Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

PUSONG WALANG

PAG-IBIG
NI ROMAN G. REYES
I. May Akda

Si Roman G. Reyes ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa Bigaa, Bulacan.

Nang makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-aral sa Colegio de

San Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro superior. Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacan

na kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at pinakasalan noong 1883 si

Sebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr. Mona

Highley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang. Labintatlo ang mga anak ng mag-asawa.

Kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa naman sa mga

anak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na nakapangasawa ng Amerikanang si Grace Hackman sa

Brooklyn, New York. Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa noong 1886 kung saan siya ay

nagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho siya bilang

bahagiang eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso kada buwan.

Ganito ang kaniyang pamunuhay sa Bigaa hanggang sa sumiklab ng Rebolusyon noong ika-5 ng

Nobyembre 1896. Ang kanyang pamilya ay lumipat sa Maynila noong 1899 sa bahaging

Kapawiran ng daang Requesens. Nang umsenso ay lumipat sa bahaging Kabatuhan. Nang mga

panahong iyon ay kakatapos lamang ng Rebolusyon at nagkaroon ng bagong sistema ng

sanitasyon na sumugpo sa kolera at bulutong kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga

nobela na siya namang itinuturing ng mga kritiko bilang isa sa mga importanteng koleksyon ng

mga isinulat na obra.


Ang Pusong Walang Pag-ibig ay nasundan pa ng tatlong nobela: Bulaklak ng Kalumpang

(1907), Hinagpis at Ligaya (1908) at Wakas ng Pagtitiis (1908).

II. Buod

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang

siyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay

lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni

Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namang

magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t napupusuan niya si

Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng

at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang

pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may

mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga

binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang

manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si

Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala

siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo

kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa

kanyang anak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas

ay nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na

ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang

kinauukulan ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas

sa gulo ay naisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro

ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa
mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama’t dalawang buwan na ang

lumipas. Natuloy ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-

ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay

nagbalik na naman si Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong

kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang

ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa

kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging

palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa

pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang

bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na

huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng

mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki

ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib

ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa’t

anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na

magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan.

Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene

kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng

mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging

kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may

magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang

dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene

ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan
ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay

matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang

asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina!

Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na

makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at

binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang

buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit.

Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa’t isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng

dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam

kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa

kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa

Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng

kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga

ni Ikeng at siya’y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang “pusong

walang pag-ibig”.

III. Pagsusuri

A. Pamagat

Naging iresponsableng asawa at ama si Enrique kaya naman marami siyang

pagkukulang. Wala siyang inisip kundi sariling kapakanan at kung ano ang gusto niyang gawin.

Siya ay isang taong may “Pusong Walang Pag-ibig”.

B. Tagpuan

Umikot ang istorya sa panahon na magtatapos na ang ng ika-19 na siglo. Mahihinhin

pang manamit ang mga tao noon mahigpit ang mga magulang sa anak. Naipakita rin ang mga
makalumang panunuyo ng mga binata sa mga dalaga at ang kanilang mga palusot para lihim na

mag-usap o makipagtanan. Ibinase si Roman G. Reyes ang ilang parte ng nobela sa mga

historikal na pangyayari tulad ng malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ng

Amerikano na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal

na mga lugar at pangyayari tulad ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga Pilipino,

Kastila at Amerikano.

C. Tauhan

1.) Enrique “Ikeng” Pag-Ilagan – 19 anyos na binata, kulot ang buhok at mapang-akit ang mga

mata. Maraming nililigawan ngunit hindi handang magpakasal. Sa huli ay si Loleng rin pala ang

papakasalan na dating tinalikuran ng pangako. Hindi nagtagal ay naging iresponsableng asawa at

ama ngunit nagsisi kung kailang huli na ang lahat.

2.) Loleng – anak ni Matandang Tikong at pinagkasundaang pakakasal kay Ikeng. Isang mabuti

at ulitang ina kay Nene. Masyadong mapagbigay kaya napabayaan ang minana sa kaniyang ama

kaya unti-unting naubos dahil sa pagsusugal ni Ikeng.

3.) Nene – Elisa sa tunay na pangalan. Anak si Ikeng at Loleng. Siya ay inosente, magalang at

mapagkumbaba ngunit matalino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas.

4.) Matandang Tikong – maalalahaning ama ni Loleng na sa katandaan ay nag-aalinlangan kung

kanino niyang lalaki ipagkakatiwala ang anak niya. Pinili si Ikeng para mapangasawa ni Loleng

na tila mabigat ang loob dahil walang magagawa kundi sumunod sa desisyon ng ama. Nagsisi

nang sumapit ang kamatayan dahil nagkamali pala sa pagkakakilala kay Ikeng.

6.) Mag-asawang G. Ricardo at Aling Nitang – mag-asawa na nakatagpo kay Nene at nagsilbing

instrumento upang magkitang muli ang mag-ina. Mabait at mapagbigay ang mag-asawa dahil

tinulungan si Loleng at Nene para makaahon sa hirap.


5.) Isiang – dalagang taga-Tabing-bakod at anak ni Aling Juana at Mang Tiago. Minahal si Ikeng

kahit hindi ito seryoso sa kanya. Labag sa mga magulang niya ang panunuyo ni Ikeng ngunit

nagpumilit na siya ay itanan, na siya namang pumalpak sa bandang huli.

6.) Aling Buro – kahit hindi tunay na anak si Loleng ay kaniyang sinuportahan sa mga bagay-

bagay tulad noong ipinanganak si Nene, pagbibigay ng payo para matigil ang pagwawaldas ni

Ikeng ng pera at pagpapabaon kay Loleng ng pera noong lumuwas sa Maynila.

7.) Tomas – matalik na kaibigan ni Ikeng na kasama niya sa lahat ng bagay. Makalipas ng ilang

taon ay nagkita silang muli ni Ikeng sa barberya at nagsilbing instrumento upang makita muli si

Loleng at Nene.

