mga lupain sa mga Espanyol.
Maliban sa pagiging opisyal sa lokal na pamahalaan, halos lahat din ng mga kasapi ng
hukbo ng Spain sa Pilipinas ay binubuo ng mga indio. Nagsilbi rin bilang mga guwardiya
sibil ang mga indiongunit hindi sila pinahahawak ng posisyon bilang opisyal at mga
sarhento. Ang artileriya ay binubuo lamang ng mga Espanyol. Karamihan din sa kawani ng
pamahalaan ay binubuo ng mga indio.
Gumamit din ang pamahalaang kolonyal ng mga indio upang maging mga tagapagmasid
sa mga nangyayari sa paligid. Nakabantay lamang ang isang kadre ng mga paring Espanyol
at mga opisyal na handang kumilos kung mayroong banta ng pag-aalsa.
Noong ika-19 na siglo, nabuo naman ang gitnang uri ng lipunan na karamihan ay binuo
ng mga insulares at mestizo. Umangat sila dahil sa sipag nila sa negosyo. Marami sa kanila
ang nakapag-aral at naging kabilang sa mga tinaguriang intelektuwal. Sa pangkat na ito,
nagmula ang mga bayaning tulad nina Jose Burgos, Jose Rizal, Emilio Jacinto, at Apolinario
Mabini.
MAALAALA MO KAYA?
1. Ilarawan ang organisasyon ng isang pamahalaang sentral.
2. Ano ang sistema ng pamahalaang pinairal ng mga Espanyol sa Pilipinas? Paano ito naiba
sa pamahalaan ng mga katutubo? Sagutin ito sa pamamagitan ng isang tsart.
3. Ano-ano ang mga antas ng lipunan sa panahon ng mga Espanyol? Iugnay ito sa antas ng
lipunan ng ating mga ninuno sa panahong hindi pa dumarating sa kapuluan ang mga
Espanyol. Sagutin ito sa pamamagitan ng isang tsart.
4. Bakit kailangang magkaroon ng mga bantay laban sa pag-abuso ng mga opisyal ng
pamahalaan?
5. Bakit mahalagang alam na bawat kasapi ang kaniyang tungkulin at responsebilidad sa
isang organisasyon?
6. Ibigay ang mabubuti at hindi mabubuting idinudulot ng pagpapataw ng buwis.
7. Kung ikaw ay nabuhay noon at kabilang sa antas ng mga principales, nanaisin mo bang
maging cabeza de barangay o hindi? Pangatuwiranan.
8. Sa isang malinis na papel, buuin ang sumusunod na concept map tungkol sa mga
instrumentong ginamit ng mga Espanyol sa kolonisasyon na Pilipinas. Isulat kung gaano
kabisa ang paggamit sa bawat instrumento.

KASAMA KA SA KASAYSAYAN?
1. Ikaw ay isang visual artist. Hiningi ang iyong serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.
Naatasan kang bumuo ng poster na hinimok sa mga estudyante na makibahagi sa
pagbabantay laban sa pag-abuso ng mga opisyal ng pamahalaan. Kailangan na makulay
ang poster, ang mensahe ay tuwiran at kaakit-akit, gayundin ang gagamiting larawan o
ginuhit na imahe.
2. Kabilang ka sa isang advertising agency. Nakipagpulong sa inyo ang mga kawani ng
Bureau of Internal Revenue (BIR). Hiningi ng BIR ang serbisyo ng inyong kompanya
upang bumuo ng isanginfomercial. Ang infomercial ay may haba lamang na 60 segundo
na ang pangunahing mensahe ay nakatuon sa kahalagahan ng pagbabayad ng buwis.
Gagawa ng limang infomercial ang iyong tanggapan na susuriin at pagpipilian ng mga
kawani ng BIR. Inaasahan na kaaya-aya ang mga patalastas at ito ay madaling
maikikintal sa isip ng mga manonood.
3. Ikaw ay isang economic historian. Magba- bahagi ka sa mga estudyante ng iyong mga
kaalaman tungkol sa epekto ng kalakalang galyon sa mga taga-Mexico gayundin sa mga
taga-Maynila. Sa pamamagitan ng PowerPoint presentation, kailangang maipakita ng
iyong mga larawan, mapa, animations, at iba pang detalye ang epekto ng kalakalang
galyon sa pamumuhay at kultura ng dalawang bayan.

SAMUT-SARING KUWENTO
Ang Prayle Ay Hindi Masama

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang salitang “prayle” ay nauugnay sa mga karakter na


masasama tulad ni Padre Damaso sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ngunit
kailangang isipin na ang karakter ng mga prayle, tulad ni Padre Damaso sa nobela ni Rizal,
ay pananaw lamang ni Rizal sa mga tiwaling kasapi ng simbahan noong ika-19 na siglo.
Sino at ano nga ba ang katotohanan sa katauhan ng mga prayle?
Ang salitang “prayle” ay galing sa salitang frere na ang ibig sabihin ay brother. Sila ay
bahagi ng isang komunidad. Ang mga Dominikano, Agustino, Rekoletos, at Pransiskano ay
mga prayle. Tanging ang mga Heswita lamang ang hindi prayle sapagkat wala silang
monastikong panunumpa (o hindi sila nagdarasal ng Divine Office bilang isang pangkat).
Gayunman, hindi maikakaila ang malaking ambag ng mga prayle sa pag-angat ng mga indio.
Malaki ang papel ng mga prayle sa pagtatala ng kasaysayan ng Pilipinas. Kabilang dito si
Padre Gaspar de Medina, isang Agustino, na sumulat ng Conquistas de las Islas Filipinas na
tungkol sa kasaysayan ng pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sakop ng aklat ni Padre
Medina ang panahon ni Magellan hanggang sa panahon ni Legazpi. Isinulat naman ni Padre
Ignacio Alcina, isang Heswita na nadestino sa bahaging Visayas, ang kaniyang paglalarawan
sa hitsura, kaugalian, at kabuhayan ng mga Bisaya.
Itinago rin ng mga relihiyoso ang mga tala ng kasaysayan ng bansa. Kabilang dito ang
mga dokumento, liham, at kautusan. Makikita ang mga ito sa Archivo ng Arsobispo ng
Maynila.
Bukod sa kasaysayan, pinag-aralan din ng mga misyonerong prayle ang mga wika ng
bansa at naglathala sila ng mga sulatin tungkol sa mga ito. Isa na rito si Padre Francisco de
San Antonio, isang Pransiskano, na may katha ng Vocabulario Tagala. Naglalaman ito ng
mga lumang salitang Tagalog. Bumuo rin ng mga diksiyonaryo ng mga katutubong wika
sina Padre Juan de Plascencia, Juan de Quinones, at Juan de Oliver. Noong 1613, binuo
naman ni Padre Pedro de San Buenaventura ang Vocabulario de la Lengua Tagala na
mayroong 707 pahina. Ang iba pang nangalap ng diksiyonaryo ay sina Padre Juan de
Noceda, Pedro Clain, at Pedro de San Lucar. Ang kanilang pinagsama-samang diksiyonaryo
ay lumabas noong 1754. Samantala, inilimbag naman ni Padre J. Sanchez angVocabulario de
Lengua Bisaya noong 1711. Ipinakita ng mga prayleng ito na may kabihasnan na sa
Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Samantala, utang naman ng Spain kay Padre Andres de Urdaneta ang pagkakatuklas ng
rutang pabalik sa Mexico. Dahil sa rutang ito, naging posible ang pagbalik ng mga galyon sa
Mexico. Isinulat din ni Padre Urdaneta ang kaniyang mga nakita sa kaniyang paglalakbay sa
Pasipiko at sa Pilipinas.
Bukod sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, itinala rin ng mga misyonero ang iba't ibang
uri ng halaman at hayop sa bansa. Ganito ang ginawa ni Padre Alcina sa kaniyang aklat
na Historia.Inilimbag naman ni Padre Manuel Blanco ang kaniyang talaan ng mga halaman
sa Pilipinas na tinawag na Flora de Filipinas. Nagtatag din siya ng isang hardin sa
Intramuros.
Samantala, ipinagawa naman ni Padre Diego Cera ang organo na yari sa kawayan sa Las
Piñas. Bukod dito, nagpagawa ang mga prayle ng mga tanggulan sa ilang panig ng kapuluan.
Ang mga halimbawa nito ay ang Kuta Pilar sa Zamboanga na ipinatayo ni Padre Melchor
Vera at ang Kuta Concepcion sa Ozamiz na ipinatayo ni Padre Miguel Ducos bilang depensa
sa mga piratang Moro. Mababanggit din ang daan na ipinagawa ni Padre Miguel de
Villaverde sa lambak ng Cagayan. Ginagamit pa ang daang ito hanggang sa kasalukuyan at
kilala na bilang Villaverde Trail.

5 Karamihan ng mga galyong ginamit sa kalakalan sa Acapulco ay gawa sa Pilipinas. Ginawa


ang mga ito sa mga astilyero ng Bagatao sa Sorsogon, Cavite, Pangasinan, Albay, Iloilo, at
Marinduque. Ang mga layag naman ay gawa sa Ilocos at ang lubid na yari sa abaka ay
galing sa Albay, Camarines, at Samar. Inangkat sa China, India, at Japan ang mga pako at
bakal na bahagi ng mga galyon. Karamihan naman ng manggagawa ay mga Pilipino
bagama't may ilan ding mga Tsino na bihasa sa pagkakarpintero at pagpapanday ng metal.

Ang Lipunang Kolonyal at Pyudal


Noong ika-15 siglo, ang kapitalismo sa yugto nitong pagma-manupaktura ay papaunlad sa Espanya. Ito
ang pwersang pampakilos sa merkantilismong Espanyol at kolonyalismo na dumating sa Pilipinas noong
ika-16 na siglo. Sa pamamagitan ng kolonyal na mga ekspedisyon at pandarambong, ang Espanya ay
nakapag-ambag nang malaki sa primitibong akumulasyon ng kapital sa Europa pero matitigil ang pang-
ekonomyang pag-unlad sa Espanya mismo.

Sa mahigit tatlong daang taon ng kolonyal na paghahari sa Pilipinas hanggang sa mga katapusang taon
ng ika-19 na siglo, isinagawa ng kolonyalismong Espanyol ang pagbubuo ng isang kolonyal at pyudal na
lipunan sa halos lahat ng parte ng kapuluang hilagang Malay – ang Pilipinas.

