Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Division of City Schools

City of Muntinlupa
District of Muntinlupa II
Bayanan Elementary School Unit 1

Inihanda ni:

Sa Patnubay ni:

1
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:
Nakikilala ang mga katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansa.

II. Paglalahat
“Ang mga malulusog at matatalinong mamamayan ay mahalaga sa pag-unlad ng
bansa.”

Katangian ng Malulusog at Matatalinong Mamamayan

SA SARILI SA PAMILYA SA KAPWA SA BANSA SA SIMBAHAN/DIYOS

 malikhain  masunurin sa magulang  matulungin  tumutupad sa tungkulin  may pananalig sa Diyos


 masigla  magalang  may pag-ibig sa kapwa  makakalikasan  mapanalanginin
 may tiwala sa sarili  mapagkalinga sa pamilya  marunong makisama  makabayan  gumaganap sa simbahan
 may kasanayan  nagmamahalan  makatao  may paggalang sa kapangyarihan
 may pinag-aralan

III. Paglalapat: Gamit ng balloon web isulat ang katangian taglay ng malusog at
matalinong mamamayan

MALUSOG MATALINO

mabilis matapos ang gawain


malikhain
naging isang dalubhasang doctor
natatapos sa tamang oras ang gawain
hindi nagkasakit
nanalo sa paligsahan
kilala sa larangan ng isports
masipag mag-aral
nagkamit ng karangalan

IV. Pagtataya:
Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang titik ng wastong sagot.
2
1. Mahalagang katangian ang pagiging malusog ng mamamayan sa pag-unlad ng bansa dahil
a. magagandang tingnan ang mga malulusog
b. nakatutulong sila ng malaki sa pag-unlad ng bansa
c. hindi na sila kailangang kumain
d. mababawasan ang mga payat

2. Paano pinahahalagahan ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan?


a. nagpapagawa ito ng mga pagamutan at sentrong pangkalusugan
b. nagpapamigay ng libreng pagkain
c. pinatataas ang presyo ng gamot
d. pinaiikli ang buhay ng mga tao

3. Ang mga mamamayang matatalino at may kasanayan ay nakatutulong upang


a. maging mabilis ang pag-unlad ng ating bansa
b. mapigilan ang pag-unlad ng bansa
c. bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa
d. manatili ang mabagal na paglago ng bansa.

4. Ang isa sa mahalagang katangian ng mamamayan ang nakatutulong sa kaunlaran kung


siya ay nagtataglay ng saloobin sa paggawa.
a. makasariling b. di-wastong c. tamang d. maling

5. Ano ang mahalaga sa pag-unlad ng bansa?


a. magaganda at mayayaman
b. malulusog at matatalino
c. sosyal at maganda
d. lahat ng nabanggit

3
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

1. Layunin:
Nasasabi ang kabuuang populasyon ng Pilipinas at napaghahambing ang datos kaugnay
sa paglaki ng populasyon nito

II. Paglalahat
Ang populasyon ng Pilipinas ngayon ay may milyon na. Kumpara sa mga nagdaang
panahon, ito ay tumaas, bumaba at patuloy ang mabilis nitong pagtaas sa paglipas ng mga taon.

III. Paglalapat
Ipaliwanag kung ano ang kalagayan ng populasyon ng Pilipinas ngayon at kung paano ito
naihahambing sa mga nakaraang populasyon ng bansa?

IV. Gawain

Alamin ang bilang ng populasyon gamit ang batayang aklat, ayon sa NSO. Pagpapakita
ng populasyon sa bawat rehiyon. Sa palagay mo ba malaki na ang populasyon natin
ngayon?

Aling rehiyon ang may pinakamataas na populasyon? Pinakamaliit na populasyon?

Upang malinaw na Makita ang bilang ng populasyon, turuang gumawa ang mga bata ng
pictograph at bawat hugis ng tao ay bigyan ng natumbas na 10,000 milyon sa populasyon
ng Pilipinas.

