Professional Documents
Culture Documents
Doktrina Compre 2016 - 1004644932
Doktrina Compre 2016 - 1004644932
• Kaya batay sa Gawa 2:22-23 ETRV, siya ay very special man. Hindi po siya
ordinaryong tao.
B. Polemical
3. “Kung may mga pahayag sa Biblia na si Cristo ay tao, ito’y hindi nangangahulugan na
Siya’y tunay na tao kundi ang mga ito ay nagpapahayag na Siya ay Diyos na
nagkatawang-tao.” Pabulaanan ang pahayag na ito.
Sagot:
• Salungat po sa aral ng Biblia ang paniniwala po ng iba na si Cristo ay Diyos na
nagkatawang-tao. Mali po ba si Apostol Pablo nang sinabi niya na si Cristo ay truly
human? (I Tim 2:5 CEV); Hindi po ba totoo ang sinabi ng ating Panginoong Jesucristo
na siya ay tao? (Juan 8:40)
• Sino po ang mali? Ang mga nagtuturo na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao dahil
ang tunay na Diyos ay hindi nagbabago ni kahit anino man ng pag-iiba (Mal 3:6; Sant
1:17); Ang Diyos ay hind tao at ang tao ay hindi Diyos (Oseas 11:9; Ezek 28:2)
• Hindi po galing sa Diyos ang paniniwala na ang Diyos ay nagkatawang-tao. Ito’y
paniniwala ng mga pagano (Gawa 14:11 NPV)
4. “Si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao. Kaya. Siya ay may dalawang kalikasan, Diyos na
totoo at tao pang totoo.” Pasinungalingan ang paniniwalag ito.
Sagot:
• Salungat po sa aral ng Biblia na si Cristo ay Diyos na nagkatawang -tao dahil ang
tunay na Diyos ay hindi nagbabago ng kalikasan - hindi nagbabago ni kahit anino
man ng pag-iiba (Mal 3:6; Sant 1:17)
• Hindi mangyayari na ang Diyos ay nagkatawang-tao dahil hindi Siya pumapayag na
Siya ay Diyos na at tao pa (Oseas 11:9). Wala Siyang dalawang kalikasan. Maging ang
ating Panginoong Jesucristo ay walang dalawang kalikasan dahil siya ay tao (Juan
8:40) at ang tao ay hindi maaaring maging Diyos din (Ezek 28:2)
• Kung tatanggapin natin ang kanilang argumento na dalawa ang kalikasan ang ating
Panginoong Jesucristo ay lilitaw na magiging dalawa ang Cristo - Cristo na tao at
Cristo na Diyos. Labag po ito sa pagtuturo ng Biblia na iisa lamang ang Cristo (I Cor
8:6). Pinatotohanan ni Cristo na Siya ay tao at kailanman hindi sinabi na Siya ay
Diyos.
5. “Sinabi ng Diyos sa Gen 1:26: ‘Lalangin natin ang tao ayon sa ating larawan.’ Ang kausap
o ka-natin ng Diyos sa paglalang ay ang dalawang persona: Si Cristo at ang Espiritung
Santo.” Pasinungalingan ang argumentong ito.
Sagot:
• Isang malaking maling paniniwala na si Cristo ay ka-manlalalang ng Diyos at existido
na mula pa noong una dahil:
★ Sino po ba ang kausap ng Diyos nang lalangin Niya ang tao? Ang mga kerubin - isang
uri ng anghel (Gen 3:24)
C. Apologetic
6. “Mali ang Iglesia ni Cristo sa paniniwala na dahil sa ang Diyos ay ang Ama ay hindi na
Diyos si Cristo. Sapagkat sinabi ni Cristo sa Juan 10:30 na ‘ako at ang Ama ay iisa.’ Kaya
iisa sila sa pagka-Diyos.” Sagutin ang tuligsang ito
Sagot:
• Kung mali ang turo namin ay lilitaw mali ang turo ni Cristo na siya ay tao at iisa
lamang ang tunay na Diyos, ang Ama na nasa langit (Juan 8:40; Juan 17:1,3). Alin
po ba ang mali ang turo po nila na si Cristo ay Diyos. Bakit? Kung babasahin ulit ang
nakasulat sa Juan 10:30 ay sinabi ba na ako ang Ama ay iisang Diyos?
• Hindi maaaring iisa ang ating Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Jesucristo
dahil magkaiba sila sa kalikasan: Ang Diyos ay espiritu - walang laman at mga buto
subalit ang ating Panginoong Jesucristo ay meron (Juan 4:24; Luk 24:39).
• Hindi rin maaari maging isa sa kadakilaan. Ang Ama ay lalong dakila kaysa kay Cristo
(Juan 10:29-30; Juan 14:28 at Knox)
• Maging sa karunungan ay hindi sila iisa (I Juan 3:20; Mat 24:36)
• Kung ganon, saan sila naging isa? Sa pangangalaga ng kawan ayon sa konteksto ng
talata (Juan 10:28-30)
• Kung sasanguniin ang iba’t-ibang salin ng Biblia
• Ako at ang Ama ay iisa sa puso at isip (MSG)
• Ako at ang Ama ay nagkakaisa (Simple English Bible)
• Ako ay kaisa ng Ama (CEV)
• Ako at ang Ama ay nagkakaisa (Lamsa)
• Kung pag-uusapan ay bilang, ay dalawa sila hindi iisa (Juan 8:16-18 Amp)
7. Nakasulat sa Juan 1:1,14 na ang Verbo ay Diyos at ang Verbo ay nagkatawang-tao. Ang
tinutukoy na Verbo ay si Cristo. Kaya, nagkakamali ang Iglesia ni Cristo sa pagtutol sa
aral na si Cristo ay Diyos na nagkatawang tao.” Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Hindi po mali ang ginawang pagtutol ng Iglesia ni Cristo sa aral na ang Diyos ay
diumano nagkatawang-tao. Ang totoo wala tayong mababasa sa Biblia na wasto ang
pagkakasalin nito na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao, manapa’y ito’y labag sa
Biblia. Kaya marapat lamang ito’y tutulan.
• Bakit sinabi nating mali ang paggamit nila sa Juan 1:1,14 upang patunayan na si
Cristo ay verbo kaya siya ay Diyos na nagkatawang-tao? Sapagkat mali ang kanilang
pakahulugan sa banggit na verbo. Ano po ba ang kahulugan ng verbo? Isang banaag
na kaisipan na nagmumula sa Ama o nasa isip na Siya ng Diyos buhat sa pasimula
(Juan 1:1 BTK [fn]; I Ped 1:20 BTK). Kaya wala pang substance o eksistensiya sa
simula kundi ito’y plano o balak ng Diyos na naging pangako tinupad ng Diyos (Rom
1:2-3)
• Kung ang verbo ay plano ng Diyos bakit sinabi na ang verbo ay Diyos? Inuuri lamang
ang salita ng Diyos sa Diyos na nagsasalita. Kung paano ang Diyos ay
makapangyarihan (Gen 17:1) ay gayon din ang Kaniyang salita (Luk 1:37). Hindi po
ito nagpapahayag na si Cristo ay Diyos.
• Ang mga iba’t-ibang salin na nagpapatunay na adjective at hindi noun ang ginamit sa
banggit na Diyos - Word was Divine (Moffatt at Goodspeed)
• Bakit po sinabi na nagkatawang-tao ang verbo? Sapagkat natupad ang salita ng Diyos
ang pagkakaroon ng Cristo (Juan 1:14 NPV) at tao ang likas niyang kalagayan (Mat
1:18,20,22)
LIKAS NA KALAGAYAN NI CRISTO (B)
A. Expository
1. Ano ang paliwanag ng Iglesia ni Cristo sa sinasabi sa Mateo 1:23 na si Cristo ay binigyan
ng pamagat o pangalang “Emmanuel” na kung liliwanagin ay “sumasa atin ang Diyos”
(Mat 1:23; Isa 7:14)
Sagot:
• Ang pariralang “sumasa atin ang Diyos” ay siyang kahulugan ng salitang Emmanuel.
Hindi nangangahulugang na si Cristo and Diyos na sumasa atin (Mat 1:23 NEB).
• Kaya ang kahulugan ng pangalang Emmanuel ay sumasa atin ang Diyos sapagkat sa
pamamagitan ni Cristo ay makikisama at sasaatin ang Diyos (Gawa 10:38). Sa
pamamagitan ni Cristo ang pakikipagkasundo ang tao sa Diyos (II Cor 5:18-20)
• Wala pong tuntunin na kung ano ang kahulugan ng kaniyang pangalan ay siyang
likas na kalagayan. Halimbawa: Pedro - Bato (Juan 1:42 KJV); Dorcas - Usa (Gawa
9:36)
2. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na ang nakakita sa Kaniya ay nakakita sa Ama?
Sagot:
• Ang tunay na Diyos ay hindi nakikita dahil Siya ay espiritu sa kalagayan, walang
laman at mga buto (I Tim 1:17; Juan 4:24; Luk 24:39)
• Ano po ang katumbas sa sinabi ng ating Panginoong Jesucristo ang nakakita sa
Kaniya ay nakakita sa Ama? Dahil ginagawa niya ang mga gawa ng Ama (Juan 14:9-
11). Bagama’t hindi natin nakikita ang Diyos, nakikita natin Siya sa pamamagitan ng
mga bagay na ginawa Niya (Roma 1:19-20)
• Gaya ng ayon sa Gawa 2:22-23 MB at Gawa 19:11 MB ang Diyos ang gumawa ng mga
tanda at kababalaghan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo at Apostol
Pablo.
