Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TUNGAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Tungawan, Zamboanga Sibugay


FILIPINO G10

PANGALAN:_________________________________________ Taon/Sesyon:_______________ Iskor________________

I Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

_______ 1. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na…..
a. tagaganap c. pinaglalaanan
b. layon d. sanhi
_______ 2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
a. soneto c. haiku
b. tanaga d. alegorya
_______ 3. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat?”
a. 1950 c. 1952
b. 1951 d. 1953
_______ 4. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng damdamin?
a. pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog c. pag-irog, pag-ibig , pagmamahal, pagsinta
b. pagsinta, pag-irog, pag-ibig, pagmamahal d. pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig
_______ 5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa……
a. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan c. kapani-paniwala ang wakas
b. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya d. may salamangka at mahika
_______ 6. Si Eric ay nagtatalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa ay…
a. tagaganap c. pinaglalaanan
b. layon d. sanhi
_______ 7. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na….
a. siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos. c. kinilala niya ang kapangyarihan ng Diyos.
b. sa Diyos pa rin siya kumuha ng lakas. d. sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong.
_______ 8. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig sa tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
a. pag-ibig sa ama/ina c. pag-ibig sa kaibigan
b. pag-ibig sa kapatid d. pag-ibig sa kasintahan/asawa
_______ 9. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang
dumating. “ Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang…
a. tao vs tao c. tao vs kalikasan
b. tao vs sarili d. tao vs lipunan
_______10. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil. Ang may salungguhit ay isang……. na ginagamit upang mapa-
lawak ang pangungusap.
a. pang-abay c. pang-uri
b. komplemento d. ingklitik
_______11. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap?
a. ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi c. lumikas, nag-ani, magsusulat
b. ibinili, malaman, pag-aaralan d. ipinambili, ipansulat, ipanghakot

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing ,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
- Ang Aking Pag-ibig
________12. Alin sa sumusunod ang hindi taglay ng persona sa tula?
a. mapagtiis c. masayahin
b. mapagkumbaba d. mapagmalasakit
________13. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamama-
gitan ng…..
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
b. paghahambing nito sa ibat’ ibang bagay d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
________14. Nagpapahinga sa popa.
a. sa sopa c. sa harap ng barko
b. sa bahaging likod ng barko d. sa sagwan
________15. Walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay at pawang paglalarawan lamang.
a. nobela c. mitolohiya
b. dagli d. talumpati
________16. Ang layunin nito ay magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at bumatikos.
a. nobela c. mitolohiya
b. dagli d. talumpati
________17. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang hindi sila mapasakop
sa kapangyarihan nito.”
a. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
b. Matalino man ang matsing napaglalamangan din.
c. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
d. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
________18. Ang paggamit ng simbolismo ay isa sa elemento ng….
a. nobela c. mitolohiya
b. dagli d. talumpati
________19. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir?
a. dahil sa lakas ng halakhak nito c. dahil sa lakas ng sigaw
b. dahil sa lakas ng hilik d. dahil higante ito
________20. Inaayos ang plasa sa Brazil. Anong tawag sa pariralang may salungguhit?
a. modipikasyon c. pariralang lokatibo
b. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari d. tagaganap
________21. Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
a. modipikasyon c. pariralang lokatibo
b. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari d. ingklitik
________22. Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.
a. modipikasyon c. pariralang lokatibo
b. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari d. ingklitik
________23. Nagtatalumpati ang pangulo sa bulwagan. Anong kaganapan ang may salungguhit?
a. tagaganap c. ganapan
b. sanhi d. layon
________24. Ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.
a. tagaganap c. ganapan
b. sanhi d. layon
________25. Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay tumaas mula 3.9 milyon hanggang
4.9 milyon.
a. tagaganap c. ganapan
b. sanhi d. layon
________26. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nagniningning sa tuwa. Anong TAYUTAY ang ginagamit?
a. pagmamalabis c. pagtutulad
b. pagwawangis d. personipikasyon
________27. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
a. pagmamalabis c. pagtutulad
b. pagwawangis d. personipikasyon
________28. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw.
a. pagmamalabis c. pagtutulad
b. pagwawangis d. personipikasyon
________29. Naku! Kalungkutan mo ay di na matapos-tapos.
a. pagmamalabis c. pagtutulad
b. pagwawangis d. personipikasyon
________30. Bakit mahalaga ang Mitolohiya?
a. upang mailahad ang maraming pangyayari.
b. upang magbigay-kaalaman sa mga mambabasa.
c. upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari.
d. Upang masuri ang kalakasan at kahinaan ng isang akdang pampanitikan.

II. Bumuo ng isang DAGLI tungkol sa “ Ang Kabataan Ngayon “ (10 puntos )

“ Ang babaeng maganda batiin mo ay tumatawa, ang babaeng pangit batiin mo ay nagagalit….” #VLRD

You might also like