Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TEKSTONG IMPORMATIBO

 Isang uri ng babasahing di-piksiyon.


 Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon, at iba pa.
 Nakabase sa katotohanan at mga datos

Elemento ng Tekstong Impormatibo


1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing ideya
3. Pantulong na kaisapan
4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin
5. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon.
6. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto.
7. Pagsulat ng mga talasanggunian

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo


1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
3. Pagpapaliwanag

TEKSTONG DESKRIPTIBO
 Ito ay isang paglalarawan gamit ang mga salitang ginamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa
ang paglalarawan sa teksto.
 Karaniwang ginagamitan ng mga pang-uri at pang-abay upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos
o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
 Ginagamitan din ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay.
(hal. pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao . . .)
 Ito ay maaaring subhetibo o obhetibo
Subhetibo – ang paglalarawan ng manunulat nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang imahinasyon.
Obhetibo – Ang paglalarawan ay may pinagbabatayang katotohanan.
 Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto ang tekstong deskriptibo

Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal


 Ginagamit upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi pa ng iba pang
uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin

Pangunahing Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal


1. Reperensiya (Reference) – ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng
paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Anapora – kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy
Katapora – kung nauna ang panghalip at malalaman kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy
ang pagbabasa sa teksto.
2. Substitusyon (Substitution) - paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
3. Ellipsis – may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa anfg pangungusap dahil makatutulong ang anumang pahayag para matukoy ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
4. Pang-ugnay – nagagamit sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa
pangungusap.
5. Kohesyong Leksikal – mabilisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Uri ng Kohesyong Leksikal
5.1 Reiterasyon – kung ang ginagawa at sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
a. Pag-uulit o repetisyon
b. Pag-iisa-isa
c. Pagbibigay-kahulugan
5.2. Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa
kaya’t kpag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
---- Maring magkapareha o magkasalungat.

Bahagi ng Tekstong Deskriptibo


1. Paglalarawan sa tauhan
2. Paglalarawan sa damdamin o emosyon
Paraan ng paglalarawan sa damdamin
a. Pagsasaad sa aktuwal na naranasan ng tauhan
b. Paggamit ng diyalogo o iniisip
c. Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
d. Paggamit ng tayutay o matalinhagang pananalita
3. Paglalarawan sa tagpuan
- Ano ang itsura ng lugar?
- Ano-anong tunog ang maririnig s paligid?
- Anong amoy ang namamayani sa lugar?
- Ano ang pakiramdam sa lugar?
- Ano ang lasa ng mga pagkain sa lugar, kung meron man?
4. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay

Dyornal 2

A. Nagustuhan mo ba ang ginawang paglalarawan sa mga tekstong binasa?


Paano nakatutulong ang paggamit ng naaangkop na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalugdang
basahin ang isang teksto at maging mas makabuluhan ito sa mambabasa?
B. Ilarawan mo ang mga sumusunod sa mas malalim at makahulugang deskripsiyon:
1. Ang iyong sarili
2. Ang iyong tahanan
3. Ang iyong matalik na kaibigan

TEKSTONG NARATIBO

 Maikling kuwento, pabula, alamat, nobela, kuwentong bayan, mitolohiya, tulang pasalaysay, epiko, dula,
kababalaghan, anekdota, science fiction, parabula
 Piksiyon o di-piksiyon
 Layunin ng naratibong di-piksiyon ay mang-aliw o manlibang sa mga mambabasa, ngunit nakabase sa
katotohanan
 Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari ng isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan
 Nakakapagturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan

Mga Katangian ng Tekstong Naratibo

1. May iba’t ibang pananaw o punto de vista (point of view)


1.1 Unang panauhan
1.2 Ikalawang panauhan
1.3 Ikatlong panauhan

Tatlong Uri ng Pananaw


 Maladiyos na panauhan
 Limitadong panauhan
 Tagapag-obserbang panauhan

1.4 Kombinasyong pananaw o paningin

2. May iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin, o damdamin


2.1 Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
2.2 Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

1. Tauhan
a. Pangunahing Tauhan
b. Katunggaling Tauhan
c. Kasamang Tauhan
d. Ang May-akda

2 Uri ng Tauhan
a. Tauhang Bilog (Round Characters) – tauhang multidimensional o maraming saklaw ang personalidad
b. Tauhang Lapad (Flat Characters) – tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon
3. Banghay
 Pagkakaron ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema
(orientation or introduction
 Pagpapakilala sa sulraning ihahanap ng kalutusan ng mga tauhan particular ang pangunahing tauhan
(problem)
 Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin (rising action)
 Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdula (climax)
 Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
 Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Anachrony o mga Pagsasalaysay na Hindi Nakasunod sa Tamang Pagkaksunod-sunod.


a. Analepsis (Flashback) – Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (Flash-forward) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap
c. Ellipsis – May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may
bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama
4. Paksa o Tema – sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.

TEKSTONG PROSIDYURAL

Tekstong Prosidyural
 Espesyal na uri ng expository
 Naglalahad ng mga serye o mga hakbang ng pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan.
 Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay .
 Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa

TEKSTONG PERSUWEYSIB

Tekstong Persuweysib
 Layunin nito ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto
 Isinusulat ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at
hindi sa iba, ang siyang tama.
 Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
 Ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at
pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
 Gumagamit ito ng mga iskrip, propaganda at pagrerekrut.

Iba’t ibang paraan ng pangungumbinsi o panghihikayat. (Aristotle)


1. Ethos – Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
2. Pathos – Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mababasa.
3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Tekstong Argumentatibo
 Ito ay isang teksto na may subhetibong tono sapagkat nakabatay ito sa damdamin at opinion ng manunulat.
 Naglalayon itong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa damdamin o opinion ng
manunulat, nakabatay din ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat.
 Ginagamit ng tekstong ito ang logos na pangungumbinsi.
 Inilalahad ng may akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensyang nagpapatunay at nagpapatibay ng
kanyang posisyon o punto.

Pagkakaiba ng Tekstong Argumentatibo at Tekstong Persuweysib


Argumentatibo Persuweysib
 Nangungumbinsi batay sa datos o imormasyon * Nangungumbinsi batay sa opinion
 Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensya * Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng
 Obhetibo emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad
ng may akda
o * Subhetibo

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo


1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.
2. Itanong sa sarili kung ano ang nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig ditto.
3. Mangalap ng ebidensya.
4. Gumawa ng borador
a. Unang talata: Panimula
b. Ikalawang talata: kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay-daan sa paksa
c. Ikatlong talata: Ebidensyang susuporta sa posisyon.
d. Ikaapat na talata: (Counterargument): Asahan mong may ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong
argumento kaya ilahad din ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.
e. Ikalamang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat
f. Ikaanim na talata: Ikalawang knongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon kung ‘yan ang iyong
posisyon?”
5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumnetatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasan ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto, Ito ang magiging pinal na kopya.

You might also like