Halimbawa
= 10,000 milyon

Ipakita kung ilang tao ang ilalagay bilang katumbas ng kabuuang bilang ng populasyon
ng bansa ngayon.

Base sa Talahanayan sa batayang aklat ng kabuuang populasyon mula noong 1990,


alamin kung gaano karami ang nadagdag sa populasyon ng Pilipinas bawat panahon.

A. 1. mula 1990 hanggang 1995


2. mula 1995 hanggang 2000
3. mula 2000 hanggang 2007
4. mula 2007 hanggang 2010

B.
Sagutin ang mga tanong.
1. Gaano karami ang nadagdag na populasyon mula 1990 hanggan 1995?
2. Ano ang populasyon ng Pilipinas ngayon?
3. Anong bahagdan ang inilaki ng populasyon mula 2007 hanggang 2010?
4. Ano ang kabuuang populasyon ng rehiyon ng CALABARZON at MIMAROPA?
5. Anong rehiyon ang may pinakamaliit na populasyon?

4
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN
I. Layunin:
Naipaliliwanag ang mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon

II. Paglalahat:
Mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon
 Mas marami ang isinisilang kay sa sa namamatay
 Mas bumuti ang kalagayan pangkalusugan ng mga mamamayan.
 Mas umunlad ang kaalamana sa larangan ng siyensya at teknolohiya
 Ang sapat na kaalaman ay tutulong sa maayos at malusog na pamumuhay;
dahilan ito upang lumawig ang buhay at maiwasan ang maagang pagkamatay
III. Paglalapat:

 Bakit sa palagay mo ang mga magulang na walang regular na trabaho ay mas


malaki ang pamilya?
IV. Gawain:
A. Ano ang masasabi ukol dito?
a. laki ng populasyon d. kasarian at gulang
b. bilis ng paglaki ng populasyon e. distribusyon ng populasyon
c. kapal ng populasyon
B. Ipaliwanag kung bakit ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa paglaki at
bilis ng paglaki ng populasyon.
1. Makabagong teknolohiya
2. Malulusog na mamamayan
3. Maraming botika
4. Kawalan ng trabaho
5. Mas maunlad na sistema ng edukasyon
C. Piliin at bilugan ang mga bilang na tumutukoy sa salik o dahilan ng paglaki ng
populasyon ng Pilipinas:
1. Mas marami ang bata ang edad ng pagbubuntis
2. Mas umunlad ang system ng edukasyon
3. Mas marami ang bilang ng ipinanganganak
4. Mas marami ang bilang ng ipinanganganak
5. Mas marami ang bilang ng namamatay
6. Mas umuunlad ang kaalaman sa siyensya at teknolohiya
7. Mas maraming uri ng sakit ang kayang lunasan
8. Mas kinokontrol ang pag-aanak
9. Mas bumuti ang kalagayang pangkalusuyan

5
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN
I. Layunin:
Nailalarawan ang pagkakaiba ng mga pook urban at pook rural

II. Paglalahat
Pook rural – layu-layo ang mga bahay, may bukid, kabunduan, pangisdaan, may
minahan, magkakakilala ang mga magkakapitbahay, sariwa ang mga pagkain mula sa
kanilang pinagkakabuhayan o mula sa kanilang kapaligiran, sariwa ang hangin, madalang
ang sasakyan, nagdadamayan at nagtuturingan parang magkamag-anak, nagbabayanihan,
mas malalapit sa isa’t-isa, magiliw at magalang ang mga mamamayan, malayo sa
pamilihan, munisipyo at may simple at preskong uri ng tahanan.
Pook urban – ang mga mamamayan ay nagkakanya-kanya o nagsasarili, hindi
magkakakilala ang magkakapit-bahay, karamihan ay nandarayuhan lamang dahil sa
hanapbuhay, mga pagkaing de-lata at mas madaling ihanda o “read-to-eat” na pagkain
ang pinamimili sa mga groseri, abala ang mga tao sa kani-kanilang hanapbuhay,
pamamasukan sa opisina o pabrika ang kanilang hanapbuhay, o kaya ay negosyo ang
pinagkakakitaan, yari sa bato o kongreto ang mga tirahan, may mga makabagong
kagamitan o teknolohiya.