3. Bakit sinasabi sa I Cor 15:45 na si Cristo ay “naging espiritu na nagbibigay buhay?”
Sagot:
• Ang salitang “naging” ay wala sa manuskritong griyego; naka-italics sa dating salin at
KJV. Ayon sa King James Version Giant Print Reference Edition pg 317: This Bible
contains the King James Version translated from the Textus Receptus in 1611. One
characteristic of this version is its use of italics. They are used to indicate words
supplied by the translators to help clarify the meaning and better relate the original
language into English.
• Ang banggit na “espiritu” sa pariralang naging espiritung nagbibigay ng buhay ay
isang figure of speech - synecdoche (ang bahagi ay ginagamit para tumukoy sa
kabuuan o ang kabuuan sa bahagi). Katulad din ng pagkakagamit sa salitang
“kaluluwa “ sa pariralang “ang unang tao (Adan) ay naging kaluluwang buhay (I Cor
15:45[a])
• Ang tao ay bumubuo ng tatlong sangkap: katawan, kaluluwa at espiritu (I Tes 5:23).
May katawan si Cristo (Gawa 2:31); may kaluluwa (Juan 12:27); at espiritu (Luk
23:46)
• Kaya sinabing si Cristo ay “espiritung nagbibigay buhay” sapagkat Siya ang
pinagkalooban ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na
walang hanggan (Juan 17:2 MB)
• Ang isa pang dahilan ay ang kaniyang mga salita ay pawang espiritu ng buhay (Juan
6:63). Ang mga salita ni Cristo ay galing sa Ama (Juan 12:49-50)
• Subalit kung likas na kalagayan ni Cristo ang pag-uusapan. Siya ay tao batay sa I
Cor 15:47
B. Polemical
4. “Eksistido na bilang Diyos si Cristo mula sa pasimula dahil sa nauna Siya ay Abraham at
nakita rin ni Abraham si Cristo batay sa Juan 8:56. ‘Nagalak ang inyong amang si
Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.’” Pabulaanan ang
argumentong ito.
Sagot:
• Wala po tayong mababasa sa talatang ito na eksistido ang ating Panginoong Jesucristo
buhat pa sa pasimula. Alin po ba ang eksistido buhat pa sa pasimula? Ang plano ng
Diyos sa pagkakaroon ng tagapagligtas kaya nakasulat sa I Ped 1:20 BTK na “nasa
isip na Siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig.
• Kung babasahin natin ulit ang Juan 8:56 ang nakita ni Abraham ay araw ni Cristo at
hindi si Cristo mismo. Ang araw po ni Cristo ay ang araw ng paghuhukom (II Ped
3:7,10)
• Nakita o natanaw po ito ni Abraham dahil sa pananampalataya (Heb 11:9,13,16-17)
5. “Tiyakang sinasabi na hindi totoong tao si Cristo ayon sa hula na ukol sa Kaniya: ‘ako’y
uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan’ (Awit 22:6).” Paano ito
pabubulaanan?
Sagot:
• Kung tatanggapin natin ang argumento na si Cristo ay hindi totoong tao dahil sa
pahayag ng hula, dapat din nilang tanggapin na si Cristo ay uod sa likas na kalagayan
dahil iyon mismo ang sinasabi sa talata (Awit 22:6). Kaya mali ang paggamit nila sa
pagkaunawa sa talatang ito.
• Paano po ba natin dapat unawaan? Ang pahayag ito ng hula ay isang figure of speech
na metaphor na isang pagtutulad upang ipakilala ang pagtrato sa Kaniya ng mga tao
- duwahagi at hinamak ng bayan.
• Dapat nating tandaan na hindi lahat ng pahayag ng Biblia ay dapat unawain na literal.
May mga pahayag ng Biblia na figuratibo o figure of speech.
C. Apologetic
6. “Mahina ang argumento ng mga Iglesia ni Cristo na dahil namatay si Cristo ay hindi
maaaring Siya ay maging tunay na Diyos. Sinasabi I Juan 3:16 KJV na: ‘Hereby perceive
we the love of God, because he laid down his life for us.’ Batay sa Efe 5:25, ang nagbigay
ng buhay ay si Cristo. Kaya, si Cristo ang tinutukoy na Diyos na namatay para sa atin.”
Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Kung ang Biblia ang ginagamit na batayan kailanma’t ito’y hindi mahinang argumento
kundi ito’y malakas dahil nakabatay ito sa katotohanan. Sa pag-aaral natin ng mga
salita ng Diyos ay iwinawangis natin (I Cor 2:13).
• Ang tunay na Diyos ay hindi namamatay (I Tim 1:17). Wala sa orihinal na
manuskritong griyego na namatay ang Diyos.
• Kung sasanguniin ang Greek New Testament sa I Juan 3:16 ay wala tayong
mababasang “theos” o Diyos sa talata. Kaya ayon sa mga nagsisipagsuri ng Biblia,
idinagdag lamang ang terminong “God” sa talata (Barnes Notes Electronic Database)
• Sino po ba ang tinutukoy ng Biblia na nagbigay ng buhay? Ang ating Panginoong
Jesucristo (I Juan 3:16 TEV)
7. Hindi nauunawaan ng Iglesia ni Cristo ang nakasulat sa Colosas 2:9 na ang buong
kapuspusan ng pagka-Diyos ay tumatahan kay Cristo. Kaya hindi nila matanggap na Siya
ay tunay na Diyos. Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Hindi po totoo na hindi namin nauunawaan ang nakasulat sa Col 2:9. Baka sila ang
hindi nakaunawa sa nakasulat sa talata.
• Ang banggit na pagka-Diyos na tumatahan kay Cristo ay ang kapamahalaan o
kapangyarihan sa langit at sa lupa na ibinigay sa kaniya ng Diyos (Mat 28:18; 11:27
at MB). Ang lahat ng ito ay ang Diyos o ang Ama ang nagbigay kay Cristo ( Mat 11:27
at MB)
• Kapag ang lahat ng bagay ay napasuko o napailalim na sa Anak (kay Cristo) ang Anak
namin (si Cristo) ang paiilalim sa Ama ( I Cor 15:27-28 NPV).
• Kung ang buong kapuspusan ng pagka-Diyos ay katunayan na Diyos siya sa
kalikasan ay dapat tanggapin na ang Iglesia ay Diyos din dahil ito rin ay
pinagkalooban ng kapuspusan ng Diyos na ito ay ang Espiritu Santo at ang
kapangyarihan (Efe 3:16-19 at MB; 1:17-19 MB)
1. Bakit sinasabi sa Gawa 3:15 na si Cristo ay ang lumikha ng buhay? Hindi ba ito
nagpapatunay na Siya ay Diyos?
Sagot:
• Hindi po maaaring gamitin ang batayan sa sinasabi ng iba na Diyos ang ating
Panginoong Jesucristo. Bakit? Dahil doon din sa talatang ginamit po nila ay
pinatunayan na ang lumikha ng buhay ay namatay at binuhay na mag-uli ng Diyos.
Ang tunay na Diyos ba ay namamatay? Hindi po (I Tim 1:17)
• Bakit sinabi sa talata si Cristo ang lumikha ng buhay? Dahil sa kaniya ang tao na
patay or spiritually dead dahil sa kasalanan ay binigyan ng pag-asa na makamtan ng
panibagong-buhay (I Tim 5:6; Efe 2:1)
• Sa ibang salin ay mababasa natin sa Gawa 3:15 na “you killed the one who leads life”-
TEV; “author of life” - NIV,RSV; “prince of life” - KJV, ASV, YLT
2. Bakit hindi mapagbabatayan ang sinabi ni Cristo na Siya’y bumabang galing sa langit
(Juan 6:38 at 58) upang patunayan na Siya’y dati nang may kalagayan - Diyos na
nasa langit na noon?
Sagot:
• Sapagkat ang katumbas ng banggit ni Cristo na Siya’y bumaba mula sa langit ay
sinugo Siya ng Diyos (Juan 8:42) upang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin.
Walang sinabi ng ating Panginoong Jesucristo na Siya’y Diyos na bumaba galing sa
langit.
• Ang salitang bumabang mula sa langit ay ginamit ni Cristo upang sagutin lamang ang
mga Judio na ang ipinagmamalaki’y ang kanilang mga magulang na kumain ng
tinapay na galing sa langit (Juan 6:30-38). Ang ginamit ni Cristo ay pagtutulad
(parallelism)
• Kung dapat unawaing literal ay lilitaw tinapay ang ating Panginoong Jesucristo. Bakit
pa siya’y itinulad na tinapay? Upang ipakita ang pagtutulad na kung paano ang mana
(tinapay galing sa langit) ay ibinigay ng Diyos sa mga Israelita upang sila ay mabuhay,
si Cristo naman ay ibinigay ng Diyos upang ang sinumang makakain o
sumampalataya ay magkaroon naman ng buhay na walang hanggan (Juan
6:33,35,47; I Juan 5:11-12)
• Kung tatanggapin ang kanilang argumento ay lilitaw na dati na ring nasa langit si
Juan Bautista sapagkat siya’y “sugo ng Diyos” (Juan 1:6)
B. Polemical
3. “Si Cristo ay kapantay ng Diyos ayon sa Fil 2:6. Ang kapantay ng Diyos ay Diyos din
at hindi tunay na tao. Samakatuwid, si Cristo ay Diyos at di tunay na tao.
