Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDPR) from July 17 to 23, 2017 with

the theme, “Karapatan at Pribilehiyo ng Maykapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban.

THIRD WEEK OF JULY AS THE NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK
NAGTATAPOS TUWING BIRTHDATE OF THE SUBLIME PARALYTIC: APOLINARIO MABINI ON JULY 23
EACH YEAR

national interest to stimulate public awareness on the problems of disability


encourage every citizen to take active responsibility in the upliftment of the economic and social conditions of
the PWDs of our society

Isang sulyap sa larawan ng kapansanan

Sa daigdig:

higit na sa 1 bilyon (o 15% ng sangkatauhan) ang kasalukuyang bilang ng taong may


kapansanan sa buong mundo
sa mga bansang lumalago, umaabot sa 15-20% ng mga maralita ay may kapansanan
Sa Pilipinas:

1,442,586 – bilang ng Pilipinong may kapansanan ayon sa Census 2010


49% sa Pilipinong may kapansanan ay babae
26% sa Pilipinong may kapansanan ay nabibilang sa edad 0 – 19

3% sa mga kabataang may kapansanan (may edad 7 – 12) ay nag-aaral


nangangalahati lamang ang mga babaeng may kapansanan na nakapag-aral o may
trabaho kung ihahambing sa mga lalaking may kapansanan

Mga di na angkop na pananaw ng kapansanan

Magmula pa noong sinaunang panahon, ang sinumang may kapansanan ay malimit na ituring na
isang sumpa, malaking kamalasan o parusa sa pamilya at pamamahay na kinabibilangan. Sa ilang
mga tribo, ang mga sanggol o bata na may kapansanan ay kaagarang pinapatay, tinatalikuran, o
iniwawalay sa karamihan. Sa iba, may paniniwalang umiiral na ang kapansanan ay indulhensyang
itinalaga ng Maykapal. Subali’t kaming mga nilalang na ganito ay itinuturing na nangangailangan pa
rin ng labis na pagkalinga dala ng pagiging iba sa mga normal.

ang pagkakaroon ng iba’t-


ibang pagkakaiba (hal., mga bingi, bulag, mga taong may awtismo, Down’s Syndrome, kapansanang p
akikisalamuha, hindi gumagaling na medikal nakondisyon, mga taong gumagamit ng saklay o wheelch
air, atbp.), ay natural na bahagi ng sari-saring habi ng sangkatauhan. Kaya’t
inaasam na mundo na walang diskriminasyon at pagtangi ayon sa kapansanan, lahat ay normal.
Dahil kung tutuusin, lahat naman tayo ay pare-parehong tao, pero hindi ibig sabihin na tayo ay pantay-
pantay na. Ang mga ugali at pali-paligid na siyang mga sanhi ng sagabal at hadlang sa ganap
na partisipasyon sa aming mga may kapansanan ay kailangang baguhin at alisin.

Mga halimbawa ng pangunahing isyu at ipinaglalabang mga karapatan at kalayaan

 Karapatang mabuhay: Pagtigil ng lubhang pagpapabaya, kung minsa’y abot sa bingit ng kamat
ayan, lalo na sa mga sanggol at bata dahil sa taglay na kapansanan.

 Karapatan sa pagkakapantay-
pantay na pagkilala sa kakayahang magpasiya alinsunod sa batas:
Malimit na natatanggalan ng karapatang magpasiya (lalo na ang mga may kapansanan sapang
kaisipan o pakikisalamuha) na makapili o magdesisyon nang sarili. Naililipat ng buo sa mga inat
asang mag-
ingat sa kanila ang kakayanang magpasiya, kaya’t sila mismo ay nawawalan ngkapangyarihan
sa kanilang sariling pamumuhay. Isang katotohanan na may mga bahagi ng batas ng Pilipinas,
hal. ang Civil Code na siya mismong nagdadala ng diskriminasyon laban sa mgabingi, at may k
apansanan sa isip at pakikisalamuha.
 Mga kaparaanan sa sistemang pangkatarungan:
Ang lahat ng mga gusali at pasilidad, dokumento, atas at pamamalakad ng lahat ng korte at tak
bo ng paglilitis ay dapat walang hadlang sa lahatng may kapansanan. Kasama rito ang mga ra
mpa para sa mga naka–wheelchair, at mga interpreter ng wikang senyas para sa mga bingi.

 Kalayaan at seguridad ng pagkatao:


Aang matinding paglabag ng karapatang mamuhay ng malaya ay nakikita sa libu-
libong mga may kapansanan na nakakulong sa iba’t ibang uri ngpampublikong pagamutan, bah
ay kanlungan, piitan, atbp. Marami ring kasingtulad ang makikita sa mga pribadong pasilidad at
pati na rin sa mga tahanan.

