Professional Documents
Culture Documents
Ang Pinagmulan NG Marinduque
Ang Pinagmulan NG Marinduque
“Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw saakin. Ano nga naman ang iyong
mapapala sa isang mang-aawit na tulad ko? Maaarika bang pakainin lamang ng aking mga
tula?”
“Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banalang iyong kaluluwa.”
“Oo.”
“Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsanpa nating sariwain ang sumpaang sa
ating dalawa ay walang mamamagitan kundikamatayan!”
Nang kinahapuna’y ipinatawag si Marin ng ama. “Bakit kaba nakikipagtagpo nang lihim sa
dukha mong kasintahan? Ito’y sinsay sa akingmga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang
maharlika ay sa maharlika at angalipi’y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutan ang
iyongkasintahan.”
Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya angbawa’t sabihin ng ama’y
masusunod. Napakasungit ng datu! Pinasusian si MutyaMarin sa itaas ng tore. Nang dumating
ang tipanang oras ay walang makitangMarin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga.
Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroonang hinahanap. Sumagi sa
kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilangpagtatagpo.
Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni’t paanoniya maaakyat iyon? Wala siyang
mahagilap na lubid o anumang tali. Siya’y naupoat nag-isip. Namataan niya na may aninong
gumagalaw sa bintanaat ilangsaglitpa’y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si
Marin ay gising.Nahinuha niyang batid ni Marin na siya’y nasa paanan ng tore at
naghihintay.”Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka’t baka mahalatang
bantay,” ang bulong ng makata sa sarili.
Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-muni,bigla siyang namangha nang makita
si Marin sa kanyang harapan. Ang dalagapala’y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at
mga piraso ng damit napinagbuhol-buhol.
“Giliw,” ang Simula ni Marin, “bukas aypapupugutan ka.”
“Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon.Mayroon akong kinasabuwat na mga
alipin na gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayohinihintay.”
“Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog… saan man… doonsa walang amang makapanghihimasok
sa pag-ibig ng anak.”
Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datuna si Marin ay wala na. May
nakapagsumbong na siya’y tumakas. Inihanda atiniutos ng datung habulin ng mabilis na batil
pandigma ang magkasintahangtumalikod sa kaugalian ng balangay.
Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo niMutya Marin. Si Datu Sagwil ay
madaling tumugon.
Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gustongpagpakasalan kay Marin. Si Datu
Bagal ay sumama rin nang magdaan sa Mindoro angmga humahabol.
Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwatng maliit na sasakyan sa malaking
sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalonsina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa
kailaliman ng tubig dahil sa mabigatna pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan.
Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nangmakita ang isang malaking pulo sa
dakong tinalunan ng magsinggiliw. Mula noonay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE,
galing kina Marin at Duque.
Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Bilang pagtitikasa kanyang nagawang pagmamalupit,
siya’y nagpakatino. Siya’y naging mapagmahalsa kanyang mga sakop. Ang mga alipin ay
kanyang pinag-ukulan ng pagtingin nahigit sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sa
balangay. Ang mgaalipin at mga maharlika ay naging pantay-pantay sa dambana ng mga anito
tungkolsa pag-ibig at suliranin sa puso.
Ang Marinduque ngayon ay isang pulong may magaganda atmatulaing tanawin. Pinilas ang
ganda kay Marin at hiniram ang tula sa dakilangmang-aawit.