Pasinungalingan ang pahayag na ito.
Sagot:
• Ang banggit na “si Cristo ay kapantay ng Diyos” ay hindi po nangangahulugang Sila’y
magkapantay sa kapangyarihan at likas sa kalagayan. Dahil malinaw ang turo ng
Biblia na ang Panginoong Jesucristo ay truly human (I Tim 2:5 CEV)
• Bakit po sinabi sa Fil 2:6 na si Cristo ay kapantay ng Diyos? Hindi sa pagka-Diyos o
sa kapangyarihan ay magkapantay kundi si Cristo lamang ang nakaabot o nakatugon
sa pagiging larawan ng Diyos (Heb 1:3) sa kabanalan (I Ped 1:15-16)
• Ang pagkapantay ng Diyos ay siya ring anyong Diyos (Fil 2:6). Kung tatanggapin natin
na ang likas na kalagayan ang tinutukoy dito lilitaw darami ang Diyos. Bakit?
Sapagkat inutusan din ang mga Cristiano na mataglay ng pag-iisip tulad ng sa ating
Panginoong Jesucristo (Fil 2:5)
4. “Ang Diyos ay Diyos na totoo at Siya rin ang taong totoo sapagkat Siya ay ‘man of
war’ batay sa Exo 15:3 KJV.”
Sagot:
• Labag po sa aral ng Biblia na ang Diyos ay Diyos na at tao pa dahil malinaw na
ipinahayag ng Diyos na ang Diyos ay hindi tao at ang tao ay hindi maaaring maging
Diyos (Oseas 11:9; Ezek 28:2)
• Ang pahayag na “man of war” ay isang figure of speech na metaphor. Metaphor is a
kind of a figure of speech in which a word or phrase is applied to an object that it does
not literally denote in order to imply a resemblance, for example, he is a lion in battle
(Webster Contemporary English Dictionary pg 531)
• Mga ilang halimbawa na gumamit ng Biblia ng metaphor (Juan 15:1; Mat 5:13-14)
C. Apologetic
5. Nagkakamali ang Iglesia ni Cristo sa pagtutol nila sa aral na si Cristo ay hindi tao
kundi tunay na Diyos na ngayong Siya’y nasa langit. Maliwanag ang sinasabi ng
Biblia na ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (I Cor
15:50). Kung si Cristo ay namamalaging tao paano Siya nakapasok sa langit?
Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Hindi po mali ang Iglesia ni Cristo ang pagtutol sa aral na si Cristo ay hindi tao
sapagkat labag po ito sa Biblia. Ang mali po ay ang kanilang paliwanag sa talatang
ito. Una, walang sinasabi si Apostol Pablo na si Cristo ay hindi tao sa alinmang talata
ng Biblia. Ikalawa, nilinaw ni Apostol Pablo sa talata na kung alin ang laman at dugo
ang hindi magmamana ng kaharian ng Diyos - ang laman at dugo na may kasiraan
(I Cor 15:50)
• Kaya nga ang mga magmamana (kasama ni Cristo ) ay magbibihis ng walang kasiraan
at walang kamatayan (I Cor 15:52-53). Ito ang tinatawag na katawang ukol sa langit
(I Cor 15:40[a]). Kung ano ang katawan ni Cristo ngayon sa langit (maluwalhati) ay
gayundin ang magiging uri ng katawan ng mga magmamana o maliligtas (Fil 3:20-21
MB) Ang mga magmamana ay mga tao pa rin (Apoc 21:1-4)
• Tao pa rin si Cristo ngayon sa langit (Heb 7:26 Philips Modern English; Heb 10:10
KJV; II John 1:7 TEV)
6. “Sa Juan 20:28, itinuro ni Apostol Tomas na Panginoon at Diyos si Cristo. Bakit
naman ayaw ninyong kilalanin na tunay na Diyos si Cristo?” Sagutin ang tuligsang
ito.
Sagot:
• Hindi maaaring gamitin na batayan sa pagtuturo na si Cristo ay Diyos sa pahayag po
ni Apostol Tomas sa Juan 20:28. Una, wala po sa pagtuturo o pangangaral si Apostol
Tomas kundi siya ay nasa kalagayang nag-aalinlangan (Juan 20:25,28). Pangalawa,
ang paksa ng pag-uusap sa talatang ito ay hindi tungkol sa likas ng kalagayan ng
ating Panginoong Jesucristo kundi ang kaniyang pagkabuhay na muli (Juan 20:24-
25). Kaya, nang magpakita ang ating Panginoong Jesucristo ay ipinakita kay Apostol
Tomas ang patotoo ng Kaniyang pagkabuhay na mag-uli (Juan 20:26-27)
• Ang pagkabuhay na mag-uli ng ating Panginoong Jesucristo ay katunayan na hindi
Siya Diyos dahil ang tunay na Diyos ay walang kamatayan (I Tim 1:17)
2. Hindi ba ang Diyos na lumalang ng lahat ng tao ay ang Ama kung kaya’t lahat ng taong
nilalang ng Ama ay mga anak Niya? Bakit sinasabi ninyong kayo lamang ang anak ng
Diyos?
Sagot:
Dapat sana nga ay anak ng Diyos ang lahat subalit bunga ng kasalanan ay ayaw na silang
kilalanin ng Diyos na mga anak Niya (Deut 32:4-6)
Hindi kami lang ang may sabi na kami’y anak ng Diyos. Ang Diyosmismo ang kumikilala
sa amin na kami’y mga anak Niya (Isa. 43:5-6) Ang pagiging anak ng Diyos ay isang
karapatang ang Diyos ang nakakaloob (Juan 1:12)
3. Alin ang tinutukoy ni Cristo na “magiging isang kawan” sa Juan 10:16? At ano ang
katunayang ang ibang mga tupa na hinuhulaan sa juan 10:16 ay hindi sa dako at panahon
ng Iglesia noong unang siglo?
Sagot:
• Ang magiging Iglesia Ni Cristo sa hinaharap (cf ETRV) kapag natupad na ang hula na
ip[inahayag Niya.
• Ang katunayang ang Iglesia Ni Cristo ang katawan ay ang nasa Gawa 20:28 Lamsa.
• Ang katunayan na ang ibang mga tupa na hinuhulaan sa Juan 10:16 ay hindi sa dako at
panahon ng Iglesia noong unang siglo ay tiniyak sa saling Easy to Read Version na ang
ibang mga tupa ni Cristo ay “hindi sa kawang narito,” subalit sa hinaharap ay magiging
isang kawan.
B. Polemical
4. Hindi na raw kailangan pang umanib sa alinmang Iglesia sapagkat ayon sa Roma 10:11,13
ang lahat ng sumasampalataya ay hindi mapapahiya at lahat ng tumatawag sa pangalan
ng Panginoon ay maliligtas. Pasisinungalingan ang aral na ito.
Sagot:
• Mali ang paggamit nila sa nasabing talata. Ang sinasabi sa Roma 10:11,13 na
sumasampalataya at tumatawag ay yaong mga nakinig sa pangangaral ng sinugo ng
Diyos - itutuloy lang ang pagbasa sa Rom 10:14-15.
• May distinction o katangian ang sugnay “lahat ng tumatawag sa Panginoon” sapagkat
sa Mat 7:21 ay sinasabi na kahit tumawag at hindi ginaganap ang kalooban ng Ama ay
hindi papasok sa kaharian ng Diyos . At sa Kaw 1:28 ay may tumatawag sa Diyos na
hindi Niya sasagutin.
• Sa Mat 17:5 ay kalooban ng Ama na makinig kay Cristo. Sinasabi ni Cristo na pumasok
sa kawan o sa Iglesia ni Cristo upang maligtas (Juan 10:9 REB; Gawa 20:28 Lamsa)
5. Ang Iglesia Katolika ay hindi tumalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo sapagkat ito ang
sumunod sa mga apostol sa panahon at siyang nagtataguyod sa mga aral nila hanggang
ngayon.” Pasinungalingan ang pahayag na ito.
Sagot:
• Hindi po kami tututol na ang Iglesia Katolika ang sumunod sa panahon ng mga apostol
sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Subalit ano po ang sabi ng Biblia tungkol sa Iglesiang
sumunod sa panahon ng mga apostol? Ito na po ang Iglesiang naging bunga ng
pagtalikod.