III. Paglalapat:
Kung ikaw ang tatanungin saan mo nais tumira, at bakit?

IV. Gawain:
A. Ipasuri ang pagkakaiba ng pook urban at pook rural sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga paglalarawan dito.

PAGLALARAWAN POOK RURAL POOK URBAN


Katanginang
Pisikal
Mamamayan,
Populasyon
O tao
Halimbawa ng
pamayanan

B. Isulat ang PU-Pook urban at PR-Pook rural


makabagong kagamitan di-modernong

Kabukiran, kinabundukan,pangisdaan malalaking gusali, malls, panooran

maraming sasakyan iilan ang sasakyan

nagdadamayan ang mamamayan walang pakialaman ang bawat isa

maraming iba’t ibang magsasaka, minero, mangingisda

sariwang hangin at kapaligiran maraming polusyon

malaki ang populasyon may maliit na populasyon

6
C. Basahing mabuti at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano pook rural ay pamayanan kung saan matatagpuan ang mga sumusunod:
a. Makabagong kasangkapan
b. Malalaki ang gusali
c. layu-layo ang tirahan
d. maraming bahay-kalakal

2. Ang mga hanapbuhay sa pook urban ay ang mga sumusunod, maliban sa isa,
ano ito?
a. pag-oopisina
b. Manggagawa sa pabrika
c. Negosyante

3. Ang mamamayan sa pook urban ay binubuo ng ng populasyon


a. maliit na bilang
b. iilan na bilang ng populasyon
c. may 500 kapal ng populasyon
d. may 100 kapal ng populasyon

4. Ang mga halimbawa ng pook-urban ay .


a. nayon, siyudad
b. lalawigan, baryo
c. nayon, baryo
d. siyudad, lungsod

5. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa pook rural, maliban sa isa, ano ito?
a. magkakakilala ang mga tao.
b. maraming matataas at malalaking gusali
c. madalang ang sasakyan
d. malayo ang pamilihan

7
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:
Nailalarawan ang balangkas ng populasyon ayon sa gulang at kasarian.

II. Paglalahat:
Ang uri ng populasyon ayon sa gulang at ayon sa kasarian.
Ang populasyon ayon sa kasarian ay babae at lalaki
Ang populasyon ayon sa gulang ay batang populasyon, laang-bisig,
matandang populasyon
Maituturing na may batang populasyon ang bansa.
Ang mga lalaki ay nakalalamang ng kaunti sa mga babae.

Ang uri ng populasyon ayon sa gulang ay ang:


Batang populasyon - 0-14 taong gulang
Naghahanap-buhay/laang-bisig na populasyon - 15-64
Matandang populasyon - 65 hanggang mamatay
Ang uri ng populasyon ayon sa kasarian ay – babae at lalaki
Ayon sa paramide ng populasyon, ang Pilipinas ay may “batang populasyon”
at halos pantay naman ang dami ng populasyon ng babae at lalaki.

III. Paglalapat:
Bakit maituturing na may “batang populasyon ang Pilipinas?

IV. Gawain:
A. Buuin ang talahanayan ng populasyon ng Pilipinas ayon sa gulang noon 2007

GULANG BAHAGDAN %
0-14
15-64
65 pataas

Anong gulang ng populasyon ang may pinakamalaking bahagdan?

B. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ayon sa edad ang populasyon ng Pilipinas ay
a. bata b. matanda c. katamtaman d. laang-bisig
2. Ano ang ipinahihiwatig ng pie graph ng gulang at kasarian?
a. panay bata ang populasyon c. patuloy ang pagtaas ng
populasyon
b. malaki ang bahagdan ng matatanda sa bata d. mas malaki ang bahagdan ng
laang-bisig sa matanda

8
3. Ano ang ibig sabihin ng batang populasyon?
a. marami ang naghahanapbuhay c. maraming bata pa ang aalagaan

b. marami ang umaasa sa magulang at d. marami ang laang- bisig


hindi pa naghahanap-buhay

C.

