Professional Documents
Culture Documents
CFAM MotherLP ADBIYENTO2017
CFAM MotherLP ADBIYENTO2017
Level: Grade 10
Paksa: ADBIYENTO
Layunin:
1. Naipapahayag na ang Panahon ng Adbiyento ay panahon ng paghahanda sa pagdating ni
Jesus.
2. Nakapagtatala ng mga gawaing nakapagpapakita ng tunay na paghahanda sa panahon ng
Adbiyento.
3. Nakapananalangin ng taos pusong pagsisisi bilang paghahanda sa Pagdating ni Jesus.
< Ngayon naman pag-usapan natin ang mga paghahandang ginagawa sa pagdating ng araw
ng Pasko>
o Anu-ano ang mga paghahandang ginagawa ng tao kapag papalapit na ang Pasko?
PAG-UUGNAY:
Balikan natin ang ating ginagawang paghahanda kapag may parating na bisita sa ating mga
tahanan; hindi ba lahat ng ating ginagawa ay para sa ikasasaya ng darating? Bakit sa ating
paghahanda para sa kapaskuhan, na araw ng pagdating ni Jesus ay pawang para sa ating
kasiyahan lahat? Bagong damit, bagong sapatos, masasarap na pagkain, mga dekorasyon
sa tahanan at kung anu-ano pa na pawang para sa ating mga sariling kasiyahan. Hindi ba si
Hesus ang darating at marapat lamang na para sa kanya ang ating gagawing paghahanda?
“. . . maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kalian darating ang puno
ng sambahayan. . .”
(Katahimikan)
Text Analysis
Pag-usapan :
Linkage: Sa pagsisisi at pagbabago ng puso ay maihahanda natin ang ating sarili sa pagdating
ng Panginoon. Ito ang pinakamagandang regalo na maihahandog natin kay Jesus sa
Kanyang kaarawan , ang isang malinis na puso. Katulad ng kapag may darating sa
ating tahanan ay grabeng paglilinis ang ating ginagawa upang maramdaman ng bisita
o panauhin na siya ay malugod nating tinatanggap sa ating tahanan, ganoon din naman
na dapat nating ihanda ang ating mga puso. Malinis at handa ang lugar na tatahanan
ng ating Panginoong Diyos.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:
Kaya nga may Simbang gabi tayong mga Pilipino na magsisimula sa December 16. Ito
ay siyam na araw na pagnonobena bago sumapit ang araw ng kapaskuhan, upang
lubos na matanggap ang grasya ng Diyos, na maihanda ang sarili sapagkat si Jesus
ay dumarating , dumarating sa Banal na Eukaristiya at tinatanggap natin sa anyo ng
tinapay , dumarating sa iba’t ibang pangyayari sa ating buhay at darating sa wakas
ng panahon.
ADVENT WREATH
Kandila: sumisimbolo sa apat (4) na Linggo ng ating paghihintay, padhahanda at
pag-asa.
Pagsasabuhay:
Ang PAGKAKAWANG-GAWA AT PAGSASABUHAY ay paghahanda sa pagdating
ni Jesus.
Sa kabila ng mga nagawa natin, si Jesus ay patuloy na tumutulong sa atin upang tayo
ay maghanda sa kanyang pagdating. Sa pamamagitan ng pagtulong at pagpapadama
ng pag-ibig sa ating kapwa naihahanda natin ang ating sarili upang tayo ay maging
karapat-dapat na tumanggap sa pagdating ni Jesus.
Ang pagbabalik-loob sa Diyos ng buong puso natin, isang pagkalas mula sa kasalanan,
ang pagtalikod sa masama, nang may pagkamuhi sa masamang nagawa natin. Kasama
nito, ay ang hangarin na magtika at magbagong buhay taglay ang pag-asa sa awa ng
Diyos at pananalig sa tulong ng kanyang grasya.
[ KIK 1432 - 1435 ]
TUGON NG PANANAMPALATAYA:
Panindigan: Ako ay naniniwala na mahal ako ni Jesus at tinatawag Niya ako na magsisi sa
aking mga kasalalan.
Pagdiriwang: Magsisindi ng kandila. ( Tahimik na ilallapit sa ating Panginoong Diyos ang mga
kasalanan <habang pinapatugtog ang “Create in me “ > pagkatapos ay
dadasalin ang “Pagsisisisi “
BUOD:
Ang panahon ng Adbiyento ay panahon ng paghahanda sa pagdating ng Panginoon.
Ang pagtanggap ng Sakramento ng Pagbabalik-loob ay isang paraan ng mainam na
paghahanda ng sarili sa pagdating ni Hesus. Si Hesus, ang Anak ng Diyos na
hinihintay natin ay tumatawag sa ating pagbabalik-loob. Ang pagkakawang gawa ay
pagsasabuhay ng paghahanda sa pagdating ni Hesus.