Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 3
TP 2017-2018
Pangalan:________________________ Baitang/Pangkat_______________
Paaralan:________________________ Petsa________ Iskor___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga


sumusunod na mga tanong.Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

Pag-aalaga ng mga Hayop


Modesta R. Jaurigue

Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba


ng bahay si Mang Carlos upang
pumunta sa likod-bahay. Doon, makikita ang
kaniyang inaalagaang iba’t ibang alagang
hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga
baboy. Ito ang nagsisilbi niyang libangan mula
nang ttumigil siya sa pagiging kawani ng
gobyerno sa edad na animnapu at lima. Dito
lumalakas ang kanyang katawan at
nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw.
Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may
malaking kita.

1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang


Carlos?
A. Paghahayupan B. Paghahalaman
C. Pagtitinda D. Pangingisda

2. Ano-ano ang mga alagang hayop ni Mang


Carlos?
A. aso, pusa, baka at kalabaw
B. tigre, leon, kalabaw at ibon
C. bibe, manok, kambing at baboy
D. kambing, baka, ibon at kalabaw

3. Saan makikita ang mga alagang hayop ni


Mang Carlos?
A. sa bukid B. sa bakanteng lote
C. sa likod –bahay D. sa kapitbahay

4. Si Bb. Furo ay _______ na guro. Ano ang


angkop na pang-uri sa patlang?
A. maikli B. mahaba
C. maaamo D. mabait

5. Makikita sa Lungsod ng Makati ang mga


_____ na gusali.
A. matataas B. malalago
C. maaamo D. matatalas

6. Si Aling Nora ay matiyagang _____ ng


kanyang mga anak. Ano ang angkop na
pandiwa sa patlang?
A. Nagdidilig B. Nagtatanim
C. nagwawalis D. nag-aalaga

7. Taimtim na ___ si Kiko sa loob ng simbahan.


Anong angkop na pandiwa sa patlang?
A. kumakawayB. nagdadasal
C. naglalaro D. tumatakbo

8. Ang elepante ay ___ kung lumakad dahil sa


bigat ng kanyang katawan. Ano ang angkop na
pang-abay sa patlang?
A. dahan-dahan B. mabilis
C. matulin D. maliksi
9. Ang agila ay ___ na makadagit ng kanyang
kakainin? Anong angkop na pang-abay sa
patlang?
A. mabagal B. makupad
C. mabilis D. matagal

( 10-11) Piliin ang angkop na pang-ukol.

10. Ang aklat na binasa ko ay ___ Dr. Jose P.


Rizal.
A. laban sa B. baban kay
C. para kay D. ayon kay

11. Ang pulang rosas ay ____ nanay.


A. laban kay B. laban sa
C. para kay D. ayon kay

12. Alin sa mga sumusunod ang salitang


magkatugma?
A. halina-hardin
B. masaya- maligaya
C. malawak- makipot
D.mayaman-maaksaya

13. Piliin sa mga sumusunod ang salitang


magkatugma?
A. malasa- malapot
B.kasama- kawayan
C. langaw- bangaw
D. sisiw- sawsaw
14. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan
ang huling pantig ng salitang kasama?
A sasama B. kasali
C. kalaro D. kaibigan

( 15-16) Bilugang ang tamang kambal katinig/


klaster upang mabuo ang salitang tinutukoy.

15. _ _ aysikel - isang uri ng sasakyan na may


motor.
A. tr B. br C, ts D. pl

16. _ _ ato _ pinaglalagyan ng pagkain.


A. bl B. pl C. br D. tr

Pag-aralan nang mabuti ang Talaan ng


Nilalaman . Gamitin ito sa pagsagot sa mga
tanong sa Aytem.

