Katanggapan NG Baybaying PUP Panulat NG PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 66

POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

KABANATA 1

SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Bawat bansa, bawat kultura, bawat lugar, may kani-kanyang

pagkakakilanlan. May sariling pamamaraan ng pamumuhay, may sariling mga

paniniwala, may sariling paraan ng pagkatuto at may sariling paraan ng

pagbabasa at pagsusulat. Ang baybayin o mas kilala sa tawag na alibata ay ang

pinaniniwalaang pinakalumang sistema ng panulat ng mga Pilipino. Bago pa man

tayo sinakop ng mga Kastila ay sinasabing mayroon ng baybayin. Ayon sa ibang

mananaliksik, ang panulat na ito ay nagmula lamang sa sistema ng panulat ng

Saudi Arabia na nagmula sa pamilyang Abugida. Ngunit ayon naman sa ilang mga

artifacts na natagpuan mismo sa bansa tulad ng mga Manunggul Jars, Angono

Petroglyphs at Laguna Copperplate Inscription ay nais nitong suportahan ang

ideya na ang Baybayin ay likas sa bansa.

Ang baybayin ay isang sistema ng panulat na sinusulat ayon sa kung paano

binibigkas ang isang salita. Sa madaling salita, ito ay silabiko kung baybayin.

Ngunit ang kakanyahan nito ay ang pagiging likas nito sa bansa. Ang mga

bansang Hapon, Korea, Tsina at Indonesia, ay ilan lamang sa mga bansang

ginagamit ang kanilang sariling sistema ng pagsulat bilang panulat. Kaya naman
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

naisip ng mananaliksik na bakit hindi rin natin ito gawin upang mapayabong ang

sarili nating kultura. Ngunit kung atin itong isasakatuparan, kanino kaya ito

magiging angkop simulan? Papayag kaya ang mga nasa institusyon sa

pagpapatupad nito? Kung sakaling oo ang sagot, anong baybayin ang ating

gagamitin? Sa dami ng mga nagbibigay ng kanilang mungkahing baybayin ay hindi

na natin alam pa kung ano ba ang nararapat. Kaya naman nilayon ng mananaliksik

na maibigay sa mga mag-aaral ang mungkahing baybayin na siyang maging

angkop sa kasulukyang panahon na bagamat may kaunting pagkakaiba sa orihinal

na iskrip ng baybayin ay magbibigay naman ng sustansiya sa mga gagamit nito.

Ang isinagawang pananaliksik ay naglalayong malaman kung magiging

tanggap ba ng mga guro ng wika ang Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino)

estandardisadong panulat sa baybayin. Alam nating ang wika ay daynamiko at

patuloy na nagbabago. Kaya naman upang makisabay sa walang tigil na

pagbabago ay gagamit tayo ng iskrip na masasabing angkop sa mga pagbabago

at kayang punan ang mga naging pagkukulang ng orihinal at lumang iskrip ng

baybayin. Mahalagang malaman natin kung anong klaseng baybayin ang

magandang gamitin sa panahon ngayon sapagkat kapag atin itong malaman ay

maaari na tayong tumungo sa mas maalalim nating adhikain- ang paggamit sa

baybayin bilang pambansang sistema ng panulat o kahit maging alternatibong

panulat o di naman kaya’y maging bahagi ng kurikulum ng mga nag-aaral. Ang


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

pag-aaral na ito ay hindi lamang makatutulong sa mga naglalayong itaguyod ang

sariling sistema ng panulat ng mga Pilipino, bagkus maging ang ating kulturang

unti-unti nang tinatabunan ng ibang kulay at paniniwala.

Kaya naman isinagawa ng mananaliksik ang pag-aaral na ito upang

masagot ang mga katanungang may kinalaman sa Baybayin at muli nitong

pagpapagamit sa mga mag-aaral. At sa muli nitong pagpapapagamit ay

matanggap pa kaya ito ng mga kabataang nasa kasalukuyang panahon? Kung

hindi, ano ang mga dapat gawin upang muling maging katanggap-tanggap ang

Baybayin bilang pandagdag sa sistema ng pagsulat nating mga Pilipino.

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Ang baybayin ay bahagi na lamang ng isang makabuluhang

kasaysayan sa bansa. Sa kabila ng ideyang maaaring ito ay talagang likas sa

bansa dahil sa mga makasaysayang patunay na nagbibigay ng kaugnayan sa

baybaying Pilipino ay hindi naman natin ito ginagamit o pinapakinabangan.

Tanging iilan na tao o grupo na lamang ang nagbibigay ng halaga rito kung saan

nagbabahagi sila ng mga palihang ukol dito, mga pag-aaral at kung ano-ano pa.

Kaya naman bilang isang mananaliksik ay mararapat lamang na makibahagi sa

naturang usapin tungkol sa baybayin.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

Naisipang bumuo ng pag-aaral ng mananaliksik na aalam sa katanggapan

ng mga guro sa mungkahing baybayin na Baybaying PUP (Panulat ng Unang

Pilipino) na nagbigay ng mga karagdagang simbolo tulad ng C, Ñ at Q, mga bantas

at pamilang upang matugunan ang pangangailangan ng kasalukuyang panahon.

Ang mga guro ng wika ang kinuhang respondente sapagkat sila ang magiging

instrumento sa pagtuturo ng naturang baybayin. Matapos malaman kung

katanggap-tanggap ba ito o hindi sa mga piniling respondente ay tutungo na sa

susunod na bahagi ang pananaliksik kung saan ito ay pag-aaralan sa paraang

kwalitatibo at hanggang sa maging balido ito at maaari nang ipanukala sa mga

institusyon ng pagkatuto na gamitin ang baybayin bilang pandagdag na panulat ng

mga Pilipino. At ang gagamitin ay ang Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino).

Batayang Teoretikal

Upang maging makatotohanan at may sapat na saligan ang isinasagawang

pananaliksik ay narito ang mga teoryang ginamit upang mabigyang-halaga ang

mga nakalap na datos:

Ayon kina Carolyn Sherif, Muzafer Sherif, and Carl Hovland Tumatalakay

ang teoryang ito sa kognitbong pananaw kung paano mo tatanggapin ang isang

sitwasyon. Ipinapakita ng teoryang ito ang paraan o kung paano naipapakita at


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

hinuhusgahan ang isang bagay. Nangyayari ito kung ang isang tao ay

nagkukumpara at pumipili ng kanyang nais. Inilalarawan din nito kung paano

nagkakaiba ng sariling opinion sa ibang opinion. Bukod pa dito ipinapakita din kung

ano sa tingin nila ang katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap mula sa

pagtingin ng ibang tao. Ibig sabihin nito na ang isang tao ay maaaring hindi

pumanig sa ibang opinion kahit pa iisa lamang sila ng direksyon.

Ayon naman kay Palmer (2009), ang pagsasakatuparan ng panulat sa

kasaysayan ng lipunan ay tunay na nagbibigay ng marka sa pag-unlad sa

pamamagitan ng pagbabago hindi lamang sa sarili nitong lipunan, kundi pati sa

sangkatauhan. Nais nitong ipakita na ang pagbibigay ng mungkahing pagbabago

ay hindi lamang sa pag-unlad ng isang lipunan kundi pati na rin sa mga taong

siyang makikinabang nito.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

Balangkas Konseptwal

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Pagpunta sa
1. Mungkahing mga
Baybayin – pampublikong
Baybaying PUP mataas na
(Panulat ng paaralan sa
Unang Pilipino). Naga City,
Camarines Sur.
2. Talatanungan
 Pagtanggap sa 2. Pagpapasagot
Baybaying ng mga Balidong
PUP (Panulat talatanungan Mungkahing
ng Unang sa mga Baybaying PUP
Pilipino) batay respondenteng (Panulat ng
sa: guro ng wika. Unang Pilipino)
Kultura
Edukasyon 3. Paglalapat ng
Ekonomiya estadistikal na
pagdulog sa
3. Pamplet ng mga datos na
Baybaying PUP nakalap.
(Panulat ng
Unang Pilipino). 4. Palalahad.
Pagsusuri at
Interpretasyon
ng mga datos.

Balik-tugon
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

Pigura 1 – Paradaym ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Bago matapos ang pananaliksik na ito ay inaasahang masagot ang mga

sumusunod na katanungan:

1) Paano tinanggap ng mga guro ang mungkahing Baybaying PUP

(Panulat ng Unang Pilipino) sang-ayon sa mga sumusunod na kraytirya:

a) Kultural

b) Edukasyonal

c) Ekonomikal

2) Paano tinanggap ng mga guro ang mga sumusunod na kraytirya:

a) Baybaying Rizaleo

b) C, Ñ, at Q ng Baybaying PUP

c) Bantas ng Baybaying PUP

d) Pamilang ng Baybaying PUP

3) Ano ang naging mungkahi ng mga guro ng wika upang mas mapabuti

pa ang Baybaying PUP?