8.) Beheng – dalagang taga-San Josep na anak ni Kabesang Bino. Inagaw ni Ikeng mula sa ama

at itinanang patago sa Tarlac sa halip na ang pagtulong sa Rebolusyon ang inatupag. Labis na

natakot dahil baka mahanap sila ng kanyang ama at sinabi ni Ikeng na huwag matakot dahil

magkasama silang parehong nag-iibigan.

9.) Mang Tiago – nagbanta na gagawa ng paraan para makulong si Ikeng dahil sa pagtatangkang

maitanan si Isiang. Dahil dito, walang nagawa si Ikeng kundi umiwas sa gulo sa paraan na ituloy

ang pagpapakasal kay Loleng.

10.) Kabesang Bino – ama ni Beheng na nagdemanda kay Ikeng dahil sa pang-aagaw sa

kaniyang anak. Nakulong si Ikeng sa loob ng apat na taon dahil sa kaniya.

D. Balangkas ng Pangyayari

Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream-of–consciousness sa wikang

Ingles. Diretso ang lahat ng patutunguhan ng istorya kaya mas naiintindahan ang pagkakasunod-

sunod ng mga pangyayari. Nag-umpisa ang lahat sa pakikipagkasundo ni Ikeng kay Matandang

Tikong hanggang sa kanyang kamatayan ng magkita sila muli nina Loleng at Nene sa Maynila.
Maikli lang ang nobela dahil ito ay may dalawampu’t pitong mga kabanata na umiikot sa kwento

nina Ikeng, Loleng at Nene ngunit may mga kabanata na may historikal na pagsasalaysay tulad

ng Rebolusyon sa Bulacan at ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

IV. Epekto sa Mambabasa

Sa pagbabasa ng nobelang Ang Pusong Walang Pag-ibig ni Roman G. Reyes, maraming

matatagpuan na iba’t ibang damdamin at saloobin sa bawat kabanata na minsan ay nakakatawa,

nakalungkot, nakakaawa, nakakagalit, nakakainip at marami pang iba. Ngunit halos lahat ng

mga pangyayari ay nakakalungkot at makabagbag-damdamin. Nakakagalit naman ang pagiging

iresponsable ng mga tauhan katulad ng ginawa ni Ikeng na panliligaw sa maraming dalaga at

nang makasal ay nagsugal ng walang kapararakan at nambabae pa. Pero sa kabila ng lahat,

nakakalungkot dahil nagkahiwalay si Loleng at Nene. Makikita sa nobela kung gaano kamahal

ng isang ina ang anak at gagawin ang lahat para magkitang muli. Ngunit nakakapanabik noong

parte na malapit nang mahanap ni Loleng ang kanyang anak at labis na nakaliligaya nang

magkita silang muli. Napakaraming problema at paghihirap ang hinarap ni Loleng. Pumupukaw

sa damdamin ng mambabasa kung papaano ba ang hindi mawalan ng pag-asa at tibay ng loob

upang harapin ang mga mabibigat na problema kahit tila pasan na ang mundo sa hirap.

Matutunan dito sa nobela kung paano ang magtiis sa hirap dahil hindi magtatagal ay giginhawa

kung mananatili ang pagiging mabuti at kung may pagmamahal pa rin sa puso. Ang kawalan ni

Ikeng ng pagmamahal ay nagdulot sa kanya ng kasawian at maaring kasawian din ang maging

epekto nito sa iba na makasariling tulad niya. Nagising ang mambabasa pagkatapos malaman

kung gaano kaimportante ang pagiging responsable sa mga bagay-bagay. Si Ikeng ay pabigla-

bigla kung maisip kaya palagi niyang sambit na siya’y napasubo na naman sa maling kilos.

Dapat ay iniisip muna ang mga posibilidad ng isang kilos bago ito gawin. Kung ito ba ay
makabubuti o makakasama? Isang nakakainis na makalumang pag-uugali sa nobela ay ang

pagdedesisyon ng magulang kung sino ang pakakasalan ng kanilang anak na babae tulad ng

nangyari kay Loleng. Kung ang mambabasa ay nasa lagay ni Loleng ay iuurong niya ang kasal

dahil walang saysay kung hindi naman mahal ang isa’t isa. Kailangan din ang pagiging matapat

lalo na sa pag-ibig para maging matatag ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa.

Natutunan rin nang mambabasa na dapat unahin ang mga importanteng bagay tulad ng pag-

aaral. Inuna ni Ikeng ang pagsusugal kaya nabaon sila ni Loleng sa utang at lalong naghirap.

Dapat rin maging matatag ang samahan ng isang pamilya para hindi magkahiwalay ng landas o

magkawatak-watak. Karaniwan sa Pilipinas ang mga iresponsableng ama at asawa na kung hindi

lasenggo ay maaring sugarol. Nararapat itong basahin ng mga taong mahilig sa bisyo para sila ay

maliwanagan.

V. Konklusyon

Ayon sa pagsusuri, ang Pusong Walang Pag-Ibig ay isa sa mga maganda at kapaki-

pakinabang na basahin dahil sa pagiging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindi

nakakatamad suriin ang nobela dahil sa magandang kuwentong taglay.

A. Aral

Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes ang

katotohanan sa mga iresponsableng ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindi

kaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may

basbas ng Diyos. Kailangang magsikap na isang magulang lalo na ng isang padre de pamilya

ang maitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil

masama ang magiging epekto nito.


Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit.

Manalig lamang sa Kaniya at kumilos ng tama at Kanyang ibubuhos ang biyaya. Matatag si

Loleng dahil sa kalagitnaan ng alitan giyera ng mga Amerikano sa Pilipino ay kanyang buong

giting na hinanap sa mapanganib na lansangan ng Maynila ang kanyang anak na si Nene.

Isipin muna ng maraming beses ang isang bagay bago ito gawin. Maraming beses na

pumalpak si Enrique dahil napasubo lamang siya at hindi inisip kung ano ba ang tamang

gagawin. Mali ang pagiging pabigla-bigla sa pagdedesisyon dahil baka hindi magustuhan ang

magiging dulot nito. May mga taong nakakatanda at maraming karanasan.