Talaan ng Nilalaman
Aralin I si annie, Ating Tularan ----------p.2
Aralin II Magalang.. Hinahangaan------p.12
Aralin III Ang Paman sa Atin ------------p.22
Aralin IV Ang Palabas sa Plasa--------p. 32

17. saan pahina mahahanap ang kuwentong “”


ang Palabas sa Plasa?
A. p.2 B. p12 C. p.22 D. p.32

18. Anong uri ng akda ang aklat na ito?


A. alamat
B. tula
C. kwento
D. bugtong
19. Ang mga rosas ay namumuladkad sa
ganda. Alina ng kasingkahulungan ng salitang
may salungguhit?
A. namumulaklak B. nagpupugay
C. nagpapaganda D. nangingibabaw

20. Malawak ang bakanteng lote. Ano ang


kasalungat ng malawak?
A. masaya B.makitid
C. mahaba D. makulay

21. Ang bunsong anak nina Mang Ben at Aling


Nena ay bituin sa kanilang paningin.
Ano ang kahulungan ng mga salitang may
salunguhit?
A. paborito B. kulang sa pansin
C. ayaw na ayaw D. hindi pinapansin

22. Nagkukunwari lamang na mabait ang


matandang mayaman. Balat-kayo ang kabaitan
na kanyang ipinakita. Ano ang ibig sabihin ng
balat-kayo?
A. totoong-totoo B.matandag- mayaman
C. balat ng matanda D. hindi totoo

23. Si Rommel ay balat-sibuyas kapag siya ay


pinagalitan ng nanay dahil sa kanyang maling
gawain. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. masayahin B. madaldal
C. matalino D. iyakin
24. Sanay sa hirap siNilo. Siya ay batang anak-
pawis. Ano ang kahulugan ng anak-pawis?
A. mahirap B. mayaman
C. amoy pawis D. pinawisan

25. Ang salitang “ kalikasan” ay mayroong


salitang_____________.
A. kal B. lik C. kas D.
likas

26. Ang salitang” madasalin” ay mayroong


salitang __________.
A. mad B. dasal C. das D. lin

27. Masipag magturo si Binibining Furo. Ano


ang tamang daglat ng salitang may
salungguhit?
A. bb. B. bB. C. Bnbn. D. Bb.

28. Alin sa mga sumusunod ang wastong


daglat ng salitang Doktor?
A. Dok. B. Dr. C. Dra. D. MD.

29. Lahat ay tama ang pagbaybay, maliban sa


isa, alin ito?
A. pulis B. krimen
C. nadakip D. nakolong

30. Nagsimba si Lita sa simbahan ng __________.


A. Quiapo B. Quiapu
C. Qyapo D. Qiyapo
Basahin ang talata at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

May mga bansa na nakararanas ng apat na


klima. Hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas
ay isang bansang tropical. Ito ay nasa tropiko
ng Kanser na makikita sa itaas ng ekwador.
Kapag malapit sa ekwador ang isang bansa,
mayroon lang daw ito dalawang uri ng klima.
Ito ay tag-ulan at tag-araw. Mainit at
maalinsagan tuwing tag-araw samantalang
mahalumigmig at malamig ang panahon kung
tag-ulan.

31. Ayon sa binasang talata, ano ang paksang


nilalaman nito?
A. Ang Pilipinas ay isang bansang tropical.
B. Tropiko ng kanser ang Pilipinas
C. Dalawang uri ng klima.
D. Ang klima ng ating bansa

32. Bakit tinawag na klimang tropical ang


bansang Pilipinas?
A. Dahil ito ay malayo sa ekwador
B. Dahil ito ay malapit sa ekwador.
C. Dahil ito ito ay nasa Tropiko ng Kanser
na makikita sa itaas ng ekwador.
D. Dahil ito ay nasa gitna ng Tropiko ng
Kanser.

33. Ilan uri ng klima mayroon ang isang bansa


kapag malapit ito sa ekwador?
A. apat B. isa C. tatlo D. apat
34. Ano ang angkop na pamagat ng tekstong
binasa?
A. Ang klima at ang akilng bansa.
B. Ang Ekwador
C. Tropikong Kanser
D. Tropikal na Bansa

Malaking kapahamakan ang idinulot ng


baha sa mga taong bayan. Sanhi ng
Pagputol ng mga puno sa kagubatan. Nagdulot
ito ng pagkasawi ng maraming buhay.
Nalunod ang mga alagang hayop. Inanod ang
ilang bahay na nasa pampang ng ilog. Nawalan
ng hanabuhay ang mga tao.