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 8

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik upang

malaman kung tanggap ang mungkahing baybayin bilang estandardisadong

panulat sa baybayin. Bukod pa rito ay makatutulong ito sa mga sumusunod:

Sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino. Kapag nalaman ng mananaliksik

kung tanggap ba ng respondente ang mungkahing baybayin ay makatutulong ito

sa kanila upang gamitang saligan sa pagpapatuloy ng paagpapagamit ng

naturang mungkahi.

Sa mga nagtataguyod ng Baybayin. Makatutulong sa kanila upang mag-

debelop pa ng mga kapaki-pakinabang na iskrip ng Baybayin na aangkop sa

daynamikong pangangailangan nito.

Sa mga paaralan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay malalaman nila kung

ano ang wastong Baybayin ang ipagagamit sa mga mag-aaral kung sakaling

pumayag ang nakatataas na isama sa kuriikulum ang sariling sistema ng pagsulat

ng mga Pilipino o Baybayin.

Sa mga mag-aaral. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay makatutulong ito sa kanila

upang matukoy ang nararapat na gamiting sistema ng pagsulat.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

Sa mga magulang. Malalaman ng magulang kung dapat ba nilang suportahan

o tulungan ang ginagawang pag-aaral ng mga mananaliksik at ng mga mag-aaral

na gagamit ng mungkahing baybayin bilang sa pamilya nagsisimula ang mga

estudayanteng papasok sa mga institusyon.

Sa mga guro. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay malalaman rin ng guro ang

nararapat na iturong baybayin sa mga mag-aarl na hindi magbibigay ng pagkalito

sa kanila bagkus ay ganap na pagkatuto.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa ilang mga guro ng wika (Ingles at

Filipino) sa mga pampublikong mataas na paaralan ng Lungsod ng Naga sa

probinsya ng Bicol na may kabuuang bilang na 35 respondente. Ito ay magmumula

sa iba’t ibang mataas na pampublikong paaralan at bubuuhin ng mga guro ng wika

(Filipino at English). Ang mga napiling lahok ang siyang magbibigay ng kanilang

tugon sa katanggapan ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino). Ibibigay sa

kanila ang pamplet kalakip ang talatanungan isa o dalawang araw bago ito muling

kunin.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

Katuturan ng mga Katawagan

Abugida – sistema ng pagsulat na nahahawig sa Saudi Arabia.

Alibata – mas kilalang tawag sa baybayin. Mula sa pangalan ng Romanong

alpabeto na Alif at bata.

Artifacts – mga makasaysayang bagay na niyari ng tao.

Baybayin – lumang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino.

Iskrip – nagtataglay o naglalaman ng mga porma ng sulat.

Kurikulum – nagtataglay ng mga asignatura o paksang tatalakayin sa ilalim ng

isang ispesyalisasyon.

Modernisahin –i-angkop sa modernong panahon.

Pagbabaybay –kung paano sinusulat ang mga salita.

Palamuti – mga dekorasyong makikita.

Sibilisasyon – yugto ng panahon.

Silabiko – pagbabaybay ayon sa pantig ng mga salita.

Taklobo – isang uri ng lamang-dagat.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang mga katulad na literatura o pag-aaral na

maaaring sang-ayunan o pasubalian ang isinasagawang pananaliksik. Ilalagay

ang mga ito upang magbigay-tulong at linaw sa isinasagawang pag-aaral.

Nabanggit sa isang pag-aaral ni Grosswilller sa “Dispelling the Alphabet

Effect” na kung ang wika raw ay walang salita para sa ideya, ang ideya ay hindi

mabubuo sa isipan, kaya naman laging tinutumbasan ng wika ang

pangangailangan ng mga mananalita (Bodde, 1991). Makikitang sinasang-ayunan

nito ang pagbibigay ng mungkahing pagbabago sa baybayin upang umangkop sa

modernong panahon na siyang kinabibilangan ng mga taong gagamit nito.

Ayon pa sa “Sa Pagbabanyuhay ng Sariling Pambansang Baybayin: Ang

Wikang Filipino sa Ika-21 Siglo” ang Baybayin ay maaaring modernisahin at i-

angkop sa kasalukuyang sistema ng pagsulat (Cardenas, 2000). Tunay ngang

hindi hadlang ang mga pagbabago upang ipagpatuloy ang baybayin. Bagkus ay

nakikita pa nating, bagama’t mayroong mga kailangan isaalang-alanag sa


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

pagbuhay muli ng baybayin ay paniguradong may makakamit tayong kagandahan

dito.

Isa pa sa mga pag-aaral na nakalap na siyang isinagawa ng Silent

Gardens, ang wikang panulat daw ay isa sa mahahalagang bagay upang

mapalapit sa kultura. Ang Rosetta Stone na nagbigay daan upang maintindihan

ang hieroglyphics ay isa sa mga patunay sa teoryang ito. Kaya naman kung ang

baybayin ang gagamitin ay kadikit din nito ang pag-unlad.

Sa pahayag ni Palmer (2009), sa pamamagitan ng panulat, ang

mahahalagang pangyayari sa buong daigdig ay naitala ng kanilang kultura. Ang

pagpapaunlad ng panulat sa kasaysayan ng isang lipunan ay nagpapakita ng

pagyabong sa pamamagitan ng pagbabago hindi lamang para sa lipunan kundi

para sa sangkatauhan.

Ayon naman kay Daniels (1996), ang wika ay likas na produkto ng

isipan ng tao, samantalang ang panulat ay ang maselang produkto ng talino ng

tao. Ang wika ay patuloy na umuunlad at nagbabago ng walang pakikialam ng


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 13

tagapagsalita, ngunit ang panulat ay maaaring manatili o mabago o maayon o

mahalaw sa kagustuhan ninuman.

Habang, ayon kay Ding Xinghua sa kanyang aklat na Cognitive

Power Of Chinese Characters And Their Influence On Ancient Chinese Science

And Technology, ay makikitang nakaugat ang kultura at daloy ng pag-iisip ng isang

bansa sa pagkakabuo ng sistema ng panulat nito. Sinabi rin niya na ang ilan sa

mga iskolar na sina Logan (1986), Innis (1951) at McLuhan (1964), ay pinag-aralan

ang epekto ng panulat sa paraan ng pag-iisip, at umayon na ang sistema ng

panulat ay isang mahalagang pwersa na humuhubog sa kaisipan ng gumagamit

nito.

Ayon pa kay Rudgley (1999), ang panulat ay isa sa mga pangunahing

katangian ng isang lipunan na sibilisado. Kaya naman masasabi nating

nangangailangan na ng pagbabago. Hahayaan ba nating ang paraan ng panulat

na siyang nagbibigay sa atin ng kaunlaran ay hindi naman taal sa atin. Kung ano

man ang ating mga natatamo sa ngayon, ay maaaring mahigitan pa kung Baybayin

ang gagamitin. Sa aspektong kultural ay masasabi nating angkop ang mungkahing

baybayin.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 14

KABANATA 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Matatagpuan sa kabanatang ito ang pamamaraang ginamit ng

mananaliksik upang maisakatuparan ang pananaliksik. Ang mananaliksik ay

gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang matukoy at malaman kung

magiging tanggap ba ng mga guro ng wika sa mga mataas na paaralan sa

Lungsod ng Naga ang Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino).

Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Upang masagot ang suliranin ng isinasagawang pag-aaral ay gumawa ang

mananaliksik ng isang pamplet na may pamagat na Baybaying PUP (Panulat ng

Unang Pilipino) na naglalaman ng mga pangunahing kaalaman tungkol sa

mungkahing baybayin at siyang magiging batayan ng mga tagatugon kung

magiging katanggap-tanggap ba ito para sa kanila. Ibinigay sa mga guro ang

pamplet kalakip ang talatanungan na kanilang sasagutan. Pagkatapos ay


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 15

binalikan ito makalipas ang isa hanggang dalawang araw upang kunin ang mga

talatanungang mayroon nang mga tugon.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral

Upang makakalap ng sapat na datos, gagamit ng Purposive Sampling ang

mananaliksik kung saan ang kukuhaan niya ng tugon ay ang mga guro ng wika

mula sa ilang mataas na pampublikong paaralan sa lungsod ng Naga sa probinsya

ng Bicol na may kabuuang bilang na 35 respondente na siyang pangunahing

instrumento sa pagpapalaganap muli ng baybayin. Sila ay pupuntahan sa

eskwelehang kanilang pinagtuturuan. Iaabot ang pamplet na may kalakip na

talatanungan at babalikan matapos ang isa hanggang dalawang araw upang

mapag-aralan ang nilalaman ng pamplet.

