MYANMAR

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

FIL 144 A

(PANITIKANG ASYANO)

MYANMAR (BURMA)

(WRITTEN REPORT)

TAGAPAG-ULAT:
ERICA B. GUINARES

IPINASA KAY:
PROP. CARMELLA G. ONG
Ang Bansang Myanmar (Burma)

Heograpiya

Matatagpuan sa pagitan ng mga hanay ng


bundok na bumubuo ng isang likas na hangganan
kasama ng katabing mga bansa nito sa Asia ang
“Ginintuang Lupain.” Sa timog-kanluran, ang Bay
of Bengal at ang Andaman Sea ay humahampas
sa halos mahigit na 2,000 kilometro ng
dalampasigan nito. Sa kanluran masusumpungan
ang Bangladesh at India; sa hilaga, ang Tsina; at
sa silangan, ang Laos at Thailand. Ito’y mas
malaki nang kaunti sa Madagascar at mas maliit
sa estado ng Texas sa Hilagang Amerika.

Kasaysayan

Hindi gayon kaliwanag ang pinakamaagang kasaysayan ng Myanmar,


ngunit tila ilang mga tribo ang nandayuhan doon mula sa katabing mga
lupain. Ang Mon ang malamang na nagbigay sa lupain ng pangalang
Suvannabhumi—na nangangahulugang “Ginintuang Lupain.” Ang mga Tibeto-
Burman ay nagmula sa silangang Himalayas, at ang Tai ay nanggaling naman
sa lugar na ngayon ay timog-kanlurang Tsina. Ang baku-bakong kalupaan ng
Myanmar ang nagpapanatili sa mga tribo na magkakabukod—na siyang
dahilan ng pagkakaroon ng maraming tribo at wika.

Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Burma.Naging


malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Buddhism. Kaya’t
lumganap ang sining at panitikang Buddhist sa lipunang Burmese.

Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay


sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging
pugad ng nag – aaway na kaharian. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik
ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu
hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581.

Noong unang mga taon ng ika-19 na siglo, nagsimulang dumating ang


mga Britano mula sa kasasakop na India. Nanirahan muna sila sa katimugang
rehiyon at nang dakong huli, sinakop ang buong bansa. Pagsapit ng 1886, ang
Burma, na tawag noon sa Myanmar, ay naging bahagi ng Britanong India.

Noong Digmaang Pandaigdig II, ang lupaing ito ay naging sentro ng


malulupit na alitan, at sa ilang buwan lamang noong 1942, napalayas ng mga
hukbong Hapon ang mga Britano. Kasunod nito, itinayo ang kasuklam-suklam
na “Riles ng Kamatayan.” Ang 400-kilometrong riles na ito na bumabagtas sa
di-kaayaayang kalupaan ng mga kagubatan at mga bundok ang nagdurugtong
sa Thanbyuzayat, sa Burma, at sa Nong Pladuk, sa Thailand. Dahil sa
kakapusan sa metal, ang karamihan sa linya ng tren ay nagmula sa mga riles
na kinuha sa gitnang Malaya (Malaysia ngayon). Isang maliit na bahagi ng
proyekto—pagtatayo ng isang tulay sa River Kwai—ang nang maglaon ay
naging basehan ng isang tanyag na pelikula.

Sa tulong ng 400 elepante, mahigit na 300,000 lalaki—mga bihag ng


digmaan at mga sibilyang taga-India at taga-Burma—ang gumawa ng riles.
Sampu-sampung libo ang namatay sa konstruksiyon. Yamang madalas na
sinasalakay ng mga eroplanong pambomba ng Alyado, ang linya ng tren ay
hindi gaanong napakinabangan at nang dakong huli ay inabandona ito. Nang
maglaon, binunot ang karamihan sa mga riles at ginamit ito sa ibang lugar.

Sa wakas, gumanti ang Britanya, at nagtagumpay sa pagbawi sa bansa


mula sa Hapon noong 1945. Ngunit sandali lamang ang pamamahala ng
Britanya, yamang nakamit ng Burma ang kasarinlan nito mula sa Britanya
noong Enero 4, 1948. Noong Hunyo 22, 1989, tinanggap ng United Nations ang
bagong pangalan ng bansa na Myanmar.

Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t – ibang lahi.Ang kapatagan ng ilog


ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet,
Tsina, at India. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno
ng mg kasalukuyang Burmese. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang
naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.

Mamamayan ng Myanmar (Burmese)

Likas na mahihinahon at mapapayapa, ang mga mamamayan ng


Myanmar ay may mabuting pag-uugali at magiliw sa mga panauhin.
Pinakikitunguhan nila ang mga panauhin nang may paggalang at dignidad.
Ang mga nagpupunta sa Myanmar ay madalas na nagkokomento sa
makikinis na kutis ng mga may-edad na. Ang isang dahilan ng malasutlang
kutis na ito, halimbawa sa mga babae, ay ang popular at mapusyaw-na-
gintong kosmetiko sa mukha—ang thanaka—mula sa puno ng thanaka. Sa
pamamagitan ng paggiling ng isang piraso ng sanga sa isang matigas at lapád
na bato at pagdagdag ng kaunting tubig, nakagagawa ang mga babae ng isang
pinong balsamo, na kanilang ipinapahid nang may artistikong mga disenyo sa
kanilang mukha. Bukod sa ito ay nakababawas ng mga kulubot at
nakapagpapalamig, ipinagsasanggalang din ng thanaka ang balat mula sa
masakit na tama ng tropikal na araw.

Kasuotan

Ang karaniwang pananamit para sa lalaki’t babae sa Myanmar ay ang


lungi, na madaling ginagawa sa pamamagitan ng pagtatahi sa isang piraso ng
tela, na may dalawang metro ang haba, sa magkabilang dulo nito upang
bumuo ng isang bilog. Pagkatapos na isuot ito, ibinabalot ng isang babae ang
lungi sa kaniyang puson, kagaya ng palda, at isinusuksok ang nakakalag na
dulo nito sa kaniyang baywang. Sa kabilang dako naman, kinukuha ng lalaki
ang dalawang dulo at may-kaluwagang itinatali ang mga ito sa baywang sa
harapan. Mahinhin at presko sa katawan, angkop na angkop ang lungi para sa
mga tropikong lugar.

Mga Produkto

Ipinakikita ng isang pagdalaw sa mga pamilihan na ang mga


mamamayan ng Myanmar ay nagtataglay ng maraming kakayahan—dalubhasa
sa paghahabi ng seda, paggawa ng alahas sa pamamagitan ng kamay, at pag-
ukit ng kahoy. Ang teak, nara, at iba pang kahoy ay nagiging nakapupukaw-
pansing mga pigura ng mga tao, tigre, kabayo, kalabaw, at elepante. Ang mga
mamamayan ng Myanmar ay magaling din sa paggawa ng maririkit na
pinalamutiang mga bagay na binarnisan—mga mangkok, bandehado, at kahon
na may takip. Pero ang nagpapangyari sa mga paninda nila na maging kakaiba
ay ang kanilang uwidong disenyo at mga inukit na padron. Ang pangunahing
anyo ay nagsisimula sa tulad-gasang habi ng pinong mga piraso ng kawayan.
Ang mas mataas na kalidad na mga produkto ay nagsisimula sa pinagsamang
habi ng kawayan at buhok ng kabayo.
Relihiyon

Mga 89 porsiyento ng mga mamamayan sa Myanmar ay Budista; ang


natitirang bahagi ay pangunahin nang nag-aangking Muslim at Kristiyano.
Kagaya ng kalakhan ng Timog-silangang Asia, ang relihiyon ay gumaganap ng
pangunahing papel sa buhay ng karamihan ng mga mamamayan sa Myanmar.
Gayunman, ilang relihiyosong kaugalian ang di-pamilyar sa maraming
panauhin.