4. Aling bahagi ng populasyon ang ipinalalagay na naghahanapbuhay?


a. 0-14 b. 15-64 c. 65 pataas d. 2460

5. Ang kasarian ng populasyon at tumutukoy sa proporsiyon ng mga


a. kababaihan at kalalakihan c. matatanda at bata
b. gulang at kasarian d. laang-bisig at naghahanapbuhay

9
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:
Nakikilala ang pagkakaiba ng distribusyon at dami ng kapal ng populasyon

II. Paglalahat:
Ang distribusyon ay ang hindi pantay na dami ng tao sa iba’t ibang lugar ng bansa.
- Ang dahilan ng hindi pantay na distribusyon ay dahil sa iba’t iba ang pinipiling
panirahan ng mga tao.
- Ang paraan upang malaman ang pagkuha ng densidad ng populasyon ay:
Kapal ng Populasyon
Populasyon = Sukat ng lugar

III. Paglalapat:
Saan may makakapal na populasyon? Ano sa palagay mo ang dahilan at itong mga
lugar na ito madalas na piliin na tirhan ng mga tao?

IV. Gawain:
A. Tuusin ang kapal ng populasyon gamit ang mga populasyon sa bawat rehiyon ng 2017
at ang lawak ng populasyon ng bawat rehiyon.

LUZON VISAYAS MINDANAO

B.
Tukuyin kung katotohanan o hindi katotohanan.
1. Ang distribusyon ng populasyon sa bansa ay pantay-pantay.
2. Ang mga kapal ng populasyon ay ang bilang ng tao sa bawat kwadradong
parisukat.
3. Ang NCR ay may malaking densidad kaysa sa CAR.
4. Ang mga sukat ng lupa sa bawat rehiyon ay pare-pareho.
5. Ang mga lugar namay 500 kapal ng populasyon ay tinatawag na rural.

10
C. Sagutan ang mga sumusunod na guide Question
Basahin ang nasa ph. 8 ng batayang aklat. Sagutan ang mga batayang tanong.
a. Ano ang pag kakaiba ng distribusyon sa dami ng populasyon?
b. Ano ang kapal ng populasyon? Paano makukuha ang kapal ng populasyon?
c. Mahalaga kaya na malaman ng pamamahala ang datos tungkol sa
distribusyon at kapal ng populasyon?
d. Bakit mahalagang pag- aralan at suriin ang distribusyon at kapal ng
populasyon ng bawat rehiyon sa pilipinas?

11
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin
Naiisa-isa ang dahilan ng pandarayuhan
II. Paglalahat:
Ang mga Pilipino ay nandarayuhan dahilan sa mga sumusunod:
a. Hanapbuhay d. kapayapaan
b. Edukasyon e. kaligtasan
c. Modernisasyon f. klima
III. Paglalapat
Kopyahin at buuin ang “graphic organizer” sa inyong kwaderno.

DAHILAN

KLIMA
KLIMA PANDARAYUHAN
PANDARAYUHAN HANAPBUHAY
HANAPBUHAY

MODERNISASYON KAPAYAPAAN EDUKASYON KALIGTASAN


KALIGTASAN
MODERNISASYON KAPAYAPAAN EDUKASYON

IV. Gawain
A. Tingnan ang “Jumbled words”, ayusin ang mga labu-labong letra upang makabuo
ng mga salita na isa mga dahilan ng pandarayuhan.
AKSYONEDU KAYANAPAPA HABAYAPHUNH

MILKA ASYONDRENISM GALISANTAK

B. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Maayos na paaralan D. Modernisasyon
B. Mainam na klima E. Magandang Kabuhayan
C. Mapayapang Komunided F. Kaligtasan

1. Bumili ng isang condominium unit si Dr. Meredith Romero sa Avida sa Lungsod


ng Muntinlupa kung saan mayroon ng mga flat tv, Jacuzzi, waterbed at
airconditioned pa.