• Sa kanila natupad ang hula ni Apostol Pablo na magmumula sa kanilang kasamahan
ang pagtalikod (Gawa 20:30). Ito’y magaganap kapag patay na ang mga apostol o
susunod sa panahon nila (Gawa 20:29, 37-38, II Tim 4:6-8)
• Ang mga magtatalikod sa Iglesia ay ang mga matatanda sa Iglesia, Obispo, pinuno ng
mga bansa. Kaya sila’y tinawag na lobo (Gawa 20:17,28; Gawa 20:29; Ezek 22:27)
• Pinatunayan po ng kasaysayan na may pagsasama ng mag pinuno ng simbahan at
pinuno ng imperyo (Modern World pg 89)
• Totoo na sila ang sumunod sa panahon ng mga apostol subalit hindi po sila sumunod
sa aral na itinaguyod po ng mga apostol dahil sila nga ang bunga ng pagtalikod sa
Iglesia. Katunayan:
• Iisa lamang ang tunay na Diyos ang turo ng mga apostol (I Cor 8:6)
• Si Cristo ay tao at hindi Diyos ayon sa mga apostol (Gawa 2:22-23 BTK; I Tim 2:5)
• Bawal isipin man lang na pagka-Diyos ay katulad sa mga larawan (Gawa 17:29)
C. Apologetic
6. “Mali ang turo na ang maliligtas lang ay ang pumasok sa Iglesia ni Cristo at ang hindi
pumasok ay walang pag-asa sa kaligtasan dahil ang Diyos ay walang pagtatango. Dalawa
lang ang hinihingi ng Diyos upang maging katanggap-tanggap ang tao sa Kaniya. Ang
pagkatakot sa Diyos at ang paggawa ng katuwiran (Gawa 10:34-35).” Sagutin ang tuligsang
ito
Sagot:
• Maliwanag ang turo ng Biblia na kailangan ang tao na pumasok sa Iglesia ni Cristo
upang maligtas. Ibig sabihin ba mali ang turo ng Biblia? Mali ba ang turo ng Diyos? O
kayo po ang mali?
• Hindi nagtatangi ang Diyos sa pagliligtas sa tao, may kundisyon lamang ang Diyos na
dapat sundin ng tao para siya’y maligtas - makaalam ng katotohanan (I Tim 2:3-4)
• Totoong kailangan ang tao na magkaroon ng pagkatakot sa Diyos at gumawa ng
katuwiran, subalit hindi ito sapat. Kailangan niyang malaman at sundin ang
katotohanan.
• Ang ayaw sa katotohanan ay ipauubaya sa kamalian at kasinungalingan - hindi sila
maliligtas kundi parurusahan (II Tes 2:11-12 MB)
• Buong katotohanan ayon kay Cristo na ang sinomang pumasok sa kawan o Iglesia ni
Cristo ay maliligtas (Juan 10:7 at 9 REB; Gawa 20:28 Lamsa)
• Ang binasa natin na talalta ay tungkol kay Cornelio, sapat ba kay Cornelio ang paggawa
ng katuwiran at pagkakaroon ng takot sa Diyos upang siya ay maligtas? Hindi po.
Kinakailangan niyang malaman ang katotohanan na itinuro ni Apostol Pedro at
mabautismuhan sa loob ng Iglesia (Gawa 10:1-5, 33-35, 44, 47-48; I Cor 12:13 at 12
Weymouth; Col 1:18; Rom 16:16 NPV)
7. “Ang Pilipinas ay isa lamang sa maraming bansa na nasa Malayong Silangan. Kaya mali na
ito ang bansang tinutukoy na katuparan sa Isa 43:5-6 na pagmumulan ng mga anak ng
Diyos na lalake at babae.” Paano ito sasagutin?
Sagot:
• Totoo na ang Pilipinas ay isa lamang sa maraming bansa na nasa malayong silangan.
Ngunit ang pangyayari na sa Pilipinas na lumitaw ang Iglesia ni Cristo sa panahong
“mga wakas ng lupa” na itinakda rin ng hula (Isa 43:5-6) ang pinakamatibay na
katunayan na ang kinatuparan ng malayong silangan ay ang Pilipinas.
• Sa ibang kaugnay na talata (Isa 24:15) tiniyak pa ang uri ng pagkabansa sa malayong
silangan na pagmumulan ng mag taong magbibigay kaluwalhatian sa Diyos - mga pulo
ng dagat. Ang Pilipinas ay hindi lamang nasa malayong silangan kundi binubuo ng
mahigit na 7,100 na mag pulo.
• Ayon din sa Isaias 24:15, ang Diyos na kinikilala ng kinatuparan ay ang Diyos ng Israel.
Ang Diyos ng Israel ay si Yahwen (Isa 41:17 MB). Si Yahweh ay Siya ring Ama (Isa 64:8
MB). Hindi po ganito ang Diyos na kinikilala ng iba pang bansa na nasa Malayong
Silangan.
TUNGKOL SA IGLESIA NI CRISTO (B)
A. Expository
Sagot:
• Ang Iglesiang ito ay sa Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo dahil hindi lamang ang
pangalan ay nasa Biblia (Roma 16:16 NPV; Gawa 20:28 Lamsa) nakatugon din po sa
dalawang pamantayan ng pagiging tunay sa Diyos - “kautusan” at “patotoo” (Isaias
8:20)
• Totoong mahalaga ang pangalan subalit hindi sapat ang pangalan lamang sa pagiging
tunay. Kailangan taglay nito ang “kautusan” at “patotoo”
• Ang tinutukoy na kautusan ay ang mga aral ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia
ni Cristo na pawang nakabatay sa Biblia. Sapagkat sa turo makikilala kung tunay sa
Diyos o hindi (Juan 7:16-17)
• Ang ilan sa mga aral na sinasampalatayanan namin na pawang nasa Biblia ay:
• Sa tingin po ba ninyo ay sa Diyos ba ang mga relihiyon na ang pininiwalaan nila ay ang
ma tradisyon, pilosopiya, kuru-kuro, palapalagay ng tao na salungat sa aral ng Diyos
na nakasulat sa Biblia?
• Paano kung may isa pang bumangong Iglesia ni Cristo din at taglay din ito ng mga aral
ng Diyos na inyong sinasampalatayanan, ibig sabihin po ba dalawa na kayong tunay
na Iglesia? Hindi po. Bakit? Sapagkat kailangan pang patunayan ang pangalawang
pamantayan ng Diyos. Ano po iyon? Ang “patotoo”.
• Ang tinutukoy na “patotoo” ay ang espiritu ng hula o paunang pahayag ng Diyos (Apoc
19:10) na nagpapatunay sa aming kahalalan.
• Ang Iglesia ni Cristo at ang sugo ng Diyos na nagsimula ng gawaing ito ay kapuwa may
patotoo ng Diyos sapagkat pinuspos Niya ng napakaraming hula sa Biblia (Isa 41:9-10;
Isa 43:5-6; Isa 46:11; Zac 13:9; Juan 10:16; Gawa 2:39; Apoc 7:2-3 at marami pang
iba)
B. Polemical
C. Apologetic
6. “Mali ang aral na kailangan pa ng tao na umanib sa Iglesia Ni Cristo upang maligtas
sapagkat malinaw na nakasaad sa Efeso 2:8-9 na ‘Sa biyaya kayo’y nangaligtas sa
pamamagutan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos.
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa.’” Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Tama ang aral na ang tao ay dapat na umanib sa Iglesia ni Cristo upang maligtas
sapagkat ito ang itinuturo ng Biblia. Hindi namin tinututulan ang nakasulat sa Efe 2:8-
9. Ang tinututulan namin ay ang maling pagpapakahulugan nila sa sa talatang ito na
sapat na raw ang sumampalataya lamang at hindi na kailangan ang pag-anib sa Iglesia
ni Cristo para ang tao ay maligtas.
• Hindi po sinasabi sa Efe 2:8-9 sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Hindi rin
po sinabi na lahat ng uri ng gawa ay hindi kailangan para ang tao ay maligtas.
• Totoo na mahalaga ang pananampalataya subalit ang tao ay inaaring ganap sa
pamamagitan ng gawa at hindi ng pananampalataya lamang (Sant 2:24)
• Ang tinutukoy na gawa na hindi inaaring-ganap ng tao ay ang mga gawa sa katuwirang
kaniyang sarili (Tito 3:5). Sa dahilang sa ganang ating sarili tayo ay nakagagawa ng
kasalanan (Tito 3:3)
• Ang uri ng gawa na dapat ilakip sa pananampalataya ay ang gawang ikasasakdal ng
pananampalataya (Sant 2:22). Alin ang gawa na inihanda ng Diyos na dapat gawin sa
ikasasakdal ng ating pananampalataya? Itutuloy lang pagbasa sa talatang kanilang
ginagamit na batayan) - ang mabubuting gawa (Efe 2:10)
• Alin po ba ang mabubuting gawa? Kautusan ng Diyos (Roma 7:12). Ang isa sa mga utos
ng Diyos na itinuro ni Cristo ay ang pagpasok kay Cristo sa paraang pumasok sa kawan
o umanib sa Iglesia ni Cristo (Juan 10:9 REB; Gawa 20:28 Lamsa)
8. “Upang ang tao ay maligtas, ang mahalaga lamang na matiyak niya ay kung siya’y may
relasyon kay Cristo at hindi pag-anib sa alinmang relihiyon o Iglesia.” Sagutin ang
tuligsang ito.