Sa ibaba ay ilalahad ang mga katangiang taglay ng mga naging kalahok ng

isinasagawang pag-aaral:
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 16

TALAHANAYAN 1
Profayl ng Guro Ayon sa Lokasyon ng Paaralan

BILANG
PAARALAN BAHAGDAN (%)
NG GURO

Concepcion Pequeña, Naga City 17 48%

Sabang, Naga City 8 23%

Cararayan, San Isidro Road, 10 29%


Brgy.Cararayan, Naga City

KABUUAN 35 100%

TALAHANAYAN 2
Profayl ng Guro Ayon sa Asignaturang Itinuturo

ASIGNATURANG ITINUTURO BILANG BAHAGDAN (%)

Filipino 16 46%

English 18 51%

Pareho (Filipino at English) 1 3%

KABUUAN 35 100%
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 17

TALAHANAYAN 3
Profayl ng Guro Ayon sa Antas ng Tinuturuan

BILANG
ANTAS NG TINUTURUAN NG BAHAGDAN (%)
GURO

Baitang 7 4 11%

Baitang 8 5 14%

Baitang 9 6 17%

Baitang 10 7 20%

Higit sa isa 13 37%

KABUUAN 35 100%
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 18

TALAHANAYAN 4
Profayl ng Guro Ayon sa Tagal ng Panunungkulan

TAGAL SA PANUNUNGKULAN BILANG BAHAGDAN


(TAON) (%)

0-4 12 34%

5-9 5 14%

10-14 4 11%

15-19 3 9%

20-24 3 9%

25-29 8 23

KABUUAN 35 100%

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Upang makatulong sa isinasagawang pag-aaral ay naghanda ang

mananaliksik ng talatanungan o questionnaire na nagtataglay ng mga katanungan


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 19

ukol sa kanilang katanggapan sa mungkahing Baybaying PUP. Ang talatanungang

papasagutan sa mga repondente ay isang close-ended questionnaire kung saan

may ilang tiyak na kasagutan ang pagpipilian ng mga respondente na ang 5 ay

may katumbas na lubusang sumasang-ayon o lubos na tanggap at 1 naman ay

nangangahulugang lubusang hindi sumasang-ayon o lubos na hindi tanggap. Ito

ay mayroong dalawang bahagi: ang unang bahagi ay tungkol sa pagtanggap ng

mga guro sa paggamit ng baybayin sang-ayon sa talong pangunahing paksa

(kultura, edukasyon at ekonomiya), habang ang ikalawang bahagi naman ay may

kinalaman sa kanilang pagtanggap sa mungkahing pagbabago sang-ayon sa

baybaying Rizaleo at Baybaying PUP na binubuo ng C, Ñ, at Q, bantas at

pamilang.Upang maging mas malinaw ay mayroong inihandang ilustrasyon sa

ibaba:

Mean Deskripsyon

4.50 – 5.00 Lubusang Sumasang-ayon (LS)

3.50 – 4.49 Sang-ayon na Sang-ayon (SS)

2.50 – 3.49 Sang-ayon (S)

1.50 – 2.49 Hindi Sang-ayon (HS)

1.00 – 1.49 Lubusang Hindi Sumasang-ayon (LHS)


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 20

Ang gabay sa interpretasyon sa itaas ay ginamit sa aytem na tinataya ang

katanggapan o pagsang-ayon ng mga guro sa paggamit ng Baybaying PUP batay

sa mga aspektong kultura, edukasyon at ekonomiya.

Mean Deskripsyon

4.50 – 5.00 Lubos na Tanggap (LT)

3.50 – 4.49 Tanggap na Tanggap (TT)

2.50 – 3.49 Tanggap (T)

1.50 – 2.49 Hindi Tanggap (HT)

1.00 – 1.49 Lubos na Hindi Tanggap (LHT)

Ang gabay sa interpretasyon sa itaas ay ginamit sa aytem na tinataya ang

katanggapan ng mga guro sa mga mungkahing pagbabago sa Baybayin sang-

ayon sa Rizaleo, C, Ň at Q, bantas at pamilang. Ang bilog sa bawat pagpipilian sa

aytem ang tumutukoy sa kasagutan o tugon ng mga respondente.

Kalakip ng dalawang pahinang questionnaire na ito ay ang pamplet na

Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino) na naglalaman ng kumpletong

katumbasan ng bawat letra sa alpabeto, kung paano ito isulat, mga karagdagang

simbolo na tutugon sa pangangailangan ng panahon ngayon at ilang mga

halimbawang salita gamit ang mungkahing baybayin. Bukod pa rito ay may mga

halimbawa ring nagpapakita ng pagkakaiba ng lumang baybayin sa bagong

mungkahing baybayin. Makatutulong ito sa mga respondente upang makapag-


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 21

desisyon kung katanggap-tanggap ba ang mungkahing Baybaying PUP (Panulat

ng Unang Pilipino).

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Upang maipamigay ang mga inihandang pamplet at talatanungan upang

matugunan ang suliranin ng isinasagawang pananaliksik ay tumungo sa Lungsod

ng Naga, Camarines Sur ang mananaliksik. Nagsimula ang mananaliksik sa Naga

City School of Arts and Trades kung saan matapos makausap ang punongguro ay

nagtungo ang mananaliksik sa mga tagapangasiwa ng departamento ng Filipino

at English at ipinaliwanag sa kanila ang layon ng isinasagawang pag-aaral.

Matapos nilang maunawaan ay sila na ang siyang namahala sa pamimigay nito sa

kanilang mga hawak na guro na binubuo ng 4 na guro sa Filipino at 4 na guro sa

English. Matapos ito ay nagtungo sa Concepcion Pequeña National High School

ang mananaliksik at sumailalim sa katulad na proseso. Sila naman ay mayroong

4 na guro sa Filipino, 6 sa English at isang parahas na asignatura ang itinuturo.

Matapos dito ay nagtungo naman sa Naga City Science High School ang

mananaliksik kung saan mayroong 2 guro sa Filipino at 4 sa Ingles. At huli ay ang

Cararayan National High School na may tig-5 guro sa Filipino at English. Ang mga

pamplet ay ibinigay na sa mga tagatugon samantalang ang mga talatanungan


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 22

naman ay binalikan isang araw at dalawang araw mula ng ibigay ang mga

instrumentong ginamit.

Kompyutasyong Estadistika

Upang makatulong at makapagpadali sa pag-interpret ng datos, gagamit

ng Bahagdan, Mean at Weighted Mean. Gagamitin ang mga ito ng mananaliksik

upang mabilis na mabigyan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ang ginamit na

instrumento sa pag-alam ng katanggapan sa mungkahing baybayin. Ang mga

pormularyong gagamitin ay nakalahad sa ibaba upang mahango ang tugon.

1. Bahagdan
% = f x 100

x
Na ang:

% - bahagdan

f - bilang ng mga sagot

x - kabuuang bilang ng mga sumagot

100 – constant
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 23

Ang pormulang ito ay gagamitin upang ikompyut ang bahagdan ng

populasyon sang-ayon sa mga kinikilalang elemento sa profayl ng mga tumugon.

2. Mean

Mean = __∑fx___

Na ang:

X – mean

f – dalas ng bilang ng mga kalahok na sumasagot sa bawat

aytem

N – kabuuang bilang ng mga kalahok

∑ - tumutukoy sa kabuuan

3. Weighted Mean

WM = ∑wx

∑w

Na ang:
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 24

WM – weighted mean

∑wx – pagpaparami ng kabuuan ng tugon at bawat tugon

∑w – kabuuan ng tugon
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 25

KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Layon ng pag-aaral na ito na malaman ang katanggapan ng mga guro ng

wika sa Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino). Upang maisakatuparan ang

pag-alam sa katanggapan ay gumamit ng pamplet na naglalaman ng mga

pangunahing kaalaman tungkol sa Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino)

ang mananaliksik na may kalakip na talatanungan na siyang magbibigay nga

kasagutan sa isinasagawang pag-aaral. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay

ilalahad, susuriin at bibigyan ng interpretasyon ang mga nakalap na datos ng

mananaliksik.

Suliranin bilang 1. Paano tinanggap ng mga guro ang mungkahing

Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino) sang-ayon sa mga sumusunod na

kraytirya:

a. Kultural

b. Edukasyunal

c. Ekonomikal
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 26

GABAY:

(5) 4.50 – 5.00 – Lubusang Sumasang-ayon


(4) 3.50 – 4.49 – Sang-ayon na sang-ayon
(3) 2.50 – 3.49 – Sang-ayon
(2) 1.50 – 2.49 – Hindi Sang-ayon
(1) 1.00 – 1.49 – Lubusang Hindi Sumasang-ayon
TALAHANAYAN 5
Mean at Interpretasyon ng Tugon ng mga Guro sa Paggamit ng
Baybaying PUP Batay sa Kultura

KULTURA MEAN INTERPRETASYON

1. Napayayabong ang 3.69 Sang-ayon na sang-


pagkakakilanlang Pilipino sa ayon
pamamagitan ng simbolo at titik ng
Baybayin.

2. Naipepreserba ang sistema ng 4.00 Sang-ayon na sang-


Panulat ng Unang Pilipino. ayon

3. Nagpapakita sa kahalagahan at 4.00 Sang-ayon na sang-


kabuluhan sa pagtanaw sa ayon
Kasaysayan ng lahing Pilipino.

