Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
RODRIGO D. PALMERO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

DAYAGNOSTIKONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 UNANG MARKAHAN

Pangalan:________________________________ Iskor:_________
Petsa: ___________________________

I. Panuto: bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi pahayag sa pagbibigay patunay?


a. Nagpapahiwatig b. Nagpapakita c. kapani-paniwala d. Marahi

2. Alin sa sumusunod ang ekspresyong naghahayag ng posibilidad?


a. Sa palagay ko b. Dahil sa c.Naging d. ng

3. Ang pangungunap na “Pagkat iisa lamang ang buhay ng tao, nararapat lamang na sulitin niya ito” ay
halimbawa ng pang- ugnay na ginagamit sa _________________.
a. Pagbibigay sanhi b. Pagbibigay ng bunga c. pagbibigay kondisyon d. pagsalungat

4. Anong salita ang ginamit bilang pang-ugnay sa pangungusap na; “masarap magluto si Anna, palibhasa’y
laki sa pamilya ng chef.”?
a. si b. palibhasa c. ng d. sa

5. kailang ginagamit ang pang-angkop na na?


a. kapag ang unang salita ay nagtatapos sa N c. kapag ang unang salita ay nagtatapos sa patinig
b. kapag ang unang pangungusap ay nagtatapos sa katinig maliban sa N d. wala sa nabanggit

II. Basahin ang seleksiyon sa ibaba, tukuyin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Salungguhitan ng
isang beses ang mga pariralang nagsasaad ng SANHI. Salungguhitan ng dalawang beses ang mga
pariralang nagsasaad ng BUNGA. BILUGAN ang mga pang-ugnay na ginamit

“Napapansin kong lagi na lang akong pinagagalitan ni Inay, lalo na’t kung natatalo siya sa sugal. Noong isang
araw, halos mabuwal ako sa daan nang maitulak niya ako dahil sa pangigigil, muntik rin akong masagasaan ng
paparating na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganoon si inay. Kanian, natalo na naman siya sa sugal kaya
galit na naman siyang umuwi sa amin. Naghahanap siya ng makakain ngunit hindi pa naman ako nakapagsaing,
wala naman kasing iniwang pera sit ay. Tiyak mabubugbog na naman ako ni inay, kaya parang gusto ko na lang
umalis, gusto kong takas an si inay. Dali-daling ibinalot ko ang mga gamit ko, aalis ako dahil hindi ko na kaya
ang ginagawa sa akin ni inay. Paalam inay, sana’y hindi ka na matalo sa sugal dahil wala na ako, wala ang malas
sa buhay ni inay.”

III. Ilagay sa tamang posisyon ang mga salitang nasa kahon.

Nagpapahiwatig baka puwede siguro kapani-paniwala sapagkat


naging dahil dito kaya naman na ng laban sa ayon kay
Pati at o ni kapag pag basta ngunit subalit

Pagbibigay patunay

Posibilidad

Sanhi

Bunga
Pang-angkop

Pang-ukol

Pangatnig na pandagdag

Pangatnig na pamukod

Pangatnig na pagbibigay sanhi/bunga

Pangatnig na pagbibigay bunga o resulta

Pangatnig na nagsasaad ng kondisyon o pasubali

Pangatnig na nagsasaad ng pagkontra o pagtutol

IV. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.

Gumuhit siya ng ibon


Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda
Lumangoy ito sa hangin
Gumuhit siya ng bulaklak
Nagkalat ang halimuyak sa dilim
Iginuhit niya ang sarili
At inangkin siya ng kambas

6. Ang akda ay halimbawa ng isang


a. Tula b. Dula c. sanaysay d. Nobela

7. Ano ang maaaring pinakaangkop na pamagat ng akda?


a. Ang Pintor b. Malayang Buhay c. Kambas d. Pagguhit

8. Ano ang nararamdaman ng may akda habang sinusulat ito?


a. Masaya b. Payapa c. Naiinis d. Nalulungkot

9. Saan maaari ang lugar na pinangyarihan habang nagsusulat ang may akda?
a. Hardin b. Bundok c. Dagat d. Lahat ng nabanggit

10. anong uri ito ng akda?


a. Makatotohanan b. Di- makatotohanan c. kababalaghan d. Pantasya

11. Alin ang hindi makatotohanang bahagi ng akda?


a. Lumipad palayo b. Inangkin ng kambas c. humalimuyak sa dilim d. Lahat

V. Isulat ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita.

12. Pangatnig-

13. Pang-ukol-

14. Pang- angkop-

15. Pang- abay na kusatibo-

You might also like