Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA

Talumpati ni Julius Renomeron Jr.

IMBA!, GG, RM at paminsan “Trash talk”. Yan ang mga salitang madalas marinig sa bawat computer shop
na makikita mo rito sa Pinas. Adik kasi ang mga bata ngayon sa DOTA. Umaga, hapon, gabi at paminsan
kapag walang pasok ay puyat kakalaro ng DotA. Kahit wala pang almusal, kahit wala pang tanghalian at
kahit wala pang ligo ay panay ang paglalaro ng DotA. Laman ng computer shop sa mga kanto, laman ng
computer shop diyan sa may Dapitan. Huwag kayong magkaila karamihan dito sa klaseng ito ay
nakapaglaro na ng DotA at parang parte na ng araw-araw na gawain ang paglalaro nito.

Ano nga ba ang DotA? Kung tutuusin isang custom map lang naman ito sa larong Warcraft 3 na isang
sikat na real time strategy game lalong lalo na sa mga koreano. Sa laki na wala pang halos 10mb ay
madadownload mo na ang DotA. Makapipili at makapaglelevel-up ka ng hero na gusto mo. Makapag-
iipon at makapag-eekwip ng mga gamit upang mapalakas ang karakter mo at talunin ang kalabang grupo.
Ang isang magandang laro ay madalas tumatagal ng hindi bababa ng 20 minutos at kung minsan ay may
game 2 pa o game 3 o game 4 na siyang kumukunsumo ng napakaraming oras. Sa kalagitnaan ng isang
nag-iinit na laro ay marami kang maririnig na mga salitang hindi na nga kanais nais ay ipagsisigawan pa sa
tenga mo. Ito ay ang tinatawag nilang “pagtatrash-talk”. Hindi nga naman kasi kumpleto at masaya ang
isang laro kung hindi mo naiintimidate ang mga kalaban mo.

Kung tatanungin mo ang mga kabataang lulong sa nakakaadik na larong ito kung anong magandang aral
ang natututunan nila sa paglalaro nito, ang siguradong isasagot nila ay ang pag-iistrategy at teamwork.
Ang pagpaplano ng mga taktika upang ma-ambush ang isa o napakaraming hero at ang pagtutulungan ng
bawat isa upang maisagawa ito. Ngunit sapat ba itong pag-iistrategy at teamwork upang magamit at
maisabuhay ng mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?

Hindi maipagkakailang ang pag-lalaro ng DOTA ay nakakaadik sa halos karamihan ng mga kabataan sa
panahon ngayon. Sa maliit na halagang bente pesos ay maari ka na kasing makapaglaro ng isang oras sa
computer shop na madalas na dahilan ng pagkakaubos ng baon ng mga bata sa eskuwela. Sa sobrang
pagkakawili ay di narin namamalayan ang oras na kinukunsumo ng paglalaro na nagiging sanhi ng
pagsasantabi ng mga gawain at hindi pagtapos ng mga ito. Ang mga homework ay madalas na hindi
nagagawa sa oras at madalas na hindi nakakapasok sa mga klase dahil mas pipiliing maglaro kasama ang
mga kaibigan sa computer shop.
Kung tutuusin ay mayroong kautusan na nagbabawal na magtayo ng computer shop malapit sa mga
paaralan ngunit hindi naman ito nasusunod. Nakakatawa ngang isipin na kung saan pa may paaralan ay
doon naman laganap at nagsusulputan ang napakaraming computer shop na ang kadalasang laman ay
mga nagtutumpukang mga estuyante na imbes na gugulin ang oras sa pag-aaral sa mga nalalapit nilang
exams ay mas pipiliin pang ubusin ito sa paglalaro. Kung ganitong eksena ang makikita mo araw-araw, ay
parang nagdadalawang isip nako na kami nga ang pag-asa ng susunod na henerasyon.

Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang pagsasabi ng “mag-aral ng mabuti”. Madaling sabihin pero
ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at tiyaga. Sa dami kasi ng sagabal sa pag-aaral
ngayon tulad ng DOTA, Internet at T.V., napakahirap na ifocus ang mga sarili natin sa iisang bagay lang.
Kapag sobra ang pag-aaral ay ma-iistress ka. Kapag sobra naman ang paglalaro mo ay maaaring
mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at siyang maging dahilan upang bumaba ang mga grades
mo. Ang lahat ng sobra ay masama, pede siguro nating ipasok ang pag-iistrategy dito. Pag-iistrategy hindi
kung paano makapatay ng hero sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral
at paglalaro.

Kung ikaw naman ay maraming oras na bakante ay maari rin naman itong ilaan sa pagsali sa mga grupo o
organisasyong naglalayong tumulong sa mga higit na nangangailangan. Dito naman maipapasok ang
balyu ng teamwork. Isang bagay rin na natututunan sa pag-lalaro ng DOTA. Ang pakikipagtulungan upang
maiiangat ang estado ng isang bagay. Isang napakahalagang katangian na matutununan ng isang tao at
nakakatuwang isipin na maari itong magsimula at makuha sa hamak na paglalaro lamang ng isang video
game.

Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bayan sapagkat sa kami ang
susunod na henerasyong papalit sa kasalukuyan. Kami ang may potensyal na humubog ng isang bayan na
sa ngayo’y puno ng kurapsyon at kasinungalingan. Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaring isa
sa amin dito ngayon ang maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

May kasabihan nga na “Maaring iwanan ka ng girlfriend mo pero hinding hindi ng DOTA”. Hindi naman
ganun ka perpekto ang larong DOTA sa totoo lang at mas lalong hindi ito habang buhay na nandyan .
May kakaibang lasa lang talaga siguro ang larong ito kaya pumapatok sa mga kabataang Pilipino. Kung
tutuusin sa ibang bansa tulad ng Amerika ay hindi naman ito gaanong pansin ng mga tao doon. Mas
kilala ang World of Warcraft doon. Paniguradong darating ang panahon at may papalit na bagong laro na
mas kahuhumalingan naming mga kabataan. Walang masama sa pagkakalulon dito dahil kahit noong
bago pa man ito sumikat ay nauna nang kinaadikan ang mga Brick Game at Game and Watch ng mga mas
nakatatanda.

Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng aming pagtatrabaho at
panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay ay may rematch. Na ang pagkapanalo ay
hindi nadadaan sa isang madugong trash talk at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na GG na
sir.

You might also like