Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pandiwa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo,
dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito
na verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa (naka-italiko):

 Pumunta ako sa tindahan.


 Binili ko ang tinapay.
 Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
 Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan.
 Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin.

Mga nilalaman

 1Tuon ng Pandiwa
o 1.1Aksyon
o 1.2Karanasan
o 1.3Ganapan
o 1.4Tagatanggap
o 1.5Gamit
o 1.6Pangyayari
o 1.7Direksiyon
 2Aspekto ng Pandiwa
o 2.1Pawatas
o 2.2Aspektong Naganap o Perpektibo
o 2.3Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
o 2.4Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
o 2.5Aspektong Katatapos
 3Mga Sanggunian
o 3.1Mga Pinagkukunan

Tuon ng Pandiwa[baguhin | baguhin ang batayan]


Tuon ng pandiwa ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa
ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Aksyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "sino?"
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

 Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.


 Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.
Karanasan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "ano?".
Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles.
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)

 Binili ni Jomelia ang bulaklak.


 Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Ganapan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.Ito ay sumasagot sa tanong na
"saan?"
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)

 Dinaraan ng tao ang kalsada.


 Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.
Tagatanggap[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
"para kanino?"
(i- , -in , ipang- , ipag-)

 Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.


 Pinakilala sa madla ang kampeon.
Gamit[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"
(ipang- , maipang-)

 Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.
 Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.
Pangyayari[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "bakit?"
(i- , ika- , ikina-)

 Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.


 Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni Tong.
Direksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "tungo saan/kanino?"
(-an , -han , -in , -hin)

 Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.


 Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng kagamitan.
 Dinaanan muna namin ang simbahan para magdasal muna.
Aspekto ng Pandiwa[baguhin | baguhin ang batayan]
Ipinapakita ng aspekto ng pandiwa kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o kung
ipagpapatuloy pa ang nagaganap na kilos.

Salitang- Naganap o Nagaganap o Magaganap o


Pawatas Kakatapos
Ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

basa magbasa nagbasa nagbabasa magbabasa kababasa

sira masira nasira nasisira masisira kasisira

Pawatas[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ang tawag sa kombinasyon ng salitang-ugat at ng panlaping makadiwa. Sa pawatas nabubuo
ang mga pandiwa.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Pandiwa

tuka + um = tumuka = tumuka, tumutuka, tutuka

palit + mag = magpalit = nagpalit, nagpapalit, magpapalit

Aspektong Naganap o Perpektibo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagsasaad ito na tapos nang gawin ang kilos. Ang pawatas na may panlaping um at ang aspektong
naganap ay iisa o pareho.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap

alis + um = umalis = umalis

kain + um = kumain = kumain

Ang panlaping ma, mag at mang sa isang pawatas ay nagiging na, nag at nang sa aspektong
naganap.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap


tuwa + ma = matuwa = natuwa

sulat + mag = magsulat = nagsulat

hingi + mang = manghingi = nanghingi

Ang panlaping in sa isang pawatas ay nagiging unlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
patinig at nagiging gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig. Kapag hin ang panlapi,
ang hin ay nagiging in kapag binanghay.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap

alis + in = alisin = inalis

mahal + in = mahalin = minahal

basa + hin = basahin = binasa

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Kung ang pawatas ay may panlaping um, uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap

ulan + um = umulan = umuulan

kanta + um = kumanta = kumakanta

Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag at mang, gawing na, nag at nang at uulitin ang unang
pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap


iyak + ma = maiyak = naiiyak

linis + mag = maglinis = naglilinis

bunggo + mang = mangbunggo = nangbubunggo

Kung ang pawatas ay may panlaping in o hin at ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig, ilagay
ang panlaping in sa unahan at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap

alis + in = alisin = inaalis

unat + in = unatin = inuunat

Kung ang pawatas ay may panlaping in o hin at ang salitang-ugat ay nagsisimulla sa katinig, gawing
gitlapi ang in at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap

mahal + in = mahalin = minamahal

gamot + in = gamutin = ginagamot

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagsasaad ito ng kilos na hindi pa nasisimulan at gagawin pa lamang.
Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um at uulitin ang unang pantig o unang
dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap

asa + um = umasa = aasa

lakad + um = lumakad = lalakad


Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang at uulitin
ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap

tanaw + ma = matanaw = matatanaw

suot + mag = magsuot = magsusuot

hingi + mang = manghingi = manghihingi

Kapag ang pawatas ay may panlaping in o hin, mananatili ang panlaping in o hin at uulitin ang
unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap

yakap + in = yakapin = yayakapin

suklay + in = suklayin = susuklayin

bili + hin = bilihin = bibilihin

Aspektong Katatapos[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagsasaad ito na katatapos pa lamang ang kilos bago nagsimula ang salita. Nasa ilalim ito ng
aspektong perpektibo.
Kadalasan ay nilalagyan ang panlaping ka at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Katatapos

mano + mag = magmano = kamamano

parusa + mag = magparusa = kapaparusa


ligpit + mag = magligpit = kaliligpit

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga Pinagkukunan[baguhin | baguhin ang batayan]

 Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8 by Remedios Infantado ISBN 978-971-23-7030-


4 pp. 133-134

 Bagong Likha: Wika at Pagbasa 4, by Ester V. Raflores ISBN 978-971-655-331-4, pp. 239, 252-
253, 267-268, 283

You might also like