Dahil kung papaano mo ituring ang tao sa paligid mo ay tanda kung ano ang pagkatao mo. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagbibigay ng tulong materyal man ito o hindi, pera man ito o serbisyo, kasabay ng pag-aalala sa kapwa ang pakikipagkwentuhan upang alamin at kilalanin pa ang tao ng sa gayon ay mas mapag isipan mo sa kung papanong paraan mo sya matutulungan o kung papano mo mapapakita na bukal sa iyong kalooban ang pagtulong. Ang taong totoong nagmamalasakit ay nakakaintindi sa sitwasyon kahit na ito ay hindi patas para sa sarili. Ang taong nagmamalasakit ay magtatanong ng hindi ka kukuwenstsunin o hahamakin. Ang totoong nagmamalasakit ay yayakapin ka parin kahit paulit ulit mo man gawin ang iyong mga pagkakamali. Ang nais nila ang para lamang sa kabutihan mo. - https://brainly.ph/question/868897#readmore