12
2. Minabuti ni G. Froilan A. Villanueva na mamalagi sa Sol Y Viente Hot Spring
Resort, Calamba, Laguna kung saan may malamig at sariwang simoy ng hangin
dahil sa sakit na hika.

3. Nilipat sa bagong panahanan sa Southville III, Katarungan, Lungsod ng


Muntinlupa ang mga naninirahan malapit sa riles ng tren. Ito ay dahil sa
pagpapaunlad ng serbisyo ng Philippine National Railways at maiwasan ng mga
mamamayan ang disgrasyang dulot ng mga nadidiskarel na tren.

4. Pumunta sa ibang bansa si Mr. Querubin upang kumuha ng ibayong pag-aaral sa


Harvard University.

5. Matratrabaho si Bb. Marissa Andanza sa Amerika bilang punong-guro sa isang


pampublikong paaralan kung saan ang kanyang magiging sahod ay makasampung
ulit ang laki sa sahod nya ngayon.

13
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin
Naibibigay ang epekto ng pandarayuhan sa pook na nilipatan at sa pook na nilisan.

II. Paglalahat:
Ang mga epekto ng pandarayuhan sa pook na nilisan ay:
Nababawasan ang populasyon
Nagkaroon ng maraming suliranin

Ang epekto sa pook na pinuntahan ay:


Nadaragdagan ang populasyon
Nagkakaroon ng mga suliranin

III. Paglalapat: Isulat sa Venn Diagram ang epekto sa pook na nilisan at pook na
pinuntahan.
PANDARAYUHAN

E
P
Sa pook na nilisan E Sa pook na pinuntahan
K
T
O
IV. Pagtataya:
Isulat sa mga patlang ang maaaring dahilan o epekto ng mga sumusunod:

Dahilan Epekto
1. Marami sa mga Pilipinong doctor ang 1.
Pumunta sa ibang bansa upang doon
magtatrabho
2. Naniniwala ang marami na mas mataas 2.
ang kalidad ng edukasyon sa lungsod o
pook urban
3. May ilang lugar sa malalayong lalawigan 3.
ang nakararanas ng kaguluhan dahilan sa
prinsipyo at paniniwala.
4. 4. Ang mga taga-lungsod ay
lumilipat sa subdibisyon.
5. 5. Kakulangan ng mapagka
kakitaan sa bansa.

V. Pamimilian:
14
Pumupunta sa ibang bansa ang maraming Pilipino upang doon magtrabaho.
Upang makaiwas sa polusyon at pagsisikip sa lugar na tinitirhan.
Nagtutulak sa mga residente na lumipat ng ibang lugar.
Nawawalan ng kakulangan sa magagaling na doctor at nars sa ating pagamunta.
Lumalaki ang populasyon ng mga paaralang panlunsod.
Dumarami ang mga magagaling na doctor sa ating bansa.

15
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:
Nakikilala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino

II. Paglalahat:
Maraming pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa ating mga
Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay pananalig sa Panginoon, pagtatamasa ng
kalayaan, pagbubuklod ng mag-anak at iba pa.

III. Paglalapat

Anong pagpapahalaga ang isinasaad ng bawat bilang? Piliin sa loob ng


kahon ang iyong sagot. Isulat ito sa patlang.

