Post Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JANOPOL ORIENTAL NATIONAL HIGH SCHOOL

POST TEST (EXIT EXAM)


Pangalan:_____________________________________________________________________________

Tukuyin ang ipinahihiwatig ng parilalang may salungguhit. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
_____1. Umiihip ang maginaw na hangin mula sa hilaga.
a.Naaalala ang pangyayari
_____2. Nakatihaya siya sa lupa habang nakatigil ang pedicab
b.Bagong alaala
_____3. Para akong unti unting nawawalan ng lakas. c.Nanghihina
_____4. Kahit ngayon, sariwang sariwa ito sa akin gala-ala. d.Nakahig
_____5. Ang insidente ay bumabalik sa akin e.Malamig ang hangin

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang.
6. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.
A. Akitin B. Bitagin C. Hulihin D. Ikulong
7. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian.
A. Akala B. Bintang C. Maltrato D. Palagay
8. “Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante” pangyayari ay nagpapakita ng
A. paglilibang B. kababalaghan C.pagtatanggol D.kaluwalhatian
9. Alin sa mga sumusunod ang ibig sabihin ng pahayag na Pinagpala ng Diyos ang maganda, matalino at
kumikilos nang naayon sa lipunan?
A. kayapaan B. pagmamahal C. katalinuhan D. kaluwalhatian
10. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa” ang tagubilin ng inang banga sa kanyang
anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” “Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang
tanong ng anak na banga sa kanyang ina. Ano ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na linya hango mula
sa, “Parabula ng Banga”?
A. Ang anak na banga ay nagagalit sa kanyang ina
B. Ang anak na banga ay nagtataka sa pangaral ng kanyang ina
c. Ang anak na banga ay suwail
d. Ang anak na banga ay palaging nagkakasala
11. Base sa Parabula ng Banga, anong damdamin ang nangingibabaw sa ina para sa kanyang anak na
banga?
A. Pagmamahal B. Pagkagalit C. Pagkatuwa D. Pagtatampo
12. Habang siya ay nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng kanniyang
ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Habang may buhay, magpakasaya ka.
B. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
13. Ito ang tagubilin ng ina sa kaniyang anak. Ang saitang tagubilin ay nangangahulugang
a. babala b. paalala c. payo d. bilin
14. Piliin ang salitang hindi nabibilang sa pangkat ayon sa salitang may salangguhit. Ang estado ay
mananatili sa pamamagitan ng iba’t ibang mga sangay nito.
A. Ekonomiya B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Silid aklatan
15. Maiiwasan ang polusyon kung magiging responsable ang bawat mamamayan.
A. Basura B. Kasuotan C. Kemikal D. Usok
16. Sa pamamagitan ng mabubuting gawa, makasusunod tayo sa atas ng Diyos.
A. Pag-asa B. Pag-ibig C. Pagkamakasarili D. Pananampalataya
___17. Sino ang humamak kay Ibarra sa piging?

A. Padre Damaso B. Padre Sibyla C. Padre Salvi D. Padre Martin
___18. Bakit naghandog ng salu-salo sa kanilang tahanan si Kapitan Tiyago?
A. Naghandog ng salu-salo si Kapitan Tiyago dahil sa pagdating ni Crisostomo Ibarra.
B. Naghanda siya sapagkat kaarawan ng kanyang anak na si Maria Clara.
C. Naghandog siya ng salu-salo dahil sa pagdating ni Padre Damaso.
D. Naghandog ng salu-salo upang matuwa ang Kapitan heneral.
___19. Bakit naging excumulgado si Ibarra?

A. Dahil nagnakaw siya ng dalawang onsang ginto
B. Dahil hindi siya sumunod sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan
C. Dahil hindi siya nakapag-timpi ng galit at inambahan si Padre Damaso ng kutsilyo
D. Dahil sinuway niya ang mga ipinatutupad na batas ng Alperes
___20. Si Padre Damaso ay tutol na mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra sapagkat ang gusto niya ay
si____.
A. Alfonso Linares B. Tinyente Guevarra C. Elias D. Don Tiburcio
____21. May lumapit kay Ibarra at ito ay si Elias. Ano ang ipinayo niya kay Ibarra?
A. Iwasang lumapit kay Maria Clara B. Iwasang mapalapit sa batong ihuhugos

C. Huwag ituloy ang pagtatayo ng paaralan
 D. Huwag imbitahin ang kura sa paglalagay ng unang bato.

___ 22. Sa paanong paraan nagkasundong mag-usap sina Ibarra at Elias?


A. Habang namamangka sa lawa B. Habang naglalakad sa dalampasigan
C. Sa bukiring malayo sa kuwartel D. Habang nasa kagubatan

Mga Uri ng Dula 23. _RA_ _ D _ A – Ang dulang ito ay tungkol sa mga antas at hangganan ng buhay at
hindi pagtatagumpay ng pangunahing tauhan.
24. K_ M _ DY _ - nagtatapos na masaya.
Mga sangkap ng dula 25. T_ G _ _ A _ - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayari.
26 T _ U _ _ _ - ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.
27. K _ _ A _ _ S _ _ - unti unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin

Pagki-klino ayusin ang sumusunod ayon sa tindi ng kahulugan


28. nagitla 3._______ 29. Linamnam 3. _______ 30. Nanlulumo 3. _______
Nabigla 2. _________ malasa 2. __________ nanghihina 2. __________
Nagulat 1 ____________ masarap 1. ____________ napapagod 1._____________

Piliin sa loob ng kahon ang tamang tauhan.


Juan Crisóstomo Ibarra Elias Maria Clara Kapitan Tiyago
Padre Damaso Padre Salvi Pilosopo Tasyo Pedro TinyenteGuevarra
Alperes Donya Consolacion Donya Victorina Don Tiburcio de Espadaña
Linares Don Filipo

31. __________Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya ay dating kura sa
San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga.
32. __________Siya ang puno ng mga gwardya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
33. _____Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo.
34. _____ _____Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan
ng mga kabataan ng San Diego
35. __________Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara
36. ___________Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung
manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes
37. ___________Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang magpahanda ng salu-salo at kilala sa
pagiging bukas-palad.
38. ________Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa.
39. ________Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.
40. ________Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran

Isulat ang PO kung positibong opinion at NO kung negatibo.

41. _____________ ayaw kng sumunod sa kanya sa ibang bansa


42______________ pareho tayo ng iniisip, naniniwala akong malapit na ang tagumpay natin.
43. _____________ ganoon nga matututunan mo ring makisama sa kanila.
44. ______________ huwag kang pumayag sa kung ano man ang sabihin niya sa iyo,
45. ______________ hindi matatanggap ang iniaalok mo sa akin.

Tukyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pahayag.

46. ______________kaparis niya ang mga bituin sa kagandahan.


47. ______________ dinuduyan siya ng buwan
48. ______________ ang kagandahan ay hindi isang gutom na sikmura o palad na nakasahod.
49. ______________ abot tainga ang kanyang ngiti.
50. _______________ Katarungan, pakinggan mo ang aking daing!

Pagsulat: sumulat ng isang Haiku at Tanka na may magandang pamagat.


Haiku 4 pts Tanka 6 pts

You might also like