Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Filipino-Bukal

1. Kampit –(Kutsilyo) Gamit ni nanay ang kampit sa paghiwa ng gulay.


2. Nabibigkis-(sama-sama) Madaling matatapos ang gawain kung nabibigkis tayong magtutulungan.
3. Patatangisin-(maghihirap sa pagdisiplina sa anak) Ang nanay patatangisin ng suwail na anak sa nagawang
kasalanan.
4. Maluwat-(matagal)- Ang tunay na magkaibigan ay maluwat na magsasama.
5. Kagipitan(kahirapan) – Namatay ang pulubi dahil sa kagipitan.
6. Nag-iibayo (doble) – Nag-iibayo ang lakas sa taong inaapi at minamaltrato,
7. Pisi(tali)- Higpitan mo ang pisi ng iyong sapatos upang di ka madapa.
8. Sawikain(idyoma) And sawikain ay ating pagyamanin.
9. Salawikain(salitang matalinghaga) Ang salawikain ay palaging binabanggit ng matatanda upang tayo ay matuto sa
buhay.

10.Bugtong( pahulaan) Ang mga bata ay naglalaro ng bugtong na sobra nilang ikinatuwa.

PAGTUTULAD * PAGWAWANGIS * PAGSASATAO * PAGMAMALABIS * PAGPAPALIT-TAWAG

Pagmamalabis 1. Todo-todo ang pag-eehersiyo ni Manang Elvie. Paano nga naman?

Halos balyena na siya sa laki.

Pagpapali-tawag- 2. Ayon sa Malakanyang, walang pasok ang lahat ng antas

Pagtutulad 3. Sintangkad ba ng poste ang manlalarong dayuhan?

Pagmamalabis 4. Sumuka ng mga paniki ang simboryo ng lumang simbahan

Pagmamalabis 5. Kawawa naman si perla halos pasan na niya ang buong mundo sa bigat

Pagwawangis 6. Si nanay ang aking sandalan kapag akoy may problema.

Pagwawangis 7. He! Tumigil ka na ng kadadaldal. Bubuyog ka ba?

Pagsasatao 8. Halos yumuko sa lupa ang mga kawayan sa tindi ng hanging bagyo.

Pagwaangis 9. Ang aking ama ay isang moog na hindi matinag.

Pagmamalabis 10. Sandamakmak na mga langaw ang dumapo sa nakahaing pagkain.

PAGTANGGI – 1. Hindi sa wala siyang tiwala, gusto lamang niyang makasiguro.

PAGPAPALIT-SAKLAW- 2. Lumakad siya kahit wla pang laman ang kanyang tiyan.

PAGHIHIMIG 3. Isang nakabibinging “Blag” ang gumulat sa kanya.

PAGTAWAG 4. O ilaw, sa gabing madilim

PAGHIHIMIG 5. Patuloy sa pagkiriring ang telepono.

PAGTANGGI 6. Hindi sa ayaw ng tatay niya, kaya lamang ay napakabata pa niya.

PAGPAPALIT-SAKLAW 7. Hiningi na ni Ruben ang kamay ng dalaga mula sa magulang.

PAGTAWAG 8. Buwan, buwan, hulugan moa ko ng sundang.

PAGTANGGI 9. Hindi saw ala siyang sipon, ayaw muna niyang gastusin ang pera

PAGPAPALIT-SAKLAW 10. Parang iisang kamay na tumulong ang lahat sa paghahanda ng pagkain. op
Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay

Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari
na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, parang, kagaya, kawangis sapagkatito'ytiyakang paghahambing.

Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas.

Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa


mga bagay-bagay sa paligid natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Tinatawag na ako ng kalikasan.

Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Inanyayahan kami ng dagat na maligo.


Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.

Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng


mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina.

Nalulunod na siya sa kanyang luha.

Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.

Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.

Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa


kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.

Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.


Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo.

Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.

Ang kongregasyon ay aking kinamayan.


Ayaw kong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking pamamahay.
Ayokong makita ang iyong pagmumukha.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon.


Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Siya ay hindi isang kriminal.

Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.

Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

Ang kailangan ng bayan ay kapayapaan, kaayusan, katarungan, at kalayan.

Singsing, sapatos, susi, at sinturon lamang ang kanyang dala.

Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat, at pambura lamang.

1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. (Simile o Pagtutulad)


2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. (Simile o Pagtutulad)
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. (Similie o Pagtutulad)

4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan. (Similie o Pagtutulad)
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
(Simile o Pagtutulad)
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. (Simile o Pagtutulad)
7. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. (Metapora o Pagwawangis)
8. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. (Metapora o
Pagwawangis)
9. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. (Metapora o Pagwawangis)
10. Ikaw na bulaklak niring dilidili. (Metapora o Pagwawangis)
11. Ahas siya sa grupong iyan. (Metapora o Pagwawangis)
12. Hinalikan ako ng malamig na hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
13. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
14. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. (Personipikasyon o Pagsasatao)
15. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
16. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap. (Personipikasyon o Pagsasatao)
17. O tukso! Layuan mo ako! (Apostrope o Pagtawag)
18. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. (Apostrope o
Pagtawag)
19. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. (Apostrope o
Pagtawag)
20. Ulan, ulan kami'y lubayan na. (Apostrope o Pagtawag)
21. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di
malihis. (Apostrope o Pagtawag)
22. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. (Pagmamalabis o Hayperbole)
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan. (Pagmamalabis o Hayperbole)
23. BUmabaha ng dugo sa lansangan. (Pagmamalabis o Hayperbole)
24. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. (Pagmamalabis o Hayperbole)
25. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong
ng kalikasan. (Panghihimig o Onomatopeya)
26. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. (Panghihimig o Onomatopeya)
27. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. (Panghihimig o Onomatopeya)
28. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
29. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan. (Pagpapalit-saklaw o
Senekdoke)
30. Walang bibig ang umasa kay Romeo. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
31. Hingin mo ang kaniyang kamay. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
32. Patay tayo dun. (Paglilipat-wika o Transferred Epithet)
33. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho'y nalalanta munting di madilig. (Simile o Pagtutulad)
34. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.
(Paghahalintulad o Analohiya)
35. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. (Metapora o
Pagwawangis)
36. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. (Personipikasyon o Pagsasatao)
37. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. (Pagmamalabis o Hayperbole)
38. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. (Pagpapalit-tawag o
Metonymy)
39. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. (Pagpapalit-saklaw o Synecdoche)
40. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. (Panawagan o
Apostrophe)

41. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? (Tanong Retorikal)


42. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napagolo naman ng bahay. (Pag-uyam)
43. "Ang Mabuting Samaritano"
"Ang Alibughang Anak" (Talinghaga o Allegory)
44. Ang tao ay kawangis ng Diyos. (Simile o Pagtutulad)
45. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. (Metapora o Pagwawangis)
46. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
47. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto. (Pagmamalabis o Hayperbole)

You might also like