Araw ng Sabado,walang pasok sa paaralan at opisina
.Abala sina Mang Rudy at Allan sa paglilinis ng bakanteng lote sa kanilangl ikod bahay. Naghahanda ang mag-ama sa lupang pagtataniman nila ng sari-saring gulay.”Mainam ang may gulayan sa likod-bahay,may mauulam na tayo,mayroon pa tayong pera kapag namunga ang mga ito”,wika ni Mang Rudy sa anak.
“Durugin mo ang lupang nabungkal,alisin moa ng maliliit na
bato at damo.Kunin mo tuloy ang pisi at tulos,susukatin natin ang hanay ng lupang pagtataniman upang maging pantay ang gilid”,utos ni Mang Rudy sa anak.
Maya-maya ay dumating si Aling Rosita kasama ang anak
na babae.”Magmeryenda muna kayo,may inihanda kaming malamig na juice at bibingka,paborito mo ito Allan”,nakangiting iniabot ni Aling Rosita ang baso ng juice sa mag-ama.Masayang pinagsaluhan ng mag-anak ang dalang meryenda nina Aling Rosita at Karina.
Pagkatapos kumain,muling nag-utos si Mang Rudy.”Sunod
mong gawin ay haluan mo ng compost ang lupang pagtataniman natin ng punla,ihanda mo na rin ang mga buto ng mga gulay na ating itatanim”.Maayos na nasunod ni Allan ang lahat ng utos ng ama.
Papalubog na ang araw nang matapos ng mag-ama ang
kanilang ginagawa.”Bibilang lamang tayo ng ilang linggo at luntian na ang ating lupang taniman”,ang masayang pahayag ni Mang Rudy.