Sagot:
• Nasa panig po kami lagi sa katotohanan. Ang pag-anib sa Iglesia ni Cristo ay siyang
katunayan na may relasyon kay Cristo (Efe 5:32; Rom 16:16). Kaya hindi maiiwasan
ang sinumang may nais magkaroon ng kaugnayan kay Cristo ay dapat nasa loob siya
ng Iglesia ni Cristo.
• Ang nasa loob ng Iglesia na katawan ni Cristo ang kaniyang ililigtas (Col 1:18; Efe 5:23)
• Ang mga nasa labas ng Iglesia ay hahatulan (I Cor 5:13 NPV)
• Kung may iglesia o relihiyon na hindi kailangan, yaon ay mga hindi tunay na iglesia o
relihiyon - ang iglesiang walang kaugnayan kay Cristo. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay
Iglesiang may kaugnayan kay Cristo dahil ito ang utos Niya na dito dapat tayo ay
pumasok (Juan 10:9 REB; Gawa 20:28 Lamsa)
TUNGKOL SA IGLESIA NI CRISTO (C)
A. Expository
1. “Sa Biblia ay maraming katawagan sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Bakit ninyo natitiyak na
Iglesia Ni Cristo ang opisyal na pangalan ng tunay na Iglesiang sa Diyos at kay Cristo?”
Sagot:
• Sapagkat ang tunay na Iglesia ay katawan ni Cristo at Siya ang ulo nito (Col 1:18). Siya
ang may-ari at ang nagtayo nito (Mat 16:18). Kaya makatuwiran lamang na ang
katawan ay tawagin sa pangalan ng kaniyang ulo, sa pangalan ng may-ari at nagtayo
nito. Kaya tinawag sa pangalang Iglesia ni Cristo (Roma 16:16)
• Ang mga hinirang ay tinawag sa isang katawan - isang taong bago na binubuo ng
dalawa (Efe 2:15) - ulo (Cristo) at katawan (Iglesia). Kaya Iglesia ni Cristo
• Sa pangalan ni Cristo tinatawag ang mga alagad (Juan 10:3; Sant 2:7). Tinatawag sa
pangalan ng Panginoon o ni Cristo - Iglesia ni Cristo (Gawa 15:17-18; Gawa 2:36; Rom
16:16)
• Kung may iba’t-ibang katawagan ang Iglesia na itinatag ni Cristo, ang mga yaon ay
nagpapakilala ng mga katangian ng Iglesia at uri ng mag kaanib at dako na kinatatagan
nito. Ngunit ang opisyal na pangalan ay Iglesia ni Cristo.
2. Ano ang kahulugan ng relihiyon batay sa mga dalubhasa at bakit natin ito sinasang-
ayunan?
Sagot:
• Sinasang-ayunan po namin ang kahulugan ng relihiyon ng mga dalubhasa sapagkat
ito po naaayon sa Biblia. Ayon po sa mga dalubhasa, ano po ang kahulugan ng
relihiyon? Galing po ito sa salitang latin na “religio” (paggalang, kabanalan) o “religare”
(taliang muli)
• Paggalang o kabanalan dahil kaya tayo nagrerelihiyon ay upang sambahin ang Diyos
na ito ay katunayan na iginagalang natin at kinikilala natin Siya (Awit 89:7 MB; 95:6-
7)
• Taliang muli dahil ito ang hinahanap sa atin ng Diyos na manumbalik sa Kaniya (Mal
3:7). Bakit pa kailangan manumbalik pa sa Diyos? Sapagkat tayo’y nahiwalay sa Diyos
bunga ng ating mga nagawang kasalanan (Isa 59:2; Col 1:21)
• Kaya hinihingi ng Diyos na ang paglilingkod natin sa Kaniya ay sa paraang ganapin
ang Kaniyang kalooban (Deut 10:12-13)
B. Polemical
C. Apologetic
5. “Mali ang nasa Pasugo na ang pamagat ng artikulo ay ‘Ako’y Iglesia ni Cristo.’ Ganito rin
ang kamalian sa kanilang Himnario na ang pamagat ng isa sa kanilang awit ay ‘Ako’y
Iglesia ni Cristo.’” Paano ito sasagutin?
Sagot:
• Hindi po mali ang Pasugo o ang Himnario sa pagkakagamit ng “Ako’y Iglesia ni Cristo”
dahil pinatunayan mismo ng Biblia na ang banggit na “Iglesia” ay maaaring tumukoy
sa kaanib, atbp:
★ Ang mga Iglesia ay pinalakas sa pananampalataya. Ang banggit na Iglesia ay
tumutukoy na mga kaanib (Gawa 16:4-5 at 5 MB)
★ May banggit si Apostol Pablo na “kayo nga ang katawan ni Cristo” na ang tinutukoy
na katawan ay ang Iglesia (I Cor 12:27; Col 1:18)
★ May binabanggit din na pitong Iglesia na ang tinutukoy ay mga lokal ng Iglesia (Apoc
1:11,4)
• Ang pagkakagamit ng salitang Iglesia sa mga talatang nabanggit ay figure of speech na
tinatawag na synedoche (a part is substituted for a whole or whole for a part)
A. Expository
1. “Bakit kapag ang nais ninyong palitawin ay far east sa Isaias 43:5-6 ang binabasa
ninyo ay ang salin ni Moffatt at kapag ang nais ninyong patunayan ay ends of the
earth ay saling King James ang inyong ginagamit?
Sagot:
• Sapagkat tinutupad po natin ang patakaran ng Panginoong Diyos kung paano natin
dapat unawain ang Kaniyang mga salita - iwinawangis (I Cor 2:13)
• Kaya hindi maiiwasan na gumamit pa ng ibang salin ng Biblia upang mauunawaan
ng lubos ang alinmang talata ng Biblia. Sapagkat walang isang salin ng Biblia ngayon
na ganap na wasto ang pagkakasalin nito. Malalaman po na tama ang pagkaunawa
natin sa talata ng Biblia kung hindi ito sumalungat sa alinmang bahagi ng Biblia.
• Kaya, King James Version any ginamit naming upang patunayan any ends of the earth
dahil kung end of the earth ang gamin ay mangyari na hindi matupad ang paglitaw
ng mga anak ng Diyos mula sa malayong silangan. Bakit? Sapagkat ayon sa Biblia
ang end of the earth o wakas ng lupa ay ang mismong araw ng Paghuhukom.
• Kaya, ends of the earth o mga wakas any tinutukoy dahil ito ang panahon malapit na
ang wakas na ang hudyat ng pagsisimula nito ay ang unang digmaang pansalibutan
(Mat 24:3,33,6-8; Isa 34:1-3; Mat 24:6-8 LDB [fn])
• Sa Dead Sea Scrolls ay malinaw binanggit na ends of the earth hindi end of the earth
ang nakasulat sa Isa 43:5-6. Ang Dead Sea Scroll (DSS) ay humigit kumulang 150
BC.
• Ang mga Dead Sea Scrolls ay natuklasan noon lamang 1947 sa Qumran na katabi ng
Dead Sea - katabi ng Jordan. Nauna any DSS kaysa sa mga Masoretic text (MT) ng
halos na 1,000 taon.
2. Ang Pilipinas ay kadalasan nang nabibilang sa Southeast Asia at hindi na sa Far East. Paano
kung dumating ang panahong ang Pinlipinas ay hindi na tinatawag na Far East?
Sagot:
• Anuman ang itawag sa Pilipinas ay hindi ito umaalis sa kaniyang kinaroroonan. Ang
tinatawag ngayon na Southeast Asia ay kabilang sa rehiyong tinatawag na Far East. Ang
far east ay binubuo ng Central Asia at Southeast Asia. (Asya Pag-Usbong Ng Kabihasnan
by Grace C. Mateo, Ph. D., et. al. pp. 7, 13)
• Dumating man ang panahon na hindi na gamitin ang terminong Far East ay hindi nasisira
ang hula sapagkat ito’y natupad na. Nang matupad ang hula, karaniwang ginagamit ang
terminong Far East na rito’y kabilang ang Pilipinas. At ang mahalaga, nang matupad ang
hula, ay malinaw sa mga tao kung alin ang tinutukoy ng terminong Far East.
• Hindi maaaring sabihing mali si Ezra nang sabihin niyang si Ciro ay hari sa Persia (Ezra
1:1) dahil lamang sa pangyayaring ang bansang tinatawag noon na Persia at tinatawag na
ngayon na Iran. Paano maiintindihan ng mga tao noon kung sasabihin ni Ezra na si Ciro
ay hari sa Iran?
• Ang ginamit ni Isaias na termino (mizrach - far east) ay ang mauunawaan hindi lamang ng
mga kapanahon niya na makababasa ng kaniyang hula kundi maging ng mga tao sa
panahon ng katuparan ng hula. Ang termunong Southeast Asia ay ginamit noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Samantalang ang terminong Far East ay karaniwan nan
ginagamit bago pa ang Unang Digmaang Pandaigdig (na kaalinsabay ng paglitaw ng Iglesia
Ni Cristo sa mga huling araw)>
3. Bakit ninyo sinasabi na ang relihiyon na may sugo ng Diyos ay ang tunay na relihiyong sa
Diyos at kay Cristo?
Ang Iglesia ni Cristo ay sumasampalataya na ang relihiyon na may tunay na Sugo ng
Diyos ang tunay na relihiyong sa Diyos at kay Cristo sapagkat ito ang pinatutunayan
ng Biblia. Tandaan natin na ang tunay na relihiyon ay panunumbalik ng tao sa Diyos.