4. Nakapag-aambag sa paglinang ng 3.86 Sang-ayon na sang-


sining sa Pilipinas. ayon

KABUUAN 3.88 Sang-ayon na


sang-ayon

Naglalaman ang talahanayan 5 ng mean at interpretasyon ng tugon ng mga

guro sa paggamit ng Baybaying PUP batay sa kultura. Makikitang sa unang bilang


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 27

ay mayroon itong 3.69 na mean at nangangahulugang sang-ayon na sang-ayon.

Samantalang sa ikalawang bilang ay sang-ayon na sang-ayon din ang mga guro

at ito ay may mean na 4.00. Ang mean naman ng ikatlong bilang ay 4.00 o may

katumbas na sang-ayon na sang-ayon para sa mga guro. Sang-ayon na sang-

ayon muli ang mga guro sa ikaapat na bilang na may mean na 3.86. Sa

pangkalahatan ay kakikitaan ng sang-ayon na sang-ayon na tugon ang mga guro

ng wika sa paggamit ng Baybaying PUP batay sa kultura na may mean na 3.88.

Mahihinuha mula sa mga nakuhang tugon sa itaas na sang-ayon na sang-

ayon ang mga respondenteng guro na napayayabong ang pagkakakilanlang

Pilipino sa pamamagitan ng simbolo at titik ng Baybayin, naipepreserba ang

sistema ng Panulat ng Unang Pilipino, nagpapakita sa kahalagahan at kabuluhan

sa pagtanaw sa Kasaysayan ng lahing Pilipino, at nakapag-aambag sa paglinang

ng sining sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, sang-ayon n sang-ayon ang mga guro

na sa paggamit ng Baybaying PUP sang-ayon sa kultura.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 28

TALAHANAYAN 6
Mean at Interpretasyon ng Tugon ng mga Guro sa Paggamit ng
Baybaying PUP Batay sa Edukasyon

EDUKASYON MEAN INTERPRETASYON

1. Magiging madali ang sistema ng 3.71 Sang-ayon na sang-


pagsulat ng mga Pilipino kung ang ayon
Baybayin ay sisimulan sa
Kindergarten.

2. Malilinang ang kaalamang Pilipino 3.49 Sang-ayon


at Epestimolohiyang Pilipino sa
paggamit ng Baybaying PUP sa
sistema ng pagsulat ng mga Pilipino.

3. Matutugunan ng mungkahing 3.34 Sang-ayon


Baybayin ang mga suliranin sa
ispeling sa pagsulat ng mga
banyagang salita.

4. Maitataas ng mungkahing 3.46 Sang-ayon


Baybayin ang kalidad ng edukasyong
Pilipino na nakasentro sa pagiging
makabayan.

KABUUAN 3.50 Sang-ayon na


sang-ayon

Matatagpuan sa talahanayan 6 ang mean at interpetasyon ng tugon ng mga

guro sa paggamit ng Baybaying PUP batay sa edukasyon. Mapapansing sang-

ayon na sang-ayon ang mga guro at ito ay may mean na 3.71. Sang-ayon naman
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 29

ang mga guro sa ikalawang bilang kung saan mayroon itong mean na 3.49. 3.34

ang mean sa ikatlong bilang o nangangahulugang sang-ayon ang mga guro .

Habang sang-ayon pa rin ang mga guro sa ikaapat na bilang may mean na 3.46.

Sa kabuuang may mean na 3.50 ay malinaw na sang-ayon na sang-ayon ang mga

guro sa paggamit ng Baybaying PUP batay sa edukasyon.

Mabubuo mula sa mga napag-alamang tugon ng mga guro na sang-ayon

na sang-ayon sila na magiging madali ang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino

kung ang baybayin ay sisimulan sa kindergarten. Samantala, sang-ayon sila na

malilinang ang kaalamang Pilipino at epestimolohiyang Pilipino sa paggamit ng

Baybaying PUP sa sistema ng pagsulat ng mga Pilipino, matutugunan ng

mungkahing baybayin ang mga suliranin sa ispeling sa pagsulat ng mga

banyagang salita at maitataas ng mungkahing baybayin ang kalidad ng

edukasyong Pilipino na nakasentro sa pagiging makabayan. Sa pangkabuuan,

sang-ayon na sang-ayon pa rin ang mga guro sa paggamit ng baybayin sang-ayon

sa edukasyon.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 30

TALAHANAYAN 7

Mean at Interpretasyon ng Tugon ng mga Guro sa Paggamit ng


Baybaying PUP Batay sa Ekonomiya

EKONOMIYA MEAN INTERPRETASYON

1. Nagsisilbing pambansang 3.86 Sang-ayon na sang-


pagkakakilanlan ng bansa sa mga ayon
pangunahing produktong ipinagbibili
sa pandaigdigang kalakalan.

2. Nakapanghihikayat sa mga turista 3.60 Sang-ayon na sang-


sa pamamagitan ng paglalagay ng ayon
disenyo o panulat sa mga
pangunahing produkto ng bansa.

3. Nagpapakita ng manipestasyon 3.37 Sang-ayon


sa paggamit ng sistema ng pagsulat
sa mga pangunahing pambansang
parke, gusali at imprastruktura.

KABUUAN 3.61 Sang-ayon na


sang-ayon

Inilalahad ng talahanayan 7 ang mean at interpretasyon ng tugon ng mga

guro sa paggamit ng Baybaying PUP batay sa ekonomiya. Matatagpuan sa unang

bilang ng talahanayan ang mean na 3.86 kung saan ito ay may katumbas na sang-

ayon na sang-ayon na tugon mula sa mga guro . Sang-ayon na sang-ayon muli

ang mga guro o may mean na 3.60 sa ikalawang bilang. Sa mean naman na 3.37
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 31

ay sang-ayon ang mga guro sa huling bilang . Sa pangkalahatan ay mayroon itong

sang-ayon na sang-ayon na tugon ng mga guro sa paggamit ng Baybaying PUP

batay sa ekonomiya o may mean na 3.61.

Makikita mula sa itaas na sang-ayon na sang-ayon ang mga respondente

na magsisilbing pambansang pagkakakilanlan ng bansa sa mga pangunahing

produktong ipinagbibili sa pandaigdigang kalakalan ang Baybaying PUP at

makapanghihikayat sa mga turista sa pamamagitan ng paglalagay ng disenyo o

panulat sa mga pangunahing produkto ng bansa na may baybayin. Habang sang-

ayon naman ang mga guro na nagpapakita ng manipestasyon sa paggamit ng

sistema ng pagsulat sa mga pangunahing pambansang parke, gusali at

imprastruktura ang baybayin.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 32

TALAHANAYAN 8

Komposit Mean at Interpretasyon ng Tugon ng mga Guro sa


Paggamit ng Baybaying PUP

KRAYTIRYA MEAN INTERPRETASYON

1. Kultura 3.88 Sang-ayon na sang-


ayon

2. Edukasyon 3.50 Sang-ayon na sang-


ayon

3. Ekonomiya 3.61 Sang-ayon na sang-


ayon

KABUUAN 3.66 Sang-ayon na


sang-ayon

Sa talahanayan 8 ay makikita ang komposit mean at interpretasyon ng mga

guro sa paggamit ng Baybaying PUP. Ang naging komposit mean ng tatlong

kraytirya (kultura, edukasyon at ekonomiya) ay 3.66 o may katumbas na sang-

ayon na sang-ayon na tugon ng mga guro sa paggamit ng Baybaying PUP. 3.88

ang mean ng kraytiryang kultura sa paggamit ng Baybaying PUP o may katumbas

na sang-ayon na sang-ayon na tugon ng mga guro na siya namang

sinusuportahan ng ideyang nakatulong ang baybayin sa mga unang Pilipino na

magkaunawaan sa isa’t-isa sa kabila ng kaibahan sa rehiyon at etnolinggwistika


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 33

noong unang panahon at ayon mismo sa Boxer Codex, nauunawaan ng mga

Bisaya ang mga Tagalog (Commandante, 2009). Samantalang 3.50 naman ang

mean ng sa edukasyon o may kahulugang sang-ayon na sang-ayon ang tugon ng

mga guro. Habang may mean na 3.61 ang kraytiryang ekonomiya o may katumbas

na sang-ayon na sang-ayon muling tugon ng mga guro sa paggamit ng Baybaying

PUP.

Sa bahaging ito, nalaman din nating sang-ayon na sang-ayon ang mga

respondenteng guro na napayayabong ang pagkakakilanlang Pilipino sa

pamamagitan ng simbolo at titik ng Baybayin, naipepreserba ang sistema ng

Panulat ng Unang Pilipino, nagpapakita sa kahalagahan at kabuluhan sa

pagtanaw sa Kasaysayan ng lahing Pilipino, at nakapag-aambag sa paglinang ng

sining sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, sang-ayon n sang-ayon ang mga guro na

sa paggamit ng Baybaying PUP sang-ayon sa kultura.