Sa unang sandaang taon ng kolonyal na paghahari ng Espanya, ginamit ang sistemang enkomyenda
para pagsama-samahin ang maliliit at magkakaibang lipunang prekolonyal; mangulekta ng tribute,
magpalaganap ng paniniwalang Kristiyano; at mag-organisa ng sapilitang paggawa at pagpapasundalo.
Ang pyudal-militar na paraang ito ay transisyon sa pagbubuo ng lipunang kolonyal at pyudal.

Sa mula’t mula ng paghahari ng mga kolonyal na awroridad ng Espanya, isinagawa nila ang tahasang
kolonyal na pandarambong para matustusan ang kalakalang Maynila-Acapulco at masustini ang sarili sa
pangangasiwa sa bayan, pagpapayapa sa mga suwail na katutubo at pamumuhay nang maginhawa.
Pagkalaki-laki ng kita ng kalakalang Maynila-Acapulco dahil ang mga galyon ay gawa sa kahoy na pinutol
at hinakot ng mga sapilitang pinagtrabaho, ginawa rin ng mga sapilitang pinagtrabaho at ginaod ng mga
pinarusahang alipin. Isa pa, may Hindi nakatalang pagbebenta ng murang bigas at bulak sa plota ng
mangangalakal na mga Tsino.

Noong huling bahagi ng ika-18 siglo, nang umunlad nang husto ang pyudalismo, ang mga kolonyal na
awtoridad ng Espanya ay nagdisisyong magtaguyod ng malawakang pagtatanim ng mga pang-eksport
dahil sa lumalaking pangangailangan ng mga kapitalistang bayang industriyal sa Europa (laluna ang
Britanya) sa ganoong mga pananim at dahil din sa paghina ng kalakalang Maynila-Acapulco.

Noong ika-19 na siglo, ang kalakalang panlabas ng mga pang-agrikulturang eksport ng Pilipinas at mga
import na produktong minanupaktura sa ibang bayan ang nagpahinog sa pyudalismo at naging dahilan
ng paglitaw ng sistemang pangkalakal sa loob ng likas na ekonomya. Nagkonsentra ang ilang lugar sa
pananim na pang-eksport at ang iba nama’y sa mga pananim na pangunahing kailangan para sa
pansariling kunsumo. Ang espesyalisasyong pang-agrikukura ang nagtulak sa akumulasyon ng lupa ng
mga prayle at katutubong panginoong maylupa, pati ng lokal na kalakalan.

Sa kalaunan, ang sistemang kolonyal ng Espanya – nakaasa sa pandarambong sa pamamagitan ng


pagbubuwis at monopolyo sa kalakalan ay malinaw na nakitang hadlang sa pag-unlad ng agrikulturang
nakatuon sa pag-eeksport at sa panlabas na kalakalan sa mga bayang industriyal.

Sa arbitraryong pagpapalawak ng pag-aaring lupain at pagtataas ng upa sa lupa, malinaw na nakita ng


mamamayan na ang mga prayle ang mga pangunahing pyudal na mapagsamantala sa bayan. Syempre,
bunga ng pagiging pangunahing lahatang administratibong suporta sa lokal na antas para sa mga
kolonyal na naghahari, ang mga prayle ay kinamuhian ng mamamayan dahil sa patung-patong na
kasalanang diskriminasyong panlahi, pang-aapi at pagsasamantala. Sa katunayan, nanaig sa Pilipinas
ang estadong teokratiko. May pagkakaisa ang simbahan at estado. Ang mga prayle ay itinaguyod ng mga
naghahari at instrumento ng patakarang kolonyal. Sila ay makikita sa maraming lugar at nangingibabaw
sa mga katutubong upisyal na nalimita sa munisipal na antas ng awtoridad na administratibo.

Ang prestihiyong pampulitika at moral ng mga prayle ay unang tinuligsa sa malawakang saklaw na
paglitaw ng kilusan sa sekularisasyon na naggiit na ipalit sa mga prayle ang mga paring sekular na mga
katutubo. Pero ang panlipunang ligalig sa hanay ng mga katutubong nangungupahan at kasama sa mga
lupain ng prayle ang nagpahantong sa pinakadramatikong mga mapaniil na hakbang na kolonyal at
pumukaw naman sa magsasakang lumaban.

Ang Simbahang Katoliko ang prinsipal na institusyong pangkultura sa bayan. May monopolyo ito sa
ideolohiya-teolohiya. Panrelihiyon ang tipo ng edukasyong itinaguyod nito sa pinakamalawak na saklaw.
Tinangka nitong pawiin ang itinuring na mga gawaing pagano o ginamit ang katutubong mga pormang
pangkultura para lagyan ng nilalamang kolonyal at kleriko ang mga ito.

Hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang mga paring sekular ang mga katutubong may
makabuluhang bilang na nakatuntong sa mas mataas na antas ng edukasyon. Sa kalaunan lamang
makakaabot sa kolehiyo ang makabuluhang bilang ng mga anak ng mga katutubong panginoong
maylupa at mangangalakal at makakakuha ng mga pampropesyunal na kursong di panrelihiyon.

Ang Rebolusyong Pilipino


Ang rebolusyong Pilipino ng 1896 ang unang pambansa at demokratikong tugon ng mamamayang
Pilipino sa dominasyong kolonyal at pyudal. Ang uring ilustrado ang namumunong uri sa rebolusyong ito.
Sa esensya, ang uring ito’y binubuo ng edukadong mga anak ng mga pamilya ng panginoong maylupa,
burukrata at mangangalakal na sumunod sa ideolohiya ng burgesyang liberal.

Sa Simula, noong dekada 1880, ang ilustrado, tulad ni Jose Rizal, ay nagtaguyod ng repormistang
linyang pagtatamo ng mga repormang liberal sa loob ng balangkas ng kolonyalismong Espanyol.
Isinulong nila ang kilusang propaganda sa Espanya dahil sa di matiis na kalagayang intelektwal,
pampulitika at sosyo-ekonomiko sa kolonyang Pilipinas. Ang pinakamasasamang katangian ng
kolonyalismo at pyudalismo ay inilantad at pinuna ng pinakamahuhusay na repormista, tulad nina Jose
Rizal at Marcelo H. del Pilar.

Sa ganap na pagkabigo ng kilusang repormista, na humantong sa pag-aresto kay Rizal at pagsupil sa La


Liga Filipina (ang pinakaambisyosong pang-organisasyong proyekto ng mga repormistang liberal), ang
Katipunan ay itinatag at naging pampulitikang organisasyon ng rebolusyonaryong burgesyang liberal na
mamumuno sa bansang Pilipino sa pakikibaka para sa pambansang kasarinlan laban sa kolonyalismong
Espanyol.

Ang prinsipal na lider at tagapagtatag ng Katipunan, si Andres Bonifacio, ay isang naliliwanagang


manggagawa mismo. Ang kasapian ay nagmula sa naliliwanagang petiburgesya ng kalunsuran, mga
manggagawa at iba pang maralita ng lunsod, mga magsasaka at iba pang mamamayan. Ang
pagkakalantad ng Katipunan sa mga prayle at ang sumunod na pang-aaresto ang nagpasiklab sa
Rebolusyong 1896.

Ang rebolusyong ito ay mailalarawan na isang pambansa at burges-liberal na rebolusyon. Pero di tulad
ng burges-liberal na mga rebolusyon sa Europa, Hindi ito udyok ng isang umiiral na kapitalismo sa
pagmamanupaktura o industriya. Ang mga rebolusyonaryong lider na Pilipino ay burges-liberal na
naliwanagan sa labas ng mga eskwelahan ng prayle, at naghangad ng maunlad na industriya at
komersyo, bagay na naobserbahan nila sa Europa. Halos wala pang pagmamanupaktura sa Pilipinas.
Ang pinakamahusay na dito ay ang pagmamanupaktura ng tabako na nagsimula noon pang naunang
siglo. Sa pangkalahatan, ang pag-unlad ng pagmamanupaktura ay napigil ng pag-iimport ng mga
namanu-pakturang produkto.

Samantalang nasa disbentahe ang bansang Pilipino sa di pantay na palitan ng mga namanupakturang
produkto at inieeksport na pananim na agrikultural, ang papalaking pangingikil ng mga kolonyal na
awtoridad at prayle ang naging dahilan kung bakit di matiis ng mamamayang Pilipino ang lipunang
kolonyal at pyudal. Ang kolonyal na pang-aapi ang nagpagalit sa mga karutubong panginoong maylupa,
mangangalakal, burukrata, manggagawa’t magsasaka.

Ang uring magsasaka na siyang pinakamarami ang pinakamatindingpinagsasamantalahan. Tulad ng mga


liberal demokratikong rebolusyon sa Europa, ang uring magsasaka ang naging pangunahing pwersa ng
Rebolusyong Pilipino. Pero kaugnay ng usapin sa lupa, itinuon ng liberal na mga rolioiusyonaryong
pilipino ang kanilang antipyudal na pagtuligsa sa mga prayleng panginoong maylupa.

Kung pag-uusapan ang pagpapabagsak sa kolonyalismong Espanyol, matagumpay ang lumang


demokratikong relusyon ng 1896. Ang Rebolusyonaryong Gubyerno at Hukho ng Pilipinas, sa pamumuno
ni Emilio Aguinaldo, ay nagtagumpay sa pambansang saklaw. Ang rebolusyonaryong kongriso noong
unang mga buwan ng 1899 ay nakapagbalangkas ng ng Konstiusyong Malolos bilang pundamental na
batas ng bansang Pilipino.

Sa konstitusyong ito, pinagtibay ang pambansang soberanya at kasarinlan ng mamamayang Pilipino,


mga prinsipyo ng gubyernong republikano at demokratiko, kodigo ng mga karapatan, paghi-hiwalay ng
simbahan at estado, at pagsasabansa sa mga propyedad ng mga prayle.

Ipinalaganap ng rebolusyonaryong kilusang Pilipino ang isang pambansa at demokratikong kultura.


Binigyang inspirasyon ito ng progresibong ideolohiya. Naglabas ito ng mga publikasyon at nagtaguyod ng
mga obrang pangkultura. Nagtayo ito ng modelo ng bagong unibersidad at pinagsama-sama ang
Pilipinong propesyunal sa mga syensyang panlipunan at pangkalikasan.