Mga Relihiyong Laganap

• Buddhists: 89%

• Animists: 1%

• Christians: 4%

• Muslims: 4%

• Hindus: 2%

Watawat

Ang Bagong bandila ng Myanmar ay pinagtibay


noong Oktubre 21, 2010. Isang pahalang na watawat na
may tatlong kulay; dilaw, berde at pulang guhitan at isang
malaking bituin sa gitna ng bandila. Ang proporsyon ng
bandila ay 6:9 (taas na lapad). Ang bagong bandilang ito
ay ang bandilang pinapalit sa nakaraang sosyalistang
bandila na pinagtibay noong ika-3 ng Enero 1974.

• Dilaw - sumsimbolo sa pagkakaisa

• Berde - sinisimbolo ang kapayapaan at katahimikan

• Pula - valor and decisiveness

• Puting bituin - kumakatawan sa mga unyon ng bansa.


Paniniwala

 Planetas - Myanmar Astrology

Mayroong 8 na mga planetang


pinaniniwalaan ang mga Burma; Tuesday planet
(Mars), Wednesday planet (Mercury), Thursday
planet (Jupiter), Friday planet (Venus), Saturday
planet (Saturn), Sunday planet (Sun), Monday
planet (Mon) and Yahu. Ang sinisimbulo ng
planetang Linggo ay isang garuda, planeta Lunes
ay tigre, planeta Martes isang leon, planeta Miyerkules isang elepante, planeta
Huwebes isang daga, planeta Biyernes isang baboy-ramu, planetang Sabado
dragon at planetang Ya-hu isang tusk-less elephant. Sa pagkuha ng tampok na
ito. Ang mga planeta ay dapat lumipat ang mga lokasyon at manatili sa
kanilang mga bagong lokasyon para sa isang tagal, na kung saan ay nag-iiba
ang pagkaka-uri ng mga planeta mula sa 6 na taon hanggang sa 21 taon. Ito
ang mga pagbabago ng kapalaran ng isang tao. Ayon sa mga astrologer cast, o
kilala sa tawag na Zata (horoscope) maaaring kalkulahin ang kanyang
hinaharap, isinasaalang-alang ang epekto at sitwasyon ng mga planeta bilang
basehan. Pinaniniwalaan ng bansang Myanmar na ang mga planeta ay
nagbabago ng kapalaran ng isang tao, maging swerte o malas man ito.

 Manusiha Lions – Manusiha Lions ay pinalamuti


sa terrace ng stupas, sa mga templo at sa ibaba ng
lumang trono ng leon. Ang hitsura ng mga Manusiha
Lion ay may ulo tao, at dalawang katawan at buntot ng
lion. Manusiha lion ay inilalagay sa pagodas para
panlaban sa kasamaan o masasama.

 Lawkanat – Ang Lawkanat ay maaaring makita sa


pagoda. Ang Lawkanat ay tagapag-alaga ng mundo, ang
simbolo ng kapayapaan. Lumilitaw sa pagkantang
sayawan at estilo. Sa museo ay matatagpuan ito sa
kaliwa at kanang sulok sa harap ng Manusiha Lions.

 Kainari, Kainara

May tatlong mga uri ng Kainari at Kainara. (1) Ang ulo ng tao at katawan
ng ibon. (2) Ang ulo ng tao at mga katawan ng kabayo. (3) Ang ulo ng kabayo at
ang katawan ng tao. Ang Kainari ay babae at Kainara ay lalaki. Ang kanilang
mga imahe ay makikita sa sayawan at estilo ng awit. Kadalasang nakikita sa
mga paintings at carvings. Ang Kainari at Kainara ay mga estatwang inilalagay
sa pagoda dahil kinakatawan nila katapatan.

 White Elepant – Ang Puting Elepante ay


revered aspect ng Myanmar culture. Ito ay isang
magandang pangitain, na nagmumungkahi na ang
hari ay karapat dapat maging "Panginoon ng
Universal". Naniniwala rin ang mga mamayan ng
Burma na ito ay nakadudulot ng goodluck,
kasaganaan at kapayapaan sa bansa. Sa kasalukuyan, isang lalaki at
isang babae na puting mga elepante ay pinarangalan sa Myanmar. Pang-
akit sa ang mga mula sa mga lokal at sa ibang bansa na makikita sa
Mindama, burol ng Yangon.

 Nat worship – Ito ay ang paniniwala ng mga


taga Myanmar sa muling pagkabuhay.

Kultura at tradisyon:

 Pagpapakasal – Ang magkasintahan naman na nagdesisyong


magpakasal na ay nararapat na magsagawa ng isang party o
pagdiriwang para sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Ang mga
iniimbitahang dumalo ay ang mga mag-asawang masaya at matagal ng
nagsasama. Sila naman ay pipili ng isang lalaki upang magsalita para sa
babaeng ikakasal, bilang representante sa mga magulang ng lalaking
ikakasal. At kapag ikaw naman ay naimbitahan sa ganitong pagdiriwang
maaari o hindi ka magdala ng iyong regalo. Ang bawat mag-asawa sa
Myanmar ay nagpaparehistro sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang
seremonya na isinasagawa naman sa isang hotel.

 Novation Ceremony – Dahil halos lahat ng mga taga-


Myanmar ay Buddhist ang novation sa kanila ay mahalaga.
Ito ay ang pag-aalay ng kanilang mga anak na lalake sa Buddha dahil sa
utos ng Sangha. Ang bawat Ina naman ay sobrang ipinagmamalaki ang
kanilang mga anak na makakasali sa nobasyon sapagkat mas magiging
matibay ang kanilang paniniwala sa Buddha. Naniniwala sila na ang
lahat ng makakapasok sa nobasyon ay magiging daan ito upang maging
maganda at magiging matagumpay ang kanilang pamumuhay.

 Puppet – Ito ay gawa sa putik at kahoy. Ang


Myanmar puppets ay sikat na aspeto ng kultural sa
Myanmar. Ito ay makikita sa mga restawrant at mga
pagdiriwang sa Myanmar.

Gawi at Kaugalian:

 Ang isang Burma ay walang apelyido.


 Ang isang babae ay mayroong sariling pangalan at sa panahong siya ay
mag-aasawa ay nananatili pa rin ang kanyang pangalan.
 Binibigyan ng pangalan ang isang sanggol depende sa araw na siya ay
isinilang, na kung saan ang bawat araw ng isang lingo ay mayroong
kaakibat na letra sa alpabeto ng Myanmar.

Halimbawa:

 Sa araw ng lunes ay binibigyan ng pangalang Kyaw, Khin, Kyin at iba pa.


 Sa martes ay may pangalang San, Su, Nyi at iba pa.