Bukod pa rito, napag-alaman din nating sang-ayon na sang-ayon sila na

magiging madali ang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino kung ang baybayin ay

sisimulan sa kindergarten. Samantala, sang-ayon sila na malilinang ang

kaalamang Pilipino at epestimolohiyang Pilipino sa paggamit ng Baybaying PUP

sa sistema ng pagsulat ng mga Pilipino, matutugunan ng mungkahing baybayin


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 34

ang mga suliranin sa ispeling sa pagsulat ng mga banyagang salita at maitataas

ng mungkahing baybayin ang kalidad ng edukasyong Pilipino na nakasentro sa

pagiging makabayan. Sa pangkabuuan, sang-ayon na sang-ayon pa rin ang mga

guro sa paggamit ng baybayin sang-ayon sa edukasyon.

Nakita rin nating sang-ayon na sang-ayon ang mga respondente na

magsisilbing pambansang pagkakakilanlan ng bansa sa mga pangunahing

produktong ipinagbibili sa pandaigdigang kalakalan ang Baybaying PUP at

makapanghihikayat sa mga turista sa pamamagitan ng paglalagay ng disenyo o

panulat sa mga pangunahing produkto ng bansa na may baybayin. Habang sang-

ayon naman ang mga guro na nagpapakita ng manipestasyon sa paggamit ng

sistema ng pagsulat sa mga pangunahing pambansang parke, gusali at

imprastruktura ang baybayin.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 35

Suliranin bilang 2. Paano tinanggap ng mga guro ang mga sumusunod

na kraytirya:

a. Baybaying Rizaleo

b. Baybaying PUP (C, Ñ, at Q)

c. Baybaying PUP (Bantas)

d. Baybaying PUP (Pamilang)

GABAY:

(5) 4.50 – 5.00 – Lubos na Tanggap

(4) 3.50 – 4.49 – Tanggap na Tanggap

(3) 2.50 – 3.49 – Tanggap

(2) 1.50 – 2.49 – Hindi Tanggap

(1) 1.00 – 1.49 – Lubusang Hindi Tanggap


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 36

TALAHANAYAN 9

Mean at Interpretasyon ng Katanggapan ng mga Guro sa Mungkahing


Pagbabago sa Baybayin Batay sa Baybaying Rizaleo

BAYBAYING RIZALEO MEAN INTERPRETASYON

1. Katanggap-tanggap ang mga 3.29 Tanggap


mungkahing simbolo para sa
bawat titik.

2. Katanggap-tanggap ang 3.26 Tanggap


tuntunin sa pagsulat ng pantig.

3. Katanggap-tanggap ang 3.31 Tanggap


prinsipyong ginamit sa pagtukoy
ng pagkakaiba ng mga titik (hal.
b at v, p at f)

4. Katanggap-tanggap ang 3.06 Tanggap


kadalian sa paraan ng pagsulat.

KABUUAN 3.23 Tanggap

Naglalaman ang talahanayan 9 ng mean at interpretasyon ng katanggapan

ng mga guro sa mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa baybaying Rizaleo.

Matutunghayan sa unang bilang na tanggap ng mga guro ang mga mungkahing

simbolo para sa bawat titik o may katumbas na mean na 3.29. Sa ikalawang bilang

naman ay mayroon itong mean na 3.26 o katumbas na tanggap ng mga tagatugon

na guro ang tuntunin sa pagsulat ng pantig. Samantala, matutunghayang 3.31 ang


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 37

mean ng ikatlong bilang na nangangahulugang tanggap ng mga tagatugon ang

prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng pagkakaiba ng mga titik. Sa mean naman na

3.06, makikitang tanggap muli ng mga guro ang kadalian sa paraan ng pagsulat

ng baybayin. Sa kabuuang may 3.23 na mean, masasabi nating tanggap ng mga

tagatugong guro ang mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa Baybaying

Rizaleo.

Mahihinuha mula sa nakuhang resulta sa itaas na tanggap ng mga guro

ang mga mungkahing simbolo para sa bawat titik, tuntunin sa pagsulat ng pantig,

prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng pagkakaiba ng mga titik at kadalian sa paraan

ng pagsulat. Sa pangkalahatan, ay tanggap ng mga guro ang ang baybayin batay

sa Baybaying Rizaleo.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 38

TALAHANAYAN 10
Mean at Interpretasyon ng Katanggapan ng mga Guro sa Mungkahing
Pagbabago sa Baybayin Batay sa C, Ñ, at Q ng Baybaying PUP

BAYBAYING PUP (C, Ñ, at Q) MEAN INTERPRETASYON

1. Katanggap-tanggap ang ugnayan 3.17 Tanggap


ng mga pinaghanguang simbolo sa
pinagmulan ng dagdag na titik.

2. Katanggap-tanggap ang paraan 3.17 Tanggap


ng pagsulat na nagpapakita ng
kaibahan sa mga pinaghanguang
titik.

3. Katanggap-tanggap ang kadalian 3.03 Tanggap


sa paraan ng pagsulat.

KABUUAN 3.12 Tanggap

Sa talahanayan 10 naman ay makkikita ang mean at interpretasyon ng

katanggapan ng mga guro sa mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa c, ñ,

at q ng Baybaying PUP. Sa unang bilang ay matutunghayang tanggap ng mga

guro ang ugnayan ng mga pinaghanguang simbolo sa pinagmulan ng dagdag na

titik sa baybayin at may mean na 3.17. Sa parehong mean na 3.17 ay tanggap ng

mga tagatugon na guro ang paraan ng pagsulat na nagpapakita ng kaibahan sa

mga pinaghanguang titik ng baybayin. Tanggap din ng mga guro ang kadalian sa

paraan ng pagsulat na may mean na 3.03. Sa pangkalahatan, walang-dudang


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 39

tanggap ng mga guro ang mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa c, ñ, at q

ng Baybaying PUP na may mean na 3.12.

Mabubuo mula sa mga kasagutang nakahain sa itaas na tanggap ng mga

gurong tagatugon ang ugnayan ng mga pinaghanguang simbolo sa pinagmulan

ng dagdag na titik sa baybayin, paraan ng pagsulat na nagpapakita ng kaibahan

sa mga pinaghanguang titik ng baybayin, at kadalian sa paraan ng pagsulat. Sa

kabuuan, makikitang tanggap ng mga guro ang c, ñ at q ng Baybaying PUP

(Panulat ng Unang Pilipino).


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 40

TALAHANAYAN 11

Mean at Interpretasyon ng Katanggapan ng mga Guro sa Mungkahing


Pagbabago sa Baybayin Batay sa mga Bantas ng Baybaying PUP

BAYBAYING PUP (BANTAS) MEAN INTERPRETASYON

1. Katanggap-tanggap ang mga 3.23 Tanggap


mungkahing simbolo para sa bawat
titik.

2. Katanggap-tanggap ang tuntunin 3.20 Tanggap


sa pagsulat ng pantig.

3. Katanggap-tanggap ang 3.23 Tanggap


prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng
pagkakaiba ng mga titik (hal. b at v,
p at f)

4. Katanggap-tanggap ang kadalian 3.00 Tanggap


sa paraan ng pagsulat.

KABUUAN 3.16 Tanggap

Ating makikita sa talahanayan 11 ang mean at interpretasyon ng

katanggapan ng mga guro sa mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa mga

bantas ng Baybaying PUP. Mapapansing tanggap ng mga guro ang mga

mungkahing simbolo para sa bawat titik na may mean na 3.23. Sa mean na 3.20

ay tanggap ng mga guro ang tuntunin sa pagsulat ng pantig. Tanggap din ng mga

guro ang prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng pagkakaiba nng mga titik tulad ng sa
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 41

b at v, at p at f. Habang may mean naman ang ikaapat na bilang na 3.00 at

nangangahulugang tanggap ng mga guro ang kadalian sa paraan ng pagsulat ng

baybayin. Sa kabuuan, tanggap ng mga tagatugon na guro ang mungkahing

pagbabago sa baybayin batay sa mga bantas ng Baybaying PUP.

Malinaw na inihayag sa itaas ang naging tugon ng mga guro na tanggap

nila ang mga mungkahing simbolo para sa bawat titik, ang tuntunin sa pagsulat

ng pantig, prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng pagkakaiba ng mga titik at kadalian

sa paraan ng pagsulat. Sa pangkabuuan, tanggap ng mga guro ang Baybaying

PUP (Panulat ng Unang Pilipino) sang-ayon sa mungkahing bantas nito.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 42

TALAHANAYAN 12

Mean at Interpretasyon ng Katanggapan ng mga Guro sa Mungkahing


Pagbabago sa Baybayin Batay sa mga Pamilang ng Baybaying PUP

BAYBAYING PUP (PAMILANG) MEAN INTERPRETASYON

1. Katanggap-tanggap ang 3.26 Tanggap


pagkakaiba ng bawat pamilang.