Nanghimasok ang imperyalismong US para pigilin ang rebolusyong Pilipino. Gumamit ito ng
nakalalamang na pwersang militar at lenggwahe ng konserbatibong liberalismo para gapiin ang
rebolusyon at lupigin ang bansa. Hindi handa ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa ideolohiya, pulitika
at organisasyon para biguin ang kapitalistang kapangyarihang industriyal at isagawa ang matagalang
rebolusyonaryong digma laban dito.

Nang lumaganap ang rebolusyon sa mga probisyang walang mga propyedad ang mga prayle, nilakihan
ng katutubong uring panginoong maylupa, na naging makabayan, ang kanilang bahagi at impluwensya
sa gubyernong pilipinas. Knng gayon, wala sa pusisyon ang gubyernong ito na magbigay ng inspirasyon
sa uring magsasakana lumahok sa matagalang digmang bayan batay sa pakikibaka sa imperyalismo at
pyudalismo.

Ang Lipunang Kolonyal at Malapyudal


Ang pagkatalo ng Rebolusyong Pilipino ay bunga ng direktang kolonyal na paghahari sa Pilipinas ng
modernong imperyalismo o monopolyong kapitalismo, ang pinakamataas na yugto ng kapitalismo. Ang
kapitalismo sa US ay sumulong na mula sa yugto ng malayang. kumpetisyon noong ika-19 na siglo tungo
sa yugto ng monopolyong kapitalismo noong ika-20 siglo.

Nangibabaw ang monopolyo sa ekonomya ng Amerika. Ang kapital sa bangko, na tradisyunal na


pangkalakalan, ay sumanib sa kapital sa industriya. Ang kapitalismong US ay naitulak na mag-eksport
Hindi lamang ng sarplas na kalakal nito kundi pati na ng sarplas na kapital. Sa kumpetisyon ng mga
kapangyarihang kapitalista, pinangangalagaan ng United States ang sarili nitong monopolyong interes.
Sa pamamagitan ng mga monopolyo, trust, syndicate, kartel at iba pang katulad nito, ang United States
ay tumungo sa pandaigdigang kapanahunan ng matinding tunggalian para sa dominasyong kolonyal at
malalcolonyal. Humantong sa gera ang tunggalian para muling mapaghati-hatian ng mga kapangyarihang
kolonyal ang mundo.

Ang pagkatalo ng Rebolusyong Pilipino ay nagbunga din ng di pagkalutas ng pyudalismo at pananatili


nito. Ginamit agad ng monopolyong kapitalismong US ang pyudalismo bilang lahatang-panig na baseng
panlipunan nito. Gayunman, sa loob ng unang dekada ng ika-20 siglo, kinumpiska nito ang halos lahat ng
propyedad ng mga prayle para muling ipamahagi at binuksan ang lupaing publiko para sa resetelment ng
mga magsasakang walang lupa. Hanggang ngayon, ang pakunwaring reporma sa lupa na isinagawa ng
kolonyal na paghaharing US ay nananatiling pinakaengrandeng halimbawa ng ganoong reporma. Pero
ipinagpatuloy ng uring panginoong maylupa ang akumulasyon ng lupa at kinamkam pati ang muling
ipinamahaging lupa mula sa mga propyedad ng mga praye pati na ang niresetel na kalupaang publiko.

Sa pagtangkilik ng “malayang kalakalan”, na dominado ng US, lumawak ang pantay na palitan ng mga
agrikultural na eksport at namanupakturang mga import na nagsimula noong kolonyal na paghahari ng
Espanya, laluna dahil napawi na ang pagkakasangkot ng kolonyalistang Espanyol sa pamamagitan ng
lantarang pandarambong. Ang US ay namuhunan sa pagtatayo ng mga asukarera at pasilidad sa
babahagyang pagpoproseso ng ilang produktong agrikultural. Pinaunlad din nito ang pagmimina at
produksyon ng mineral para sa eksport.

Sa interaksyon ng monopolyong kapitalismo ng US at katutubong pyudalismo, nanaig sa bayan ang


matatawag na ekonomyang malapyudal. Ang malaking burgesyang kumprador na Pilipino ang mas
nangingibabaw na uri kaysa uring panginoong maylupa sa kolonyal na paghaharing Espanyol. Noong ika-
19 na siglo, ganap na Hindi pa kilala ang mga piling taong ito na nag-iimport at nag-eeksport.
Ang malaking burgesyang kumprador ang nangibabaw sa mga lunsod sa Pilipinas na sa esensya’y
pangkomersyo. Kumilos sila bilang kinatawan ng mga dayuhang monopolyong empresa sa kalakalan at
pinansya. Natural lamang na ang malaking kumprador ay nagpalawak ng lupain bilang kanilang
maaasahang baseng pansuplay sa mga pananim na pang-eksport. Sa gayon, madalas nating matukoy
ang uring malaking kumprador-panginoong maylupa. Pero ang uring panginoong maylupa ay nanatiling
natatanging uring nangingibabaw sa kanayunan at ang kanilang akumulasyon ng lupa’y para sa
produksyon ng mga pananim na pang-eksport at pangunahing pananim para sa lokal na pangkonsumo.

Ang direktang kolonyal na paghahari ng US ay tumagal hanggang sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ipinasa agad ng United States sa nahalal at naitalagang mga upisyal ang lokal na
pangangasiwa hanggang sa antas ng probinsya. Unti-unti ring nagtalaga ng mga Pilipino sa mga
pusisyon sa pambansang burukrasya at mga asembleyang panlehislasyon.

Ang mga asembleyang ito’y dumaan sa mga yugto ng pag-unlad – mula sa Asembleya ng Pilipinas na
may mga Pilipino at Amerikano na lahat ay itinalaga, sa ilalim ng Batas Organiko ng 1902, tungo sa
inihalal na Asembleyang may Dalawang Kapulungan, sa ilalim ng Batas Jones ng 1916, hanggang sa
Pambansang Asembleya, sa ilalim ng Batas Tydings-McDuffie at Konsritusyon ng 1935. Gayundin, sa
Gubyernong Komonwelt ng Pilipinas ay inihalal ang presidente ng Pilipinas, pero nakapailalim din sa
awtoridad ng United States.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga pampulitikang partido ay


pinayagang umiral at kumilos nang hayag at ligal. Pero syempre, ang papet na partido na tinawag na
Partido Federalista ang itinaguyod ng mga kolonyal na awtoridad ng US habang sinusupil nila ang mga
makabayang partido at organisasyon. Sa kalaunan, ang Partido Nacionalista, na nagdala ng islogang
“kagyat, ganap at absolutong kasarinlan”, ang nangibabaw sa saklaw ng kolonyal na paghahari ng US.

Pagkasimula ng kolonyal na paghahari ng US, pinili ang ilustradong liderato ng rebolusyon at lahat ng
taong propesyunal at may kakayahang teknikal. Agad silang ipinaloob sa burukrasya at negosyo at
mabilis na pinalawak ng United States ang sistema sa edukasyon para magkaroon ng mas maraming
propesyunal at teknisyan para sa mabilis na lumalawak na burukrasya at negosyo. Ipinatupad ang
sistemang pensyonado para mailagay ang pinakamahuhusay na Pilipino sa mga pasilidad sa
indoktrinasyong Amerikano sa US mismo.

Demokrasyang liberal ang dapat sanang upisyal na ideolohiyang ipinataw ng United States sa sistemang
pang-edukasyon at pangkultura sa Pilipinas. Pero ito’y pambobola lamang ng kolonyal na paghahari ng
monopolyong kapitalistang kapangyarihan. Ang konserbatibong liberalismong ito’y salungat sa anti-
kolonyal na liberalismong progresibo ng lumang demokratikong rebolusyon.

III. Ang Kolonyalismo at Pyudalismong


Espanyol
Noong umpisa, dahil walang pagkakaisa sa pulitika ang lahat o ang mayorya ng mamamayan sa
kapuluan, hakbang-hakbang na naipataw ng mga kongkistador na Espanyol ang kanilang gusto sa
pamamagitan ng iilandaang kolonyal na tropa. Ginamit ni Magellan ang karaniwang taktikang manghati’t
maghari nang kampihan niya si Humabon laban kay Lapulapu noong 1521. Inumpisahan niya ang
sistema ng panlalansi sa ilang baranggay para yakapin ng mga ito nang pananampalatayang Kristyano at
pagkatapos ay ginamit ang mga ito laban sa iba pang baranggay na lumalaban sa kolonyal na paghahari.
Gayunman, mula 1565 at pagkaraan nito ay si Legazpi ang nagtagumpay na lokohin ang maraming
pinuno ng baranggay, halimbawa’y si Sikatuna, supilin ang di mapasunod na mga baranggay sa
pamamagitan ng dahas, at itatag sa patnubay ng simbahan ang mga unang pamayanang kolonyal sa
Kabisayaan at pagkaraa’y sa Luzon.

Kolonyal at pyudal ang klase ng lipunang nabuo sa mahigit tatlong siglo ng paghahari ng Espanya. Isa
nitong lipunan na pundamental na pinaghaharian ng uring panginoong maylupa, kabilang ang kolonyal na
mga upisyal na Espanyol, mga ordeng Katoliko at mga lokal na pinunong papet. Nanatili sa katayuang
timawa ang masa ng mamamayan, at inagawan ng ari-arian kahit ang mga maharlika.

Noong 1570, inumpisahang pagsama-samahin ng mga kolonyalistang Espanyol ang mga nilupig na
baranggay, at ginawang mas malalaking administratibo’t pang-ekonomyang yunit na tinatawag ng
engkomyenda. Ang mga engkomyenda, na malalawak na lupain, ay ibinigay ng hari ng Espanya sa mga
kolonyal na upisyal at mga ordeng Katoliko kapalit ng kanilang “kapuri-puring serbisyo” sa paglupig sa
mga katutubo. Noong siglong 1600, unti-unting pinawi ang sistemang engkomyenda ng lokal na
administrasyon nang maging posible nang magbuo ng mga regular na probinsya, at pagkaraang maitatag
na ng sitemang iyon ang malawakang pribadong pagmamay-ari ng lupa ng mga kolonyalista.
Habang kunwari’y nangangalaga ang mga engkomyendero sa kapakanang ispiritwal ng mamamayan,
nangulekta sila ng tributo, nagpatrabaho nang sapilitan at sapilitan din nilang pinagsundalo ang mga
katutubo. Basta na lamang nila pinalalawak ang lupaing ibinigay ng hari, inaagaw pati ang lupang
nililinang na ng mamamayan, at sa pamamagitan ng sapilitang pagpapatrabaho ay nakakapagpabungkal
sila ng mas malalawak na lupain. Madaling nagawang lupang pang-agrikultura ng mga kolonyalista ang
mga lupang nahawan sa gubat dahil sa pagtotrosong kailangan ng iba’t ibang proyekto sa konstruksyon.