Mga Seremonyas

 Ang pagpapanganak at pagpapakasal ay tinatawag nilang “tha ye” o


(auspicious occasions).
 “Nga ye” naman ay para sa (sad occasions)
 Kapag nanganganak ang isang babae kinakailangang magbigay ng
kanyang mga kaibigan at mga kasamahan ng isang regalo gaya ng damit
at lalagyan ng gatas ng sanggol. At ang regalo ay dapat hindi ibinibigay
bago ang araw ng pagsilang sa sanggol sapagkat maaari itong
makapagbigay malas sa sanggol. Kapag umabot ng 100 na araw ang
sanggol ang pagbibigay ng pangalan sa kanya ay isinasagawa. Ang mga
monghe ang siyang magbibigay dalangin sa sanggol upang ito ay
pagpalain.
 Kapag nagkakasakit ang isang Burma ay agad na ipinapaalam sa
kanyang pamilya at mga kaibigan at kapag nalaman nang kanyang
pamilya at mga kaibigan obligasyon nilang bisitahin ito at dalhan ng mga
prutas. Ang iba naman ay agad na idinadala sa hospital.
 Kapag namatay sa bahay ay binibihisan ito sa kanyang
pinakamagandang damit at iniimbitahan ang isang monghe upang
pangunahan ang dasal sa namatay. Ang paglilibing naman ay
isinasagawa sa ika-tatlo hanggang ikalimang araw mula sa pagkamatay.
Matapos ang libing, ang pamilya ng namatay ay magsasagawa ng dasal
tuwing gabi at ang mga kaibigan naman ng namatay ay magbibigay ng
mga tsaa at melon.
 Sa paglilibing bawal magsuot ng matitingkad na damit dahil ibig sabihin
nito’y ikaw ay nagdiriwang.
 Isinasagawa rin ng mga taga Myanmar ang cremation.

Tradisyunal na Sayaw

 Marionette dance- ito ay ang tradisyunal na sayaw na umaaliw sa mga


hari ng Myanmar at ang marionette naman na teatro ay sikat sa
panahon ng 18th century.
 Apyodaw dance- ito ay ang pinakamatandang sayaw at musika ng
tradisyunal na sayaw ng Myanmar. Noon ay isinasayaw lamang ito ng
isahan ngunit ngayon ay maaari ng sayawin ng isang grupo.

Mga Tradisyunal na Pagkain

Ang mga pagkain sa Myanmar ay mayroong espesyal na identidad. Kahit


na nagmula ito sa kanyang mga karatig na bansa, ito man ay kasing anghang
ng Thai ng Indian at maging katulad ng mga pagkaing Chinese. Sa
kasalukuyan ang mga pagkaing Myanmar ay makikita mo sa mga street stalls,
market stalls at restaurant stalls. Ito rin ay mayroon sa mga hotels sa
Myanmar upang matikman ng mga turista at mga bibisita sa bansang
Myanmar ang pagkaing Myanmar. Ang kanilang mesa ay lampas sa kanilang
mga paa. Ang bawat myembro ng pamilya ay umuupo sa sahig upang
makakain.

Ilan sa mga larawan nito:


 Bain Mont  Ohn Nok Kauk Swe

 Mont Sein Baung


 Ngapi

 Mont Hin Gar

 Ngapi Yae Kyo

Mga Tradisyunal na Kasuotan


Panitikan ng Myanmar

Pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng panitikan ng Myanmar, sa


paghahanap ng mas malinaw nitong simula sinasabing higit na sa 1000 na
taon nang magsimula ito, habang ang sa Ingles ay tinatayang 400 na taon pa
lamang, kung kaya’t masasabing ang panitikan ng Myanmar ay inaasahang
mas mayaman at mas malayo na ang narating kaysa sa karamihan ng mga
western na wika.

Gayunpaman, ang panitikan sa Myanmar ay mahina sa Fiction.


Pinaniniwalaang dahil sa pagiging Buddhist conservative ng mga tao sa
Myanmar ay mas naiimpluwensyahan ang mga manunulat na ang mga fictions
ay mga kasinungalingan, at mga gawa-gawang kwento samakatuwid para sa
kanila ito ay tinuturuan sila ng mga kasinungalingan. Sa kinikilala nilang
Buddhist na pagtuturo, ang paggawa ng mga kasinungalingan ay isang
malubhang kasalanan at mahigpit na ipinagbabawal. Dahil dito ay naantala
ang kapanganakan ng unang Fiction nobelang sa wikang Myanmar hanggang
sa unang bahagi ng 1900.

Sa mga panahong yaon tinuturing na ang pinaka-artistikong trabaho at


panitikan ay palaging may kaugnayan sa relihiyon. Ito ay tungkol sa huling 10
buhay ni Buddha, ang huling 550 buhay ni Buddha at iba pa.

Mga Tula ng Myanmar

Sa mga unang araw ng Myanmar, lahat ng mga edukadong kalalakihan


ay ginugugul ang kanilang panahon at oras sa paggawa ng mga tula. Tinuturin
nila na ang tula ang katawan at kaluluwa ng kanilang mga buhay. Ang paraan
ng pagbuo ng mga Myanmar ng kanilang mga tula ay malayo at masyadong
kumplikado kaysa sa paggawa ng tula ng Ingles, sapagkat sila ay nakabatay sa
kung gaano karaming mga syllables ang dapat na mayroong sa isang taludtod,
at kung aling mga pantig ang dapat ilagay na dapat tutugma sa iba pang
pantig.

Iba’t-ibang uri ng Tula sa Myanmar

• than-pouk • pat-pyo

• pyot • ra-tura-kan

• lay-cho • tri-cho

• dway-cho
Mga Manunulat ng Tula sa Myanmar

Wawn Awng (Burma, 1942)

Si Wawn Awng ay ipinanganak sa Um Uma village, Sumpra Bum


Township, Kachin State, Myanmar. Nagkamit siya ng isang BA degree sa
History sa pamamagitan ng distance edukation mula sa Mandalay University.
Siya ay unang nagtrabaho bilang isang office clerk sa pamahalaang serbisyo
sibil at naging isang pangkalahatang administrator sa buong Myanmar. Nang
magretiro siya noong 2002, siya ay nagsisilbing pangkalahatang administrator
sa Sumpra Bum Township, ang kanyang lupang kinagisnan.

Si Wawn Awng ay kilala sa Kachin literary circles. Ang kanyang mga tula
ay regular na lumalabas sa pampanitikan at theological magazine, tulad ng My
Htoi Ma at Maling Hpung Tsin. Ang kanyang mga tula ay madalas ding mabasa
sa mga community ceremonies gaya ng; World AIDS Day, World Environment
Day, Mother’s Day, Fathers’ Day, Christmas at Kachin Thanksgiving. Bilang
karagdagan sa mga tula pampanitikan, nagpublished si Awng ng sampung
mga aklat ng tula sa kasaysayang ng Kachin, kultura at dalawang volume ng
maikling kuwento.

Mga Tula ni Wawn Awng

PUPA PUPA

Without hair, legs, Kung walang buhok, mga binti,


empty of clothes it feels cold and slow walang damit ang pakiramdam ay
however it hurries. malamig at mabagal
gayunpaman ito napapadali.
It tries to build a house,
encloses itself inside Sinusubukan nitong magtayo ng
and hibernates. bahay,
isinarado ang sarili nito sa loob
When time comes, it opens its house at naghibernates.
and is reborn into the world.
Nang dumating ang tamang
This time, it is not naked, panahon, bumubukas ng bahay nito
unlike its life previous, reborn with at namuhay sa mundo.
wings,
flying clothes. Sa oras na ito, hindi na hubad,
hindi tulad ng buhay nito sa
It wears clothes and rides nakaraan, may mga bagong pakpak,
the wind's current lumilipad.
inhales and flies away.
Suot ang damit lumilipad sa
himpapawid.

STRAY AND TATTERED DOGS LIGAW AT PINABAYAANG ASO

A flock of tattered dogs from Ang isang kawan ng mga aso mula sa
neighbors brawl, kapitbahay kumahol,
stray dogs join them and roar kumahol ang mga aso
forcefully together. ng sama-sama.