2. Ang paraan at tuntunin sa 3.29 Tanggap


pagsulat ay kakikitaan ng
kaangkupan sa paggamit ng mga
simbolo sa pagsulat ng
pangungusap.

3. Ang mga simbolo ay hindi 3.08 Tanggap


nagsasanhi ng kalituhan sa
pagsulat.

KABUUAN 3.21 Tanggap

Makikita sa talahanayan 12 ang mean at interpretasyon ng tugon ng mga

guro sa mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa mga pamilang ng

Baybaying PUP. Tanggap ng mga guro ang pagkakaiba ng bawat pamilang na

may mean na 3.26. 3.29 naman ang mean ng ikalawang bilang at

nangangahulugang tanggap ng mga guro na ang paraan at tuntunin sa pagsulat

ay kakikitaan ng kaangkupan sa paggamit ng mga simbolo sa pagsulat ng

pangungusap. Sa ikatlong bilang naman ay tanggap pa rin ito ng mga tagatugon


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 43

na ang mga simbolo ay hindi nagsasanhi ng kalituhan sa pagsulat. Sa kabuuan ay

mayroong mean na 3.21 na malinaw na nagsasabing tanggap nga ng mga

tagatugon na guro mungkahing pagbabago sa baybayin batay sa mga pamilang

ng Baybaying PUP.

Mahihinuha naman sa talahanayang nasa itaas na tanggap ng mga guro

ang pagkakaiba ng bawat pamilang, ang paraan at tuntunin sa pagsulat ay

kakikitaan ng kaangkupan sa paggamit ng mga simbolo sa pagsulat ng

pangungusap at ang simbolo ay hindi nagsasanhi ng kalituhan sa pagsulat. Sa

kabuuan, tanggap ang mga pamilang ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang

Pilipino).
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 44

TALAHANAYAN 13
Komposit Mean ng Katanggapan ng mga Guro sa Mungkahing Pagbabago
sa Baybaying PUP

KRAYTIRYA MEAN INTERPRETASYON

1. Baybaying Rizaleo 3.23 Tanggap

2. C, Ñ, at Q 3.12 Tanggap

3. Bantas 3.16 Tanggap

4. Pamilang 3.21 Tanggap

KABUUAN 3.66 Tanggap

Makikita sa talahanayang ito ang komposit mean ng mga guro sa

mungkahing pagbabago sa Baybaying PUP. Ang kabuuang mean ng naturang

talahanayan ay 3.66 o may katumbas na tanggap ng mga tagatugong guro ang

mungkahing pagbabago sa Baybaying PUP. Sa pag-iisa-isa ay ating mapag-

aalamang naging tanggap ng mga guro ang baybaying Rizaleo na may mean na

3.23. Ang c, ñ, at q naman ay may mean na 3.12 o katumbas na tanggap ng mga

naging tagatugon. Sa mean naman na 3.16 ay malinaw na tanggap ng mga guro

ang mungkahing bantas na mayroon ang Baybaying PUP. Sa bahaging ito ay

mahalaga talaga ang pagkakaroon ng bantas sapagkat kung hindi magiging

katulad ito sa paraan ng pagsulat noong unang panahon na hindi pinaghiwalay

ang mga salita sa baybayin, ang mga titik ay isinulat nang tuloy-tuloy at walang
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 45

agwat-agwat sa pagitan ng mga salita, at ang mga bantas (punctuation) noon ay

isa o dalawang guhit na patayo lamang (Morrow, 2002) na hindi na magiging

angkop sa panahong ito sapagkat maaaring magdulot ng kalituhan. Samantalang

tanggap din ng mga guro ang mungkahing pamilang na may mean na 3.21.

Mula naman sa nakalap na datos sa taas, tanggap ng mga guro ang mga

mungkahing simbolo para sa bawat titik, tuntunin sa pagsulat ng pantig,

prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng pagkakaiba ng mga titik at kadalian sa paraan

ng pagsulat. Sa pangkalahatan, ay tanggap ng mga guro ang ang baybayin batay

sa Baybaying Rizaleo.

Sa mga datos na nakuha ay makikita rin nating tanggap ng mga gurong

tagatugon ang ugnayan ng mga pinaghanguang simbolo sa pinagmulan ng

dagdag na titik sa baybayin, paraan ng pagsulat na nagpapakita ng kaibahan sa

mga pinaghanguang titik ng baybayin, at kadalian sa paraan ng pagsulat. Sa

kabuuan, makikitang tanggap ng mga guro ang c, ñ at q ng Baybaying PUP

(Panulat ng Unang Pilipino).

Makikita ring tanggap nila ang mga mungkahing simbolo para sa bawat titik,

ang tuntunin sa pagsulat ng pantig, prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng

pagkakaiba ng mga titik at kadalian sa paraan ng pagsulat. Sa pangkabuuan,


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 46

tanggap ng mga guro ang Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino) sang-ayon

sa mungkahing bantas nito.

At matatagpuan din nating tanggap ng mga guro ang pagkakaiba ng

bawat pamilang, ang paraan at tuntunin sa pagsulat ay kakikitaan ng

kaangkupan sa paggamit ng mga simbolo sa pagsulat ng pangungusap at ang

simbolo ay hindi nagsasanhi ng kalituhan sa pagsulat. Sa kabuuan, tanggap ang

mga pamilang ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino).

Sa kabuuan, tanggap ng mga guro ang mga mungkahing pagbabago sa

Baybaying PUP sang-ayon sa Baybaying rizaleo, c, ñ, at q, mga bantas at

pamilang na taglay nito. Maaari nating sabihin na maaari na tayong tumungo sa

pagpapatibay pa sa pagpapagamit ng baybayin.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 47

Suliranin bilang 3. Ano ang naging mungkahi ng mga guro ng wika upang mas

mapabuti pa ang Baybaying PUP?

Upang mas mapabuti at mapaunlad pa ang Baybaying PUP ay hiningian ng

mga mungkahi o suhestyon ang mga tagatugong guro kung paano ito

mapalalawak. Ayon sa isang guro ay magiging mas maganda raw ang Baybaying

PUP kung ating matutumbasan ang maraming dayuhang wika na patuloy na

dumadami sa bansa o magkaroon ng pandaigdigang kompetensi tulad ng ibang

mga wika. Ayon naman sa isang guro sa Filipino na nagtuturo ng kaunting mga

kaalaman tungkol sa baybayin bilang bahagi ng pagtalakay sa kaligirang

pangkasaysayan ng ating panulat ay magiging mas epektibo ang pagtuturo nito

kung sisimulan ang pagtuturo sa kindergarten, ipagpaapatuloy sa elementarya,

hanggang sa sekondarya. Kailangan lamang daw ay bukas na pag-iisip at

pananaw na sa simula ay talagang mahirap ito ngunit sa matiyagang pag-aaral at

paggabay, tiyak ito ay matutuhan. At bilang pakikiisa, dapat ay handa rin ang mga

kapwa niya guro na pag-aralan maigi ang baybayin at ituro nang dahan-dahan

hanggang sa ito ay ganap na matutuhan. At bilang huli, ayon naman sa isang guro

sa English ay mas maganda raw kung ito ay ituturo sa mga nasa elemntarya at

sekondarya. Makatutulong ito upang maging maganda ang pagtingin ng mga

Pilipino sa ating kultura at mas bibigyan ng pagpapahalaga ang lahat ng

pinaghirapan ng atig mga ninuno.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 48

Ilan llamang ang mga nakalahad sa itaas sa mga mungkahing

makatutulong sa pagpapaunlad ng Baybaying PUP ngunit maganda na itong

simulain sa mas maayos at matagumpay na Panulat ng Unang Pilipino.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 49

KABANATA 5

LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lalamanin ng kabanatang ito ang mga natuklasan, konklusyon at

rekomendasyong nakuha mula sa ikaapat na kabanata ng isinasagawang

pananaliksik tungkol sa katanggapan ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang

Pilipino) sa mga guro ng wika sa pampublikong mataas na paaralan ng Lungsod

ng Naga, Camarines Sur na binubuo ng kabuuang bilang na 35 respondente.

Mga Natuklasan

Ayon sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik na:

1. Nakakuha ng pangkalahatang mean na 3.66 at may interpretasyong sang-

ayon na sang-ayon ang pagtanggap ng mungkahing baybayin. Ang

kraytiryang kultura ay may mean na 3.88 --sang-ayon na sang-ayon,

edukasyon ay may mean na 3.50 -- sang-ayon na sang-ayon at

ekonomiya ay may mean na 3.61 -- sang-ayon na sang-ayon.

2. Nakakuha ng pangkalahatang mean na 3.66 at may interpretasyong

tanggap ang pagtanggap ng mungkahing pagbabago sa baybayin sa

kraytiryang Baybaying Rizaleo na may mean na 3.23 --tanggap, c, ñ at q


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 50

ng Baybaying PUP na may mean na 3.12 – tanggap, bantas ng Baybaying

PUP na may mean na 3.16 –tanggap at pamilang ng Baybaying PUP na

may mean na 3.21 -- tanggap.