Ginawa ang mga gusaling publiko, bahay, simbahan, kuta, daan, tulay, at barko para sa kalakalang
galyon at mga ekspedisyong militar. Para magawa ang mga ito kinailangang pagtrabahuhin ang
maraming tao sa pagtitibag ng bato, pagpuputol at paghahakot ng troso, paggawa ng tabla, paggawa ng
ladrilyo at iba pang gawain sa konstruksyon sa malalapit o malalayong lugar.

Itinayo sa Maynila ang sentral na gubyerno para pamahalaan ang kolonya. Ang gubernador-heneral ang
pinuno nito at sinisigurado niya na ang mamamayang Pilipino ay pilit na pinagbabayad ng buwis,
pinagtatrabaho nang walang sahod at hinihingan ng sarplas na produktong pang-agrikultura na sapat
para mapakain ang mga parasitikong kolonyal na upisyal, prayle at sundalo. Sa isang banda’y may mga
sundalo ang gubernador-heneral para pairalin ang kolonyal na kaayusan. Sa kabilang banda, kasabwat
niya ang mga prayle para panatilihin ang mamamayan sa pagkaalipin ng isipan at pagkaaliping pang-
ekonomya. Sa loob ng maikling panunungkulan ng gubernador-heneral, mabilis siyang
nakakapagpayaman dahil siya ang punong nagpapakarga ng kalakal sa mga galyong nagpaparoo’t parito
sa Maynila at Acapulco at siya rin ang nagbibigay ng permiso na magkarga ang mga komersyante.

Mula noong huling parte ng siglong 1500 hanggang unang parte ng siglong 1800, ang sentral na
gubyerno at mga isip-negosyanteng ordeng relihiyoso ay direktang kumikita nang malaki sa ilang kalakal
mula sa Tsina at iba pang kalapit-bayan sa kalakalang Maynila-Acapulco. Sa katagalan, humina ang
kalakalang ito at napalitan ng mas pinagtutubuang pag-eeksport ng asukal, abaka, kopra, tabako, indigo
at iba pa na ikinakarga sa iba’t ibang dayuhang barko pagkaraan ng unang hati ng siglong 1700 at noong
buong siglong 1800. Ipinilit sa masang anakpawis ang malawakang pagtatanim ng pang-eksport na mga
pananim na iyon para mapalaki ang ganansya ng kolonyalismong Espanyol.

Sa antas ng probinsya, ang alkalde-mayor ang kolonyal na pinuno. Siya ang may hawak ng
kapangyarihang ehekutibo at panghusgado, nangungulekta ng tributo sa mga bayan at nagtatamasa ng
pribilehiyong monopolisahin ang kalakalan sa probinsya, at nang-uusura. Minamanipula niya ang pondo
ng gubyerno at inuutangan ang obras pias, ang pondong “pangkawanggawa” ng mga prayle, para
makalahok sa maruming kalakalan at sa pang-uusura.

Nasa antas ng munisipalidad ang gubernadorsilyo, ang pinakamataas na pinunong papet na pormal na
inihahalal ng prinsipalya. Ang prinsipalya ay binubuo ng mga kasalukuyan at dating gubernadorsilyo at ng
mga pinuno ng baryo na tinatawag na kabesa de baranggay. Sa esensya, makikita sa prinsipalya na
naipaloob sa kolonyal na sistemang Espanyol ang lumang liderato ng baranggay. Nagiging myembro ng
prinsipalya ang sinuman kung may ari-arian, nakakasulat at nakakabasa, namana ang pusisyon, at
syempre, kung sunud-sunuran sa mga dayuhan tirano.

Ang pinakaimportanteng regular na mga tungkulin ng gubernadorsilyo at ng mga kabesa de baranggay


na pinamumunuan niya ay ang pangungulekta ng tributo at ang sapilitang pagpapatrabaho. Panagot ang
ari-arian nila sa anumang kakulangan sa kanilang paglilingkod. Gayunman, karaniwa’y ang mga kabesa
de baranggay ang sinisisi ng gubernadorsilyo. Para hindi mabangkrap ang mga papet na upisyal na ito at
manatili silang nagugustuhan ng mga amo nilang kolonyal, sinisigurado rin nila na masang magsasaka
ang pangunahing pumapasan sa bigat ng kolonyal na pang-aapi.

Sa paraan ng klasikong pyudalismo, umiral sa buong istrukturang kolonyal ang pagkakaisa ng simbahan
at estado. Lahat ng taong sakop ng kolonya ay kontrolado ng mga prayle mula duyan hanggang hukay.
Ekspertong ginagamit ng mga prayle ang pulpito at kumpisalan para sa kolonyal na propaganda at pag-
iispya. Ginagamit ang mga iskwelahan ng katesismo para lasunin ang isip ng kabataan laban sa sarili
nilang bayan. Noong 1611 pa itinatag ang Universidad Real y Pontifica de Santo Tomas, pero mga
Espanyol at criollo o mestiso lamang ang tinatanggap dito hanggang noong huling hati ng siglong 1800.
Hindi kinailangan ng kolonyal na burukrasya ang mga katutubo para sa matataas na propesyon.
Ikinakalat ng mga prayle sa masa ang isang panatikong kulturang lulong sa nobena, aklat-dasalan, buhay
ng mga santo, iskapularyo, pasyon, moro-morong anti-Muslim, at magagarbong pyesta at prusisyong
panrelihiyon. Sinusunog at sinisira ng mga prayle ang mga katibayan ng kulturang umiral noong wala
pang kolonyalismo dahil kagagawan daw ng demonya ang mga ito, at kinukuha lamang ang mga bagay
sa katutubong kultura na makakatulong sa pagpapadali ng kolonyal na indoktrinasyon na ginagawa
noong idad medya (500 A.D.-1500).

Sa matiryal na basihan at pati sa superistruktura, todo-todo at pinakamapang-api ang kontrol ng mga


prayle sa mga bayang nasa malalawak na lupaing pag-aari ng mga ordeng relihiyoso. Sa kolonyal na
sentro at sa bawat probinsya, malawak ang kapangyarihang pampulitika ng mga prayle.
Pinangangasiwaan nila ang iba’t ibang gawain tulad ng pagbubuwis, pagsesensus, pagkuha ng
istatistiks, pagpapatakbo ng iskwelahang primarya, pangangalaga ng kalusugan, pagpapaandar ng obras
publikas at pagkakawanggawa. Kinukumpirmahan nila ang mga sedula, ang kundisyon ng mga lalaking
napipiling magserbisyo sa militar, ang badyet ng munisipalidad, ang eleksyon ng mga upisyal sa
munisipalidad at pulisya, at ang iksamen ng mga batang nag-aaral sa mga iskwelahan ng parokya.

Nakikialam ang mga prayle sa eleksyon ng mga upisyal ng munisipalidad. Sa katunayan, sa laki ng
kanilang kapangyarihan ay pwede nilang ipalipat, ipasuspindi, o ipaalis sa katungkulan ang mga kolonyal
na upisyal, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas, kabilang ang gubernador-heneral.
Alinsunod sa kanilang pyudal na interes, nagagawa nga nilang patayin ang gubernador-heneral nang
hindi sila napaparusahan, tulad ng ginawa nila kay Salcedo noong 1668 at kay Bustamante noong 1719.
Kung ganoon sila kahayop sa mga upisyal mismo nila, mas hayop pa sila sa pang-uusig at panunupil sa
katutubong rebelde na kinokondena nilang “erehe” at “subersibo”.

Noong buong panahon ng kolonyal na rehimeng Espanyol, sumiklab sa buong kapuluan ang puta-
putaking pag-aalsa laban sa tributo, sapilitang pagpapatrabaho, monopolyo sa kalakalan, sobrang upa sa
lupa, pangangamkam ng lupa, pagpapataw ng pananampalatayang Katoliko, di makatwirang tuntunin at
iba pang kalupitan ng mga kolonyal na naghahari, kabilang man sa gubyerno o sa simbahan. Naganap
ang di kukulangin sa dalawang daang (200) pag-aalsa na iba’t iba ang saklaw at tagal. Lumaganap at
lumakas ang mga ito at lumikha ng isang dakilang rebolusyonaryong tradisyong sa sambayanang
Pilipino.

Pinakatampok na mga pag-aalsa noong unang siglo ng kolonyal na paghahari ang pinamunuan ni
Sulayman noong 1574 at ni Magat Salamat noong 1587-88 sa Maynila, at ni Magalat noong 1596 sa
Cagayan. Noong mag-umpisa ang siglong 1600, ang mga Igorot sa gitnang parte ng kabundukan ng
Hilagang Luzon ay nagrebelde laban sa pagtatangkang kolonisahin sila, at ginamit nila ang paborableng
tereyn ng kanilang lupang sinilangan para panatilihin ang kanilang independensya. Noong 1621-22, halos
magkasabay na nag-alsa si Tamblot sa Bohol at si Bangkaw sa Leyte. Sumiklab din ang mga pag-aalsa
sa Nueva Viscaya noong 1621 at sa Cagayan noong 1625-27.

Ang pinakalaganap na mga pag-aalsa noong siglong 1600 ay ang pinamunuan ni Sumuroy sa mga
probinsya sa katimugan at nina Maniago, Malong at Almazan sa mga hilagang probinsya ng kapuluan.
Ang pag-aalsa ni Sumuroy ay nag-umpisa sa Samar noong 1649 at kumalat pahilaga hanggang Albay,
Camarines at Masbate, at patimog hanggang Cebu, Camiguin, Zamboanga at Hilagang Mindanaw.
Noong 1660, nag-umpisa ang magkakasabay na pag-aalsa nina Maniago sa Pampanga, Malong sa
Pangasinan at Almazan sa Ilocos. Pinalaganap ni Malong ang pag-aalsa niya hanggang Pampanga,
Ilocos at Cagayan. Sa Oton, Panay, may sumiklab ding lokal na pag-aalsa na pinamunuan ni Tapar
noong 1663.