Meanwhile, my head is shaken Samantala, ang aking ulo ay inalog


as if my heart is about to fall. bilang kung ang aking puso ay
The surroundings boil from the hell- tungkol sa mahulog.
rumble. Ang kapaligiran ay nag-iinit mula sa
kaguluhan ng impiyerno.
Woken up from a midnight dream
I can no longer sleep. Nagising ako mula sa isang
panaginip hatinggabi. Hindi na ako
I want to curse them: “be eaten by a nakatulog muli.
tiger”,
but there are no more tigers in the Gusto kong isumpa ang mga ito:
city "sana’y kainin kayo ng mga tigre",
no feline predator. ngunit wala nang mga tigre sa
Thinking of going to hit them, I lungsod
withdraw, wala ng feline maninila.
a neighbour.
The difficulty of stray and tattered Nag-iisip akong puntahan silat
dogs! sipain, ngunit di ko na tinuloy
Ang kahirapan ng ligaw at
pinabayaan na aso!
SLEEPLESS NIGHT WALANG TULOGANG GABI

In the darkness of night, Sa kadiliman ng gabi,


head fallen on pillow, bumagsak sa unan ang ulo,
pairs of eyelids connect pares ng eyelids kumonekta
and try to sleep, at subukang matulog,

but cannot. ngunit hindi maaari.


Chest fills with thoughts Dibdib ay pumupuno sa mga
about self and nation. pananaw
tungkol sa sarili at bansa.
Uncontrollable mind wonders
America, Africa, sun and moon Uncontrollable isip kababalaghan
freely across the globe. America, Africa, sun at ang buwan
malaya sa buong mundo.
It’s said that counting 1, 2, 3 leads to
sleep Ito ay sinabi na pagbibilang ng 1, 2, 3
but it takes 100,000. mga lead sa matulog
It’s exhausting, the struggle ngunit ito ay tumatagal ng 100,000.
to sleep. Ito ay pagkaubos, ang pakikibaka
matulog.
But soon comes rooster’s declaration
beginning the new day. Ngunit sa lalong madaling panahon
Dawn approaches and day arrives ay pagpapahayag ng rooster
Goodbye, goodbye, sleepless night. nagsisimula ang bagong araw.
Dawn ay nalalapit at dumating ang
araw
Paalam, paalam, walang tulogang
gabi.

Mya Kabyar (Burma, 1974)

Si Mya Kabyar ay ipinanganak noong 1974 sa Palewa, State Chin. Siya


ay lumaki at nagtapos sa mataas na paaralan ng State Chin, pagkatapos ay
pinag-aralan ng pilosopiya at nagtapos mula sa Rangoon University. Nadama
ni Mya Kabyar ang kagandahan ng tula at nagsimulang magsulat noong siya
ay nasa mataas na paaralan pa. Ang kanyang unang tula ay naglalarawan ng
Chin at napublish sa magazine ng kanyang paaralan noong sa 1990. Siya ay
nakatira sa Yangon mula noong 1994.

Habang nagsusulat si Mya Kabyar sa isang postmodern style, popular sa mga


tulang Burmese, nakikita niya ang kanyang sarili na nasa labas ng Burmese
pampanitikan, na naglalarawan siya bilang hiwalay sa Chin pampanitikan
eksena: ‘It seems to be difficult. I didn’t try to enter because for me I think it is
hard to be part of that community. Nananatili siyang lubos na
maimpluwensyang sa loob ng Chin pampanitikang lupon bilang isa sa mga
nangunguna sa Chin sa paggawa ng mga kontemporaryong tula.

Mga Tula ni Mya Kabyar

GREATER COUCALS

If we follow the greater coucal,

We arrive in the city.

Chin proverb

There are many

Flying coucals

In the hills.

Some coucals

Fly for food

Some coucals

Fly for metaphors

And arrive in the city . . .

Some coucals

Fly for a place to live


For education

With many excuses

Some fly straight

Some fly upside down

Some fly in separate flocks

Some fly high

Some fly against the wind

Some fly with the wind

There are forms of flying

Flying has multiple techniques

Take strength from fresh air

All arrive in the city . . .

Yes those coucals

Sometimes

Miss a simple life

The hill tradition of

Searching for bamboo shoots and mushrooms.

Sometimes

They miss cool, sweet hkwado night

By the fire

With the music of rice wine.

Sometimes

They miss the tastinness

Of upland rice

With ash curry.

If you peel the skin


Inside their heart

Aren't the hill people coucals?

However . . .

(Except some), most coucals don't

Return to the hills

Yes . . .

In the city

There are many coucals

That cannot fly.

TO THE SNOWY MOUNTAIN RANGE

Hornbills

boast of their faithful blood.

Pink kopsia brightly flower.

At the mountain range

the snow is laying its eggs

with a sense of white longing

blowing forcefully into my chest.

By now

The mountain is covered with snow.


Iba pang mga Tula

PAGHAYO

(Alay Sa Mga Bayani Ng Burma)

Kay gandang pagmasdan

Ang mukha mong maamo

Paghaplos sa palad

At pagkipkip sa bisig ko

Akin kang aarugain

Hanggang sa dulo ng hininga ko

Yan ay aking pangako

Sa Diyos at sa bayan ko

Ngayong malaki ka na

At husto na ang isip mo

Bisig ay lumaki

Mga ugat ay di maitago

Laging usal mo

Inay bakit ganito

Tayo ba ay alipin

Sa sariling bayan

Ay lumalayo

Patuloy kang nag isip

Sistema ay ginagap

Inaral ang pangyayari


Na noon pa may dinaranas

Silang mapaniil

Sa laya’y kumitil

Karahasan ay sinambulat

Sa bayan ay nagpahirap

Nyayon ina

Akin namang iuusal

At ang muli kong pagyakap

Kasabay nito ay paglisan

Saan man mapunta

Aking ipagsisigawan

Mga totoong pangyayari

Na sa bayan ko’y nagaganap

Huwag kang malulungkot

Mahal kong ina

Ako ay babalik

At ang pangako

Ay dala

Sa muling pag usal

Kasama ko na sila

Sabay sabay na tatanglaw

Sa kalayaang

Abot tanaw na
Ginoong Charley, Ikaw ang Pinili Ko

Ni: Maung Chaw Nwe

Ginoong Charley, Ikaw ang Pinili Ko

Ni Maung Chaw Nwe Ginoong Charley

Ikaw ang pinili ko.

Sasabihin kong muli, Ginoong Charley,

Ikaw ang pinili ko.

Ikaw! Ginoong Charley, tanging napili ko,

Karamihan dito ay dahil sa iyo.

Isang magandang pagkakataon ang ika’y mapili,

Ngayon ay napagatanto ko Ikaw Ang napili mo ay marami.

Marami sa amin ang naghintay sa iyong pagpili, Ngayon ay mas alam ko na.

Tumingin ka...

Ginoong Charley, Natutunan mo kung paano dumiskarte, Bago ka natutong


mamili.

Ikaw

Ay manggagawang hindi sinanay,

Ikaw ay isang baliw sa sinapupunan, Ang pagkakakilala ko sa iyo Ay naging

basura.

Tumingin ka... Ginoong Charley, Ang basura ay higit pa sa dugo’t laman.

Ikaw ang pinili ko Ang iyong pinili At ang iyong pinabango.