3. Iminungkahi ng mga guro ang mga sumusunod: tumbasan ang maraming

wikang patuloy na namamayagpag sa bansa, simulan ang pagtuturo nito

sa kindergarten, tuloy sa elementarya, sekondarya at hanggang kolehiyo,

at dapat ay maging handa ang mga gurong maaaring magturo nito na

pag-aralan ito at ipalaganap.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral ay nabuo ng mananaiksik ang mga

sumusunod na konklusyon:

1. Sang-ayon na sang-ayon ang mga respondenteng guro na napayayabong

ang pagkakakilanlang Pilipino sa pamamagitan ng simbolo at titik ng

Baybayin, naipepreserba ang sistema ng Panulat ng Unang Pilipino,

nagpapakita sa kahalagahan at kabuluhan sa pagtanaw sa Kasaysayan

ng lahing Pilipino, at nakapag-aambag sa paglinang ng sining sa Pilipinas.

Sa kabuuan ay sang-ayon na sang-ayon sila sa kultural na aspekto ng

Baybaying PUP.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 51

Sang-ayon na sang-ayon naman ang mga guro na magiging madali ang

sistema ng pagsulat ng mga Pilipino kung ang baybayin ay sisimulan sa

kindergarten. Sang-ayon naman ang mga respondente na malilinang ang

kaalamang Pilipino at epestimolohiyang Pilipino sa paggamit ng Baybaying

PUP sa sistema ng pagsulat ng mga Pilipino, matutugunan ng mungkahing

baybayin ang mga suliranin sa ispeling sa pagsulat ng mga banyagang

salita at maitataas ng mungkahing baybayin ang kalidad ng edukasyong

Pilipino na nakasentro sa pagiging makabayan. Nangangahulugang sang-

ayon ang mga guro sa edukasyong aspekto ng Baybaying PUP.

Sang-ayon na sang-ayon ang ang mga guro ng wika na magsisilbing

pambansang pagkakakilanlan ng bansa sa mga pangunahing produktong

ipinagbibili sa pandaigdigang kalakalan ang Baybaying PUP at

makapanghihikayat sa mga turista sa pamamagitan ng paglalagay ng

disenyo o panulat sa mga pangunahing produkto ng bansa na may

baybayin. Habang, sang-ayon naman ang mga guro na nagpapakita ng

manipestasyon sa paggamit ng sistema ng pagsulat sa mga pangunahing


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 52

pambansang parke, gusali at imprastruktura ang baybayin. Samakatuwid

ay masasabi nating , sang-ayon na sang-ayon sa ekonomikal na aspekto

ng Baybaying PUP ang mga guro.

2. Tanggap ng mga guro ang mga mungkahing simbolo para sa bawat titik,

tuntunin sa pagsulat ng pantig, prinsipyong ginamit sa pagtukoy ng

pagkakaiba ng mga titik at kadalian sa paraan ng pagsulat. Kaya naman

masasabi kong, atanggap ng mga guro ang ang baybayin batay sa

Baybaying Rizaleo.

Tanggap naman ng mga gurong tagatugon ang ugnayan ng mga

pinaghanguang simbolo sa pinagmulan ng dagdag na titik sa baybayin,

paraan ng pagsulat na nagpapakita ng kaibahan sa mga pinaghanguang

titik ng baybayin, at kadalian sa paraan ng pagsulat. Kung susumahin,

makikitang tanggap ng mga guro ang c, ñ at q ng Baybaying PUP (Panulat

ng Unang Pilipino).

Pawang tanggap ng mga guro ang mga mungkahing simbolo para sa bawat

titik, ang tuntunin sa pagsulat ng pantig, prinsipyong ginamit sa pagtukoy


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 53

ng pagkakaiba ng mga titik at kadalian sa paraan ng pagsulat. Sa

pangkabuuan, walang dudang tanggap ng mga guro ang Baybaying PUP

(Panulat ng Unang Pilipino) sang-ayon sa mungkahing bantas nito.

Tanggap din ng mga guro ang pagkakaiba ng bawat pamilang, ang paraan

at tuntunin sa pagsulat ay kakikitaan ng kaangkupan sa paggamit ng mga

simbolo sa pagsulat ng pangungusap at ang simbolo ay hindi nagsasanhi

ng kalituhan sa pagsulat. Nangangahulugan lamang itong, tanggap ang

mga pamilang ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino).

3. Mula sa mga naging mungkahi ng mga respondente, magiging epektbo nga

naman ang paggamit at pagtuturo ng Baybaying PUP kung sisimulan ito sa

kindergarten na siyang pangunahing pinagdadaanan ng tao upang siya ay

matutong sumulat. Higit pa ngang mas magiging mainam kung

magkakaloob ng house-to-house na pagtuturo ang mga taong may kayang

magsulat ng baybayin at ituro sa mga magulang na siya naman talagang

mas nagiging unang guro ng mga bata. Mapaghuhusay din itong lalo kung

magkakaroon ng mga palihang makatutulong sa mga guro ng wika na

matutuhan ito ng lubusan. Hindi lamang dapat ito hihinto sa mga guro,

bagkus pati sa bawat komunidad upang maging mas malawig ang bilang
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 54

ng mga taong nag-aaral nito at gumagamit nito. At nawa ay suportahan ng

gobyernong Pilipino ang naturang programa kung sakaling ito ay ipanukala

at maging bahagi ng kurikulum at edukasyon, at muli, bilang bahagi ng ating

wika’t kultura.

MGA REKOMENDASYON

Sa mga mag-aaral

Bilang mga pinaniniwalaang pag-asa ng bayan, marapat ay matutuhang

matanggap ng mga mag-aaral ang posibiilidad na gamiting sistema ng panulat ng

bansa ang Baybayin o Baybas ying PUP (Panulat ng Unang Pilipino) at simulan

sa sarili nila ang pagpapaunlad ng ating sariling panulat.

Sa mga guro :

Bilang mga pangunahing tao na magiging instrumento sa pagpapalaganap

at pagpapagamit ng wika sapagkat sila ang magtuturo sa mga mag-aaral, sana ay


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 55

maging bukas sila sa mas malalim na pag-aaral tungkol sa Baybayin at patuloy

nilang ibahagi ang mga ipmpormasyong kanyang nakalap.

Sa mga tagapangasiwa ng Kolehiyo ng Edukasyon:

Bilang isang institiusyong lumilikha ng mga panghinaharap na guro ay

mainam sanang sa kanila magmula ang pag-aaral sa mga pangunahing ideya o

kaalaman sa panulat na Baybayin upang maging bukas sa kanila sa maagang

panahon ang pagtuturo ng Baybayin.

Sa Kagawaran ng Edukasyon

Bilang pangunahing institusyon na nangangasiwa ng edukasyon sa bansa

ay maganda na magpatupad sila ng mga proyektong muling makapagpapabuhay

ng unti-unti nang nawawala at namamamatay na Baybayin. Sa isasagawang

pagtutupad ay maganda kung sisimulan ito sa pinakamababang antas ng pag-

aaral o kindergarten at itutuloy-tuloy hanggang sa sekondarya. Mas maganda rin

sana kung maging ang mga guro ay bigyan ng mga serye ng palihan na

makatutulong sa kanila sa pagtuturo ng Baybayin.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 56

Sa mga susunod na mananaliksik

Bilang mga mananaliksik ay mainam kung itataguyod at ipagpapatuloy nila

ang nasimulan ng pananaliksik na siyang magiging mitsa ng patuloy na muling

pagkabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng Panulat ng Unang Pilipino.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 57

BIBLIYOGRAPIYA

Santos, H. (1995-1996). The Tagalog Script. July 28, 1998, mula sa


http://www.bibingka.com/dahon/tagalog/tagalog.htm

Santos, H. (1995-1996). Sulat sa Tanso: The Laguna Copperplate Inscription. (A


Philippine Document from 900 A.D. July 28, 1999, mula sa
http://www.bibingka.com/dahon/lci/lci.htm

Morrow, P. (2002). Baybayin – Ang Lumang Sulat ng Filipinas, mula sa


http://www.mts.net/~pmorrow/baynotes.htm.

Comandante, B. (2010). Baybayin Dance : Script Forms Through Time (Sining at


Agham ng Palapantigan), mula sa http://www.baybayin360.org.

Comandante, B. (2010). Ancient Baybayin: Early Mother-Tongue Based


Education Model. December 13, 2015.

Kabuay, K. (2014). Baybayin History, mula sa http://blog.baybayin.com


/tutorials/baybayin-history.

Grosswiler, P. (2004). Dispelling the Alphabet Effect, mula sa http://www.cjc-


online.ca/index.php/journal/article/viewArticle/1432/1540.

