Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose P.

Rizal : Tunay pa
nga ba ang katagang ito?

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose P. Rizal


“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ilang bese mo na bang narinig o nabasa ang
tanyag na katagang iyan? Ilang milyong beses na marahil ito naisulat o sinabi ng mga Pilipino
may pangalan o karaniwang mamayan man. Marami ang nagsasabi na gasgas na nga yatang
maituturing ang pahayag na ito n gating pambansang bayani . Ngunit bagamat pal;asak na tila
yata hindi parin nauunawaan ng marami sa ating mga kabataaban ang tunay na kahuluagn nito.
Sa pahayag na ito ipinahihiwatg ni Rizal, ang matibay na pagtitiwala sa mga kabataang
Pilipino. Alam niyang taglay ng bawat kabataang Pilipino ang di matatawarang kakayahan para
higit na mapaunlad ang ating bayan. Batid ni Rizal na ang bawat kabataang Pilipino ay may
kakayahang mag pasimula ng pagbabago sa ating lipunan. Isang uri ng pagbabago kung saan
makikinabang ang bawat Pilipino. Umaasa si Rizal na darating ang araw na bibigyan ng bawat
kabataang Pilipino ng magandang kinabukasan at iwawagayway ang bandila ng Pilipinas,
bilang tanda na tayo ay malaya na sa anumang anyo ng pang-aalipin. Sa pagbibitiw ng mga
katagang ito nais ng ating pambansang bayani na mamulat ang mga kabataang Pilipino mula
sa tunay na kalagayan n gating bansa at mula dito gawin ang buong makakaya para alisin ang
bansang Pilipinas mula sa kinasasadlakan nito. Ngunit nasaan na nga ba ang mga kabataang
tinutukoy ni Rizal na pag-asa ng bayan/? Sa kabila ng katotohanan na maraming mga kabataan
ang talagang pasaway, batugan, iresponsable at rebelde sa kanilang mga magulang umaasa
ako na mumulat at maiintindihan din nila ang kanilang mga pananagutan at tungkulin. Paano
nga ba maging kabataan na pag-asa ng bayan gaya ng tinutukoy ni Rizal sa kanyang kataga?
Simple lang! Kinakailangang maging buhay sa ating puso’t isip ang pagnanais na masimulan
ang pagbabago sa ating sarili dahil paano ka makapagpapasimula ng pagbabago sa iyong
paligid kung sa sarili mo mismo ay hindi mo kayang magpasimula ng positibong pagbabago.
Paano ka magiging pag-asa ng bayan kung inaaksaya mo ang iyong panahanon sa mga
walang katuturang bagay. “Time is gold” ika ng nila, huwag na nating ipagpabukas pa an gating
mga Gawain kung puwede naman nating gawin ngayon.
Ikaw? Naniniwala kaba sa sarili mo na ang kabataan ay pag-asa ng bayan gaya ng
paniniwala ni Gat. Jose Rizal? Kung oo, sikapin nawa nating mga kabataan na huwag ng maka
dagdag pa sa suliranin n gating bayan dahil tayo mismo ang taga guhit ng ating sariling
kapalaran sa ating mga palad. Tandaan na tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaan ay hindi
upang gawin ang bawat nais natin, ngunit upang gawin ang tama at nararapat.

You might also like