Hayaan mong linawin ko ang aking sarili, Ginoong Charley, Ikaw ang pinili ko..
Tagtuyot

Ni: Tin Moe

Luha

isang Strand ng kulay-abo na buhok

isang dekada nawala

Sa mga taon

ang honey ay hindi matamis

mushroom ay hindi usbong

farmlands ay parched

Nag-hang mababa ang ambon

ang kalangitan ay gloomy

Ulap ng dust

sa track cart

Acacia at creepers

at tinik - spiral blossoms

Ngunit ito ay hindi kailanman rained

at kailan ito ginawa ulan ,

ito ay hindi kailanman poured

Sa village na front monasteryo

walang Bells Rang

walang musika para sa tainga

walang novice monks

walang tinig pagbabasa nang malakas


Tanging ang lumang lingkod na may binabaan ang ulo

sprawled kabilang sa mga post

At ang lupa

tulad ng prutas masyadong mahiya na lumabas

walang bunga

sa kahihiyan at kalungkutan

glances sa akin

Kailan mababago ang mga luha at

ang Bells tumawag matamis

HELE

Ni Eaindra

Ang kanyang ngitit ay nakamamatay.

Saunangsulok ng akingpagpapalawig ng kanangkamay Kultura 'y


palsipikado...

Hindi kanagkunwaring Napapansin ang akingpagkukunwari.

Naging kasuklam-suklam Ang magingbalingkinitan at matatag...

Ako ay nanginigsalamig.

Ito na...

Ang pagkahalata ng akingpaghibik

Hanggang ang mga bisig ng gabi ay bumigay

Magkukunwariakonghindinapansin

Ang iyong paghihinala.


Sarong Banwa

Ni: Dennis Calvan

Noong ika 19 ng Oktubre 2007, nakadalo ako sa isang pagpupulong na


inihanda ng Alternative Lawyering Group. Nagkaroon ng bahaginan ang 15
kinatawan na nanggaling sa bansang Burma tungkol sa kanilang karanasan
ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao ng military junta sa bansang
iyon. Sa kanilang pagsasalaysay ng kanilang karanasan, lumabas ang matindi
nilang paniniwala kay Aung San Suu Kyi bilang lehitimong lider ng oposisyon
at ng kilusang pangdemokratiko sa Burma. Ang nakakalungkot sadyang
mapaniil ang mga lider heneral ng kasalukuyang pamahalaan ng Burma
sapagkat sa mahabang panahon nananatiling bilanggo si Aung San Suu Kyi sa
kanilang bahay.

Higit pa doon, isinalaysay din nila kung paano umiimbento ng mga


kwento ang pamahalaan tungkol sa tunay na nangyayari sa loob ng bansa.
Kung ganon, mas malalim ang suliraning kinakaharap ng mga taga Burma.
Higit pa dito sa inaakalang puno’t dulo ng pag-aklas ng maraming
mamamayan ng Burma: ang pagtaas ng presyo ng langis na sinasabing
nagdulot ng malaking ‘discomfort in the minds of the poor’. Mayroon ring
lumalabas na may pagkakawatak watak ang mga mamamayan dala na marahil
ng matinding talaban ng mga iba’t ibang grupo sa bansa. Mas ipinaigting pa
ang talabang ito ng iba’t ibang panawagan upang mabigyan ng solusyon ang
kasalukuyang suliranin ng Burma. May iba na nananawagan ng malayang
halalan at mayroon namang nananawagan ng pagbabago sa kanilang Saligang
Batas. Ang iba ay nagnanais na ipatupad ang tinatawag nilang ‘7 Steps to
Democracy’ samantalang ang iba ay nag-uudyok na makialam na ang United
Nations at ibang maimpluwensiyang bansa. Sa huli, lumitaw na dahil sa
masalimuot na suliraning ito, marami sa mga tagaBurma ang nawawalan na
ng pag-asang makalaya ang bansa sa kamay ng military junta. Hindi ko lubos
maiwasan na ihambing ang Burma sa Pilipinas noong panahon ng Martial Law
sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Subalit kung susuriin, mayroon silang bagay na wala pa tayong mga


Pilipino. Napansin ko kasi na gagap nila ang kanilang sariling wika. Maalam
din ang karamihan sa kanila tungkol sa kanilang kasaysayan. Mismong petsa
at araw ng mga mahahalagang bagay ay alam nila. Napansin ko na habang
isinasalaysay nila ang kanilang kwento bilang isang bayan, mayroong
pagmamalaki at pagyayabang. Bagay na aking kina-ingitan. Ang mga
magigiting na taga-Burma ay nagsasalaysay ng kanilang karanasan gamit ang
kanilang wika. Kinakailangan pang isalin ito sa wikang Ingles ng ilan sa
kanilang mga kasama na may kaunting nalalaman sa wikang Ingles. Para sa
akin, ang paggamit ng sariling wika upang isalaysay ang kwento ng isang
bansa ay patungo sa pagbubuo ng isang malayang bayan. Ipinakita ito ng mga
taga-Burma. Marahil magandang dito sila mag-umpisa. Ang kanilang
kaalaman tungkol sa kanilang mayamang kasaysayan ay umpisa ng pag-gising
at pagmulat ng kamalayan ng buong bayan. Maaaring ito rin ang magsilbing
mitsa upang maka-igpaw sa tanikalang gawa ng mga lider heneral. Bunga
lamang ito ng aking pagmumuni-muni. Subalit naniniwala ako na ang susi sa
kanilang tagumpay ay nasa kamay ng mga mamamayan ng Burma. Wala ito sa
United Nations. Wala rin ito sa mga pilit na naghihimasok at nag-aastang sila
ang makakasagot sa suliranin ng Burma. Nasa kamay ito ng mga mamamayan
na matagal nang nagmamasid at inuunawa ang kanilang kalagayan. Mula sa
kanila, uusbong ang isang malayang Burma na naaayon sa kanilang sariling
pamantayan ng kung ano ang mahalaga at nakakabuti para sa kanila.

Maikling kwento:

Ang Lawa

(Htin Lin)

Ni: Mg Di

Sa tuwing bakasyon, at sa tuwing dumarating ang Thadingyut ninanais kong


puntahan si Ko Khant sa kanilang bayan.

Habang ako’y nag-aaral pa ay palaging pumupunta roon tuwing walang


pasok. Ang kanyang bayan ay hindi kagaya ng ibang bayan sa Myanmar
ngunit dahil sa aking kaibigan na si Ko Khant ang kanilang bayan ay sadyang
kakaiba. Kaya kahit na masyadong mainit ang sikat ng araw nagagawa pa rin
akong patawanin, pasayahin at kwentuhan ng magagandang kwento ni Ko
Khant.

Si Ko Khant ay simple lamang at ordinaryong mamamayan ngunit


mayroong dignidad at makikita mong isang masayahing tao. Siya ay
palakaibigan at mabuting tao. Karamihan sa mga mamamayan sa kanilang
bayan ay nagugustuhan ang ugali niya. Ang tawag nila sa kanya’y Kuya Ko
Khant o kapatid Ko Khant. Siya ay isang batsilor at napili bilang isang lider sa
kanilang bayan sapagkat siya ay isa mga mga matatandang walang asawa sa
kanilang bayan. Hanggang sa kanyang edad na apatnapu (40) siya ay nakatira
sa kanyang byudang ina at minsang sinasabi na “Anak kahit na wala kang
asawa dapat kang maging masaya sa buhay.”