1. Itinataguyod ang sariling wika at iba pang pakakakilanlan ng


bansa.
2. Walang mayaman o mahirap kung batas ang pagbabatayan.
3. Gumagamit ng “po” at “opo” sa mga nakatatanda
4. Tumutulong sa mga biktima ng kalamidad
5. Isinusulong ang usaping pangkapayapaan para malutas ang
problema sa mga rebelde

matipid pagkakapantay-pantay
matapat matapat na paglilingkod
kalayaan pananalig sa Panginoon
magalang pagbubuklod ng pamilya
madamayin demokratikong pamumuhay
pagmamahal sa sariling kultura pagpapahalaga sa kaayusan at katahimikan

16
IV. Pagtataya:
Basahin ang pangungusap.

Isipin kung anong pagpapahalaga ng mga Pilipino ang ipinahihiwatig ng bawat


isa. Piliin ang sagot sa kasunod na talaan.

1. Naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga dayuhang nais na


sumakop sa kanila.

2. Ang mga mamamayan ang pumipili ng mga pinunong mamamahala sa


bansa.

3. Magkatulad sa mga tinatamasang karapatan at kalayaan ang mga


mahihirap at mayayaman.

4. Hindi tumantanggap ng anumang regalo o suhol ang mga pinuno at


kawani ng pamahalaan sa mga serbisyong ibinibigay ng mga ito sa
mga tao.

5. Sinisikap ng tao na gumagawa ng mabuti sa kapwa habang siya ay


nabubuhay.

6. Kapag minamahal natin ang ating mga kapwa gumagawa tayo ng


kabutihan sa kanila.

7. Pinararaan natin ang pagkakataong makapagpapa-unlad sa kabuhayan,


huwag lamang malayo sa pamilya.

8. Ginagawang dekorasyon sa tahanan ang diploma ng mga anak na


nagtapos sa pag-aaral.

Paniniwala sa kabilang buhay Kalayaan


Pagkakapantay-pantay Katapatan sa paglilingkod
Demokrasya Pag-ibig sa kapwa
Edukasyon Pagkakabuklod-buklod ng mag-anak
Maayos na pagtanggap sa bisita

Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

17
I. Layunin:
Naibibigay ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay ng tao.

II. Paglalahat:
Bawat tao ay mahalaga, mayaman man o mahirap, nakapag-aral man o
mangmang, magkaiba man ang relihiyon ay dapat mabigyan ng pantay-pantay na
pagkakataon, karapatan at kalayaan sa mga gawain.
III. Paglalapat:
Halimbawang isa kang pulis trapiko, nasaksihan mong may dalawang sasakyang
hindi huminto kahit pula ang ilaw sa traffic light parehas mo silang pinara. Nang
binuksan nila ang bintana ng sasakyan, nakita mo na ang mga dayber isang
sasakyan ay anak ni mayor at ang isa ay kapitbahay mo, ano gagawin mo?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

III. Gawain:

A. Basahin ang mga tanong. Piliin ang titk ng tamang sagot


1. Paano makikita ang pagkakapantay-pantay ng tao?
a. Kita ang pagkakapantay-pantay sa uri ng ari-arian
b. Kita ang pagkakapantay-pantay sa mga tinitirhan
c. Kita ang pagkakapantay-pantay sa kapangyarihan
d. Kita ang pagkakapantay-pantay sa kalagayan ng buhay
2. Mahalaga sa isang bansang demokratiko ang pagkakapantay-pantay ng tao.
Alin sa mga ito ang nagpapatunay dito?
a. Lagpas ang bakod ni G. Cruz sa hangganan ng lupa ni G. Santos
b. Ang driver na nakabangga ay ipinagtanggol ng pamahalaan.
c. Si Dino ay mayaman minamata niya ang mag-aaral na mahirap.
d. Hindi isinasali sa palatuntunan ang pilay na maag-aaral
B. Lagyan ang tsek () ang mga pangungusap na nagpapatunay na ang mga tao ay
pantay-pantay.
1. May mga karapatan ang mga mayaman at mahirap sa harap ng batas.
2. Ang may salapi ang maaring mag-aral at may karapatang mapaunlad
ang sarili.
3. Bawat isa ay may karapatang mapaunlad ang sarili.
4. Ang mga mayayaman lamang ang maaring kumandidato.
5. Lahat ng tao ay may karapatang amgkaroon ng ari-arian ayon sa
itinalaga ng batas.

Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:

18
Naibibigay ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani
ng pamahalaan.

II. Paglalahat:
Mahalaga ang matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
dahil sangkap ito sa kaunlaran ng bansa. Ang pagiging matapat na lingkod ay
nakakaakit ng iba pang maging matapat din.

III. Paglalapat
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Anong K ang pinakamahalagang katangian ng isang pinuno?
2. Anong S ang ibinibigay na dapat iwasan para madali ang proyekto?
3. Anong M ang dapat taglayin ng isang pinuno?
4. Anong M ang dapat gawin upang mapabilis ang gawain?
5. Anong K ang dapat iwasan ng mga pinuno?

IV. Gawain:
A. Isulat ang titik ng tamang sagot
1-3 Bakit mahalaga ang maging matapat sa paglilingkod ang pinuno at kawani ng
pamahalaan. Pumili ng 3.
a. Matigil ang suhulan sa pamahalaan
b. Mawawala ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan
c. Magiging kasiya-siya sa mga mamamayan ang pagtupad ng kanilang
tungkulin
d. Matatapat sa pagbabayad ng buwis
e. Magkaroon ng pang-aabuso sa pwesto

4-5 Ang mga sumusunod ay mga kabutihang dulot ng matapat sa pamahalaan


maliban sa dalawa. Alin ang mga ito?
a. Inuuna ang kabutihan ng nakararaming mamamayan.
b. Tinatanggap ng pabuya sa maaring paglilingkod na ibinibigay sa taong bayan.
c. Kusang loob ang pakikiisa ng mga taong bayan
d. Matatapat sa pagbabayad ng buwis.
e. Magkaroon ng pang aabuso sa pwesto

B.
Isulat sa sagutang papel ang titik T kung wasto ang pangungusap at M kung mali
at isulat ang salita o pariralang nagpamali.

1. Maaasahan ang pakikiisa ng mga nasasakupan kung matapat sa


kanyang paglilingkod ang isang pinuno.

19
2. Ang tapat na paglilingkod ay pagsasakatuparan ng mga gawain sa
takdang oras

3. Gumagawa ng katiwalian ang pinunong matapat sa paglilingkod

4. Ang matapat na paglilingkod ay matapat sa pambansang pagkakaisa.

5. Gumagawa ng panunuhol kapag nakagawa ng paglabag sa batas upang


di mahatulan sa kasalanang nagawa.

20
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:
Natatalakay kung paanong ang isang pagpapahalaga ay nakatutulong o
nakahahadlang sa pag unlad ng bansa.

II. Paglalahat
Ang mga pagpapahalagang Pilipino.
a. Matibay na pagkakabuklod ng pamilya
b. Pagtutulungan sa oras ng kalamidad
c. Masiglang sinisimulan ang isang gawain subalit hindi tinatapos (ningas
cogon)
d. Umaasa pa rin sa mga magulang kahit may asawa at anak na
e. Pangangalaga sa kapaligiran
f. Higit na pagtangkilik sa mga produktong banyaga (Colonial Mentality)
g. Pagmamalaki at pagkilala sa kakayahang Pilipino
h. Mas ninanais na magtrabaho sa ibang bansa kaysa manatili sa Pilipinas
i. Pagtatanggol sa kalayaan
j. Bayanihan
k. Ipinagpapabukas ang gawaing maari namang gawin ngayon

III. Paglalapat:
Isulat ang Go, Go, Go kung nakakatulong at No, No No kung nakakahadlang
1. ugaling crab mentality
2. pagtitiwala sa sariling kakayahan
3. paggalang sa kapangyarihan
4. pagdami ng kasong kidnapping
5. pagtangkilik sa sariling produkto