Noong buong panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya, walang humpay na lumalaban ang mga
Moro sa Mindanao, pati ang mga naninirahan sa bundok sa halos lahat ng pulo, laluna ang mga Igorot sa
Hilagang Luzon. Bukod sa pursigidong anti-kolonyal na mga mandirigmang ito, lumaban din sa mga
dayuhang tirano ang mamamayan ng Bohol sa loob ng walumpu’t limang (85) taon mula 1744 hanggang
1829. Noong umpisa ay pinamunuan sila ni Dagohoy at pagkatapos ay ng mga pumalit sa kanya. Noong
malakas na malakas sila, umabot sila sa dalawampung libong (20,000) tao at nakapagtatag ng sariling
buyerno sa kanilang mga base sa bundok.

Sa kabila ng mga unang pagkatalo ng mamamayan ng Pangasinan at Ilocos, paulit-ulit silang nag-alsa
laban sa kolonyal na paghahari. Lumalaganap sa buong Pangasinan ang pag-aalsang pinamunuan ni
Palaris noong 1762-64, at ang pinamunuan ni Diego Silang noong 1762-63 (at pagkatapos ay ng
kanyang asawang si Gabriela, pagkaraang pataksil siyang patayin) ay lumaganap mula Ilocos pahilaga
sa Lambak ng Cagayan at patimog sa Pangasinan. Sinubok na samantalahin ng mga pag-aalsang ito
ang pag-agaw ng Britanya sa Maynila at ang pagkatalo ng Espanyol sa Pitong Taong Gera.

Noong siglong 1700, lalong naging matingkad sa mga anti-kolonyal na pag-aalsa ang katangiang mulat
na paglaban ng mamamayan sa pyudalismo. Dati-rati ay madalas na nagiging dahilan ng pag-aalsa ang
paghihirap at pagdurusa na nagmumula sa sapilitang pagtatrabaho. Naghimagsik ang mamamayan,
laluna sa Gitna at Timog Luzon dahil sa di makatwirang pagpapalawak ng mga lupain ng mga prayle sa
pamamagitan ng madayang pagsukat sa lupa at dahil din sa di makatwirang pagtataas ng upa sa lupa.
Isang pag-aalsa ang pinamunuan ni Matienza na tahasang lumaban sa mga nang-aabusong agraryo ng
mga Heswita na walang pakundangang nangangamkam ng lupa ng mamamayan. Lumaganap ang pag-
aalsang ito mula Lian at Nasugbu sa Batangas hanggang Laguna, Cavite at Rizal na mga kalapit na
probinsya ng Batangas. Sa mga probinsya ng kapuluan sa labas ng Gitna at Timog Luzon, naging mas
madalas pag-umpisahan ng mga pag-aalsa ang mga monopolyo at pangungumpiska ng kolonyal na
gubyerno noong matatapos na ang siglong 1700 at noong siglong 1800. Noong 1807, nag-alsa ang mga
Ilokano laban sa monopolyo sa alak. Nag-alsa sila uli noong 1814 sa Sarrat, Ilocos Norte, at pinatay nila
ang ilang panginoong maylupa.
Sa pagsupil ng mga kolonyalistang Espanyol sa lahat ng pag-aalsang nauna sa Rebolusyong Pilipino ng
1896, pinilit nilang magsundalo ang maraming magsasaka para labanan ang kanilang mga kauri. Sa
gayon, naging prinsipal na porma ng pang-aapi ang sapilitang pagseserbisyo sa militar habang bumibilis
at lumalaganap ang mga pag-aalsa.

IV. Ang Rebolusyong Pilipino ng 1896.


Noong siglong 1800 ay sumidhi at nahinog ang kolonyal at pyudal na sistema ng pagsasamantala. Ang
kolonyal na gubyernong Espanyol ay napilitang kumuha ng mas maraming ganansya sa pyudal na base
nito sa Pilipinas para makabawi sa pagkalugi sa pyudal na base nito sa Pilipinas para makabawi sa
pagkalugi ng lumulubog na kalakalang galyon at para makaangkop sa tumitinding panggigipit at
pangangailangan ng mga bayang kapitalista. Ang tagumpay ng Britanya sa Pitong Taong Gera, ang mga
gera noong panahon ni Napoleon at pananakop ng Pransya sa Espanya, ang mga maniobra ng Estados
Unidos para magpalawak sa Amerikang Latina at ang pag-iibayo doon ng mga kilusan para sa
pambansang independensya, at ang masidhing tunggalian ng mga “liberal na republikano” at “absolutong
monarkista” sa Espanya ay nagkaroon ng kabuuang epektong nag-udyok sa kolonyal na Espanya na lalo
pang pagsamantalahan ang sambayanang Pilipino.

Dahil sa gumagraheng pagsasamantala, sumidhi ang pambansa-demokratikong adhikain ng malawak na


masa ng mamamayan. Habang tumitindi ang pag-aapi, umiigting naman ang mapanlabang diwa ng mga
pinaghaharian, laluna ng masang magsasaka, hanggang sumiklab ang Rebolusyong Pilipino ng 1896.

Naging maunlad na maunlad ang pyudalismo noong naghahari ang kolonyal na Espanya. Hindi lamang
pinipilit na hingan nang hingan ng sarplas na mga pangunahing pananim ang masang magsasaka para
mapakain at mapaginhawa ang kolonyal at pyudal na mga linta, kundi pinilit din silang hingan ng parami
nang paraming pananim na hilaw na matiryales na pang-eksport sa iba’t ibang bayang kapitalismo. Dahil
sa malawakang pagtatanim ng tubo, abaka, tabako, niyog at iba pa sa ilang lugar,kinailangan naman ang
produksyon ng mas malaking sarplas na mga pangunahing pananim na pagkain sa ibang lugar para
sustinihan ang maraming taong nakakonsentra sa produksyon ng mga pananim na pang eksport. Kapag
sa buong bayan ay nagkakaroon ng kakulangan sa bigas, nag-iimport nito.

Sa gayon, kinailangang pabilisin ang kalakalang panloob at pawiin ang natural na ekonomyang
nakakasapat sa sarili at gawin itong ekonomyang pangakalakal (ekonomyang nakabatay sa produksyon
ng kalakal) para mapalawak ng mga kolonyalistang Espanyol ang kalakalang panlabas. Kinailangang
pahusayin ang transportasyon at komunikasyon para magkaroon ng palitan ng mga produktong pang-
agrikultura sa kapuluan, makapaghatid ng mga pang-eksport na pananim sa Maynila at iba pang pwerto
ng kalakalan, at maipamahagi ang mga imported na kalakal na pinakikinabangan ng mayayaman.

Parte ng pagpapasidhi sa pyudal na pagsasamantala ang pagtatatag ng kinamumuhiang sistemang


asyenda, ang laganap na pangangamkam ng mga sakahan, at ang di makatwirang pagtataas ng upa sa
lupa at mga buwis na ipinapataw ng mga panginoong maylupa at burukrata. Ang pagmomonopolyo, na
ibig sabihin ay naididikta ang presyo ng mga pananim, ay lalong nagpalala sa kahirapan ng mga
magsasaka at lalong nagpayaman sa mga burukrata. Nalaman na lamang ng mga maylupang
magsasaka na bangkrap na sila o walang katwirang naipaloob na ang mga lupain nila sa ligal na
hangganan ng malalaking asyenda ng mga panginoong maylupa. Mula 1803 hanggang 1892, naglabas
ng walumpu’t walong (88) dikreto para maayos daw ang pagmamay-ari ng lupa, pero dahil sa mga
dikretong iyon ay naging ligal na sa mga pyudalista ang malawakang pangangamkam ng lupa.

Dahil sa pagpapahusay sa transportasyon at komunikasyon, naging grabe ang pyudal na


pagsasamantala sa mamamayan. Ginagamit ng mga Espanyol ang kanilang kolonyal na kapangyarihan
para utusan ang parami nang paraming mamamayan na gumawa ng mga daan, tulay at pwerto sa
napakababang sahod. Dinadala sa malalayong lugar ang malalaking pangkat ng kalalakihan para
magtrabaho. Kasabay nito, ang pagpapahusay sa transportasyon at komunikasyon ay nagbigay-daan sa
mas malawak na ugnayan ng pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan, sa kabila ng suhetibong
kagustuhan ng mga naghahari na gamitin ang transportasyon at komunikasyon para sila lamang ang
makinabang. Isa pa, sa pagbubuo ng proletaryadong Pilipino ay malaki ang naitulong ng pagpapasok ng
bapor at tren kaugnay ng panlabas at panloob na kalakalan.

Noong siglong 1800 naging malinaw na nagbinhi na ang proletaryadong Pilipino. Sila ang mga
manggagawa sa perokaril, barko, daungan, asukarera, pabrika ng tabako at sigarilyo, imprenta, distilerya,
pandayan, bahay-kalakal at iba pa. Lumitaw ang proletaryado noong nagiging malapyudal na ang pyudal
na ekonomya.

Bahagyang nakakuhang parte ang prinsipalya, laluna ang mga gubernadorsilyo, sa kasaganaang pang-
ekonomya na ang pangunahing nagtatamasa ay ang mga kolonyal na naghahari. May sariling lupa ang
mga lokal na pinunong papet o nagiging malalaking nangungupahan sa mga asyenda ng prayle o upisyal
na Espanyol. Nangangalakal sila at sa pamamagitan ng nakukuhang ganansya ay bumibili ng mas
maraming lupa para lalong makapangalakal. Sa Maynila at iba pang prinsipal na pwerto ng kalakalan,
nagkaroon ng lokal na uring kumprador kasabay ng mga istablisimyento sa pagbabarko, pangangalakal
at pagbabangko na itinatag ng mga dayuhang empresang kapitalista kabilang ang sa Estados Unidos,
Britanya, Alemanya at Pransya.