Ako at si Ko Khant ay gumagala sa bayan habang nakikita naming ang


mga babaeng nag-iigib ng tubig at kami’y nagbabasakaling makakita ng
magagandang binibini. Ang tawag ni Ko Khant sa mga kababaihan ay mga
kapatid o mga pamangkin kaya napatawa naman ang mga dalaga. Ang dami
niyang kilalang mga babae kaya ang swerte ko. Ngunit ang iba naman ay
masungit rin sa kanya.

“Hoy, tingnan mo ito.” “Kamusta ka na magandang binibini?”

Siya lamang ang babaeng nakatingin sa kanya ng ganon at ito ay si Ma


Hla Aye, ang pamangkin ni U Thudaw na isang lider ng sampung kabahayan.
Ako ay naintriga kay Ko Khant kung bakit niya kinaiinisan si Ko Khant
sapagkat sa kanilang bayan si Ko Khant ay mahal ng lahat. Siya naman ay
aking tinanong tungkol rito ngunit hindi niya ako sinasagot ng maayos. Kaya
ako ay naging interesado sa kanilang dalawa. “Kapatid kong Ko Khant, sabihin
mo na.” Si Ko Khant ay tumawa lang. “Wala yun kapatid, ayaw kong sabihin sa
iyo sapagkat ang isang salita ay maaaring maibunyag ang buong istorya.

“Anong buong istorya?” Sige na, sige na sabihin mo na sa akin ang


sekreto mo.”

Wala pa ring sinabi si Ko Khant ngunit tawa ng tawa habang sila ay


naglalakad. Lagi ko siyang kinukulit kaya sinabi niyang, “kung talagang nais
mong malaman ang totoo siguro nga kailangan ko ng sirain ang aking
pangako.” Sabi ni Ko Khant.

Huminto si Ko Khant at sinindihan ang isang kawayan at kami ay


umupo sa gilid ng isang punong Thabye. “Ito ay nagsimula noong water
festival,” nagsimula ng magsalita si Ko Khant.

Ang lahat ng tao dito sa bayan ay pumupunta sa monastery upang mag-


ayuno at maghandog sa Buddha. Ang iba’y nananalangin at karamihan ay
pumupunta sa monasteryo kaya walang natitira sa bayan. Kaming mga lider
ay pumupunta sa isang monasteryo at lumilipat naman sa ibang monasteryo
at an gaming kinakain ay nagmumula sa mga ibinibigay ng mga nagsisimba.

Noong nakaraang taon si ina ay pumunta sa monasteryo ng maaga at


ako ay nagluto at dinalhan siya ng kanyang makakain sa tanghalian. Matapos
ay tinamad na akong ihatid ang lalagyan ng pagkain sa bahay kaya naisipan
kong matulog sandali sa monasteryo. Ngunit ako ay hindi makatulog sa dami
ng tao sa aking paligid kaya naisipan kong humiram ng isang baning sa isang
monghe. Nang makita ako ng monghe siya ay natuwa ngunit nang humiram
ako ng banig siya ay nainis. “Matutulog ka na parang isang patay?” Sabi ng
monghe. “Walang pag-asa diyan, maupo ka at ika’y manalangin, pag nakita
kitang natutulog palalabasin kita.” Sabi ng monghe.

“Anong gagawin ko? Naiwan ko ang aking beads. Maari ko bang hiramin
ang sa iyo?” Tanong ko sa kanya.

Pinahiram naman niya sa akin ang kanyang beads. Ibinigay niya ito ng
maluwag sa akin. Kinuha ko naman ang kanyang beads at ako ay nanalangin
at pagkatapos ay umalis na. Kaya naman ako ay naglakad papalayo sa
monasteryo at pumunta sa isang lawa. “Natatandaan mo ba yung lawing sinabi
ko sa iyo noon?” Nang makarating ako doon nakita ko si Ma Hla Aye at siya ay
nag-iigib ng tubig. Biglang nadulas si Ma hla Aye at nahulog sa mga bisig ni Ko
Khant. Si Ma Hla Aye ay nakatitig kay Ko Khant ngunit siya ay nagmumura.

Si Ma Hla Aye ay naligo sa lawa at di niya alam na ako ay nasa likuran


niya. Siya at malakas na tumawa na tila kinikilig. “Maaari bang maligo ang
mga tao sa lawing iyon?” “Oo, noon lang.”

Ang lawing sinasabi ko ay ang isa pang lawa na kung saan pwedeng
liguan ng mga tao. Kaya doon kami nagkita ni Ma Hla Aye. Habang naliligo
siya’y biglang may kumagat na gagamba sa aking mga paa kaya napasigaw ako
at nahalata nga ni Ma Hla Aye na naroon din ako. Dahil bigla akong nahulog
napasigaw siya dahil nakita niya akong nakahubad. Kaya naman sinabihan ko
siya na huwag tumingin.

Pagkatapos anong ginawa mo? Nang marinig ko na mayroong mongheng


paparating ako ay natakot baka pagalitan niya kami. Ngunit si Ma Hla Aye ay
pinakiusapan niya akong kunin ang kanyang mga damit kaya ginawa koi to.
Nang matapos siyang magbihis ay dala niya ang kanyang balde na puno ng
tubig. Gayunpaman ay pinagalitan niya ako ngunit tawa lang ako ng tawa kaya
galit na galit siya nang umalis.

“Isinusumpa ko, ikaw ay kakagatin ng ahas dahil sa ginawa mo.” Ang


sigaw ni Ma Hla Aye.

Si Ma Hla Aye ay may maamong mukha at magandang dalaga lalo na


pag suot niya ang Thanakha sa kanyang mukha. Dahil sa galit niya sa akin ay
nahulog ang balde na inilagay niya sa kanyang ulo. At bigla kaming
nagtakbuhan.
Nang kami’y makarating sa bahay ipinakita ng aking tiyahin ang isang
liham mula sa aking ina na nagsasabing kailangan ko ng bumalik sa aming
bahay dahil ang aking lolo at tiyahing mula sa Mandalay ay dumating na.
Nagmamadali naman akong ayusin ang aking mga gamit upang makahabol sa
byahe.

Dahil sa pagmamadali ni Ko Khant ay hindi na niya naikwento ang


lahat-lahat sa binata. Kaya siya ay umalis ng bayan na tila nabitin sa mga
kwento ni Ko Khant.

Nang muli naman kaming magkita ni Ko Khant, nang siya ay pumunta


sa syudad para sa isang bagay ay tinanong ko na naman siya sa karugtong ng
kanyang kwento tungkol sa kanilang dalawa ni Ma Hla Aye. Habang nakikipag-
usap siya sa aking mga magulang siya ay natawa sa aking kakulitan. “Paano
kayo nakalabas sa lawa?” Tanong ko sa kanya. “Hindi mo pa pala iyon
nakalimutan? Grabe naman ang memorya mo.” Sagot ni Ko Khant sa binata.
Ngunit hindi niya pa rin sinagot ang tanong ng binata.

At ako ay naiwang hindi naresolba at nasagot ang aking mga tanong


tungkol kay Ma Hla Aye at Ko Khant. Kaya kung ako ay mamamatay sa araw
na ito, sigurado akong hindi ito isang magandang kamatayan.

Ang Malalaking Halaga Kumpara sa Maliliit na Halaga

(Si Atta Kyaw)

Ni: Pen Nyunt Way

Hindi dahil ayaw kong kumain, sapagkat kaya ko namang gumastos


para sa aking sarili, hindi lang talaga ako gutom.