Dapat pahalagahan ang edukasyon dahil ito’y magbibigay sa tao ng magandang

kinabukasan. Sinikap ni Loleng na mapag-aral si Nene at masasabi ko na tama ang kanyang

desisyon. Samantalang nagsikap mag-aral ng mabuti si Nene dahil sa pagiging masunurin sa ina.

Maging masunurin sa magulang dahil ito ay isa sa mga utos ng Diyos na may pangakong

pagbibigay ng magandang kapalaran balang araw. Sumunod si Nene sa mga tagublin ng kanyang

ina at kahit kailan ay hindi siya naligaw ng landas.

Kapag may hirap, may ginhawa. Sa kabila ng hindi na nahanap muli ni Loleng si Ikeng

ay sinikap niyang muling bumangon sa tulong ni G. Ricardo at Aling Nitang. Sa simpleng

pagbebenta ng bibingka ay unti-unting nakaipon kaya silang mag-ina ni Nene ay namuhay rin ng

masagana.

Maging matulungin sa kapwa katulad ng pagtulong ni G. Ricardo at Aling Nitang kay na

Loleng at Nene. Hindi sila kailanman humingi ng kapalit bagkus lalo pa nilang sinuportahan ang

mag-ina para umasenso.

B. Puna
Makalumang Tagalog ang kadalasang ginamit ni Romang G. Reyes tulad ng salitang

“napapanagimpan” at “humahaginggeng” sa mga pagsasalaysay at pag-uusap ng kwento at

tauhan. Naging mahirap para sa manunuri ang pagkuha sa kahulugan ng ibang mga hindi

pamilyar na salita ngunit sulit naman dahil maganda ang kuwento. Naipakita ng may-akda kulay

ng mga makalumang kaugalian noong ika-19 na siglo tulad ng labis na kahigpitan at

pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang mga makalumang uri ng sugal,

pamamaraan ng panliligaw at mga salitang panuyo, mga taong walang ibang libangan kundi

makipagkuwentuhan sa kapananghalian at ang mga bagay na dapat inihahanda kapag

manganganak ang isang babae. Lahat ng mga makalumang ugali ay nagbigay diwa sa nobela.

Inilahad rin ni Roman G. Reyes ang kanyang historikal at awtobiograpikal na karanasan sa

Rebolusyon tulad ng mga pagkabalisa ng mga tao, pagiging abala ng mga kalalakihan dahil

mamumundukan at ang hindi pagiging kalmado ng mga dalaga dahil sa takot. Isiningit rin ng

may-akda ang kalagayan ng Maynila noong nagkakagulo dahil sa biglaang dominasyon ng

Amerikano sa Pilipinas na ang kinakatwiran ay tutulong daw para makapagsarili ngunit

sinalakay nila ang mga sundalong Pilipino. Maraming naganap na sunog. Naging mga sakim ang

tao sa Maynila at ang iba ay nagnakaw sa bahay ng may bahay samantalang itinaas ang renta ng

mga pinauupahang tulugan ng mga ganid na maybahay. Maganda ang pagbibigay papel ni Reyes

sa mga tauhan ng kanyang nobela. Naging ganap ang pagiging iresponsable at bisyoso ni

Enrique na siyang nagdulot ng paghihirap ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito, naging

ulirang ina si Loleng kay Nene dahil tiniis niya ang mga paghihirap at nagsikap para

makabangon at mapag-aral ang anak. Hindi nagustuhan ng mambabasa ang pagkamatay ni Ikeng

dahil hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanyang asawa’t anak na

matagal niyang hindi nakita sa loob ng mahabang panahon. Ngunit maaaring naging silbing
parusa iyon kay Ikeng dahil sa kanyang mga pagkukulang. Epektibo ang dramatiko at

makalumang estilo ni Roman G. Reyes upang maramdaman ng mambabasa ang mensahe ng

kwento at damdamin dahil ito ay puno ng mga aral na tiyak na tatatak sa isip ng sinumang

babasa.

Suring Basa

Dekada 70

Ang mga tauhan sa “Dekada 70” ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon. Si

Amanda na isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan,

mataas ang pride at ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng

kanyang mga anak.. Si Jules na may paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si

Isagani na isang mapusok na kabataan. Si Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa

pamamagitan ng pagsulat. Si Jason na isang mabuting anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules.

Si Bingo isang mapagmahal na bunsong anak.

Ang “Dekada 70” ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento ng isang pamilya na nahuli sa

kalagitnaan ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga anak ng pamilyang ito na

tumahak ng ibat-ibang landas. At ang magulang na humarap sa suliranin at di sumuko sa mga

problemang dumaan.Tunay na sa isang pamilya masasabing “WALANG IWANAN”

Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na

humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng

buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na
naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi!

Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong

tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may

kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga

problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang

mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970.

Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan

bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa

pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at

ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili.

Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa

pamahalaan. Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil

masakit para sa kanya ang mawalan ng anak at maghirap ang mga ito.

Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa

mga manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang

muli at nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil

sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing

mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito “Paano mo palalakihin ang

iyong mga anak sa panahon ng katiyakan.

Balangkas
I Tagpuan:
# Sa highway

# Sa isang bahay sa Maynila

# Sa kulungan

II Banghay:

# Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na

ginagawa ng mga sundalo.

# May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari

sa panahon ng Martial Law.

# Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng

Martial Law o batas military.

III Tauhan:

# Amanda – mapagmahal na ina. Gustong magkaroon ng sibi at sariling karera.

# Julian – boses ng tahanan. Mataas ang pride, ayaw pagtrabahuhin si Amanda. Di kayang

mapigil ang desisyon ng mga anak.