Lalong naging malinaw na umuusbong ang burgesyang Pilipino habang lumalaki ang produksyong pang-
agrikultura at dumarami ang eksport. Noong 1834, pormal na binuksan ang pwerto ng Maynila sa mga
dayuhang barkong hindi sa Espanya kahit ang totoo’y mas maaga pang inumpisahan ang
pakikipagkalakalan sa mga bayang kapitalista. Mula 1855 hanggang 1873, anim pang pwerto ang
bibuksan sa buong kapuluan. Nang buksan ang Kanal Suez noong 1869, umikli ang distansya sa pagitan
ng Pilipinas at Europa at sa gayo’y bumilis ang pang-ekonomya at pampulitikang ugnayan ng mga ito.

Noong ikalawang hati ng siglong 1800, naging kapansin-pansin ang pagdami ng mga katutubong
istudyanteng pumapasok sa Universidad Real y Pontifica de Santo Tomas at iba pang kolehiyong kleriko
at kolonyal. Kahit kaya nilang mag-aral sa kolehiyo, naging tampulan pa rin sila ng rasistang
diskriminasyon ng kanilang mga kaklaseng Espanyol at gurong prayle. Pinagtiisan nilang matawag na
“unggoy” habang ang mga magulang naman nila ay sinasabing mga “hayop na kargado ng ginto”. Naipit
ang mga mestiso sa sitwasyong nag-aalimpuyo sa rasistang antagonismo ng mga indyo at Espanyol.
Ang rasistang antagonismong ito ay walang iba kundi manipestasyon ng kolonyal na relasyon. Kahit sa
mga Espanyol mismo, kakatwang itinuturing pang magkaiba ang mga Espanyol na ipinanganak sa
Pilipinas at ang mga ipinanganak sa Espanya; ang mga ipinanganak sa Pilipinas ay pakutyang tinatawag
na Pilipino ng mga ipinanganak sa Espanya.

Sa pagdami ng indyong nakapag-aral o ilustrado, dumating ang panahong nag-alala na ang mga kolonyal
na awtoridad, at natakot silang matuligsa batay sa mga kolonyal na batas na ang ideyalistang retorika ay
hinding-hindi nila isinasagawa. Ang kilusan ng mga pari para sa sekularisasyon ang inakala ng mga
kolonyal na naghahari na unang sistematikong kilusan ng mga katutubong ilustrado para tuligsain ang
paghahari ng mga Espanyol sa lipunan at pulitika. Mga indyo at mestiso ang higit na nakakarami sa mga
lumahok sa kilusang ito at iginiit nilang sila ang mamahala sa mga parokyang noon ay hawak ng mga
ordeng relihiyoso na ang higit na nakakaraming myembro ay Espanyol.

Nang mangyari ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872, sina Padre Burgos, Gomez at Zamora na mga
pinakatahas magsalitang lider ng kilusang sekularisasyon, ay inakusahang nagsasabwatan para ibagsak
ang kolonyal na rehimeng Espanyol at ginarote sila. Sa esensya, ang pag-aalsang iyon ay pagrerebelde
ng masang api na inumpisahan ng mga manggagawang pinasasahod nang mababa at dumaranas ng
iba’t ibang porma ng kalupitan sa pagtatrabaho nila sa daugangan ng Cavite. Tinortyur at pinatay ang
marami sa mga nagrebeldeng manggagawa at mga tunay na sumusuporta sa kanila. Hanggang
kamatayan ay naggiit ng kawalang sala ang tatlong paring kinundena ng gubernador-heneral na
Espanyol at mga prayle. Mula noon, naging gawi na ng mga ilustrado ang igiit na wala silang kinalaman
sa pulitika.

Gayunman, kahit masang anakpawis ang pangunahing pumapasan sa bigat ng kolonyal na pang-aapi,
ang prinsipalya ay dumaranas ng pampulitika’t pang-ekonomyang pang-aapi sa kamay ng mga kolonyal
na tirano. Nagsasamantala rin sa masang anakpawis ang prinsipalya pero nakapailalim naman ito sa
mga mapang-aping kagustuhan ng gubernador-heneral, alkalde-mayor ng probinsya at mga prayle na
patuloy na nagpapaliit sa nakukuhang parte ng prinsipalya sa pagsasamantala. Walang katwirang
itinataas ng mga kolonyal na tiranong ito ang kota sa kuleksyon ng tributo, ang buwis sa pribilehiyong
makapangalakal, ang upas a lupa, ang kota sa produksyong pang-agrikultura at ang interes sa pautang.
Dahil hindi makabayad ng pataas nang pataas na buwis ang prinsipalya, nababangkrap sila, laluna ang
mga kabesa de baranggay. Karaniwang ginagamit ang mga guwardya sibil para mangumpiska ng ari-
arian at magpatupad ng mga kolonyal na batas. Noong matatapos na ang siglong 1800, nagalit nang
husto ang prinsipalya nang sapilitang silang palayasin sa lupang inuupahan nila sa mga prayle dahil mas
gusto ng mga ito na ipamahala ang lupa nila sa iba’t ibang dayuhang korporasyon.

Makikita sa napakadalas na pagpapalit ng gubernador-heneral sa Pilipinas noong siglong 1800 ang


masidhing tunggalian ng mga “liberal na republikano” at “absolutong monarkista” sa Espanya. Ang naging
pangkalahatang epekto nito ay ang mas grabeng paghihirap ng sambayanang Pilipino. Kinailangang
samantalahin nang husto ng bawat gubernador-heneral ang maili niyang panunungkulan na karaniwa’y
mahigit nang kaunti sa isang taon para palakihin ang upisyal pati na ang personal niyang pondo.

Lalong hindi nakuntento sa kolonyal na rehimen ang mga ilustrado at ilan sa kanila ang tumakas
papuntang Espanya at doo’y umasang makakuha ng mas mataas na edukasyon at higit na simpatya sa
mga liberal na sirkulong Espanyol para sa makitid nilang simulain na baguhin ang kolonyal na katayuan
ng Pilipinas at gawin itong regular ng probinsya ng Espanya. Hinangad nilang magkaroon ng
representante sa parlamento ng Espanya at magtamasa ng mga karapatang sibil ayon sa Konstitusyon
ng Espanya. Sa paglulunsad nila sa kilusang reporma, itinatag nila ang dyaryong LASOLIDARIDAD. Dito
sumentro ang mga aktibidad ng Kilusang Propaganda, na ang pangunahing mga propagandista ay sina
Dr. Jose Rizal, M. H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Antonio Luna.

Nabigo ang Kilusang Propaganda at kinundena itong “subersibo” at “erehe” ng mga kolonyal na
awtoridad. Sa pagsisikap ni Rizal na magpropaganda sa Pilipinas mismo, inorganisa niya ang di tumagal
na La Liga Filipina, na nanawagan sa sambayanang Pilipino na maging pambansang komunidad pero
hindi naman niyon tahasang sinabing kailangang maglunsad ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka
para makahiwalay sa Espanya. Nagtiwala si Rizal sa kaaway, at pagkatapos ay inaresto siya at
idinistyero sa Dapitan noong 1892. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896 sa kanya ito
ibinintang ng mga kolonyal na tirano, pero ipinagkanulo niya ang rebolusyon nang manawagan siya sa
sambayanan na isuko ang kanilang armas ilang araw bago siya ipinapatay.

Ang malinaw na rebolusyonaryong panawagang humiwalay sa Espanya ay ginawa ng Kataas-taasang


Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Lihim itong tinatag sa proletaryong distrito
ng Tondo ng lider nitong si Andres Bonifacio pagkatapos na pagkatapos arestuhin si Rizal noong 1892.
Sa unang taon nito, dalawang daan (200) lamang ang myembro na pangunahing nagmumula sa masang
anakpawis. Nang sumunod na ilang taon, sadya itong nagrikrut ng mga myembrong makakapag-umpisa
ng rebolusyonaryong pakikibaka sa iba’t ibang parte ng bayan para makapaglunsad ng gera sa
pambansang pagpapalaya. Nagrikrut din ito ng mga myembro na pangunahing nagmumula sa masang
api para masiguradong magkakaroon ng demokratikong katangian ang rebolusyon. Pagkaraan ng Sigaw
sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896, na naging sinyal ng pag-uumpisa ng armadong pakikidigma sa
mga kolonyalista, lumaki ang Katipunan at umabot sa ilampung libo ang mga myembro nito, at
nanawagan itong magkaisa ang lahat ng mamamayang Pilipino para mag-alsa.

Ang Rebolusyong Pilipino ng 1896 ay lumang tipo ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Kahit


nagmula sa uring manggagawa si Bonifacio, hindi niya taglay ang ideolohiyang proletaryo. Ang ideolohiya
ng liberal na burges ang pumatnubay sa rebolusyong iyo. Ang klasikong modelo niyon ay ang
Rebolusyong Pranses at ang mga ideya nito ang pangunahing nagbigay ng inspirasyon kay Bonifacio. Sa
ano’t anuman, iginiit ng rebolusyon ang soberanya ng sambayanang Pilipino, ang pagtatanggol at
pagtataguyod sa mga kalayaang sibil, ang pagkumpiska sa mga asyenda ng prayle, at ang pagbuwag sa
teokratikong paghahari.

Sa Kumbensyon ng Tejeros noong 1897, dinisisyunan ng mga ilustradong karamiha’y taga-Cavite na


itatag ang rebolusyonaryong gubyernong papalit sa Katipunan at inihalal nilang presidente si Emilio
Aguinaldo, kaya napalitan si Bonifacio bilang lider ng rebolusyon. Nang mariing tutulan ng isang ilustrado
ang pagkakahalal kay Bonifacio bilang ministrong pangloob dahil mahirap siya at hindi nakapag-aral ng
abugasya, idineklara ni Bonifacio na walang bise ang kumbensyon ayon sa dating kasunduan na
kailangang respetuhin ang bawat disisyon ng kumbensyon. Makikita sa kumbensyong ito ang makauring
liderato ng liberal na burges at pati ang mapanghating epekto ng rehiyonalismo. Ang pagsisikap ni
Bonifacio na magtatag ng isa pang rebolusyonaryong kunseho ay nauwi sa pag-aresto at pagbitay sa
kanya ng liderato ni Aguinaldo.