35. Ano ang naging sanhi ng pagbaha?


A. Pagtatanim ng mga puno
B. Pag-aalaga ng mga hayop
C. Pagputol ng mga puno sa kagubatan
D. Pangingisda ng mga tao

36. Ano ang naging bunga ng pagbaha?


A. nasiyahan ang mga tao
B. umunlad ang bansa
C. Nagkaroon ng maraming trabaho
D. Inanod ang ilang bahay na nasa
pampang ng ilog.
37. Pagsusunod-sunurin ang mga pangyayari
sa kwento. Piliin ang titik na may tamang
ayos ng pangyayari.
1 .Natamaan ang ibon at ito’y tuluyan nang
namatay.
2 .May isang batang napadaan sa isang
parke.
3. Dumampot ng bato ang bata at ipinukol
ito sa ibon.
4. Nakakita siyang makulay na ibong
nakadapo sa sanga.
A. 4- 1- 3- 2 B. 4- 3- 1- 2
C. 3- 2- 4- 1 D. 2- 4- 3-1

38. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa kwento?
1. Matapos ang party binuksan na ni Betty
ang mga regalo.
2.May inihandang party ang kanyang mga
magulang.
3. Kaarawan ni Betty ngayon.
4. Ang handa niya sa araw na iyon ay
pansit,puto at palamig.
A. 3-1-4-2 B. 3-2-4-1
C. 4-2-1-3 D. 2-4-1-3
Panuto: Pag-aralan ang grap sa ibaba. sagutin
ang mga tanong pagkatapos. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

Bilang ng mga puno na itinanim ng mga


batang nasa ikatlong baiting

60

50

40

30

20

10

0
Enero Pebrero Marso Abril

39. Anong buwan nakakapagtanim ang mga


nasa ikaanim na baitang ng 20 puno?
a. Pebrero at Abril B. Marso
C. Enerso D. Abril

40. Ilang puno ang naitanim noong buwan ng


Marso?
a. 40 b. 20 c. 50 d. 30
TALAHAYAN NG INSPEKSYSON
IKATLONG MARKAHAN
K TO 12 FILIPINO 3

lAYUNIN No. of Items Test Placement


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
kewentong binasa. 3 1-3
Nakapaglalarawan ng mgatao,hayop,bagay at
lugar sa pamayanan. 2 4-5
3. Nagagamit ang tamang salitang kilos/pandiwa 2 6-7
sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan.
4.Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na 2 8-9
naglalarawan ng isang kilos o gawi.
5.Nagagamit nang wasto ang pang-ukol ( laban
sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa) 2 10-11
6.Natutukoy ang mga salitang magkatugma.
2 12-13
7. Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog
upang makabuo ng bagong salita. 1 14
8. Nagsasama ang mga katinig,patinig upang 2 15-16
makabuo ng salitang klaster.
9. Nahuhulaan ang nilalaman/ paksa ng aklat sa 2 17-18
pamamagitan ng pagtingin sa mga larawan.
10. Nakakagamit ng mga salitang 2 19-20
magkasingkahulugan at magkasalungat

11.Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang 4 21-24


salita na nananatili ang kahulugan.

12. Napagyayaman ang talasalitaan 2 25-26


sapamamagitan ng paghahanap ng maikling
salitang matatagpuan sa loob ng ng isang
mahabang salita.
13. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at 2 27-28
mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat.
14. Nababaybay nang wasto ang mga salitang 2 29-30
natutunan sa aralin/ batayang talasalitaan
pampaningin
15. Nasasabi ang paksa o tama ng binasang 1 31
teksto.
16. Nabibigay ang mga sumusuporta ng kaisipan 2 32-33
sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa.
17.Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa 1 34
binasang teksto.
18. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng 2 35-36
mgapangyayari sa binasan g teskto.
19. . Napagsusunod-sunod ang mga 2 37-38
pangyayaring kuwentong napakinggan.
20 Nabibigyang- kahulugan ang isang dayagram 1 39
21. Nabibigyang-kahulugan ang isang grap. 1 40

You might also like