Palmer, K. (2009). Writing: A Necessary Undertaking in Advanced. Volume 1,


Number 12. February 29, 2016, mula sa http://www.studentpulse.com/
articles/92/writing-a-necessary-undertaking-in-advanced-society

Xinghua, D. Cognitive Power Of Chinese Characters And Their Influence On


Ancient Chinese Science And Technology, mula sa http://projects.
chass.utoronto.ca/mcluhan-studies/v1_iss3/1_3art7.htm
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 58

APPENDICES

Punong-Guro: Petsa:
Paaralan: Tirahan:

Ika - ng Marso, 2016

Mahal na Punong-guro:

Pagbati!

Ang inyo pong lingkod ay kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang


Edukasyon sa Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas at kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik na may paksang:
“Katanggapan ng Mungkahing Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino)”

Layunin po nitong matukoy ang antas ng pagtanggap ng Mungkahing Baybayin


sa mga guro ng mga paaralan. Kaugnay po nito ay hinihiling sa inyong
tanggapan na mapayagang makapagpasagot ng mga talatanungan sa inyong
mga guro upang maisakatuparan ang nasabing pananaliksik.

Makaaasa po kayo na ang mga impormasyong makakalap ay mananatiling


kompidensiyal at gagamitin lamang ayon sa layunin ng pananaliksik.

Kalakip po ang mga pamphlet at talatanungang ipasasagot sa mga guro.

Pauna na po ang pasasalamat sa inyong positibong katugunan.

Lubos na sumasainyo,

Jonnie L. Balllaran
Mananaliksik

Binigyang pansin:

Dr. Jennifor L. Aguilar


Tagapangulo, DESED
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 59

Guro: Petsa:
Paaralan: Tirahan:

Ika- ng Marso, 2016

Mahal naming Guro:

Pagbati!

Ang inyo pong lingkod ay kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang


Edukasyon sa Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipnas at kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik na may paksang:
“Katanggapan ng Mungkahing Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino)”

Layunin po nitong matukoy ang antas ng pagtanggap ng Mungkahing Baybayin sa


mga guro ng mga paaralan. Kaugnay po nito ay hinihiling na mataya ang
Mungkahing Baybayin sa pamamagitan ng pagtugon sa inihandang talatanungan.

Makaaasa po kayo na ang mga impormasyong makakalap ay mananatiling


kompidensiyal at gagamitin lamang ayon sa layunin ng pananaliksik.

Kalakip po ang mga pamphlet at talatanungang ipasasagot sa mga guro.

Pauna na po ang pasasalamat sa inyong positibong katugunan.

Lubos na sumasainyo,

Jonnie L. Ballaran
Mananaliksik

Binigyang pansin:

Dr. Jennifor L. Aguilar


Tagapangulo, DESED
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 60
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 61

TALATANUNGAN PARA SA MGA GURO NG WIKA

Profayl ng Tagatugon
Pangalan : _________________________________________
Lokasyon ng Paaralan: _______________________________
Asignaturang itinuturo: ______________________
Antas ng Tinuturuan:________________________
Tagal sa Panunungkulan: ____________________

I. Ebalwasyon ng Baybaying PUP.

Panuto: Bilugan ang marka na tumutugon sa nais na kasagutan.

Kraytirya Interpretasyon

5 - Lubusang Sumasang-ayon (LS)


4 - Sang-ayon na sang-ayon (SS)
3 - Sang-ayon (S)
2 - Hindi Sang-ayon (HS)
1 - Lubusang Hindi Sumasang-ayon (LHS)

LS SS S HS LHS
Kraytirya 5 4 3 2 1
I. PAGGAMIT NG BAYBAYIN

A.Kultura
1. Napayayabong ang
pagkakakilanlang Pilipino sa 5 4 3 2 1
pamamagitan ng simbolo at titik ng
Baybayin.
2. Naipepreserba ang sistema ng
Panulat ng Unang Pilipino. 5 4 3 2 1
3. Nagpapakita sa kahalagahan at
kabuluhan sa pagtanaw sa 5 4 3 2 1
Kasaysayan ng lahing Pilipino.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 62

4. Nakapag-aambag sa paglinang ng
sining sa Pilipinas. 5 4 3 2 1
B. Edukasyon
1. Magiging madali ang sistema ng
pagsulat ng mga Pilipino kung ang 5 4 3 2 1
Baybayin ay sisimulan sa Kindergarten.
2. Malilinang ang kaalamang Pilipino at
Epestimolohiyang Pilipino sa paggamit 5 4 3 2 1
ng Baybaying PUP sa sistema ng
pagsulat ng mga Pilipino.
3. Matutugunan ng mungkahing
Baybayin ang mga suliranin sa ispeling 5 4 3 2 1
sa pagsulat ng mga banyagang salita
4. Maitataas ng mungkahing Baybayin
ang kalidad ng edukasyong Pilipino na 5 4 3 2 1
nakasentro sa pagiging makabayan.
C. Ekonomiya
1. Nagsisilbing pambansang
pagkakakilanlan ng bansa sa mga 5 4 3 2 1
pangunahing produktong ipinagbibili sa
pandaigdigang kalakalan.
2. Nakapanghihikayat sa mga turista sa
pamamagitan ng paglalagay ng 5 4 3 2 1
disenyo o panulat sa mga pangunahing
produkto ng bansa.
3. Nagpapakita ng manipestasyon sa
paggamit ng sistema ng pagsulat sa 5 4 3 2 1
mga pangunahing pambansang parke,
gusali at imprastruktura.
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 63

I. Mangyaring bigyan ng pagtataya ang mungkahing pamplet sa Baybayin


ayon sa mga karaytiryang nakasaad.

Panuto: Bilugan ang marka na tumutugon sa nais na kasagutan.

Kraytirya Interpretasyon

5 - Lubos na Tanggap (LT)


4 - Tanggap na Tanggap (TT)
3 - Tanggap (T)
2 - Hindi Tanggap (HT)
1 - Lubos na Hindi Tanggap (LHT)

LHT TT T TT LT
Kraytirya 5 4 3 2 1
II. MUNGKAHING PAGBABAGO
A. Rizaleo
1. Katanggap-tanggap ang mga
mungkahing simbolo para sa bawat titik. 5 4 3 2 1
2. Katanggap-tanggap ang tuntunin sa
pagsulat ng pantig. 5 4 3 2 1
3. Katanggap-tanggap ang prinsipyong
ginamit sa pagtukoy ng pagkakaiba ng 5 4 3 2 1
mga titik (hal. b at v, p at f)
4. Katanggap-tanggap ang kadalian sa
paraan ng pagsulat. 5 4 3 2 1
B. Baybaying PUP
C, Ň at Q
1. Katanggap-tanggap ang ugnayan ng
mga pinaghanguang simbolo sa 5 4 3 2 1
pinagmulan ng dagdag na titik.
2. Katanggap-tanggap ang paraan ng
pagsulat na nagpapakita ng kaibahan sa 5 4 3 2 1
mga pinaghanguang titik.
3. Katanggap-tanggap ang kadalian sa
paraan ng pagsulat. 5 4 3 2 1
Bantas
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 64

1. Katanggap-tanggap ang
iminumungkahing simbolo para sa mga 5 4 3 2 1
bantas.
2. Katanggap-tanggap ang kaangkupan ng
laki at porma ng mga mungkahing bantas. 5 4 3 2 1
3. Katanggap-tanggap ang piling bantas
na gamitin sa pagsusulat. 5 4 3 2 1
4. Katanggap-tanggap ang kadalian sa
paraan ng pagsulat. 5 4 3 2 1
Pamilang
1. Katanggap-tanggap ang pagkakaiba ng
bawat pamilang 5 4 3 2 1
2. Ang paraan at tuntunin sa pagsulat ay
kakikitaan ng kaangkupan sa paggamit ng 5 4 3 2 1
mga simbolo sa pagsulat ng
pangungusap.
3. Ang mga simbolo ay hindi nagsasanhi
ng kalituhan sa pagsulat. 5 4 3 2 1

Maraming Salamat po.


POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 65

CURRICULUM VITAE

Jonnie L. Ballaran
Purok 5 Caldozo Compound, Brgy. Tanyag, Taguig City
09098367272
Jonnie_lhoverboy25@yahoo.com

PERSONAL INFORMATION

Birthdate January 25, 1997


Birthplace Caramoan, Camarines Sur
Age 19
Religion Roman Catholic
Civil Status Single

EDUCATIONAL BACKGROUND
Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Manila
Bachelor in Secondary Education Major in Filipino
2013-Present

Upper Bicutan National High School


Upper Bicutan, Taguig City
2009 - 2013

Bagong tanyag Elementary School


Purok 2, Barangay Tanyag, Taguig City
2003 - 2009
POLITEKNIKONG UNIIBERSIDAD NG PILIPINAS 66

ACTIVITIES AND INVOLVEMENT:

Academic

• President, DAMLAY PUP STA.MESA


February 2015 – Present

• Member, DAMLAY INC. (National)


February 2015– Present

You might also like