Noong 1897, dumanas ng sunud-sunod na pagkatalo ang rebolusyonaryong gubyerno. Ipinakita ng mga
ilustrado na hindi nila kayang pamunuan ang rebolusyon. Ang liberal na lideratong burges ay tuluyang
napasang-ayon sa pangkalahatang amnestya na inialok ng kolonyal na gubyerno sa pamamagitan ng
buhong na si Pedro Paterno. Pinirmahan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato para maisakatuparan ang
pagsurender ni Aguinaldo at ang pagbibigay ng apat na raang libong piso (P400,000) bilang paunang
bayad sa kanyang kunseho ng mga lider.

Sa kabila ng kontrarebolusyonaryong kataksilang ito, ipinagpatuloy ng masang Pilipino ang


pakikipaglaban sa mga Espanyol. Ito ang unang katibayan ng pagtutol ng mga Pilipino sa mga taksil na
pakana ng mga ilustradong pinamumunuan ni Aguinaldo.

Habang nakadistyero si Aguinaldo sa Hongkong, nilapitan siya ng mga ahente ng EU at iminungkahi sa


kanya na samantalahin ang nalalapit na pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Nagkunwari ang
mga ahente na tutulungan ang sambayanang Pilipino na makalaya sa kolonyal na paghahari ng
Espanya. Nagpakana ang mga imperyalista ng EU na gamitin si Aguilnaldo para mapadali ang pag-agaw
nila sa Pilipinas. Sa gayon, ibinalik si Aguinaldo sa Cavite sakay ng isang maliit na armadong bapor ng
EU pagkaraang pasukin ng iskwadrong pandagat ni Dewey ang Look ng Maynila para lipulin ang plotang
Espanyol. Inagaw uli ni Aguinaldo ang pamumuno sa rebolusyon.

Sinamantala ng sambayanang Pilipino ang Digmaang Espanyol-Amerikano at pinaigting nila ang


rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa kolonyal na paghahari ng Espanya. Bumagsak ang
kapangyarihang Espanyol sa buong kapuluan pwera sa Intramuros at ilang di importanteng garison.
Kumampi sa rebolusyong Pilipino kahit ang mga sundalong Pilipino na nagseserbisyo sa militar ng
Espanya. Noong Mayo 1898, napapaligiran na ng rebolusyonaryong pwersang Pilipino ang Intramuros,
na sentro ng kolonyal na kapangyarihan, at nakagwardya naman sa Look ng Maynila ang plota ng EU.
Habang naghihintay ng dagdag na tropa mula sa EU ang imperyalistang hukbong dagat, isinagawa ng
mga rebolusyonaryong Pilipino ang patakarang mangubkob para gutumin ang kaaway hanggang
sumurender.

Noong Hunyo 12, 1898, iprinoklama ni Aguinaldo sa Kawit ang independensya, na may masaklap na
pasubaling ito ay “pinoprotektahan ng Makapangyarihan at Makataong Bansang Norte-Amerikano”. Hindi
niya namalayan na idineklara niyang protektorado lamang ng imperyalismong EU ang tinatawag na
Unang Republika ng Pilipinas.

Nag-umpisang dumating ang dagdag na mga tropa ng EU nang matatapos na ang Hunyo. Sa kung anu-
anong dahilan ay ibinaba sila para agawin ang mga pwestong okupado ng rebolusyonaryong pwersang
Pilipino sa paligid ng Intramuros. Ang mga pwesto ay sunud-sunod na isinurender ng mahinang si
Aguinaldo sa mga imperyalista ng EU hanggang mawalan ng pwesto ang buong rebolusyonaryong
pwersa.

Reaksyon ng mga Pilipino sa Pananakop ng mga Espanyol

Dahil sa iba't-ibang ginagawa ng mga Espanyol, may mga


Pilipino naring nalito sa kung ano ang kanilang dapat gawin kaugnay sa pananakop ng mga ito.
Sa kabuuan, ang ginawa ng mga Pilipino ay:

a)Pagtakas o Escape
Dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at paggamit ng mga Espanyol sa katutubong Pilipino,
napilitan ang iba sa kanila na iwan ang kanilang nakalakhang tahanan at magpakalayo tungo sa lugar
na hindi abot ng kapangyarihan ng mga Espanyol. Sila ang iilan na nagawang maipanatili ang tunay
na kultura ng mga Pilipino na naging dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin ng iba

b)Pagtanggap o Acceptance
Dahil sa takot sa maaring gawin sa kanila ng mga Espanyol, napilitang tanggapin ng mga katutubong
Pilipino ang lahat ng mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang
pwersahang pagseserbisyo, na kilala sa tawag na polo y servicious, kahit nangangahulugan iyong
mawawalay sila sa kanilang pamilya. Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang
pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magastos na selebrasyon, ang pagbabago ng klase ng
kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga katutubong pangalan sa mga pangalang hango sa
mga salitang Espanyol.

c)Paglaban o Resistance
Nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema ng pagpapalakad ng mga
Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng loob na kalabanin ang mga ito. Nagsagawa sila ng
mga rebolusyon, walang takot nilang hinarap ang mga Espanyol kahit alam nilang wala silang laban
dito dahil sa mga makabagong kagamitang pandigma na gamit nila.

Isa sa mga rebolusyong ito ay ang rebolusyong Sumuroy.

Rebolusyong Sumuroy (1649-1650)


Itinatag ni Juan Ponce Sumuroy, isang Waray-waray. Naganap ito sa Palapag, H. Samar, at unang
sumiklab noong Hunyo 1, 1649.

Ang naging sanhi ng rebolusyong ito ay ang sistema ng polo na isinagawa sa hilagng parte ng Samar.

Ipinag-utos ng gobyerno sa Maynila, na noo'y nasa ilalim ng pamamalakad ng mga Espanyol, na


lahat ng mga katutubong nasa ilalim ng polo sa Samar ay manatili sa kanilang bayan upang doon
gawin ang pagseserbisyo, ngunit biglang nagbago ang desisyon ng Alkalde Mayor at ipinagutos na
ipadala ang mga Samarnon sa Cavite upang dooin magtrabaho. Ito ang naging hudyat upang
sumiklab ang rebolusyong Sumuroy.

Mabilis na kumalat ang rebolusyong ito patungong Mindanao, Bicol, at iba pang lugar sa Visayas
katulad ng Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga, Albay at Camarines.

Noong hunyo 1650, nadakip si Sumuroy at pinatay, ngunit ito'y hindi naging hadlang upang matigil
ang kilusan. Si David Dula ang sumunod na namuno sa rebolusyon. Pagkalipas naman ng ilang taon,
sa kasamaang palad, ay nadakip at pinatay rin si Dula.

Hindi man nagtagumpay ang ang rebolusyong Sumuroy, nagsilbi naman itong inspirasyon sa iba
pang Pilipino na wakasan ang maling pamumuno ng mga Espanyol

1. Kung kayo ay isang grupo ng mga rebolusyonaryo ano ang inyong isusulong para sa pagbabago...

Ang Pilipinas ay isang mayamamang bansa na mayroong malaking potensyal


para umunlad. Ang angking kagandahan nito ay walang kapantay at talaga namang kakaiba. Subalit
bakit kaya ganito tayo ngayon? Walang pag-unlad at asenso, ang mga mayayaman lamang ang may
malinaw na karapatan at kinabukasan, habang ang mga maralita naman ay halos magpakahirap sa
katatrabaho para sa mga barya-baryang sweldo na kung minsan ay talaga namang kulang pa para sa
kanilang mga pangangailangan at di pa angkop sa trabahong kanyang ginagawa.
Ang problema sa kahirapan dito sa Pilipinas ay may malaking ugat na pinagmumulan, at ito ay ang
korapsyon , korapsyon ng mga taong makapangyarihan lalong lalo na sa pamahalaan.
Kung noong unang panahon ang hangad ng ating mga ninuno ay mapamunuan tayo, para sa pag-
unlad nating lahat, ngayon iba na, ito ay para nalamang sa mga pansariling interes nila. At kung
tatanungin mo naman kung bakit nahahalal parin ang ganitong mga pinuno, iyon ay dahil sa gutom
at kahirapan dito sa Pilipinas.
Sa ngayon mapapansin nating ang mga kumakandidato ay ang mga mayayaman lamang, dahil sila
ang may pera, pera na ipinamimigay nila sa mga gutom na maralita, na gagawin ang lahat para
lamang mabuhay kahit kapalit pa ito ng kanilang karapatang bumoto ng maayos na lider. Isipin mo
nga naman iboboto mo lang sila at may pagkain kana at ang pamilya mo.
Kung kami ay isang grupo ng mga rebulosynaryo , isusulong namin ang laban para sa pagsugpo sa
mga korap na opisyal lalong-lalo nasa gobyerno. Mga taong nagpapakasasa sa pawis ng mga
pilipino, mga taong dahilan ng higit pang pagkabaon ni Juan de la Cruz sa mga utang at pagkagutom.
Mga taong nagtutulak kay Juan para gumawa ng masama para lamang mabuhay sa araw-araw, at
may maipakain sa kanyang gutom na pamilya.

Isusulong namin ito dahil naniniwala kami na hindi uunlad ang Pilipinas at hindi tayo matatawag na
nasa demokratikong bansa kung gutom tayo, dahil ninanakaw nila ang talagang para sa atin, para
lamang sa kanilang mga pansariling interes.

Alam nating lahat na sa pagdaan ng panahon ang Pilipinas ay unti-unti ng lumulubog. Ito'y parang
isang Islang nilalamon ng malawak na karagatan. Ang mga pilipino'y patuloy na naghihirap hindi
man sa kamay ng mga dauyuhan kundi sa ilalim ng mapanlinlang na mga pinunong inaasahan
sanang mag-aahon sa Pilipinas.

juandelacuz: "RAMDAM NA RAMDAM ANG KAHIRAPAN"

2. Karapat-dapat ba ang pag kamatay ni Andres Bonifacio?


Ang himagsikan ay isang mapangahas na pagkilos, gayundin masasbi natin ang naging taga
pasimuno nito ay nag tataglay ng isang mapangahas na personalidad at tila aserong determinasyon
upang pamunuan ang isang kilusang maglalatid ng kadena ng pagkaalipin ng kanilang mga abang
kababayan. Ang lider na ito ay walang iba kundi si Andres Bonifacio, ang tagapasimuno at kaluluwa
ng himagsikang Filipino. Kung ang mga ilustrado ay nakipaglaban para sa interes ng gitnang uring
kanilang kinabibilangan ang masang Filipino ay nakatagpo din ng lider na magsusulong ng kanilang
totoong interes, sa katauhan ng Bonifacio, kung mas naging radikal man ang kanilang direksyon sa
pagtahak sa pagbabagong panlipunan ay sa dahilang ang buhay ng isang anak-maralita ay naratibo
ng pang araw-araw na personal na pakikipaglaban para mabuhay.