( Malakias 3:7 ).
Upang magawa ng tao ang marapat na panunumbalik sa Diyos, kinakailangan niya ang
mga tunay na sugo ng Diyos sapagkat sa kanila ipinagkatiwala ang salita at ministeryo
ng pagkakasundo. ( II Corinto 5:18-20 ). Ang dakilang layunin kaya ang Diyos ay
nagsusugo ay upang ibalik ang tao sa Kaniya (Gawa 26:17-18).
Ang mga sugo ay ang nagsasalita ng mga salita ng Panginoong Diyos na mahalaga
upang makapanumbalik ang tao sa Diyos. ( Juan 3:34 ).
Ang sugo lamang ang makapagtuturo ng mga tunay na mga salita o mga kautusan ng
Diyos na dapat taglayin at itaguyod ng relihiyon o Iglesia sa ikapagiging tunay nito. Ang
salita o kautusan ng Diyos ay dapat hanapin ng tao sa bibig ng sugo ng Diyos (Mal. 2:7)
At walang karapatang magturo ng mga salita ng Diyos ang sinumang tao kung hindi
siya sugo ng Diyos. ( Roma 10:15).
Kaya, kapag walang sugo na magtuturo ay walang tunay na kautusan ng Diyos na ang
katumbas nito ay walang Diyos (II Cron. 15:3). Paano magiging tunay na relihiyon kung
walang Diyos?.
Samakatuwid, hindi magagawa ng tao na makapanumbalik siya sa Diyos kung hindi
siya nakaugnay o nasakop ng pangangaral ng mga tunay na sugo ng Diyos. Hindi tunay
na relihiyong sa Diyos at kay Cristo ang isang relihiyon kung wala sa kanila ang mga
tunay na sugo ng Diyos.
B. Polemical
4. “Hindi maaari na ang Big Four ay ang ‘apat na anghel’ sapagkat ang dalawa sa kanila ay
Katoliko at ang dalawa ay Protestante. Ang Iglesia Ni Cristo rin ang may sabi na ang
Katoliko at Protestante ay hindi sa Diyos.” Pasinungalingan ang pahayag na ito.
Sagot:
• Mali po ang akala ng iba na kapag sinabing sugo ng Diyos ay dapat kabilang sila sa
bayan ng Diyos. Ang Big four ay sugo o pinuno ng bansa (Isa 14:32). Ang mga pinuno
ng bansa ay sugo ng Diyos, kaya tinatawag ding anghel (I Ped 2:13-14). Tinawag din
sila ng Biblia na mga “ministro ng Diyos” (Roma 13:3-4)
• Kaya anuman ang kanilang relihiyon o wala mang relihiyon ang mga pinunong ito,
wala itong kaugnayan sa pagkasugo ng Diyos sa kanila. Bakit? Sapagkat hindi naman
sila sinugo upang ipangaral ng ebanghelyo.
• Gaya po ng pagkasugo ng Diyos kay Haring Nabucodonosor na isang pagano at
idolatriko (Jer 43:10-11). Sinugo siya ng Diyos hindi upang mangaral ng Kaniyang
salita kundi upang saktan at parusahan ang Egipto.
• Si Haring Ciro din (na dating hindi nakikilala ang Diyos) ay tinawag siya na “Pastor
ng Diyos” hindi upang mangaral kundi upang kasangkapanin sa muling pagtatayo ng
Templo (Isa 44:28; 45:1 at 4-5)
5. “Ang lahat ng anghel ay espiritu sa kalagayan at taga langit batay sa Hebreo 1:13-14. Kaya,
ang tao kagaya ni Kapatid na Felix Y. Manalo ay hindi maaaring tawaging anghel.”
Pasinungalingan ang paniniwalang ito.
Sagot:
• Nagkakamali ang iba sa paggamit sa Hebreo 1:13-14 sa pagtuturo na ang tao ay hindi
maaaring tawaging anghel. hindi mali ang nakasulat kundi ang mali ay ang kanilang
pagkaunawa sa talatang pinagbabatayan. Ito ay sa dahilang:
• Ang salitang “lahat” sa Hebreo 1:13-14 ay hindi tumutukoy sa lahat ng uri o sa lahat ng
pinagkakapitan ng salitang anghel (Heb. 1:13-14).
• Ang tinutukoy sa talata na: “silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod” ay ang mga
anghel na taga langit na nasa palibot ng luklukan ng Diyos (Heb. 1:13-14; Apoc. 5:11).
• Hindi ang dahilan kaya sila tinawag na anghel ay sapagkat sila ay espiritu sa kalagayan
at taga langit kundi sapagkat sila ay sinugo upang mangaglingkod (Heb. 1:14).
• Ayon sa Biblia ang kahulugan ng salitang anghel ay sugo (Luk. 1:19). Ganito rin ang
patotoo ng mga diksyunaryo maging ng mga awtoridad ng iba’t ibang relihiyon.
1. Anghel - obispo ng Iglesia ………… Apoc. 2:1 BTK fn
2. Mga anghel na itinulad sa bituin -
sila ay mga pantas sa pagbabalik-loob
sa katuwiran …………..…….. Apoc. 1:16,20; Dan. 12:3
3. Si Juan Bautista ay anghel ………. Mat. 11:7-10 BTK
4. Anghel si Apostol Pablo ayon sa
…………………………… Gawa 14:14-15; 17:27-31
5. Ang saserdote ay anghel
ng Panginoon ……………………… Mal. 2:7 Douay
6. Sa Bibliang Griego, ang katumbas ng salitang sugo sa
Santiago 2:25, Lukas 7:24, at Lukas 9:52 ay “angelos”
ang katumbas nito sa Ingles ay angel at sa tagalog ay
“anghel”. Ang tinutukoy sa Sant. 2:25 ay mga tao na
isinugong tiktik sa Jeriko. Ang tinutukoy naman sa Lukas
7:24 ay mga taong isinugo ni Juan Bautista at sa Lukas
9:52 ay mga tao rin na isinugo ni Cristo sa Jerusalem.
C. Apologetic
6. “Sa cover o palatal ng mga lumang isyu (1951) ng Pasugo ng Iglesia Ni Cristo ay makikita
sa kanilang drawing ang mga anghel na mga espiritu na iginuguhit nilang babae dahil sa
ang mga ito ay may mahahabang buhok at mukhang babae. Sa Biblia, lahat ng mga anghel
na espiritu ay mga lalake kaya nga sila ay pinanganlan ng mga pangalang panlalake tulad
ng Gabriel at Miguel. Walang mababasa sa Biblia na may mga anghel na espiritu ay nasa
feminine gender.” Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Walang aral sa loob ng Iglesia ni Cristo na ang mga anghel na espiritu ay may kasarian
o gender/sec sapagkat sila ay nasa kalagayang espiritu. Maging ang ibang mga
nagsipagsuri ng Biblia ay naniniwala na ang mga anghel na espiritu ay sexless beings
(Men and Angels, Theodora Ward pg 137)
• Sa painting at mga drawing ukol sa pigura ng anghel na espiritu ay may magkaibang
style ng pagguhit: Ang Byzantine at Romanesque styles. Ang Byzantine style ng
drawing sa anghel ay batang lalake samantalang ang Romanesque style ay sometimes
strongly masculine at kung minsan verging on the feminine o nagmumukhang babae.
Ngunit nananatili ang paniniwala ng mga pintor o debuhista na ang mga anghel na
mukhang babae at may mahabang buhok ay estilo lamang ng pagguhit at hindi dahil
sila ay naniniwala na ang mag anghel na espiritu ay mga babae at mga lalake.
• Hindi po dahil sa may mahabang buhok ay babae na. May lalake na mahaba ang
buhok - Samson at mga Nazareo (Huk 16:17 NPV; Blg 6:5 NPV). Maraming lalake
ngayon na mahaba ang buhok.
• Ang pangalang Gabriel ay hindi panlalake lamang. May babaeng na ang pangalan niya
ay Gabriel.
7. “Mali ang Iglesia Ni Cristo sa pagtuturo na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang hinuhulaan sa
Isaias 41:9 sapagkat batay sa Isaias 41:8, ang kausap ng Diyos sa talatang ito ay si Jacob
at ang Bayang Israel na mga binhi ni Abraham sa laman.” Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Tama ang paninindigan ng Iglesia Ni Cristo na si kapatid na Felix Y. Manalo ang sugo ng
Diyos na hinuhulaan sa (Isaias 41:9-10) sapagkat sa Kaniya natupad ang hulang ito.
• Siya at ang Iglesia Ni Cristo ang tinutukoy na Jacob ay Israel at hindi ang Jacob at Bayang
Israel na binhi ni Abraham sa laman.
• Malaon nang patay si Jacob na binhi ni Abraham sa laman nang hulaan ni Propeta Isaias
ang “Jacob” sa Isa. 41:8-9. Namatay si Jocob noong 1854 BC Ayon sa New Unger’g Bible
Dictionary p. 549. Ang panahon naman ng panghuhula ni Propeta Isaias ay noong 740-
700 BC (Ibid. p. 536).
• “Mga wakas ng lupa” ang panahon ng paglitaw ng Jacob at Israel na hinuhulaan sa (Isaias
41:8-10).
