Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tatlong Mukha ng Kasamaan

sinulat ni U Nu
Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas

Mayroong tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: Ang kasakiman,


galit/poot at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan kahit anuman ang paniniwala ng isang tao
ay naituturing itong batas ng kalikasan.
Mayroon ding tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay ang pagtanda,
karamdaman at kamatayan.
Meron ding limang katangian ng tao mula sa kanyang pagsilang, ang mapahalaga sa nakikitang
kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika, magpahalaga sa pagkaing kanyang naibibigan
at makapaguri ng iba't ibang halimuyak.
Ngunit ang angking katangiang ito ay hindi panghabang panahon.
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala sapagkat walang
sinuman ang makapagpapatunay na ito ay nadala o madadala sa kanyang sariling libingan.
Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin
nila ay wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi
nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman.
sinasabi rin ng marami ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang
kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan.
Sinasabi dito na dapat gamitin ang yamang material ng ng tao para sa kanyang pangangailangan.
Ngunit ng makilala na ng tao ang pagiging sakim, nagdulot ito ng maraming bagay sa lipunan
tulad ng:
1.) Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mga mamayaman at ang mga mahihirap.
2.) Ang mahirap ay laging umaasa sa mga mayayaman may puhunan, samantalang ang mga
negosyanteng nagbitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya gagamitin ang kanyang
yaman.
3. ) Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan.
Bunga ng ganitong paramamaraan ang mahihirap ay natututong magnakaw, pumatay, at magbenta
ng katawan
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano
nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan.
Merong alamat tungkol sa isang punongkahoy na may pangalang Padaythabin (punongkahoy na
pinagmumulan ng pangangailangan ng tao) na sinasabi sa panahong iyon ay namumuhay ang tao
ng walang suliranin.
dahil lahat ng gusto ng tao ay napipintas nito sa puno ngunit nakilala ng tao ang kasakiman at
inabuso nila ang punongkahoy. Mula noon ay namuhay ang tao sa kahirapan at nakilala na ng tao
ang krimen.
Maihahambing natin ang punong Padaythabin sa ating Likas na yaman kung ito ay gagamitin ng
tama ng bawat mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom at walang
gagawa ng krimen tulad ng pagpatay at pagnanakaw.
Sa panahon ngayon, maraming mahirap na gustong yumaman at maraming mayaman ang
gustong maangkin ang lahat para mamuhay ng walang katapusan.6.) Hindi rin uunlad ang bansa
kung ang mamamayan o ang higit na nakakarami ay mangmang.
Ang Tatlong Mukha ng kasamaan
5.) Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami ng parami ang
mga uri ng napagsasamantalahan. Wastong edukasyon ang makapagpapaunlad ng kanyang buhay.

You might also like