# Jules – may paninindigan. Buo ang loob at tunay na makabayan.

# Isagani – halimbawa ng isang mapusok na kabataan.

# Emmanuel – kabataan na lumalaban sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsulat.

# Jason – namatay dahil ng mga kalaban ni Jules. Dahil si Jules ay kasapi sa mga kalaban ng

pamahalaan.

# Bingo – mapagmahal na bunsong anak at laging karamay ni Amanda.

IV Tema:
# Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na

humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng

buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na

naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi!

Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

V Istilo:

# Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanika-

nilalang tinahak. Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang

mga naging epekto nito sa kanila.

SURING BASA
Lura ng Demonyo
Taon at AntasMay dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri. Ang una ay sa
payak na pagbubuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa ay sa paraang
pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo ng pagsulat sa isang
manunuri mapalutang ang layunin sa pagsulat ng akda. Ito ay kailangang kumilala
sa taglay na ipinaliliwanag ng isang panunuring pampanitikan kung bakit dapat
basahin ang isang akda kung anu-ano ang mga salik o elementong nakapaloob sa
isang suring basa.
1. PAGKILALA SA MAY AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa
pagkatao ng may akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain
ang isang akda. Isang Pilipinong nag "translate" ng kuwentong ito
ay ang kasalukuyang may akda nito.

2. URI NG PANITIKAN - Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o


damdaming taglay nito. Maikling Kuwento- Isang uri ng
panitikang naaaring basahin sa isang upuan lamang hindi tulad ng isang nobela.
3. LAYUNIN NG AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.
Nilalayon ng may akdang bigyang aral at aliw ang mga mambabasang makababasa
ng kanyang maikling kuwento.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA - Ito ba ay makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensirilidad ng mambabasa?
Naging makabuluhan ang maikling kuwento na ito dahil pinapahalagahan nito at
sinasariwa ang pananampalataya ng mga hapon sa kanilang mga diyos at diyosa.
Nag karoon tayo ng pag kakataong silipin kung gaano ka relihiyoso ang mga
hapones
5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba’y anyo ng mga taong
likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong
kinabibilangan o mga taong nilikha, nagwasak, nabuhay o namatay.
Relehiyosong Lalaki- ang pangunahing tauhan sa kwento kung saan
nakaranas siya na hindi makita ng sinuman
Kanon Sama- Diyosa ng awa sa Bansang Japan, Siya ang nagbigay
ng mga pagsubok sa pangunahing tauhan
Oni- Naging dahilan ng kung bakit hindi makita ang lalaki ng sinuman
dahil sa kanlang mga Lura
Budhistang Pari- Nag bigay ng kautusan sa lalaki na umalis sa dambana
at makikita na siya ng ibang tao.
Pastol- Nag bigay daan upang tumawag ang senyora at senyor ng budhistang pari
na naging sanhi ng pag ka kita ng ibang tao sa lalaki

6. TAGPUAN/PANAHON – Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang


kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng
kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at
lipunan.
Naganap ang istorya noong unang panahon, nang yari ito sa Kyoto
( isang siyudad sa Bansang Hapon) at naging pabago-bago ang naging oras sa
kuwento.
7. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang gasgas na
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay. Dati o luma
na ba ang mga pangyayaring. May bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano
binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga
pangyayari mula simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng
akda?
1.) May isang relihiyosong lalaki na dumalaw sa kanyang kaibigan at
dumulog sa dambana ni Kanon sama
2.) Sa kanyang pag uwi naka sa lubong siya ng mga oni, dahil sa
hindi daw siya masarap kainin pinag duduraan siya nito at naging sanhi nito ay
hindi na siya makita ng ibang tao.
3.) Dahil dito sumamba siya sa diyos ng awa na si Kanon Sama at
hiniling na muli siyang makita ng ibang tao, Dahil sa kapaguran nakatulog siya at
kina usap siya ng isang budhistang pari sa kanyang panaginip at inutusan siyang
umalis sa templo upang makita ng ibang tao.
4.) Sa kanyang pag labas nakakita siya ng isang pastol na nag dala
sa kanya sa isang maliit na kuwarto kung saan naandoon ang may sakit na
prinsesa, winika ng pastol sa lalaki na pukpukin ang ulo nito ng isang kahoy na
martilyo. Namimilipit ang prinsesa sa bawat undayog ng martilyo
5.) Naging dahilan ito upang mag patawag ng budhistang pari ang
mga magulang nito. Sa pag dating nito nag bangit ito ng budhistang dasal at mga
kanta, naging sanhi ito upang makita ang lalaki sa nag liliyab nitong kimono,
masayang bumalik ang lalaki sa kanyang pamilya.

8. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang akdang pampanitikan


ay nagtataglay at nagpapaoliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga
makatotohang unibersag l, likas sa tao at lipunan, mga batas sa kaikasan, sistema
ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda
ang nga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
Marahil relihiyosong likas ang may akda ng kuwentong ito dahil
pinanahahalagahan niya ang mga diyos at diyosa ng kanilang bansa at gumawa
siya ng paraan upang maipakita kung gaano kahalaga ang kanilang mga
sinasamba sa pamamagitan ng pag gawa ng kuwento.

9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan ng


pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba kaya ang istilo nng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito
ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng
isang mahusay na akda?
Naging mabisa ang kanyang mga salita at kataga, masining ang
pag kakagawa niya ng kuwento dahil sa mga pangyayaring naganap na hindi
inaasahan ng mga mambabasa. Mahusay ang may akda dahil naging malinaw ang
gusto niyang ipahiwatig sa mga mambabasa.