IV. Pagtataya
Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga taong.
Si Aling Rosa ay may patahian. Mahuhusay ang kanyang mga mananahi,
subalit maraming tahiin ang hindi nayayari agad dahil sa mabagal na pagkilos ng
kanyang mananahi at sa ugaling pabukas-bukas na. Dahil ditto nagagalit ang
kanyang mga suki at iniwan na siya ng mga ito. Nalugi ang kanyang patahian at
nagtanggal pa siya ng mananahi.?
1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ng sitwasyon?
a. Pakikisama b. Pagpapahalaga sa kapangyarihan c. mañana habit

2. Nakatulong kaya o nakahadlang sa pag-unlad ang pagpapahalagang ipinakita


ng mga mananahi?
a. Nakatulong sapagkat nakapagpahinga ang mga mananahi
b. Nakahadlang dahil nagging sanhi ito ng pagkawala ng kita ng mga
manggagawa at may-ari
c. Nakatulong dahil magtitipid na ang isang taong walang kinikita.
21
Si Arthur ay ipinasok bilang manggagawa sa isang pabrika ng kanyang
pinsan. Maaga pa ay nag-uumpisa na siyang magtrabaho sa loob ng maraming
buwan. Nang tumagal na ay naging tamad siya at laging di pumapasok o kung
hindi man ay lagi na siyang huli kung dumating.

3. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Arthur?


a. Mañana habit b. Bahala na c. Ningas kugon

4. Nakatutulong ba ito o nakakahadlang sa pag-unlad ng bansa?


a. Nakatutulong sapagkat mapipilitan ang mga tagapamahala ng negosyo na
taasan ang sahod ng mga manggagawa.
b. Nakahahadlang sapagkat labag
c. Nakahahadlang sapagkat kapag maraming gawain ng hindi matatapos
malulugi at magsasara ang isang pagawaan.

5. Ang mga sumusunod ay tradisyunal na pagpapahalaga na di dapat


panatilihin maliban sa isa, alin dito ang dapat panatilihin?
a. Labis na paggastos ng pera
b. Diwa ng bayanihan
c. Bahala na.

22
Araling Panlipunan VI
UNANG MARKAHAN

I. Layunin:
Nagagamit ang grid sa globo at mapa sa pag hanap ng isang lugar.

II. Paglalahat:

Ang grid ay ginagamit upang tukuyin ang eksaktong lokasyon ng isang


lugar.
Sa pagtukoy sa mga guhit latitud, tinutukoy ang mga direksyong hilaga at
timog.
Sa pagtukoy sa mga guhit longtitud,tinutukoy ang mga direksyon silangan
at kanluran.

III. Paglalapat:
Gamit ang grid tukuyin ang lokasyon ng mga bagay sa larawan. Tukuyin muna
ang latitude bago longtitude

1.

2.

3.

4.

IV. Gawain:

A. Gumihit ng globo. Ilagay sa tamang lebel ang mga ss.

Grid equator
Guhit latitude longhitud Prime meridian

B. Tukuyin ang eksaktong kinalalagyan ng mga sumusunod na lugar


1. Bulacan
2. Batangas
3. Leyte

23
C. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa


a. 4-21 digri H lat at 116-127 S. long c. 14 S lat t 121 H long
b. 15-30 H lat at 122 S long d. 15 S lat at 122 H long

2. Sa globo, ang Pilipinas ay matatagpuan sa


a. Hilagang Silangan c. Timog – Silangan
b. Kanlurang Hilaga d. Hilagang Timog

3. Saan matatagpuan sa Pilipinas ang Mindoro?


a. 13 – 15 H lat ay 120 S long c. 11 – 12 H lat at 122 S long.
b. 14 H lat at 120 S long d. 13 H lat at 121 S long

4. Sa Asya, ang Pilipinas ay matatagpuan sa


a. Hilagang – Kanluran c. Timog – Kanluran
b. Hilagang Silangan d. Timog Silagan

5. Anu ang ginagamit upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng isang


bansa o lugar gamit ang mga latitude at longtitude?
a. Prime Meridian c. Guhit Latitude
b. Guhit longtitude

24

You might also like