• Hindi ang dating Jacob ang tinutukoy sapagkat ito ay bagong kasangkapang panggiik (Isa.
41:14-15).
• Ang sabi ng Diyos kapas nagawa na ang bago ay: “Huwag ninyong alalahanin ang mga
dating bagay” (Isa. 43:19,18). Ang Bayang Israel ang tinutukoy na “matanda o ang dating
bayan” (Isa. 44:7). Kaya mali na sabihing ang tinutukoy sa Isaias 41:9-10 ay Jacob na
anak ni Isaac at ang bayang Israel.
• Ang mga Kay Cristo o mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay binhi rin ni Abraham (Gal. 3:29;
Mat. 16:18; Roma 16:16). Kaya bagama’t si kapatid na Felix Manalo at ang bunga ng
kaniyang gawain ay hindi mga Israelita sa laman o hindi mga anak ni Abraham sa laman,
gayunpaman, tinatawag din silang binhi ni Abraham, hindi sa laman kundi sa pangako
(Roma 9:8).
• Ang Iglesia ay talagang tinatawag ng Biblia na “Israel ng Diyos” (Gal. 6:15-16; Gal. 6:16
Trinidad fn at Abriol fn.).
TUNGKOL SA PAGSUSUGO (B)
1. Kung ang far east na binabanggit sa Isaias 43:5 Moffatt ay ang bansang Pilipinas, ang
Far east ba na binabanggit sa Genesis 2:8 Moffatt ay Pilipinas din? (In the land of
Eden, to the far east, God the eternal then planted a park, where he put the man
whom he had moulded.)
Sagot:
• Dapat tandaan na ang lahat ng lugar ng kontinente, bansa, probinsiya, siyudad at iba pa,
ay may kani-kaniyang sariling far east depende sa kanilang point of reference.
• Ang far east na binabanggit sa Gen. 2:8 Moffatt ay far east ng sang particular na mako -
ang halamanan ng Eden.
• Hindi ito far east ng buong mundo. Samantalang ang far east na nasa Isa. 43:5 Moffatt ay
far east ng buong undo o earth (Isa. 43:5-6 KJV).
• fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west;
I will say to tha north, Give up; and to the south, Keep not back: bring my sons from far, and
my daughters from the ends of the earth.
B. Polemical
3. “Ang tinutukoy na ibang mga tupa sa juan 10:16 ay ang mga Gentil sapagkat ang mga
Gentil ay wala pa sa kulungan nang ipahayag ni Jesus ang hula.” Pabulaanan ang
pahayag na ito.
Sagot:
• Patuloy kaming naninindigan na ang tinutukoy na ibang mga tupa ay ang mga kaanib
sa Iglesia ni Cristo na magmumula sa malayong panahon at dako na ito ay ang
malayon silangan at mga wakas ng lupa (Juan 10:16; Gawa 20:28 Lamsa; Gawa 2:39
Riue; Isa 43:5-6 Moffatt; Isa 43:5-6 DSS; Mat 24:3,44,6-8) Kaya nga sinabi ng ating
Panginoong Jesucristo na “wala sa kawang narito” at “in the future “samakatuwid
hindi kapanahunan niya (Juan 10:16 ETRV)
• Bakit natin natitiyak na hindi ang mga Gentil ang tinutukoy dito? Sapagkat may ilang
mga Gentil na sumampalataya kay Jesus (Mat 15:22,27 New Life Testament). Ang
centurion na Gentil na sumampalataya kay Jesus ay maliligtas (Mat 8:11 TLB)
• Ang Gentil na naging kaanib sa Iglesia ni Cristo ay sa kulungan din na binabanggit
ni Cristo napabilang gaya ng pinatunayan ni Apostol Pablo. Ayon sa kaniya iisa ang
kinabibilangan ng mga Judio at mga Gentil at sila’y magkapanahon (Gal 2:8 MB)
• Kaya kahit pa napatunayan pa na ang mag Gentil ay wala pa sa Iglesia nang sabihin
ni Cristo ang tungkol sa Kaniyang ibang mga tupa ay hindi pa rin ang tinutukoy ni
Cristo sapagkat nang sila;y matawag ay doon sila napabilang sa Iglesia ni Crisot na
kinaaniban ng mga Judio.
The New Germany - not only the kaiser but all the monarchs of
the various German state… abdicated or were deposed in No
vember, 1918. With the crumbling of the empire it was necessary
for the German people to devise a new form of government.
Accordingly on November 16 a provisional republic was set up
with Frederick Ebert as chancellor.
Sa Filipino:
Ang Bagong Alemanya hindi lamang ang mga emperador (Kaiser)
kundi lahat ng hari ng iba’t ibang estado na laeman… ang nag
bitiw o inalis noong Nobyembre, 1918. Sa pagguho ng imperyo
kinailangan ng mga Aleman na bumalangkas ng isang bagong uri
ng pamahalaan. Kaya noong Nobyembre 16 isang pansamanta
lang republika ang itinatag na ang kansilyer (Chancellor) ay si
Frederick Ebert
• Ito rin ang sinasabi sa Apoc. 6:14 na “ang bawat bundok… ay naalis sa kanilang
kinatatayuan”. Ang “bubdok” ay tumutukoy rin sa hari at sa kaharian (Apoc. 17:9-10). Ang
pagkahawi ng langit at ang pagkaalis ng mga bundok sa kanilang kinatatayuan ay
naganap sa digmaang pangdaigdig (Isa. 34:1-4).
C. Apologetic
• Sa hula ay tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak at ayaw na siyang maaliw.
Kung unawain natin itong literal ay hindi ito nangyari dahil namatay ng una si Raquel
sa kaniyang panganganak kay Benjamin.
• Binanggit din sa hula ang lugar na ito ay ang Rama. Subalit ang kintuparan sa hula
ay naganap sa Bethlehem. Sampung (10) milya po ang pagitan nito.
7. “Hindi si Kapatid na Felix Y. Manalo ang kinatuparan ng hula sa Isaias 46:11-13 kundi si
Ciro batay sa saling The Living Bible.” Sagutin mo ang tuligsang ito.
Sagot:
• Sariling pakahulugan o paniniwala ng nagsalin ng The Living Bible na si Ciro ang
hinuhulaan ng talatang nabanggit. Wala sa mga sinaunang kopya (ng Isa. 46:11) ang
pangalan ni Ciro. Nagkakamali ang mga naniniwalang si Ciro ang kinatuparan ng hula sa
Isa. 46:11-13 dahil sa mga sumusunod:
• Ang pagmumulan ng tao na itinulad sa ibong mandaragit ay sa malayong silangan,
samantalang si Ciro ay nagmula sa Persia na saklaw ng malapit na silangan.
• Ang mga taong pinagsuguan sa hinuhulaan sa Isa. 46:11-13 ay malayo sa katuwiran
samantalang ang pinagsuguan ka Ciro ay ang Israel na malapit sa katuwiran sapagkat sa
kanila ibinigay ang kautusan (Deut. 30:11-14; Roma 9:4 MB).
• Ang lalong nagpapatunay na hindi si Ciro ang hinuhulaan sa Isa. 46:11-13 ay ang panahon
ng gawain ng sugo ng Diyos — sa panahong ang kaligtasan ay malapit na o hindi na
magluluwat. Ito ang panahon na kung tawagin ng Biblia ay “mga pintuan” (Mat. 24:33,3)
o “mga wakas ng lupa” (Isa. 43:5-6).
• Natitiyak namin na si kapatid na Felix Y. Manalo ang kinatuparan ng hula sapagkat
natupad sa kaniya ang lahat ng pagkakakilanlan na binabanggit dito.
• Dakong pagmumulan: malayong lupain sa silangan o malayong silangan (Pilipinas).
• Pinagsuguan: mga taong malayo sa katuwiran (pinipigil ng Hilagaan at Timugan, ng
Protestantismo at ng Katolisismo).
• Panahon ng pagsisimula ng gawain: sa panahong ang kaligtasan ay hindi na magluluwat
(mga wakas ng lupa).
A. Expository
1. Kapag ginagamit ang Apoc. 7:1, ipinaliliwanag ng Iglesia Ni Cristo na ang ‘apat na
anghel’ ay apat na sugo. Bakit naman sa banggit na ‘apat na hangin’ ay sinasabi
nilang isang digmaan lamang ang tinutukoy at hindi apat na digmaan?
Sagot:
• Sapagkat ang banggit sa Apoc. 7:1 na apat na hangin ay hindi tumutukoy sa bilang ng
hangin kundi sa uri o pagmumulang direksiyon — apat na sulok ng daigdig o ang buong
sanlibutan.
• Kaya’t sa katuparan, ang naganap ay hindi apat na digmaan kundi isang digmaan na
Pambuong Sanlibutan (Apoc. 7:1; Isa. 34:1-3).
• Ang katunayan na isang digmaan lamang ang tinutukoy ay binanggit sa hulang bahagi ng
Apoc. 7:1, “upang huwag humihip ang hangin sa lupa.
• Sa saling New Pilipino Version ang banggit ay “…na pinipigil ang hangin upang huwag
makaihip sa lupa o sa dagat o sa alinmang punungkahoy.