10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang
pagbanggit sa mahalagang detalye ang bigyang tuon.
Minsan sa bayan ng Kyoto mayroong isang relihiyosong lalaki na
dumalaw sa dambana ni Kanon sama, Sa kanyang pag uwi nakasa lubong siya ng
mga oni at sa pag aakalang kakainin siya nito kinabahan siyang lubos, Ngunit sabi
ng mga Oni ay hindi siya masarap kaya't pinag duduraan siya nito. Nag bunga ito
sa hindi pagkakakita sa kanya ng ibang tao. Dahil dito dumulog siyang muli kay
Kanon sama, dahil sa kanyang pagod naka iglip siyang saglit at sa kanyang
panaginip may isang budhistang nag wikang umalis na siya sa templo at muli
siyang makikita ng ibang tao. Sa kanyang pag labas, nakatagpo siya ng isang
pastol na nag dala sa kanya sa mistula isang maliit na kuwarto. Sa loob nito ay may
isang Prinsesang mayroong sakit. Winika ng Pastol na pukpukin ng lalaki ang
prinsesa ng martilyong kahoy na nag bigay daan upang tawagin ng mga magulang
nito ang isang budhistang pari. Sa pag dating pari nag wika ito ng mga budhistang
kanta at dasal sa hindi inaasahang pangyayari, lumitaw ang lalaki sa nag liliyab
nitong kimono at muli siyang nakita ng ibang tao. Umuwi siyang maligaya sa
kanyang pamilya
Ang pagsulat ng isang panunnuri ay nangangailangan ng sapat na kaalaman,
kahandaan at kakayanan sa panig ng panunuri. Kailangang makita ang pagiging
maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang pagiging obhitibo sa
panunuri ay kailangang isaalang-alang.