Gayunpaman, ang oras ay lumipas sa pananghalian. Alam nila na mula


umaga’y hindi ako kumain, dahil ipinagmaneho ko sila mula kaninang umaga
hanggang ngayong hapon. Sila ay ang may-ari ng bagong bahay sa Golden
Valley na patuloy pang ginagawa hanggang ngayon. Ako ay kanilang sinuhulan
upang maging drayber nila.

Sinabihan nila akong magmaneho patungo sa isang Chinese restawrant


na kilala sa tawag na Ruby. Nang sila ay bumaba papunta sa loob ng
restawrant di man lang nila ako niyaya, ngunit ganyan daw talaga ang
patakaran ang isang drayber ay maghihintay lamang sa loob ng taxi at
maghihintay kung kalian babalik ang kanyang mga pasahero sapagkat siya ay
binayaran na upang magmaneho para sa kanila. Sapagkat ako ay nagugutom
na at sa tingin ko’y kailangan ko ng kumain. Ako ay pumasok sa restawrant at
nag-order ng para sa akin lamang. Noong una’y di nila ako nakita dahil sila ay
abala sa kanilang kinakain.

Nang lumapit ang waiter sa akin kami ay nagkatinginan ng aking mga


pasahero. “Oh, ikaw pala yan, halika at makisabay ka na sa amin.” Sabi ng
kanyang mga pasahero. Alam kong napilitan lamang silang sabihin iyon dahil
nakita na nila ako. “Walang anuman, kanina niyo pa sana ako pinagsabihan.”
Sagot ng drayber. Ang kanyang mukha’y tila napahiya.

Pabalik sa konstraksyon ng kanilang bagong bahay, pinakiusapan


naman nila akong ihatid ang mason sa kanilang bahay. Ang bahay ng mason
ay nasa lugar ng mga mahihirap sa South Okkalapa, upang matawid ko ito’y
kailangan kong pagdaanan ang mga makakapal na linya at ang kalsadang
butas-butas. Ang kanyang bahay ay tulad ng isang maliit na bahay kubo.

“Halika, tuloy ka, at inumin mo itong tsaa.” Alok ng mason sa kanya.

“Ayos lang gawin mo na at tapusin ang dapat mong gawin.” Sagot ng


drayber. Ang mason ay lumabas mula sa bahay kubo at may dalang tsaa. Ako
ay naaawa sapagkat nakikita kong nahihirapan ang mason upang dalhin ang
tsaa. “Naku, pasensya na, nag-abala ka pa.” Sabi ng drayber.

“Ayos lang.” Sinundan ko siya sa loob ng bahay kubo at ininum ang


tsaang inihanda niya para sa akin.

Bagong Kaibigan

Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw


akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito.
Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa
papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan.
Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman
at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka
upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko
na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon
nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon.
Kaya bumalik na lamang ako sa amin.

Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na


maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah!
Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero
walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at
nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay
bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay
nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak!
Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit
ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa
kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan
kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay
kinalabit na ako ni inay.

“Gising na anak, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”

“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na


angschool bus.“

Sanaysay ni Pan Mwan Wa

MAPAPANSING nagsisimula ang kapalaluan ng tao sa maagang bahagi


ng buhay. Kasama marahil sa kalikasan ng tao ang pagkapalalo.
Nagpapamalas ng pagmamataas ang isang batang sutil o matigas ang ulo.
Kapag ang bata’y nag-aalboroto, naglulupagi, o nagpapagulong-gulong sa sahig
— at sinamo ng nakatatanda — tinutulutan siyang magbuo sa pagkatao ng
kapalaluan. Makabubuting kung nasa ganitong sitwasyon ang bata, ay iwang
mag-isa. Sa malao’t madali’y matutoto siya ng leksiyon—nababawasan ng di
pagpansin ang pagmamataas, hindi man lubusang maiwaglit sa pagkatao ng
isang paslit.

May mga katangiang hindi maikukubli ang kapalaluan. Hindi


makapagpatawad sa kapuwa ang isang taong palalo. Tulad ni Hudas Iscariote
na di natutong umamot ng tawad kay Hesus matapos na maipagkanulo, ang
isang palalo’y hindi rin marunong humingi ng tawad. Sa lahat ng pagkakataon
ng paligsahan, gusto niyang siya ang laging manalo — kung hindi’y tila
ikapupugto yaon ng kanyang hininga. Wala siyang pitagan at hindi siya
marunong magpasalamat. Bakit nga naman siya magpapasalamat? Sa isip
niya’y importante siya, kaya dapat na paglingkuran nang libre ng sinuman.
Kung may mabalitaan siyang ginawang mabuti o mahusay ang kapuwa, hindi
siya makapayag at pipintasan niya yaon. Sasabihin sa harap ng marami na
“walang kuwenta...kayang gawin iyon ng kahi’t sino...higit na mahusay ang
magagawa ko.” May mga ekspresyong hindi magamit-gamit ng isang taong
palalo, tulad ng “ikinalulungkot ko,” o “ako ang may pagkakamali” o kaya’y
“binabati kita!”

Bumibintog na parang lobong puno ng hangin ang ulo ng taong


mapagmataas. Kapag sinundot ito ng matulis na bagay ay biglang sasabog sa
pagkapahiya at titilapon sa kawalan. Kung minsan, nagkukunwang aba ang
isang palalo, nagsasalita siya ng laban sa kanyang sarili. May paraan upang
hindi magtagumpay ang kanyang panlilinlang at pagkukunwari. Kapag sinabi
niyang “hamak lamang ako, wala akong kuwenta...” agad sumang-ayon at
malakas na itugong “totoo ang sinabi mo!” Bantayan kung ano ang
mangyayari: malamang na siya’y mag-istabarangka!

Kapalaluan ang sanhi ng pagbagsak ng unang magulang nating si Adan


at ng kaaway nating si Lucifer. Kapuwa sila naghangad na mapantayan o
malaluan pa ang kapangyarihan ng Diyos. Kapalaluan din ang ginawang
panunukso ni satanas sa Panginoon na lumundag mula sa templo, at
pagkatapos ay iligtas ang sarili upang tumanyag at maging usap-usapan ng
buong bayan (Lk 4:11).

Marami ang nagpapalagay na ang kapalaluan ay kasalanan lamang ng


masasamang tao. Hindi tunay ang sapantahang yaon, nakikita rin sa
mabubuting tao ang kapalaluan. Magugunita ang kuwento sa Ebanghelyo
tungkol sa isang nananalanging Pariseo. Habang dumadalangin, sinasabi niya
sa Diyos ang mabubuting bagay na ginagawa niya. Totoong ginawa nga niya
ang mga iyon, kaya maituturing na mabuti siyang tao. Nguni’t ang mabubuti
niyang ginawa ay laging iniisip...ipinangangalandakan...at ipinagmamalaki —
at iyon ang nakasira (hindi naging kasiya-siya sa Panginoon) may ginawa man
siyang kabutihan (Lk 18:9-14).

Animo’y bokbok na kumakain mula sa ilalim ng nakatumpok na


galapong o bigas ang kapalaluan. Parang anay rin itong sumisira sa kahoy na
haligi, batangan, at iba pang kagamitang nasa isang tiwasay at payapang
tahanan, danga’t di nito makayang ngatngatin ang mga kongretong sangkap.
Gayunpama’y dapat tayong maingat — iwasan at layuan ang nagngising
kapalaluan na nagtatago sa pusong binubokbok at nagkukubli sa budhing
inaanay. Nakapangingilabot at mapanganib na sumalamuha sa naglipanang
multo ng pagmamataas, kahi’t isipin pang ang nagpapakataas ay ibinababa at
ang nagpapakababa ay itinataas. Tulad din ng lisyang pagmamahal sa salapi
ang demonyong kapalaluan! — ugat ng sangkabuntong kasalanan. –

Kwentong-bayan:

The Four Puppets

Once there was a puppet maker who had a son named Aung. The father always
hoped his son would grow up to be a puppet maker like himself. But to Aung,
such a life was far from exciting.

