Panghalip

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Uri ng Panghalip[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Tagalog Lang, mayroong apat na uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng panghalip
ang panghalip na panao, panghalip na pananong, panghalip na panaklaw, at panghalip na
pamatlig.[1]

Panghalip na Panao[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o
"pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari
itong gamitin bilang simuno at tagaganap.

Panghalip na Panao

Isahan Maramihan

Simuno Tagaganap Simuno Tagaganap

tayo natin
ako ko
kami namin

ikaw, ka mo kayo ninyo

siya niya sila nila

Ang panghalip na panaong simuno ay nakikita sa unahan ng ay at nasa hulihan ng pangungusap


kapag walang ay. Ang panghaip na panaong nagaganap ay laging nasa bahaging panaguri at
nakikita kasunod ng pandiwa.
Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, kami
(we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), at siya (he/she).

Panghalip na Paari[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.

Panghalip na Paari

Isahan Maramihan
akin atin, amin

iyo inyo

kanya kanila

Mahalagang tandaan ang mga sumusunod tungkol sa panghalip na paari:

 Lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang "ay" at sa unahan ng


pangungusap kung walang "ay".
 Hindi ito dapat sinusundan ng pangngalan.
 Hindi ito dapat may "sa" sa unahan.
Halimbawa: "Ang bansang Pilipinas ay atin." , "Kanya ba ang magandang proyekto?"
Kapag ang salitang nagpapakita ng pag-aari ay nasindan o may nauunang pangngalan, hindi na ito
panghalip. Sa halip, itinuring na itong panuring.
Halimbawa:

1. Ang bagong damit ay akin. (panghalip)


2. Ang aking damit ay bago. (panuring)
3. Ang damit ko ay bago. (panuring)
Panghalip na Pananong[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay maaring
isahan o maramihan. (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay
nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun.

Panghalip na Pananong

Kinakatawan Isahan Maramihan

tao sino sinu-sino

bagay ano anu-ano

bagay na pipiliin alin alin-alin

taong may-ari kanino kani-kanino


nino ninu-nino

bilang ilan ilan-ilan

sukat/dami gaano gaa-gaano

halaga magkano magka-magkano

Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what), ano-ano, sino, sino-
sino, nino, alin, at alin-alin.[1]

Panghalip na Pamatlig[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o
inihihimaton.[2]

Panghalip na Pamatlig

Mga salita Paglalarawan

ito, ganito, dito, heto Hawak niya o malapit sa kanya ang itinuturo.

iyan, ganyan, diyan, hayan Malapit sa kanya ang itinuturo.

iyon, ganoon, doon, hayun Malayo sa kanya ang itinuturo.

Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa
mga malapatinig na w at y.
Halimbawa: "Ligtas diyan ang anak mo."
Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa
patinig at mga malapatinig na w at y.
Halimbawa: "Lumapit ka rito."

Panghalip na Panaklaw[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o
"pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi
tiyak") sa Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang
sumusunod: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, "saanman", at "ilan"

You might also like