Pamagat
Ang Kalupi
May Akda
Arceli Salayon
1 Pagkilala sa may Akda
Isinulat ni Arceli Salayon ang "Ang kalupi" upang ipahiwatig sa mambabasa
ang kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Nais niyang ipamulat sa mga
mambabasa ang kahulugan ng kanyang saloobin.
2 Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang
tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang
tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-
iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi
ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o
interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan
sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari
itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao,
mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing
tauhan.
3) Layunin ng may Akda
Ang layunin ng Akda ay upang imulat ang mga mata ng mga mambabasa sa mga
maaring kalabasan o kahantungan ng panghuhusga ng kapwa.
4) Tema o Paksa ng Akda
"Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na
kalooban."
5) Mga Tauhan o karakter sa akda
Aling Marta- pumunta sa palengke para mamili ng saangkap sa lulutuing sangkap
dahil yun ang araw ng pagtatapos ng kanyang anak
- pinag-bintangan niya ang bata
- siya ang dahilan ng pagkamatay nito
Bata- batang anak-mahirap
- naka-bangga kay AlingMarta
- Ang pinag-bintangan ni Aling Marta sa palengke
6) Tagpuan o Panahon
bahay- tinitirhan ni Aling Marta
palengke- doon niya nakabangga ang bata
pulisya-doon sila iniwan ng pulis para mag-usap
maaliwalas-ang panahon nung namamalengke si aling Marta
7) Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang mga
pagkapit ng mga pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas.
8) Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda
Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Ang akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa buhay.
9) Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o
karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.
10) Buod
Isang maaliwalas na umaga nang naghahanda si Aling Marta para sa kanyang
pamamalengke. Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang
makapaghanda ng masarap na putahe para sa tanghalian.
Nasa palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang
iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan
ng manok kaya pumasok siya sa loob.
"Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni Aling Marta
"Pasensya na po." Sabi ng Bata.
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis
ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang
pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling
Marta na ang bata ay anak-mahirap.
"Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay
pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao."
Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siya ng mantika.
Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang
bulsa.
"Bakit ho?" anito.
"E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
"Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae.
"Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na
sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung
bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng
kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso."
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip
ng mga nakaraang pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa
kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Hinanap niya ito at
nakita malapit sa tindahan ng kangkong.
"Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko,
ano? Huwag kang magkakaila!"
Tiyakin ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng
isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
"Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa ninyo."
"Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot ng pitaka
ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling
ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke."
Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng
kaunting impormasyon tungkol sa bata.
"Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa
bagay na ito.
Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng
pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito.
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay
takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya
namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling
Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito.
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda
ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya
kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera.
Nangutang siya sa tindahan.
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak.
"Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak"
"Saan pa, e di sa pitaka."
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka."
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang
pinagbintangan.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."
Dekada ‘70
Kung tutuusin, ang isang tunay na magandang pelikula ay higit pa sapagsasama ng iba’t ibang elemento
nito.The whole is greater than the sumof its parts, wika nga. Maaari natin itong sabihin sa pelikulang. Sa
katunayan, ito ayhigit pa sa magara nitongproduction design, sinematograpiya at iba panitong teknikal na
aspeto, sa makabagbag-damdaming pag-arte ng mganagsiganap, sa matalino nitong screenplay na si Lualhati
Bautista mismo ang sumulat, at siyempre sa impresibong direksyon ni Chito Roño.Dahil nga sa mainam ang
pagkakagawa ng pelikula, nagiging background nalamang ang mga makatotohanang props atsetting, at
animo’y nanonood atnakikinig na lamang tayo sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay atmadalas ay
madrama o nakatutuwang mga usapan ng isangpangkaraniwang pamilya noong dekada sitenta.
Nakakalimutan nating siVilma Santos talaga si Amanda Bartolome, si Christopher de Leon talaga angasawa
niyang si Julian, at napapaniwala tayong isang mataas na pinuno ng NPA alaga si Jules, at hindi ito si Piolo
Pascual.Sa ganitong banda, madali para sa isang ordinaryong manonood na mag-concentratesa mga
nilalamang mensahe ng istorya. At katulad ngpremyadong nobelang pinagbasihan nito, mayaman ang
pelikula sa mgamahahalagang mensaheng ito.Ngunit una sa lahat, kailangan nating banggitin na kung ang
Dekada ay isa lamang pelikula tungkol sa panahon ng martial law,maaaring hindi itonaging singganda.
Tinatanggap nating ito ay isang melodrama at hindi socialcommentary bkung aling nagkataon lamang na
naganap ang istorya noongpanahon ng batas militar. Bagama’t naniniwala tayong maganda angpelikula,
nauunawaan nating si Roño ay hindi isang Lino Brocka, at masasabinating mas pulitikal pa rin ang nobela
kaysa pelikula, kahit pa si Bautista angmismong nagsulat.Maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang
bantayan ang ating kalayaanat gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwala tayong wala
itongtunay mabigat na mensaheng pulitikal. Nguni’t muli, hindi natin sinasabingkakulangan ito. Sa
katunayan, nauunawaan nating tama naman na dito ituonang mga pangunahing tema ng pelikula: sa
kahalagahan ng pamilya saikabubuti ng isang mas malaking komunidad, katulad ng sarili nating bansa.Sa
ganitong paraan, hindi nakakahon at nakakulong lamang sa isang dekadang ating kasaysayan ang mensahe
nito.It transcends its own place and timein history.Halimbawa, sa una’y hindi nauunawaan ni Amanda kung
bakit gayon nalamang ang animo’y pagkabale-wala ni Julian sa mga nangyayari sa kanilangmga anak.
Makikita nating isa lamang siyang maybahay na naghahangad dinnamang hanapin ang sarili niyang
fulfillment sa labas ng papel na ito. Dito palamang, totoo sa kanyang pagiging peminista, ipinapaalaala sa atin
niBautista ang maling kalagayan ng kababaihan sa ating bansa.May isang eksena pa na pilit sumasali si
Amanda sa usapang pulitikal nina Julian at mga kaibigan niya, kung saan ipinagkamali niyang nagsulat
siAmado V. Hernandez ng isang librong Ingles. Gayunman, lumalabas nakatawa-tawa siya rito at kaawa-awa
rin, ngunit hindi natin maiwasanghumanga pa rin sa kanya dahil kahit papaano’y naninindigan
siya.Mapapansin din nating nauna pa nga na namulat si Jules at ang kapatidniyang manunulat na si
Emmanuel (Marvin Agustin) sa mga masamangkatotohanan ng martial law kaysa kay Amanda. Ngunit sa huli
aymamumulat din naman si Amanda nang dahan-dahan bagamat sigurado.Si Julian naman ay isang may
pagkasinaunang ama ng tahanan whose word is final, bagama’t may pagkaliberal din dahil kuno’y
ipinapalaganap niya ang freedom of expression sa kanilang bahay. Maiisip nating maaaring ito aydahil lahat
naman ng kanilang limang anak ay pawang mga lalake rin.Walang kiyemeng ipangangalandakan pa nga niya
sa kanila at kay Amandana ang kaligayahan ng mga babae ay maaari lamang magmula sa mgalalake. Double
standards, like charity, begin at home.Itinuturing din niya na ayon lang naman sa kanyang mga liberal na
pananawna hayaang hanapin ng kanilang mga anak ang kanilang sariling mgapaniniwalaan sa buhay. “Every
man has to believe in something he can diefor, because a life that does not have something to die for is not
worthliving,” sasabihin pa niya, ngunit makikita natin sa huli na ang totoo’ynatatakot din siya sa maaaring
kahinatnan ng mga anak niya.Ipinapakitang patas din ang turing ng Dekada sa mga kalalakihan nangibinigay
nito kay Julian ang linyang “Mahirap din ang maging lalake.Maraming emosyon ang iniipit na lang dito,”
sabay turo sa kanyang puso.Anupaman ang mga limitasyon ng pananaw ni Julian sa buhay, nagawa parin
niyang lumabas sa kanyang sariling kahon at mamulat sa kanyangsariling paraan.Dahil nga nagaganap ang
istorya sa panahon ng batas militar, maaasahannating marami sa mga tema ng pelikula ay may bahid-
pulitikal. Sakatunayan, mainam nitong isinasalarawan ang masalimuot na panahong itosa ating kasaysayan.
Maigting na ipinapakita ang mga nag-aalab nadamdamin ng mga aktibistang-estudyante sa iba’t ibang
paraan. Nariyanang tapang nila sa harap ng karahasan ng Metrocom sa mga nagra-rally ang pagkakasal sa
isang magkasintahan kasama sa kilusan kung saan sa halip naputing belo ay pulang bandilang komunista ang
ibinabalabal at sa halip nasingsing ay kuwarenta y singkong baril ang hahawakan nila, at iba pa. Si Jules,
bilang panganay at estudyanteng kolehiyo, ang “mamumulat” saganitong mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran.May isang eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit puno ng simbolismo.Sa gabi ng unang
araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA atmamundok, makikita natin si Amanda at Julian na
nakaupo sa veranda ngkanilang bahay. Pinag-uusapan nila ang ginawa ng kanilang anak.Nagsisimula ang
eksena sa isang long shot , at mapapansin nating nasaibabang bahagi ng screen ang isang mesang bubog
kung saan nasasalaminang baligtad na imahe ng mag-asawa. Ipinahihiwatig sa atin ng shot na itona
binabaligtad na ng mundo sa labas ang kanilang dati’s masayahin attahimik na tahanan.Sa katunayan,
mapapansin natin, katulad nga ng nabanggit na, na tila angmga anak pa mismo nina Amanda at Julian ang
nag-aakay sa dalawa upangharapin ang kanilang tungkulin bilang mamamayan. Sa maalab napaninindigan ng
magkakapatid, at kahit sa nga kapus-kapalarang sinapit ngisa sa kanila, si Jason (Danilo Barrios),
pagdadaanan mismo ng mag-asawaang sakit at pait ng mga katulad nilang magulang na katulad nilang
nagingbiktima ng batas militar ang kanya-kanyang anak.Sa huli, kung tutuusin ay pulitikal din naman ang
mensahe ng Dekada '70.Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mgamagulang sa
paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ngkalayaan o karapatang pantao o peminismo at
marami pang iba. At sakahihinatnan, makikita nating ganito rin kahalaga ang papel na gagampananng isang
pamilya “magulang at anak “ sa paghubog ng isang tunay namalaya at mapagpalayang lipunan.