“Father,” said Aung one day, “I’ve decided to leave home and seek my fortune.”

The puppet maker looked up sadly from his work. “I wish you would stay, my
son. The life of a puppet maker is an honorable one. But if you must go, let me
give you companions for your journey.”

He showed his son four wooden puppets he had carved, painted, and
costumed. “Each puppet,” he said, “has its own virtue and value.”

The first puppet was the king of the gods. The puppet maker said, “The god’s
virtue is wisdom.”

The second puppet was a green-faced ogre. “The ogre’s virtue is strength.”

The third was a mystic sorcerer. “The sorcerer’s virtue is knowledge.”

The fourth was a holy hermit. “The hermit’s virtue is goodness.”

He told his son, “Each of these virtues can help you on your way. But
remember, strength and knowledge must always serve wisdom and goodness.”

Aung started off the next day. On his shoulder he carried a bamboo pole, with
food and clothing tied at one end, and the puppets hanging by their strings
from the other.
When night came, Aung found himself deep in the jungle. He stopped beneath
a banyan tree.

“This looks like a good place to sleep,” he said to himself. “But I wonder if it’s
safe.”

Then Aung had a funny idea. “I think I’ll ask one of the puppets!” He turned
with a smile to the king of the gods. “Tell me, is it safe here?”

To his amazement, the puppet came alive. It got down from the pole and grew
to life size.

“Aung,” said the god, “open your eyes and look around you. That is the first
step to wisdom. If you fail to see what is right before you, how easy it will be for
others to misguide you!”

And the next moment, the puppet was hanging again from the pole.

When Aung had gotten over his shock, he looked carefully all around the tree.
There in the soft earth were the tracks of a tiger! That night he slept not on the
ground but in the branches above. And he was glad he did, for in the middle of
the night, he saw a tiger come prowling below him.

The next day took Aung into the mountains, and at sunset he left the road and
camped a little way up the mountainside. When he awoke the next morning, he
saw a caravan coming along the road below. A dozen bullock carts were piled
high with costly goods.

“That caravan must belong to some rich merchant,” Aung told himself. “I wish I
had wealth like that.”

Then he had a thought. He turned to the green-faced ogre. “Tell me, how can I
gain such riches?”

Aung watched in wonder as the puppet left the pole and grew to life size. “If you
have strength,” boomed the ogre, “you can take whatever you like. Watch this!”
He stamped his foot and the earth shook.

“Wait!” said Aung. But it was too late. Just below them, dirt and rocks broke
loose in a landslide. It rushed down the mountain and blocked the road. The
terrified drivers jumped from their carts and ran off.
“You see?” said the ogre.

“Is it really that easy?” said Aung, in a daze.

He hurried down to the carts and rushed from one to another, gaping at the
heaps of rich fabrics and piles of precious metals. “And all of it’s mine!” he
cried.

Just then, Aung heard a sob. Lying huddled in one of the carts was a lovely
young woman his own age. She cried and shivered in fear.

“I won’t hurt you,” said Aung gently. “Who are you?”

“My name is Mala,” she said in a small voice. “My father is the owner of this
caravan. We were on our way to meet him.”

All at once, Aung knew he was in love. He wanted to keep Mala with him
forever. “Don’t worry,” he said. “I’ll take you with me and care for you.”

Mala sat up angrily. “Go ahead! Take me, like you’re taking everything else! But
you’re just a thief, and I’ll never, ever speak to you!”

Aung was shocked. Was he really just a thief? He didn’t know what to say.

The ogre came up beside him then. “Don’t listen to her. She’ll change her
mind—and anyway, the important thing is you got what you wanted. Now, let’s
go.”

The ogre cleared the road, then helped Aung lead the caravan. That afternoon,
they came out of the mountains, not far from the capital city.

Aung asked the ogre, “What should I do, now that I have all these riches?”

“Don’t ask me!” said the ogre. “Ask the sorcerer!”

Aung turned to the mystic sorcerer. “Can you tell me?”

The puppet came to life and floated before him, as Mala looked on with wide
eyes. “If you want your wealth to grow,” said the sorcerer, “you must learn the
secrets of nature.”
He tapped Aung with his red wand, and together they rose high in the air.
Looking down, Aung saw everything in a new way. He could tell what land was
best for farming, and which mountains held gold and silver.

“This is wonderful!” said Aung. “Just think how I can help people with what I
know!”

“Certainly you could,” said the sorcerer. “But knowledge is power. Why not
keep it all for yourself instead? Isn’t that what other people do?”

“I suppose so,” said Aung.

So they came to the capital city. Aung became a merchant, and with the help of
the ogre and the sorcerer, he grew many times richer than at first. He bought a
palace for himself and Mala, and kept the puppets in a special room of their
own.

But Aung was not happy, for Mala still would not speak to him.

One day, he placed before her a headdress fit for a queen. The heavy gold was
set with dozens of large rubies, sapphires, and emeralds. The magnificent piece
had cost Aung a third of his wealth.

Mala took one look and pushed it away.

Aung was heartbroken. He said, “Don’t you know I love you?” But she only
glared at him and said not a word.

The next morning, Aung went to the puppets’ room and spoke to the ogre and
the sorcerer. “Mala’s father must now be very poor, while I have more than I
need. I’ll help Mala find him so I can pay him for what I took. Maybe then she’ll
speak to me, and even learn to love me.”

“A terrible idea!” said the ogre. “You should never give up what is yours. You’re
just being weak!”

“Besides,” the sorcerer told him, “you’re too late. Mala ran away last night.”

“What?” cried Aung. He rushed through the palace, but Mala was nowhere to
be found.
Aung returned to the puppets’ room in despair. “What good is all my wealth if
I’ve lost what I care for most?”

For once, the ogre and the sorcerer were silent and still.

Then Aung remembered there was one puppet he had never called on. He
turned to the holy hermit. “Tell me, why has everything gone wrong?”

The puppet came to life. “Aung, you imagined that wealth brings happiness.
But true happiness comes only from goodness. What is important is not what
you have but what you do with it.”

The king of the gods then came to life and stood beside the hermit. “You forgot
what your father told you, Aung. Strength and knowledge are useful, but they
must always serve wisdom and goodness.”

“I won’t forget again,” said Aung.

From that day on, Aung used his wealth and his talents to do good. He built a
splendid holy pagoda, and offered food and shelter to those who visited the
shrine.

One day among the visitors, Aung saw a young woman he knew well. An older
man stood beside her, both of them wearing humble clothes.

“Mala!” cried Aung. He rushed over to the startled young woman and knelt
before her puzzled father.

“Sir, I have done you great wrong. I beg your forgiveness. All I have is yours,
and I give it up gladly. I will be content to return to my village and make
puppets.”

“Father,” said Mala softly, “this is Aung. But he has changed!”

“So it would seem!” said her father. “And if so, it would be a shame to let go of
a young man of such talent. Perhaps he would like to work for me, and live
with us in the palace.”

So Aung became the merchant’s assistant, and before long his partner, and
when Mala’s heart was won, his son-in-law.
As for the puppets, Aung still called on them as needed. But though he was
helped often by strength and knowledge, he was guided always by wisdom and
goodness.

You might also like