Ang maralitang lider ay ipinanganak sa Tondo noong nobyembre 30, 1863 sa mag-asawang Santiago
Bonifacio isang sastre at Catalina Castro. Sa batang edad ay naulilang pareho sa magulang at
natagpuan ang sariling tagakupkop ng mga kapatid. Sa pagtutulungan ng mga magkakapatid nakita
nila ang kanilang sarili sa lansangan na Maynila o nasa mga patyo ng simbahan at naglalako ng
pamaypay at baston sa mga nagdadaan. Ang leksiyon ng kanyang unang pakikibaka ay ang makita ni
Bonifacio na siya ang nagsilbing magulang ng kaniyang mga kapatid. Isang karanasan na naghanda
sa kaniya para tanggapin ang papel na maging isang ama na gagabay sa kaniyang ulilang bansa.

Sa kaniyang kabataan ang kaniyang tanging pormal na edukasyon ay ang pagpasok niya sa paaralan
ni Don Guillermo Osmena na agad din namang naputol. Ang kaniyang pakikisalamuha sa mga
Espanyol sa tanggapang kaniyang pinaglilingkuran ay nagpatalas sa kaniyang komprehensiyon ng
wikang Espanyol at magkaroon ito ng sapat na kaalaman upang maunawaan ang wika ng dati nating
mga panginoon. Ang lipunan sa panahon ni Bonifacio ay pinangingimbabawan ng sapot ng
kamangmangan at pamahiin na pinanatili ng mga alagad ng kolonyal na Kristiyanismo sa paniniwala
ng mga ito na ang kanilang pagsasamantala sa ating bayan ay malulubos lamang sa isang
kapaligirang hindi sinisikatan ng liwanag ng kaalaman.

Si Bonifacio ay nagsimula bilang isang masugid ng kilusang propaganda at naging pamahagi ng mga
literaturang pang-protetesta ng Unibersidad ng Sto. Tomas, at sa pamamagitan ng pagtitinda ng
mga literaturang pang-protesta ay nakilala niya si Ladislao Diwa na noon ay isang mag-aaral ng
abogasya sa unibersidad at sa dakong huli ay nakasama niyang naging tagapagtatag ng Katipunan.
Sa pagkakatatag ng Katipunan ay inandukha niya ang pagkakaroon ng isang limbagan at pahayagan
ng kilusan. Sa pagkakalathala ng "Kalayaan" naiparating niya sa pamamagitan ng panulat ang
kaniyang mga pananaw at adhikain para sa inang bayan. Sa pamamagitan ng propaganda ng
kalayaan ay naiparating ni Bonifacio ang pag-aaring ganap sa pangangailangan ng isang armadong
pakikibaka para sa katubusan ng bayan mula sa kadena ng mga dayuhan.

Natuklasan ang Katipunan sa panahon ng kawalan ng kahandaan. Ito ang predikamentong


namamayani ng ginaganap ang mapagpasyang pagpupulong sa Pugad Lawin. Ngunit si Bonifacio ay
tumayo, pinangibabaw ang ideyalismo laban sa pragmatismo at hinikayat ang mga kasamahan na
magpasya ng taliwas sa tila matinong pangangatwiran ng mga segurista, pinunit nila ang mga sedula
na isang hayagang dokumento ng pagkaduwag at sinindihan ang mitsa ng himagsikan. Ito ang
himagsikang pinasimulan ni Bonifacio, kulang sa armas, pagkain, lohistika at mahusay na istratehiya
na kinakailangan sa isang matagumpay na pakikipaglaban saisang hukbo ng kaawayn na nagmamay-
ari ng kalamangan. Ang mga salik na ito rin ang naging dahilan upang magapi ang supremo sa
pinaglabanan. Bumagsak ang pinaglabanan ngunit kadulat ng isang malaking dinamita,
kinakailangang munang masunog ang mitsa.

Sa Kumbensiyon ng Tejeros nalansag ang Katipunan sa pamamagitan ng isang tiwaling halalan,


naagaw ang liderato mula sa supremo at nalipat sa kamay ng mga ilustrado. Hindi ito natanggap ng
supremo at binalak niyang bawiin ang nawala sa kaniya sa pamamagitan ng pagproprotesta sa
resulta ng eleksiyon na kilala sa tawag na Acta de Tejeros at sa pag-oorganisa ng isang kahiwalay na
pamahalaan sa ginanap na pagpupulong sa Naic. Sa unang pakikibaka ng supremo laban sa
puwersang kolonyal ng kaniyang kapanahunan ay naging matagumpay siya, ngunit hindi sa
kaniyamg huling kaniyang pakikibaka sa mga taong minsan ay kaniyang niyakap at tinawag na mga
kapatid sa mga isinagawang inisasyon ng katipunan sa nakalipas.

Kung pagbabatayan ang kaniyang naging buhay masasabi nating makabuluhan nga ang kaniyang
kamatayan dahil ito ay inialay niya para sa bayan, na gawa niyang pukawin ang mga natatagong
tapang ng mga pilipino. Bibihira ng isang tulad niyang nagagawang ipaglaban ang kanyang bansa ng
walang pag-aalinlangan at pawang katapangan lamang ang puhunan.Subalit kung ang
pagbabasehan natin ang kaniyang mga nakamit sa pakikipaglaban, ay masasabi nating wala siyang
masyadong naging kontribusyon dahil sa pagiging magkaaway nila ni Aguinaldo na siyang
nagpapatay sa kaniya dahil sa pagiging magkaaway nila ni aguinaldo na siyang nagpapatay sa kanya
ay parang kinalimutan na siya ng mga ito dahil nga sa kalaban niya ang namumuno sa kanila. Siya na
nananiniwala sa kakayahan ng mga Pilipino ay kinitilan ng buhay sa utos at punlo ng kaniyang mga
sariling kababayan.

3. Sa palagay niyo, Sang-ayon ba si Rizal sa Rebolusyon?Tama ba ang ginawa niya?

>Masasabing kumukontra si Rizal sa rebolusyon kasi nang pangunahan ni Dr. Jose Rizal ang
pagtatatag ng kilusang propaganda wala siyang hangarin na humiwalay sa Espanya o ipaglaban ang
kasarinlan ng Pilipinas ang tanging nais lang niya ay:
 Magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino at mga Espanyol sa ilalaim ng batas

 Maging regular na probinsya o parte ng Espanya ang Pilipinas

 Magkaroon ng taga pagpahayag o boses ang mga Pilipino sa Spanish Cortes

 Mapatalsik ang mga Prayle at mailagay ang mga Pilipinong pari sa mga parokya dito sa
Pilipinas

 Magkaroon ang mga Pilipino ng karapatang pantao

Itong kanilang mga nais at layunin ay ipinabatid nila sa pamamagitan ng kanilang mga dila at mga
panulat. Gumawa sila ng mga nobela (Noli Me Tangere at El filibusterismo ni Rizal), Diyaryo
(Revista del Circulo Hispano-Filipino at La Solidaridad), mga tula (sampaguitas) at marami pang iba
na nagpapatunay lamang na ang tanging nais ni Rizal at ng iba pang mga Ilustrado ay ang
mapayapang kilusan tungo sa pagbabago. Katunayan, nang nasa Dapitan na si Rizal bilang bilanggo
nagpadala si Bonifacio ng isang tao upang hikayatin ang suporta nito sa rebolusyon. Tinanggihan ito
ni Rizal dahil ayon sa kanya hindi handa sa madugong labanan ang mamamayang pilipino.
>para sa amin, tama lang ang ginawa ni Rizal kasi hindi man siya sumuporta sa Rebolusyong
isinulong nina Bonifacio ang kanyang mga likha ang nagbigay lakas at nagpamulat sa mga pilipino
sa kanilang mga karapatan na dapat nilang tamasain sa kanilang sariling bansa, ang PILIPINAS!

"KARAPAT-DAPAT BA TAYONG MGA PILIPINO SA NGAYON SA


PAGSASAKRIPISYO AT PAGPAPAKASAKIT NG ATING MGA BAYANI NOON???"
POSTED BY _PAKIGB!SO G_ AT 8:09 PM 0 COMMENTS

THURSDAY, AUGUST 14, 2008

Ang pinakamabisa o pinakamainam na paaran ang ginamit ng mga


kolonyalistang Espanyol sa pannakop nila sa Pilipinas

Ang pinakamainam na pamamaraang ginamit ng mga Espanyol ay ang


panghihikayat nila sa mga Pilipino na umanib sa relihiyong kristiyano. Ito ang dahilan nila sa
kanilang pananakop, ang palitan ang paniniwala ng mga tao sa Pilipinas at gawing kristiyano ang
relihiyon nito.

Malakas ang kapangyarihan ng mga Espanyol upang mapasailalim sa kanilang kamay ang mga
Pilipino dahil na rin ito sa pagsunod sa kahit anong atas ng mga dayuhan. Itong paniniwala nila ay
isang paraan sa kanilang kaligtasan kaya tuloy sumunod sila dito. May mga lugar na nasakop nila
lalo na sa parte ng Visayas, dito nakisama sila sa mga Datu at ipinaliwanag sa kanila ang
kristiyanismo. Dahil na rin sa tulong ng ating mga ninuno nadala sila sa mga sabi ng mga Espanyol,
lalo na sa kanilang mga paniniwala. Ipinalabas nila na pag hindi sumunod ang mga Pilipino sa prayle
ay magagalit sa kanila ang diyos at mapupunta sila sa impyerno, kaya yon ang nangyari. Sumunod
sila dahil gusto nilang maligtas sa kahit anong mangyari.

Ang mga Espanyol ay natagumpay sa pagsakop dahil sa pagpapakilala ng


kristiyanismong ito, na hanggang ngayon, ang bilang ng mga Kristiyano ay mahigit 85% sa relihiyong
paniniwala. Nagtagumpay sila sa pagsakop sa lugar ng Luzon at Visayas ngunit sa Mindanao hindi
nila nagtagumpay dahil andun ang mga Muslim na pinigilan ang mga espanyol sa pagsakop nito.

You might also like