Pusong Walang Pag-ibig

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak


niyangsiyang s Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay
at mapapalagay lamang siy kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang
anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon
ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan
ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw
ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na
nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako
ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may
mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-
usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang
isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil
dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya
magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya
naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at
Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak
na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay
nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang
na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang
magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang para
maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni
Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga- Pulong-
gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon
dahil wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang lumipas.
Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang
pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi
nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si
Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni
Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa
manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at
pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang
pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit
damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na
maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng
na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa
gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon
sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay
pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon
ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang
himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na
ang Pilipinas ay inako lamang ng mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan.
Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng
kay Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw
pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa
Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene
saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang
tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng
pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap
na rin ang kanyang ina. Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan
ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si
Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G.
Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa
wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at
Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang
panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si
Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng
mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit.
Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na
taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina
ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang
lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang
humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo
na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na
napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at
siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang "pusong
walang pag-ibig".

Lura Ng Demonyo
Noong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa
Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-
sama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon.Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw
siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis siya rito. Tumawid na siya rito.
Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng
maraming taong papalapit, na may dala-dalang mga naglalagablab na sulo. Naisip niya na
iyon ay grupo ng isang pinuno kasama ng kanyang mga ayudante. Kaya umalis siya sa
daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim ng tulay.Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay
ang mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa
ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga tao. Lahat sila'y mga oni (demonyo),
na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang mata, samantalang
ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na gulat ang
lalaki sa nakita niya."Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni.."Hulihin natin!" sabi
naman ng isa.Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang
lalaki dahil baka kainin siya ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang gagawin.
Pero walang ipinahiwatig na kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay
kainin ang lalaki at itinulak siya nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at
saka sila nag-alisan. Nakahinga nang maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay.
Dali-dali na siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay, ayaw siyang kausapin ang kanyang
pamilya bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga iyon." Bakit ang tahimik ninyo?" tanong
niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya kung ano'ng nangyayari sa
kanila.Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita
dahil sa dura ng mga oni. Nakikita niya ang kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng
mga ito, pero mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito siya sa
pangyayaring nagaganap.Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang
pamilya ng lalaki dahil nawawala ito sa piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang
kanyang kamag-anakan at sinabing kasama siya ng mga ito sa bahay, pero wala ring nangyari.
Kahit tinatapik pa niya sa ulo ang kanyang mga anak, tila hindi nararamdaman ng mga ito
ang kanyang kamay. Sa pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama, sa pag-
aakalang nawala na nga ito. Samakatwid ang Bagong Taon ay naging araw ng trahedya para sa
kanila at nagdaan pa ang maraming malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang
natitirang paraan sa kanya kundi humingi ng tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad
niyang binisita ang Dambana ng Rokkaku-do." O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa
aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nag-alay siya ng mga taos-pusong panalangin sa
Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo.Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata
niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa panaginip, nakatagpo raw niya ang
isang banal na Buddhistang pari na lumitaw mula sa likod ng kurtinang kawayan at
mataimtim na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na tagasunod! Umalis ka rito bukas nang
umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang taong masasalubong mo sa daan
pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!"Nagpatirapa siya sa harap ng pari.
Nang magising siya, maliwanag na.Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may
nasalubong na siyang isang pastol. Naisip niya na ito ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa
kanyang panaginip. Nilapitan siya ng pastol at sinabi nito: "Kumusta, mahal kong kaibigan,
sumama ka sa akin." Ikinatuwa ng malungkot na lalaki na nakikita na siya ng iba, at dahil
dito'y kaagad siyang sumunod sa pastol. Naglakad sila nang kaunti at nakarating sa
tarangkahanng isang malaking palasyo. Itinali na pastol ang kanyang baka sa isang kalapit na
puno saka lamang nito binuksan nang bahagya ang bakod at sinenyasan ang lalaki na
sumunod sa kanya. Sinabi ng lalaking di-makita na imposible niyang magawa iyon dahil
napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y nananaginip pa rin siya.Dinala siya ng
pastol sa laloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kwarto sa bandang
likuran. Nakaratay sa higaan ang isang matanda ngunit mayasakit na prinsesa ng mansion.
Binabantayan ito na kanyang mga magulang-ang senyor at senyora-at lahat ng katulong ay
pawing nababahala sa kanyang karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-
nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang pastol ay dir in nakikita ng
ng karaniwang tao. Natuklasan ng lalaki na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo
siyang nawalanng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng kahoy na martilyo
ang ulo ng maysakit na prinsesa. Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya ang prinsesa,
namimilipit ito sa sakit. Sa ganoto, inakala ng senyor at senyora sa namamatay na ang
kanilang anak. Kaagad silang nagpatawag ng Buddhistang pari para paalisin ang anumang
masamang espiritu na gumagambala sa anak nilang maysakit.Hindi nagtagal, dumating ang
isang butihing pari at nagdaos ng mga dasal upang playasin ang masamang espiritu. Umawit
ito ng panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-nakikitang lalaki sa
ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba pang panalangin ang pari. Gulat na gulat ang di-
nakikitang pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang kimono. "Sunog,
sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-gulong sa lapag. Sa sumunod na sandal,
lumitaw ang kanyang kabuuan. Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan sila:
"Saan siya nanggaling?"Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal na inusisa
siya ng senyor tungkol sa kanyang biglang paglitaw. Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang
kanyang kakaibang abentura. Sabin g pari: " Isang milagro 'yan. Marahil ay ginusto ni
Kannon-sama ng Dambana ng Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito gayundin,
na gumaling ang prinsesa." Milagro talaga na nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay
na gumaling din ang prinsesa..Masayang umuwi ang lalaki. Di na kailangang sabihin pa na
tuwang-tuwa ang pamilya niya nang Makita siyang muli.Ang identitad na pastol ay nanatiling
misteryoso hanggang ngayon pero pinaniniwalaan ng maraming tao na siya'y isa pang
kaluluwa.