2. Alin ang tinutukoy ni Cristo na “magiging isang kawan” sa Juan 10:16? At ano ang
katunayang ang ibang mga tupa na hinuhulaan sa juan 10:16 ay hindi sa dako at
panahon ng Iglesia noong unang siglo?
Sagot:
• Ang magiging Iglesia Ni Cristo sa hinaharap (cf ETRV) kapag natupad na ang hula na
ip[inahayag Niya.
• Ang katunayang ang Iglesia Ni Cristo ang katawan ay ang nasa Gawa 20:28 Lamsa.
• Ang katunayan na ang ibang mga tupa na hinuhulaan sa Juan 10:16 ay hindi sa dako at
panahon ng Iglesia noong unang siglo ay tiniyak sa saling Easy to Read Version na ang
ibang mga tupa ni Cristo ay “hindi sa kawang narito,” subalit sa hinaharap ay magiging
isang kawan.
B. Polemical
3. “Ang malayo na tinutukoy sa Gawa 2:39 (Sapagkat sa inyo ang pangako, at sa inyong
mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo) ay ang mga Gentil na pinagsuguan kay
Apostol Pablo sapagkat batay sa Gawa 22:21, ang malayo ay ang mga Gentil.”
Pabulaanan ang pahayag na ito.
Sagot:
• Hindi po magkaugnay ang Gawa 2:39 at Gawa 22:21 dahil hindi naman lahat na
“malayo” ay iisa ang tinutukoy. Iba ang malayo sa Gawa 2:39 sa malayo sa Gawa
22:21. Ang malayo sa Gawa 2:39 ay malayo sa panahon at dako (Gawa 2:39 Rieu).
Samantalang ang malayo sa Gawa 22:21 ay sa sentidong malayo sa Diyos (Efe
2:11,13,17 MB). Malayo sa Diyos ang mga Gentil. Kaya hindi po totoo na Gentil ang
tumutukoy sa Gawa 2:39, ang tinutukoy sa talata ay ang mga anak ng Diyos na
tatawagin pa lamang sa malayong panahon at malayong dako - mga wakas ng lupa
at malayong silangan na ang kintuparan nito ay ang Iglesia ni Cristo na bumangong
muli sa Pilipinas (Juan 10:16 ETRV; Gawa 20:28 Lamsa; Isa 43:5-6 Moffatt at KJV)
4. “Kung ano ang nakasulat sa hula ay siyang sapat na katuparan. Dapat lahat ng detalye
ng hula ay makitang literal na nagaganap sa katuparan. Halimbawa, kung sinabi sa
hula na sumigaw ang ibang anghel sa apat na anghel, dapat ipakitang sa pangyayari
ay nagkausap nga ang sinasabingkinatuparan ng ‘ibang anghel’ at ang kinatuparan
ng ‘apat na anghel.’” Pasinungalingan ang pahayag na ito.
Sagot:
• Talagang dapat hanapin at patunayan ang katuparan ng hula, subalit hindi sa lahat ng
pagkakataon ay dapat hanapin ang lahat ng detalye ng hula na literal na naganap sa
katuparan. Ito ay salungat sa pamamaraan ng Diyos.
• Pinatutunayan ito maging ng mga nagsipag-aral ng Biblia.
Sa Filipino:
Maling ipalagay na kung ating ipakilala ang katuparan ng isang
hula ay dapat na ang hula ay may literal na katumbas sa katu
paran… Hindi na natin kailangang hanapin pa ang literal na katu
paran ng lahat ng kaniyang detalye.
• Ano naman ang batayan nito sa Biblia? Ang isang halimbawa nito ay ang hula ni Propeta
Jeremias tungkol kay Raquel (Jer. 31:15) na ipinaliwanag naman ni Apostol Mateo ang
katuparan sa Mat. 2:16-18. Sa hula ay binabanggit na narinig sa Rama ang isang tinig,
ang isang panaghoy. Iniyakan ni Raquel ang kaniyang mga anak at siya’y tumangging
maaliw dahil ang kaniyang mga anak ay wala na. Kung ang hahanaping katuparan ay ang
literal na nakasulat sa hula ay lilitaw na mali si Apostol Mateo sa pagkaunawa sa hula
sapagkat ang binabanggit na lugar sa hula ay ang Rama samantalang ang binababggit
naman ni Apostol Mateo ay Betlehem.
• Hindi lamang magkaibang lugar ang binabanggit, magkalayo pa. Ang Rama ay limang (5)
milya ang layo pahilaga mula sa Jerusalem at ang Jerusalem ay limang (5) milya ang layo
patimog sa Betlehem.
• Sa hula ay tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mg anak at ayaw na siyang maaliw. Kung
sa literal uunawain ang pahayag ni Propeta Jeremias ay mahirap itong maintindihan at
masasabi pang hindi ito natupad sapagkat sa pangyayari ay naunang namatay si Raquel
na asawa ni Jacob kaysa kaniyang mga anak (Gen. 35:16-19). Namatay siya sa
panganganak kay Benjamin.
• Ang sinabi ni Apostol Mateo na katuparan ng hula ni Jeremias ay ang pagpapapatay ni
Herodes sa mga sanggol na lalake sa Betlehem (Mat. 2:16-18). Kaya, bakit hindi tutulan ng mga
tumutuligsa sa Iglesia Ni Cristo ang pahayag na ito ni Apostol Mateo? Bakit hindi nila hanapin sa
pahayag niya ang literal na katuparan ng bawat detalyeng binabanggit sa hula? Kaya hindi
matututulan ang sinabi ni Apostol Mateo na katuparan ng hula ay sapagkat may karapatan siyang
magpaliwanag ng hula bilang isa sa mga sinugo ng Diyos.
C. Apologetic
5. “Hindi totoo ang itinuturo ng Iglesia Ni Cristo na ang katuparan ng sinasabing mga
kabayo ay lalong matulin kay sa sa mga aguila (Jer. 4:11,13,19) ay ang mga eroplano
na ginamit noong Unang Digmaang Pandaigdig dahil sa ang speed o bilis ng mga
eroplano noong 1914 ay mabagal kaysa ng agila. Ang speed ng pinakamatuling agila
ay 120 mph (mile per hour) ayon sa Collier’s Encyclopedia, Vol. 4., p. 201,
samantalang ang speed ng mga eroplano noong 1914 ay 80 mph lamang.” Sagutin
ang tuligsang ito.
Sagot:
• Tama ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo tungkol sa katuparan ng nasabing hula.
• Totoo na mababagal pa lamang ang mga eroplano noong 1914 (80 mph) subalit ang mga
ito ay naging mabilis (140 mph) bago matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig noong
Nobyembre 11, 1918.
•
Thomas, Hugh. A Histori f The World, p. 470.
By November 1918, the US had 3,200 fighters, the British
22,000 altogether (in comparison with 272 in 1914). (27)
These aircraft went fast: 140 miles an hour instead sa 155
mph:
Microsoft Encarta 2007, 1993-2006 Microsoft Corporation.
During World War I, Autstanding early British fighters included the Softwith Pup (1916)
and Sopwith Camel (1917), which flew as high as 5,800 meters (19,000 ft) and had a top speed of 190
km/h (120 mph). Notable French Fighter included the Spad (1916) and the Nieuport 28 (1918). By
the end of the World War I in 1918, bothwarring sides had fighters that could fly at altitudes 7,600
meters (25,000 ft) and speeds up to 250 km/h (155 mph)
6. “Sa Apoc. 7:4-10 ay tinitiyak na ang mga natatakan ay ang 144,000 mula sa 12
angkan ng Israel at ang mga ito'y natawag noong unang siglo. Kaya mali ang Iglesia
Ni Cristo sa paniniwala na si G> Felix Y. Manalo ang tinutukoy sa Apoc. 7:2-3 na
ibang anghel na magtatatak.” Sagutin ang tuligsang ito.
Sagot:
• Naninindigan kaming mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na si kapatid na Felix Manalo ang
katuparan ng ibang anghel sa Apoc 7:2-3 dahil ito ang dalisay na katotohanan.
• Hindi po sinabi sa Apoc 7:4 na ang nagtatak sa 144,000 ay ang ibang anghel na
hinuhulaan sa Apoc 7:2-3. Kaya bagaman totoo na ang 144,000 ay bunga ng gawain ni
Cristo at ng mga apostol hindi po nangangahulugang si Cristo ang tinutukoy na ibang
anghel. Bakit? Sapagkat ang 144,000 ay ang pangunahing bunga ng pangangaral ng
Cordero (Apoc 14:1,4; Sant 1:1,18). Ito ay sa unang tatak o unang yugto sa panahong
Cristiano. Samantalang ang panahon ng pagtatatak ng ibang anghel ay sa dulo ng ikaanim
na tatak o yugto ng panahong Cristiano (Apoc 6:12)
• Kaya lamang binanggit ang natatakan sa panahon ng unang Iglesia (Apoc 7:4) ay upang
ipakita ang pagkakaugnay rito ng gawain ng ibang anghel (Apoc 7:2-3). Ang dalawang
gawaing it oay kapuwa pagtatatak at kapuwa gawaing pagliligtas ng Diyos.