 Proteksiyon sa lahat ng uri ng karahasan, pananamantala at masidhing pahirap, lalung-


lalo na sa mga kababaihan at batang may kapansanan:
Kabilang rito ang maraming kaso ngpanggagahasa sa mga babae at bata; pang-
aabuso tulad ng pagtatali, pagkakadena at pagkukulong. Hanggang sa ngayon walang program
a ang pamahalaan na malawakang nagsisiyasat ngugat ng ganitong mga suliranin, at nagpapat
upad ng matibay na mga solusyon.

 Pagtaguyod ng ganap na pangangatawan at pag-iisip:


Ang sapilitang pagtanggap ng gamot at kaparaanang paggamot (hal., electric convulsive therap
y o electric shock treatment) ay kalimitanpinagpapasiyahan lamang ng mga doktor at inatasang
taga-ingat sa mga taong my kapansanan sa pangkaisipan o pakikisalamuha.

 Karapatang makagalaw sa kalsada at lansangan upang makaabot sa lahat ng lugar:


Hindi makagamit ng pampublikong transportasyon ang mga Pilipinong may kapansanan, magin
g sa mgasiyudad o probinsiya dahil sa mga balakid sa paggalaw at malayang pagkilos. Kadalas
an ang maari lang sakyan ay ang mga taksi sa siyudad na lubhang napakamahal naman.

 Ang mapabilang at makasali sa lahat ng proyekto, programa at araw-


araw na pamumuhay sa komunidad na katulad ng mga kasama, kapitbahay at kanayon.

 Paggalang sa pansariling pamumuhay kasama na ang pagpapasiya ukol sa pag-


aasawa, panganganak, pagpapalaki ng mga anak, at iba pang bagay ukol sa pamilya.

 Karapatang makapag-aral sa lahat ng antas ng pampublikong edukasyon:


Kinakailangang malawakang lutasin ang problema ng Special Education na palagiang ibinubuk
od ang mga batang maykapansanan sa ibang mga bata. Hanggang sa ngayon ay nakakaabot l
amang sa napakaliit na porsyento ng mga batang may kapansanan ang pagkakataong makapa
g-aral sa pampublikongpaaralaan.

 Karapatang pangkalusugan:
Ang kasalukuyang health insurance na pinakikinabangan lamang ng mga may trabaho ay di na
kapagbibigay ng suporta sa karamihan ng mga Pilipinong maykapansanan.

 Karapatan sa panlipunang proteksiyon:


Ang malawakang benepisyo lamang mula sa pamahalaan na tahasang makakapakinabang ang
isang may kapansanan ay ang 20% na diskuwento.Subali’t ang kahit
anumang diskuwento ay walang tunay na naidudulot sa isang maralita na wala man lamang kah
it kaunting salapi para makasakay sa pampublikong transportasyon, makapamili,makapagpaga
mot, o makapaglibang.

 Karapatan sa trabaho at paghahanapbuhay: Patung-


patong na diskriminasyon dala ng mga ugaling nagmamata sa mga may kapansanan, mga gus
aling walang rampa, elevator, o angkop na mgapalikuran, mga balakid sa komunikasyon, mas
mababang sahod sa karamihan, atbp. na nadadagdagan pa ng gastos dahil sa di magamit na p
ampublikong transportasyon at media. Ang mgaprogramang pangrehabilitasyon ay di pa sapat
at matatag upang maasahan sa pangmatagalan at malawakang pagbibigay ng hanapbuhay.

 Pakikilahok sa pulitika:
Hanggang sa huling eleksiyon, di pa rin makaboto ang ibang may kapansanan na katulad ng ib
ang Pilipino; sa nakaraang SONA ng Pangulo, hinangaan angdeterminasyon ng isang may kap
ansanan na gumapang na paakyat sa prisintong kanyang pagbobotohan. Hindi ba man lamang
napuna na kinailangan pang pahirapan at gumapang ang isangtao para lamang maisagawa an
g sarili niyang karapatan sa paghahalal? Dito napatutunayan ang lawak ng puwang na naghihi
walay ng pananaw ng pamahalaan, at ng mga taong maykapansanan.

 Karapatan sa sariling wika at kultura:


Isang malinaw na halimbawa ay ang pagsasalungat ng DepEd sa paggamit ng Wikang Senyas
ng mga Filipino (FSL), at bagkus ang pagsasagawa ngpambansang seminar na nagpapalagan
ap ng artipisyal na sistema ng pagsesenyas sa mga guro sa mga pampublikong paaralan. Baga
ma’t nanaliksik na at naglabas ng mga publikasyon angmga Bingi sa linggwistika ng FSL, hindi
kinikilala ito ng sangay ng Special Education, at tinatalikuran ang sariling patakaran sa paggami
t ng FSL.

You might also like