ANG KALUPI
Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-
barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang
pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang
umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay
naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa
gabing iyon at tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na
taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin
namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos
sa high school ay hindi na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para
niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang
libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa
kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din
siya ng mamaniganging may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig
ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa
harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti
siyang muli.Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng
kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng
Tondo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi
pangkaraniwang araw ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi
pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin siya ng garbansos. Gusting-gusto ng kanyang
magtatapos na anak ang minatamis na garbansos. Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa
pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na ang di-makamayaw na ingay na nagbubuhat sa
loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang
paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay
siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng
pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga
tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas ng humahangos na isang batang lalaki,
na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata at tumama sa
kanyang kaliwang dibdib.“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay
patakbo ka pa kung lumabas!” “Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang
maliit na bangos na tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin
sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”“Pasensya!” sabi ni Aling
Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay
makakapatay ka ng tao.”Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t
paanuman, naisip niya, ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na
itong nagawan ng di mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang
inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa
bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi.
Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng isang kartong
mantika.“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera
na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.“Tila nga ho,”
ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”Natawa si Aling Marta at pagkaraan
ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad.“Bakit ho?” anito.“A, e, nawawala
ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.“Ku, e, magkano naman ang
laman?” ang tanong nga babae. Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso
na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba
niya kung bakit sa di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng
kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso ho.”Nanatili siya sa pagkakatayo
nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari.
Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang
nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang
tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa
lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang
pagkakilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili at mga batang
panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa
harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo
ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita
niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas
niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na kamiseta nito at ang
mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama ay sapat nang
palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tig-
bebeinte.Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.“Nakita rin kita!” ang sabi niyang
humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”Tiyakan ang
kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay
masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:“Ano hong pitaka?” ang
sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling
Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko,
ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili.
Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa
kababaihan.“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi
niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang laman!”“Ang
mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa
palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.” “Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata.
“Sumama ka sa akin.”“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling
Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo
inilabas ang dinukot mo sa akin.”Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na
bangos upang dalawang-kamayin ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila
kawad sa pagkakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata
at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga
nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito
ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.“Naseguro ko hong siya dahil sa
nang ako’y kanyang banggain, e naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos
niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagka’t akoy
nagmamadali.”Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang
nagmamapa-sa-duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at
sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiiyak,
ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na
papel at ang tig-bebeinteng bangos.“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng
inyong pitaka?” tanong ng pulis kay Aling Marta.“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling
Marta.“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata.
“Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”“Wala ho akong dinukot na maski ano sa
kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang
kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O,
ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad, isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku,
ang mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong
matakot iyan at magsabi ng totoo.Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito
nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na
katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”“E, ano
pang evidencia ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo.
“Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking
bulsa. Ano pa?”Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya,
muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.“Ano
ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.“Andres Reyes po.”“Saan ka nakatira?” ang muling
tanong ng pulis.Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang
nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit at
kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung minsan
naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito
sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam, para mamayang
tanghali.”“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng
pulis.“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay
dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”Ang
walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang
pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang
tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at
pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.“Ang mabuti ho yata, e dalhin na
natin iyan kung dadalhin,” sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala
namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang
pulis.”“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong
dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin
ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin. Inakbayan nito ang bata
at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiimik na si Aling Marta at ang isang
hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng
outpost ay huminto ang pulis.Maghintay kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para
pahalili,” sabi sa kanya at pumasok.Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong
kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang
bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok
sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang paghintay bago siya
makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang
magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang
naririnig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dalang anuman, walang dala at
walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may
kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap.
Hinawakan niya ito sa isang bisig at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang
pinipilit sa likod.“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman.
“Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng
ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”Napahiyaw ang bata sa
sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga
nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang
kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata
ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.Hindi
niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas
sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si
Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling
Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay
walang lingod-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang
narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta; ang sigaw
ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig
ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa
kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng
kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang
nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.Hindi umimik si Aling Marta habang
minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha ay aywan ba niya at pati siya ay
tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay
parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya
nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino
sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili, Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at
nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang
kasalanan. Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata
ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng
ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay
natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang
katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito ng paningin at
ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.“Maski kapkapan n’yo ako, e
wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi
ko kinuha ang inyong pitaka.”May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang
gumapang sa kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang
sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan
itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.“Patay na ang dumukot
ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at
hawak na naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa na kayo niyan.”“Sa
palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta.“Wala naman sa
palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng
tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”May
himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong ni Aling Marta.“Maaari
na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at
direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan
naming kayo ng ulat.”Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at
pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at
magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa
kanyang diwa. Lumalakad siya ngayon na walang-tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang
kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang
nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang
pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang siya ay mapilitang sumagot.
Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang
ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga
kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi
sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng
diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako
masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming
palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!Kinakailangan niyang
kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa
pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya
sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng
madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na
makapagpadala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa
na sila ay hindi naghihirap, ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya
ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at anuman
pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t
darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang
siya ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na
ang nawala niyang pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na
upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon
makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ni Aling Marta nang
ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa
daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak
na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang
minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang kanyang dala ay napakunot-noo,
lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang
asawa.“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-
graduate.“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking
pitaka.”Nagkatinginan ang mag-ama.“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka
mo, e naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong
nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka
kumuha ng pinamili mo niyan?”Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan,
nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at
natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito:
Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa
pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay
umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang
narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?

UNANG
MARKAHAN
SURING BASA
(KWENTONG BAYAN)

FILIPINO
IPINASA NI:

BENEVOLENT O. CASTILLO

(VII-ACACIA)

IPINASA KAY:

MS. JENNIFFER CUSTORIO

(GURO)
NILALAMAN

1.PUSONG WALANG PAG-IBIG

2. DEKADA 70

3. LURA NG DEMONYO

4. ANG KALUPI

KWENTONG
BAYAN

You might also like